CHAPTER 66

Malungkot na nakangiti si Karina na humarap kay Mr. Tao. Nakangiti rin ang binata sa kanya pero halatang malungkot ang mga mata nito.

“Mr. Tao. . .” she uttered.

“Don’t think of me, Karina. Masaya akong naging parte ako ng pag-abot mo sa mga pangarap mo. I wish you good luck on your journey,” nakangiti nitong sagot.

“Salamat, Mr. Tao. Ang dami mong naitulong sa akin. Kahit kailan, hindi ko naramdaman na nag-iisa ako. Babalik ako, Mr. Tao. Magkikita pa tayo after a month. See you, pero sa ngayon, good bye na muna.”

This is maybe another sad story for both Karina and Mr. Tao, pero ano pa nga ba ang magagawa nila? Labanan na ito ng mga pangarap. Dreams come first. Tutal, wala naman ding saysay kapag managinip pa rin siya hanggang ngayon na babalik si Winston sa kanya. Isa na iyong malabong pangarap. Blurry, and out of sight.

Karina finally turned her back. . . .

“Can I hug you for a moment?”

She stopped and look back at Mr. Tao pero bigla na siya nitong niyakap ng napakahigpit habang sinusuklay ang buhok nito. “You can do it, Karina. We will see each other again, and by that time, you are already successful.”

Pilit na nilabanan ni Karina ang pagpatak ng mga luha sa kanyang pisngi.

Mga luhang ‘to, huwag niyo naman sana akong traydurin ngayon, please.

Pagkatapos ng yakap na iyon ay humiwalay na siya mula sa pagkakayakap sa binata and waved at him.

Napaisip tuloy siya. Bakit palagi na lang yata akong nahihiwalay sa mga taong malapit sa akin? Ganoon ba talaga kapait ang kapalaran ko? Pero sa kabilang banda, naisip din niya na baka, sinsusubok talaga siya ng panahon dahil kapag itong mga hamon na ito ay malampasan niya, tagumpay ang na sa dulo ng kanyang karera.

***

“Okay, girls, please fasten your seatbelts.” Reminder ni Ms. Bumrit sa kanilang tatlo.

Hindi nagsasalita si Karina buong biyahe samantalang ang dalawa, daldal nang daldal. Palibhasa ay pareho naman na Taiwanese ang mga ito kaya at nagkakaintindihan sila. Pakiramdam niya tuloy ay mapapanis na lang ang laway niya bago pa man sila makarating ng airport.

“Umm, Ms. Bumrit, can I ask something?”

Sa wakas, nakapagsalita na rin si Karina. Kanina pa niya gustong magsalita kaya mabuti na lang nakapag-isip siya ng magandang itatanong.

Saglit na napalingon sa kanya si Ms. Burden. “Yes, dear. What is it?” she asked.

“What particular country in Europe are we going to go?”

Err? Karina, seriously? Bakit kasi ngayon mo lang naisip na itanong iyan? Kung saan paalis na kayo?

“Oh, right! Sorry if I have forgotten to tell you. It is in Belgium, Ms. De Joseph.

Napa-woah si Karina sa isipan niya. This is gonna be another exciting adventure and experience for her. Napangiti na lamang siya habang nakasandal ang kanyang ulo sa bintana ng kotse.

She knows that a brighter future lies ahead of her outside Taiwan.

***

The total flight from Taiwan to Belgium is approximately 12 hours.  Kaya in-orient na agad ni Ms. Bumrit ang tatlo sa magiging mahabang biyahe at tiyak na maninigas ang mga puwet nila sa eroplano.

Mabuti na lang din at mahilig matulog si Karina sa biyahe kaya advantage sa kanya ang mahabang flight na ito, isa pa ay hindi siya masyadong nakatulog kagabi sa dami ng iniisip niya. Dagdagan pa ni Winston na pinasakit pa ang puso niya.

FAST FORWARD

After that lengthy flight, lupaypay na ang mga katawan nila nang mag-depart na ang eroplano sa Brussels, Belgium. Naubos yata ang energy ni Karina kahit buong biyahe siyang tulog nagigising lang siya in between kapag may snacks or drinks na binibigay sa kanila si Ms. Bumrit.

“How was that long flight experience, guys?” tanong ni Ms. Bumrit.

“I-It’s tiring, Ms. Bumrit,” sagot ng isang babaeng Taiwanese.

“Yeah, I think my butt got a little harder. Haha!” Biro naman ng isa pa.

“How about you, Ms. De Joseph?”

“Well, it’s good since I had the chance to sleep, hehe,” kamot ulo nitong sagot.

“I’m glad to hear your responses, guys. The Elisse and Company booked you a hotel accomodation so you have nothing to worry about. We are going to stay there for the rest of the night and then leave tomorrow morning for the first day of the work shop. How does that sound with you?”

“It’s pretty okay in my part, Ms. Bumrit!”

“It’s okay, Ms. Bumrit!” they agreed.

Hindi na talaga mapakali si Karina a feeling niya talaga ay kailangan na niyang gumawa ng hakbang para mas makilala ang dalawa pa niyang mga kaklase. Hindi rin naman puwedeng sama-sama silang tatlo, tapos hindi man lang niya kakausapin ang mga ito. Isa pa, considered na silang team coming from Kaohsiung University.

It is autumn in Brussel’s right now, it is warm and humid. Airconditioned naman ang hotel room nilang apat kasama na si Ms. Bumrit dahil na-book ito na good for four people. Hindi na masama. Napakalinis, sobrang well ventilated at para ka na rin na nakatira sa isang mansyon. Minsan lang ito mangyari sa buhay ni Karina kaya sobrang saya niya. Gusto niyang maiyak sa tuwa.

Totoo ba talaga ‘to? Na sa Belgium talaga ako? A-attend ba talaga ako ng work shop and seminar ng isa sa pinakasikat na cosmetic company sa mundo? Parang kailan lang ay sunod-sunuran pa ako sa tiyahin ko. Parang kailan lang ay halos wala akong makain, gumagapang sa sahig para maglinis, kayod sa gabi para magkaroon ng katiting na pera na hindi naman sa akin napupunta.

Naiiyak siyang nagbabalik-tanaw sa mapait niyang mga experiences sa nakaraan niya. Pero nagpapasalamat pa rin siya dahil kung wala ang mga iyon, siguro hindi siya aabot dito ngayon. Siguro, hindi siya makakarating sa kung saan siya nakatungtong ngayon.

Wala naman sa isipan niya ang maghiganti pa. Sapat na sa kanya na pag-uwi niya ng Pilipinas, sisiguraduhin niyang may ibubuga siya at ipagmamalaki. Ipapakita niya kay Winston na kaya at kinaya niya kahit sinaktan pa siya nito at dinurog ng pinong-pino. Babalik siya ng buo, mas matatag na tulad ng isang malaking tipak ng bato na sisirain ang sino mang bumangga sa kanya noon.

Wait for my return. . .

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.