"Karina!" malakas na sigaw ni Evo na siyang nakapagpalingon sa dalaga.
She saw Evo, teary-eyed, running towards her.
"Sorry, hindi ko mapigilan ang sarili ko," anito saka siya niyakap ng mahigpit. "It hurt here seeing you go, Karina." Sabay turo sa bandang puso niya.
"Sshhh, Evo. Babalik ako. Magkakausap pa rin tayo through social media. Mag-iingat kayo, ha? Huwag ka nang umiyak dahil naiiyak na naman ako."
Labag sa kalooban ni Evo na kumalas sa pagkakayakap kay Karina. She kissed her forehead this time kasabay ng pagpatak ng luha sa kanyang pisngi. "Take care, my princess."
Hindi na rin napigilang maluha ni Eliza habang pinagmamasdan ang dalawa. She saw how Evo really loved her friend Karina.
"It's time for me to go, Evo. Goodbye."
Sa huling pagkakataon, Karina waved her hand to wave goodbye to her friends, kasabay ng pagpatak ng kanyang luha.
There, carrying her luggage, she finally took the courage to leave.
Two hours ang biyahe mula Manila papuntang Taiwan kaya siguradong mag-iinit ang puwetan ni Karina sa biyahe. She sat beside the plane window to see the view mula sa himpapawid. Isang mapaklang ngiti ang namutawi sa labi niya.
Iniisip niya na hindi man lang siya pinuntahan ni Winston kahit sandali lang. Kahit man lang pabaunan siya ng yakap nito ay hindi niya nagawa. Dinudurog ang puso niya tuwing iniisip niya si Winston. Ang ginawa nito sa kanya. Kahit sobrang sakit no'n, hindi niya pa rin maiwasang hindi isipin ang binata. She hates to admit the fact that after all the pain he caused to her, siya pa rin ang hinahanap nito. Siya pa rin ang mahal niya at kahit kailan, hindi nabawasan.
After two hours, nakarating na si Karina sa Taiwan Taoyuan International airport. She took a taxi to drive her home sa address ng school na pupuntahan niya ang Kaohsiung University. Isa sa pretihiyosong unibersidad sa Taiwan. Nanginginig pa ang tuhod niya sa kaba dahil baka kung saan siya dalhin ng driver, pero mukhang mabait naman ito.
"Hi! Can you please take me to Kaohsiung University?" she asked. Mabuti na lang, kahit hindi siya nakapag-aral, hindi siya mangmang. Sa katunayan, matalino naman si Karina. Hindi nga lang siya nagkaroon ng chance na makapag-aral ng kolehiyo man lang.
Tumango lang ang driver. Pagdating doon, she entered that big prestigious university while her knees trembles. May guard ma nag-assist sa kanya. Pinakita niya lang ang form na hawak niya and she's good to enter. Sa loob ng university siya titira dahil nagpo-provide sila ng dormitory para sa mga foreign students like Karina. Hinanap agad ni Karina ang pangalan ng lalaki na sinipit ni Mrs. Emely sa form na hawak niya.
"Excuse me, I am looking for Lau Pu Tao, is he here?" tanong nito sa guard.
"Yes. I can bring you to him." Mabait rin maging ang guard at marunong mag-english, requirement siguro talaga iyon para makapagtrabaho dito sa Kaohsiung University. Sigurado, hindi basta basta makakapasok dito ang isang commoner na tulad niya kung walang backer. In her case, sinuwerte lang talaga siya. Baka ito na nga ang magiging unang beses na sisuwertehin siya sa buhay.
Tumigil sila sa tapat ng pinto. May nakasulat doon na Dean's office. Siguro, nandito ang lalaking sinasabi ni Mrs. Emely.
"Good day, Mr. Tao! Someone is looking for you." Bungad ng guwardya kay Mr. Tao. He is still young at mukhang ahead lang sa kanya ng mga limang taon.
"Oh, are you Karina de Joseph?"
Nakangiting tumango-tango si Karina. "Yes, Sir."
"Hindi ko in-expect na early ang dating mo ngayon dito sa Kaohsiung. Anyway, it's better."
Nagulat si Karina nang magsalita ito ng tagalog. Based on how he looks, mukha talaga siyang Taiwanese. Pero sabi ni Mrs. Emely, pinoy daw siya. Hmmm, napaisip si Karina.
"You might me confused. Mukhang pinag-aaralan mo ang mukha ko." The guy slightly chuckled. Hala, ang guwapo niyang tumawa. Ani Karina sa isipan.
Napakamot ng ulo si Karina. "Hehe, parang gano'n na rin po."
"Anyway, I am half Filipino and a half Taiwanese. My father is a Taiwanese at pinay naman ang Mom ko. You know, that's why I look more like Taiwanese."
Totoo iyon dahil halata talagang Taiwanese ito. Hindi iyon ide-deny ng singkit niyang mga mata na mas lalong nakapagpa-guwapo sa kanya.
"Shall I take you to the girl's dormitory?" tanong ni Mr. Tao.
Nagitla si Karina. Siya talaga ang nag-offer? Totoo ba ang narinig niya?
"S-Sigurado po ba kayo? Baka po busy kayo, pwede naman pong ako na lang ang maghanap."
Ngumiti lang si Mr. Tao. "No, I insist, Ms. de Joseph. Sige ka, baka isa ka sa mga foreign students na maligaw sa Kaohsiung." Pagbibiro pa nito.
Sa laki ba naman ng university na 'to, hindi iyon malabong mangyari. Aabutin ka yata ng isang araw bago mo ito maikot ng buo.
"S-Sige po, Sir. Sana hindi ako maging abala. Marami pong salamat."
"Walang problema 'yon, Ms. de Joseph. Saka, sa girl's dormitory, mostly mga pinay ang makakasama mo do'n. I hope you get yourself some friends."
Napangiti si Karina. Sana talaga may makasundo siya kahit isa man lang sa mga Filipina na makakasama niya sa loob ng dorm. Na-excite tuloy siya. This is the first time na malalayo siya sa pamilya niya, the first time na nakaapak siya ng ibang bansa. Pero, pakiramdam niya, hindi naman siya masyadong lumayo. This already feels like home to her.
Sa kanilang paglalakad, hindi maiwasang magtanong ni Karina. "Matagal na po ba kayo dito, Sir?"
Saglit na nag-isip pa si Mr. Tao. "Well, medyo. We started living here when I was 10 years old. Dito na rin ako nagkamalay at nagbinata. So, we decided to just live here for good."
Karina was amazed by the way Mr. Tao speaks. Para siyang lumulutang sa ere kapag naririnig itong nagsalita. Very manly. Dagdag points pa ang ganda ng porma nito.
"Professor na po pala kayo dito?" tanong ulit ni Karina.
"I see you are a curious person. I like that, iyong madaming tanong. Anyway, yes, I am already a professor. I just had my doctorate degree last year in Philosophy."
Napa-wow si Karina sa isipan niya. Grabe, siguro ang talino nitong si Mr. Tao?
"May tanong ka pa ba?" tanong ni Mr. Tao, nang huminto sila sa tapat ng isang tatlong palapag na building. Hindi na masyadong maalala ni Karina kung saan sila dumaan papunta dito. Masyado siyang focus sa katatanong kay Mr. Tao.
"W-Wala na po, Mr. Tao."
Pinindot ni Mr. Tao ang doorbell at may lumabas na isang matandang babae. She is around 50's based on how she looks.
"This is Ma'am Lad. Siya ang utility dito sa dormitory ninyo. If you need some help, you can ask her. By the way, she's also a filipina." Pagpapakilala ni Mr. Tao kay Ma'am Lad. Yes, Mr. Tao just addressed her with Ma'am because he has a high respect to the school helpers. Malaki ang tulong nila sa university.
"Hello, hija. Ano, tara na?" yaya sa kanya ni Ma'am Lad.
"If you have questions, feel free to come to the Dean's office, Karina. I am willing to help you."
Iyon lang ang huling sinabi ni Mr. Tao saka pumasok na si Karina sa loob ng dormitory. Habang papasok, nakakasalubong siya ng mga Filipina din. Almost as her age. Nginingitian niya lang ang mga ito. Mukha naman silang mababait. She's just hoping that one of them can be her friend.
"Here is your room. Ano nga ulit ang pangalan mo, hija?" tanong ni Ma'am Lad.
"Karina po, Ma'am. Karina de Joseph."
"Wow, ang gandang pangalan. Kasing ganda mo, hija."
Napangiti si Karina. Sana ganito rin kabait ang tiyahin niya, walang problema. "Salamat po, Ma'am Lad."
"O, siya. Pumasok ka na. Kapag may kailangan ka, ang telepono diyan sa kuwarto mo ang gamitin mo, ha?"
Karina just nodded her head. Umalis na si Ma'am Lad kaya't nagkaroon na siya ng chance para pag-aralan ang kuwarto niya. Hindi naman sobrang laki. Sapat lang para sa isang tao. May puti itong pintura. May lamp shade sa may bed side table, makapal ang comforter sa malambot niyang kama, air conditioned pa. Napaka-comfortable.
She checked her phone. Walang internet. May wifi ang university pero may password. Hindi bale, sa susunod na lang niya hihingin ang password at mukhang free naman 'yon sa students.
Binukadkad niya ulit ang cell phone niya. Nakita na naman niya ang message ni Winston na naglalaman ng sex video nila ni Tiffany. Ngayon, halos mabaliw na siya kakaisip kung bakit nagawa ito sa kanya ni Winston. Saan niya kinuha ang lakas ng loob at siya mismo ang nag-send nito sa kanya? Hindi niya matanggap na ang lalaking pinagkatiwalaan niya ng sobra, ay lolokohin lang siya sa huli.
"May pa I belong to your heart ka pang nalalaman, bwiset ka, Winston! Bwiset!!" impit na sigaw niya habang takip takip ng unan ang ulo niya. Umiiwas na baka may makarinig sa kanya.
Magkasabay na uuwi si Evo at Eliza. Parehas na parang nabali ang pakpak dahil sa pag-alis ni Karina. Pero, tumigil sa paglalakad si Evo nang makita ang isang pamilyar na bulto ng lalaki.
"W-Winston?" nauutal nitong sambit.
Napaangat ng ulo si Eliza para makita kung ano ang itsura ng Wisnton na kinukwento sa kanya ni Karina. She's sure ito lang ang Winston na sinabi ni Karina sa kanya. Wala nang iba.
Halos malaglag ang panga ni Eliza nang makita ang mala-adonis nitong tindig. Sobrang guwapo niya sa suot niyang amerikana.
"Too late, hindi ka na umabot. Nakaalis na siya, tsk." Pagsusungit ni Evo.
"I don't care." Pagsupalpal ni Winston.
"Psh, you never really cared for her don't you?"
"Puwede ba, Evo? Tumahimik ka na lang dahil susunod ako sa kanya. At wala kang pakialam kung mahuli man ako dahil susundan ko siya at sisiguraduhin kong akin siya pagbalik ko ng Pilipinas." Pagdidiin ni Winston sa pagmumukha ni Evo.
Nanginginig ang bibig ni Evo. Nagtagis ang kanyang mga ngipin sa galit. Mukhang mauungusan na naman siya ni Winston.
"As if. Sa ginawa mo sa kanya? I think, that mission of yours is impossible. Good luck, bro," sarkastiko nitong sagot saka tinalikuran na si Winston at mabilis na naglakad palabas ng airport.
"Evo, saglit! Hintayin mo ako!" sigaw ni Eliza saka ito hinabol sa paglalakad.