CHAPTER 42

Ilang minuto na lnng, ire-reveal na ang ranking at buong bansa ay nakaabang dito. Dito malalaman kung kaninong company ang may pinakamataas na sales the whole year. Some other companies lalo na iyong maliit palang, didn't even bother joining here, but the Miller's na may hawak ng titulo, hindi nila hahayaan na bumaba sila sa puwesto nila ngayon. As much as possible, they want to maintain to the top.

Tensyonado na sina Mrs. Olivia para sa kumpanya. Nag-iinit na ang mga mata nila na makita ang pangalan sa big screen revealing their name on the first rank. Iyon lang ang gusto nilang makita lalo na ang ama niya. At isa lang ang ibig sabihin nito, wala nang atrasan ang pagpapakasal Winston kay Tiffany. Ni hindi man lanng niya nagawan ng paraan na makumbinsi ang Daddy ni Tiffany na i-urong dahil sa sobrang pagmamahal nito sa anak niyang spoiled brat, he will do everything para masunod ang gusto nito. Para mabigay sa kanya ang lahat nang gustuhin niya, ano man ang magiging kahihinatnan nito. Makakabuti man o makakasama.

FLASHBACK

Naka-cross legs si Misis Olivia habang nakaupo sa harapan ng Daddy ni Tiffany. She is planning to convince this old man na huwag nang ipagpatuloy ang kasal. Maganda ang bungad sa kanya nito at halatang clueless tungkol sa dahilan ng pagsadya niya mismo sa opisina nito.

"Ayaw ko nang magpaligoy-ligoy pa." Panguna ni Misis Olivia.

Napakunot-noo ang daddy ni Tiffany sa kanya."Yes, Mrs. Miller?"

"I want to call off the wedding," malamig na sinabi nito.

Halos mabingi ang Daddy ni Tiffany. Iniiisip niyang nababaliw na siguro ang asawa ni Mr. Aragon.

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Mrs. Miller? You will call off the wedding?"

"Yes. Tama naman siguro ang pagkakasabi ko. Enough para maintindihan mo." Pagtataray nito sa kanya. Palaban naman kasi si Misis Olivia. Lalo pa't anak niya ang nakataya dito.

"Sorry, Mrs. Miller. Pero, hindi naman ikaw ang nakipagkasundo sa akin tungkol sa bagay na ito. Isa pa, hindi na puwedeng umatras ang panig niyo sa kasalang magaganap dahil planado na iyon. Kung sakali mang ipagpipilitan niyo pa rin, I will pull out my shares during the ranking day. Sa lahat talaga nang ayaw ko ay ang mga taong hindi sumusunod sa usapan."

Mrs Olivia tried to compose herself. Nanginginig ang mga kamay niya sa galit. Lahat nang 'to, sinisisi niya sa asawa niyang si Mr. Aragon. Lahat nang ito, nangyari dahil lang naman sa kanya. Hindi man lang nito inisip kung gaano karuming maglaro ang ama ni Tiffany. Ni hindi man lang nito inisip na ipapain niya ang anak niya para lang sa pangalan na iniingatan niya which isn't right. Kung siya ang papipiliin, wala siyang pakialam sa ranking na ito. Ang mahalaga lang naman sa kanya ay ang maging tunay na masaya si Winston, ang kasa-isa niyang anak. Pero mukhang ngayon pa lang, mayroon na agad na hadlang. How can she let her son marry such a girl like Tiffany? Her poor son! Mapupunta sa ganoong klasing babae.

END OF FLASHBACK

"You seems tensed, honey. Just relax." Si Mr. Aragon ang nagsalita mula sa likoran ni Mrs. Olivia. Hindi niya ito pinansin.

This man is acting up like everything okay pero hindi. Galit sa kanya sa kanya si Mrs. Olivia at mula pagdating niya, hindi na niya ito kinakausap nang masyado para madala ito. Isa pa, siya naman ang nagpasok sa sarili niya sa ganitong sitwasyon. Tanging si Winston lang talaga ang iniisip niya. His future with the girl he truly loves.

"Magiging masaya ka ba, Aragon? Makikita mo ang company name natin sa rank one, pero dahil sa panggagamit mo sa anak mo? This is all your fault! Malalagay pa sa alanganin ang kasiyahan ng anak mo dahil sa pagiging makasarili mo, e! Kung sana, noon pa lang, sinabi mo nang hindi mo kaya para umuwi agad ako at natulungan kita! Ngayon, saan ka dinala ng pride mo? Hindi ba mas lalong naapakan ang pagkalalaki mo dahil ginamit mo ang sarili mong anak para lang manatili sa taas? Kung tutuusin, kaya natin ito, e. Kaya nating manatili rangko. Pero duwag ka! Duwag ka, Aragon!""

"Damn it, shut up!!" singhal nito sa pagmumukha ng asawa niya. He even covered his ears. Gulong-gulo siya at parang mababaliw dahil sa pag-e-echo nang lahat ng katotohanang sinabi sa kanya ni Mrs. Olivia. Lahat nang salitang binitawan nito sa kanya ay tama.

Nagitla si Mrs. Olivia sa pagsigaw sa kanya ni Mr.. Aragon. Nanginig ang mga labi at kamay niya sa gulat.

"I'm done with this, Aragon. I'm so done with you!" nanginginig niyang sigaw sa harapan nito. She then grabbedher designer bag na nakapatong sa mesa and went straight to the office door. Tuloy, naiwan si Mr. Aragon sa opisina niya,nangininig sa galit at sakit ng mga salitang natanggap niya mula sa mismo niyang aasawa. Totoo pala talaga na truth hurts. Pero, hindi niya pa rin matatanggap ang ginawa niyang mali. Hindi niya kayang tanggapin. Pinipilit niyang paniwalain ang sarili niya na ginawa niya lahat ng ito para sa ikabubuti ng kompanya. Puro kompanya ang iniisip niya at hindi na naisip ang sarili niyang anak.

Wala si Winston sa opisina. Wala rin ito sa bahay. Mas lalong wala itong kamalay-malay na lilisanin na siya ni Karina. The day has finally come. Ranking day na, ibig sabihin ay araw na ng pag-alis niya. Masakit man, pero kailangan niyang hanapin ang sarili niyang kapalaran. Masakit man, pero, kailangan niyang tanggapin na hindi talaga siya para kay Winston.

Mapait siyang ngumitii habang sinasariwa ang mga alaala niya kay Winston. Simula nang dumating siya sa bahay na ito. Ang pagsusuplado nito sa kanya, ang pang-aasar nito. Lahat, pati ang mga mainit na gabing pingsaluhan nilang dalawa. Lahat iyon ay babauunin niya sa pag-alis niya.

All her bags were packed. Pinagplanuhan na niya talaga ito. Pero kahit pala planado na ang lahat, naiiyak pa rin siya. Parang kalahati na kasi ng buhay niya ang maiiwan. She's sorry for Winston dahil ni hindi niya man lang ito kayang samahan na lumaban para sa pag-iibigan nilang dalawa. Ayaw na niyang mamalagi pa dito dahil sigurado naman siya, few days from now, kakalat na ang balita at mga imbitasyon tungkol sa magiging kasal nina Winston at Tiffany at bibiyakin lang nitoang puso niya if she will continue to stay here. Hindi naman siya gano'n ka-masokist para manatili. She loves Winston. Sobra-sobra pa nga, pero kahit pala gaano niya ito kamahal, if he's bound for another woman, wala nang magagawa ang pagmamahal na 'yon. Ano nga naman ang ibubuga niya? She has nothing but herself.

Palihim niyang tinahak ang exit gate. Wala siyang balak na magpaalam kahit na kay Manang Sela man lang dahil baka maiyak lang siya lalo,o 'di kaya pigilan lang siya nito. Lalo na rin kay Mrs Olivia. Siguradong pipigilan siya nito. Napalapit na rin kasi ang loob nila sa isa't isa at nagpapasalamat siya kay Mrs. Olivia dahil kahit kaunting sandali man lang, naranasan niya na magkaroon uli ng isang ina.

Mabilis na pinunasan niya ang kanyang luha. Mabuti na lang, busy sina Winston ngayon. Pero wala siyang ideya na wala si Winston sa opisina nito. Kung nasaan man ito, walang nakakaalam.

"Sorry, Winston. Sorry kung hindi kita masasamahang lumaban para sa relasyon nating dalawa." Iyon ang mga huli niyang sinabi bao tuluyang lumabbs. Muli pa niyang sinulyapan ang buong bahay ng mga Miller at mapait na napangiti habang lumuluha.

"Paalam sa pansamantala kong naging tahanan."

Iyon lamang ang sinabi niya at tuluyan na ngang bumagsak ang luha sa kanyang mga mata. Sobrang hirap pa lang iwan ang mga taong naging parte na ng buhay niya, sobrang hirap iwan ni Winston. Binibiyak ang puso niya habang naglalakad palayo. Palayo nang palao hanggang sa mawala na sa mismong paningin niya ang mansyon..

"Saan po tayo, Ma'am?" tanong sa kanya ng taxi driver.

Pinunasan pa niya ng pa-simple ang luha niya bago sumagot sa driver. Nagpahatid na lang siya doon sa dating bar na pinagta-trabahuhan niya. Matagal-tagal na rin simula noong huling nakabalik siya dito. Plano niyang dalawin ang kaibigan niy dito na si Eliza. Matagal na rin niya kasiitong hindi nakikita. Miss na ri niya ito.

Stay-in naman kasi sa bar si Eliza. Kaya sila magkasundo dahil pareho na silang ulila sa pamilya. Ang bar na lang din ang bumubuhay sa kaibigan niya.

Sarado ang bar ngayong umaga. Gabi pa kasi ito nagbubukas kaya guwardya ang unang bumungad kay Karina sa labas. Kahit sarado ito, may guwaryda pa rin sa labas.

"Hello po, manong guard! Naalala niyo pa po ba ako? Ako po ito, si Karina. Itatanong ko lang po sana kung nandito si Eliza?"

Pinag-aralan pa ng guard maigi ang kanyang mukha bago tuluyan siya nitong nakilala.

"Ah! Karina! Ikaw pala 'yan! Hindi kita masyadong nakilala. Mukhang umasenso tayo ng konti, ah? Kung si Eliza ang hanap mo, na sa loob siya. Pumasok ka na lang."

Napangiti naman si Karina dahil talaga namang naaalala pa siya ng guard. Mabait talaga ito. Sa umaga, siya ang bantay. Pero kapag gabi na, bouncer na ang partner niya at kapwa naglalakihang mga lalaki rin.

"Eliza!" tawag niya nang matanaw agad si Eliza pagpasok niya pa lang. Nagpupunas ito ng mga mesa sa loob. Kapalit ng pagtira niya dito sa bar ay, kailangan niya itong mapanatiling malinis.

"K-Karina?!!" Bakas ang labis na pagkagulat sa mukha ni Eliza. Hindi niya inasahan ito. Hindi niya inasahan na babalik si Karina.

Agad niya itong tinakbo para yakapin. They both hugged each other.

"Na-miss kita, Eliza!" ani Karina sa pagitan ng pagyayakapan nila.

"Huhu na-miss din kita! Ang tagal mong hindi nagparamdam! Akala ko natigok ka na, e."

"Sira! Strict kasi niyong boss ko, e."

"Boss?"

"Oo. Nakahanap ako ng ibang trabaho mula nang huminto na ako dito, Eliza. I worked as a personal maid. Naalala mo ang bilyonaryo na nagligtas sa akin dito sa bar mula sa isang lalaki?" tanong nito.

Pilit naman na inalala ni Eliza ang araw na 'yon. "Aha! Iyong guwapong lalaki? Nako! Ang swerte mo naman pala, Karina! Kaya hindi kita agad na nakilala, e. Big time ka na siguro, 'no?"

"Baliw! Hindi ah! Umalis na ako doon."

Namilog naman ang mga mata ni Eliza. "What?!" Nakapamewang pa ito. "Bakit ka umalis? Nandoon ka na, e. Maganda na ang trabaho mo! Nako naman, Kars. 'Di sana, may friend na akong big time ngayon."

Napangiti ng pilit si Karina. "Wala, e. Mahabang kwento at baka hindi kana maniwala, haha!"

"O, sige na nga. HIndi na muna ngayon. Paano, saan ka nakatira ngayon?" taong ni Eliza sa kannya.

"Maghahanap pa ako, Eliza. Baka mangupahan na laang ako kesa bumalik sa tiyahin kong 'yon. Hindi na ako babalik sa kanya kahit itaga pa sa bato."

"May pera ka pa ba diyan? Meron pa ako dito, saglit pahihiramin kita." Sabay dukot ni Eliza ng pera sa bulsa niya.

"Nako, huwag na! May ipon pa ako dito, sasapat na ito hanggang sa makahanap ako ng bagong trabaho."

"Sigurado ka ba? Baka naman sinasabi mo lang iyan dahil nahihiya ka, ha? Hindi ito ang oras para mahiya sa akin."

Tumawa ng mahina si Karina. "Okay lang talaga. May pera pa akong naitabi. Saglit lang, ha??"

Ni-check ni Karina ang phone niya. May notif kasi doon mula sa facebook niya. Matagal na siyang hindi active sa Fb at ngayon lang ulit niya ito binuksan.

Kung anu-ano lang naman pala na mga naka-tag na chain messages.

Papatayin na sana niya ang data niya nang may matanggap ulit siyang message coming from the message request. Tiningnan niya kung sino ito at agad siyang kinabahan nang mabasa niya ang pangalan ni Winston. Namutla agad siya at kinabahan. Bubuksan ba niya ito, o hindi?

"Okay ka lang ba, Kars?" nag-aalang tanong ni Eliza sa kanya.

"H-Ha? O-Oo!" nauutal na sagot niya.

"Ano ba ang nabasa mo at namutla ka bigla diyan? Kinakabahan naman ako sa 'yo."

Sa totoo lang, pangalan pa lang ni Winston ang nabasa niya sa message request pero kinakabahan na agad siya. Baka pauwiin lang siya nito. Baka hinahanap na siya nito.

"Iyon? W-Wala 'yon! Galing lang sa boss ko ang message."

"Anong sinabii ba?"

"H-Hindi ko pa nabubuksan, e. Mamaya na lang. Sige, Eliza ha? Mauna na 'ko. Maghahanap pa kasi ako ng matutulyan, e." Pagpaalam niya.

"Ay gano'n ba. O, sige pero dalawin mo ako ulit, ha? Kita rin tayo minsan!"

Ngumiti si Karina. "Oo naman. Sige na, bye! See you sa susunod na pagbisita ko!"

Muli pa silang nagyakapan bago tuluyang lumabas ng bar si Karina. Actually, hindi naman message ang natanggap niya mula kay Winston kundi video. Mamaya na niya ipi-play kapag nakahanap na siya ng matutuluyan. Ewan niya ba, pero may parte sa kanya na nagdadalawang-isip na buksan iyon. Parang hinihila siya ng isip niya na huwag na kasi hindi pa man niya nabubuksan, kinakabahan na agad siya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.