CHAPTER 53

Winston knows where to locate Karina pagdating niya ng Taiwan. Bago siya umalis, nakakalap na siya ng information kung saan ito tutuloy. Thanks to her land lady. Isa pa, mayaman siya at makapangyarihan. He always finds a way. Lagi siyang hahanap ng paraan lalo na kung si Karina naman ang dahilan.

He can't wait to follow Karina. Pero, hindi naman siya basta basta magpapakita sa dalaga. He will wait for a good timing. Iyon bang, kunwari coinsidence lang ang pagpunta niya ng Taiwan at hindi sadya. He got thrilled with that thought. Sana lang talaga ay magbunga ng maganda ang gagawin niyang 'to, dahil kung hindi, ay uuwi siyang luhaan.

After two hours, their plane landed at the Taiwan Taoyuan International airport. He rode off a luxurious car and drove off to the nearest five star hotel to spend his day. Dito muna siya mamamalagi habang nagpa-plano kung kailan siya magsisimula na magpakita kay Karina. Sa ngayon, magmamatyag muna siya sa dalaga kahit na magmukha pa siyang stalker. Anything for Karina.

Tiffany kept contacting him on whatsapp. Dalawang linggo na lang kasi at kasal na nila. Tapos malalaman laman niyang tinakasan na siya ni Winston. Nandito siya ngayon sa opisina ng Daddy niya.

"This is b*llshit, Dad!!Akala ko ba, okay na lahat?! Magpapakasal na kami!!" sigaw ni Tiffany sa Daddy niya.

"I don't know! Bakit ba ako ang sinisisi mo?! Ako ang bahala kay Aragon, kaya ikaw na dapat ang gumawa ng paraan paano mo mapapasunod si Winston! Lintek!"

"Huhu, Dad! I did everything! I thought my plan would go smoothly! Napaghiwalat ko na sila ni Karina, e!! Tapos bigla siyang mawawala?! Where the hell did he go!" Nagpapadyak pa si Tiffany na parang bata. Parang batang nawalan ng paborito niyang laruan. Halong galit at sakit ang nararamdaman niya ngayon.

Pinaasa siya. Umasa na siya na magpapakasal sa kanya si Winston dahil hindi na niya ito nakitaan ng kahit ano mang pagpo-protesta sa mga mata nito simula nang nasira niya ito kay Karina. That sex video? Siya ang may pakana talaga no'n. Nilasing niya si Winston, she even put some ecstasy on his drink at nang malasing na ang binata, do'n na niya sinagawa ang plano niya. She even accessed his phone at mismong siya ang nag-send ng video kay Karina para maging kapani-paniwala. Nakampante siya, masyado siyang nakampante na tuluyan nang mapaghihiwalay ang dalawa. Nagtagumpay naman siya do'n, pero ngayong nawawala si Winston, may kutob siya na baka kasama na naman nito si Karina.

"Na-contact mo na ba si Winston? Baka may pinuntahan lang." Pilit na pagpapakalma kay Tiffany ng Daddy niya.

"He doesn't even answer my calls, Dad!! Out of coverage ang bwiset na cell phone niya! He is really ignoring me! What am I gonna do?! Paano kung hindi siya umuwi?! What about our wedding?! Huhu! Do something, Dad! Please, do some—"

"Manahimik ka nga muna!!" bulyaw ng ama niya. Ginulo nito ang buhok niya. Sumasakit na rin ang ulo niya kakaisip kung saan sinuksok ni Winston ang sarili niya.

"Huhu, D-Daddy."

Napabuntong-hininga na lang ang Dad ni Tiffany. Kahinaan niya talaga ang dalaga. He is willing to do everything just to make her only daughter happy.

"Darling, uuwi si Winston. Ikakasal kayo, okay? Baka may meeting lang out of town, o ano. Basta, I'm sure, uuwi siya. Magpapakasal 'yon sa 'yo, dahil kung hindi, alam naman nila ang mangyayari."

Bigla na lang bumukas ang pintuan ng opisina niya at iniluwa no'n si Mrs. Olivia. "And what is it that will happen kapag hindi nagpakasal sa anak mo ang anak ko?" taas kilay na tanong nito.

Nagitla silang dalawa sa bigla nitong pagpasok.

"Simple lang naman, Olivia. I will pull out my shares in your company!"

Ngumisi si Mrs.Olivia. "Really? Then, go on. Do it."

Nanuyo ang lalamunan ng Daddy ni Tiffany sa biglang paghahamon sa kanila ni Mrs. Olivia. She came here with boosted confidence dahil nakahanap siya ng alliance.

"Hah! A-Are you threatening me? Y-You think I'm fightened?" sagot ng Daddy ni Tiffany.

"No, of course you don't. But your daughter is," sarkastiko nitong sagot. "Alam ko namang parang aso na habol nang habol ang anak mo sa anak ko. Kaya, kung may iiyak man, hindi kami kundi ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak na may nakakasulasok na pag-uugali! I wonder kanino siya nagmana."

Naiyukom ng Daddy ni Tiffanyang kanyang kamao sa galit. Nanggagalaiti siya "Y-You!!" anito, saka susukubin sana si Mrs. Olivia pero may biglang sumulpot sa likod nito.

"Stop right there."

It"s Evo's Dad. Their new alliance at bagong business partner ng mga Miller. After convincing Aragon, sinigurado ni Mrs. Olivia na makukumbinsi niya at mapag-aayos ang hidwaan sa pagitan ng Daddy ni Evo at ni Aragon. They have the same nature of business at napag-usapan na rin nila ang pag-fuse ng business nila into one.

"Y-You?! Hah! N-Nagkampihan pa kayo talaga? You think you can bring me down? Silly. Stop dreaming both of you. Baka hindi pa ito alam ng asawa mo, Olivia?" sarkastikong tugon ng Daddy ni Tiffany.

"Sorry to say this right in front of your father's face, Tiffany, pero malaya siyang i-pull out ang pipichuging shares niya sa kumpanya. After all, hindi naman magpapakasal sa 'yo ang anak ko kahit anong mangyari. Hindi na baleng tumanda siyang binata kaya mapunta sa pamilya niyo."

Nagsalubong ang kilay ng Daddy ni Tiffany. Nagsiakyatan yata ang lahat ng dugo niya sa ulo. Maging si Tiffany, nanuyo na ang lalamunan. Nawala na ang tapang niya. Nahabag na ang buntot niya.

Nang makaalis sina Mrs. Olivia ay ibinagsak ng mag ama ang katawan nila sa upuan sa loob ng opisina. Napatulala na lang si Tiffany at iniisip ang nangyari. Planado na ang lahat, ginastos na niya ng all out ang pera nila para lang sa kasal. Para lang pakasalan siya ni Winston. Ginawa niya ang lahat. She spread her legs for him desperately, sinira ito kay Karina. Ano pa ba ang kulang?

She literally bursted into tears. "Huhu, Dad!! Hindi ko na ito kaya! Mamamatay ako sa sakit!!" parang batang sigaw ni Tiffany.

"C-Could you please shut up, Tiffany?! Nag-iisip ako! Hindi ako makapag-isip dahil diyan sa kaiiyak mo!"

"Huhu, Daddy! What are we going to do?! Huhu! Hindi pwedeng mawala si Winston sa 'kin! He needs to marry me by hook or by crook!!"

"I will find a way, darling. Huwag kang mag-alala. Hahanap tayo ng paraan. Please, don't cry. Stop crying. Sisiguraduhin kong pagsisisihan ng mga Miller na trinaydor nila tayo." May pagbabanta sa boses nito.

Hinagod niya ang likod ni Tiffany para pakalmahin ito.

Wala man lang silang kamalay-malay na habang nagkakagulo sila sa Pilipinas, Winston is having a good time at a five star hotel in Taiwan. Thinking of his plans para mapatawad siya ni Karina.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.