Hanggang ngayon, hindi pa rin makakurap si Karina sa ginawang paghalik sa kanya ni Mr. Tao sa roof top nito. Hindi niya iyon inasahan na manggagaling kay Mr. Tao. Hindi sa gabing iyon. Ang gabing magiging maganda sana na pamamaalam, naging awkward na tuloy para kay Karina.
Nakatakip ngayon ang unan sa kanyang mukha. Kanina pa siyang pagulong gulong sa kama niya at hindi mapakali. Hindi siya makapaniwala. Hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang pagdampi ng mga labi ni Mr. Tao sa labi niya. Mabilis lang iyon pero binabagabag siyang talaga nito.
“Kyaaaaahhh! Mr. Tao naman kasi, e! Kapag ako, hindi nakatulog at ma-late bukas sa flight ko, kukurutin talaga kita sa singit! Huhuhuh,” wika niya sa kanyang sarili.
It is already midnight pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Napagpasyahan niyang bumangon muna at magbukas ng kanyang messenger. There, kulang na lang ay sumabog ang messenger niya sa sunod sunod na notification bell.
Napakunot siya ng noo.
Hindi niya inasahan kung sino ang dahilan ng pagtunog ng notification bell niya.
“How are you?”
Ganoon lang naman kaiksi ang message nito pero halos biyakin naman ang puso niya. Seriously? Kailangan ngayon pa talaga, Winston? Ngayon ka talaga nag-message kung saan aalis na ako bukas? Nararamdaman na naman niya ang pagkirot ng kanyang dibdib. May kung anong parang punyal na naman na bumaon dito. Masakit. Hindi siya makahinga.
Until she realize that she is already crying, dahil na naman kay Winston. Siya lang. Siya naman palagi.
Hanggang ngayon, Winston. Ikaw pa rin. Ikaw lang naman ang dahilan ng kasiyahan ko, masakit lang na ikaw rin ang dahilan kung bakit sobra akong nalulungkot. Pero, hindi na tayo tulad ng dati. Ikakasal ka na at magkakaanak. Samantalang ako, susundan ko ang mga pangarap ko. Malungkot man, pero dapat noon pa, noon pa dapat kita kinalimutan.
Ito ang mga bagay na gusto niya sanang sabihin sa binata ngayon, pero sinikap na lamang niya na huwag na lang mag-abala pa na mag-reply kay Winston dahil baka ano pa ang masabi niya. Tulad nga ng sinabi sa kanya ni Ma’am Lad, kailangan niyang isantabi muna ang emosyon niya. Ganoon naman talaga dapat.
Hanggang sa muli, mahal ko.
Kahit masakit, nahiga siya at pinikit ang kanyang mga mata. Umaasa na baka bukas, hindi na kasing sakit ng kahapon ang maramdaman niya.
***
Umaga pa lang ay nagising na agad si Karina para makaligo at makapaghanda ng sarili niya para sa flight niya ngayon. Ang totoo, hindi naman siya masyadong nakatulog. Hindi naging maganda ang tulog niya kagabi. Hanggang ngayon ay binabagabag siya ng mensahe ni Winston. Bakit kasi kailangan pa nitong mangamusta? Bakit kasi, kailangan niya pang magparamdam sa ‘kin? Hindi naman siya multo, pero ni-ghost niya pa rin ako. Tsk.
After niyang gawin lahat ng kanyang mga ritwal sa umaga, humarap siya sa salamin. Maganda naman ang make-up niya. She looks gorgeous at sinikap na lang niyang takpan ng make-up and dark circles na nakapalibot sa kanyang mga mata para naman hindi mahalata ni Ms. Bumrit na halos pagsakluban siya kagabi ng langit at lupa. After all, required naman sa kanila ang mag make-up.
She really looked very differentt now. Ibang level na ang ganda niya ngayon sa halos kalahating buwan niyang pag-aaral sa Kaohsiung University. Mas lalo siyang nagsumikap dahil isa ang university na ito sa dahilan kung bakit ito na siya ngayon. Nangangarap, at aabutin niya ito.
Pagkababa niya mula sa dorm ay halos mapabalik na lang siya ng ‘di oras nang makita si Mr. Tao, nakangiting bumungad sa kanya sa labas ng girl’s dormitory. Bawal naman kasi ang pumasok unless may permiso mula kay Ma’am Lad.
Akmang tatalikod na sana siya pero nagsalita si Mr. Tao.”Where do you think you are going, Karina? Don’t tell me, naiilang ka pa rin dahil sa kagabi?”
Karina bit her lower lips saka hinarap si Mr. Tao. ”E, sino ba naman kasi ang nagsabing gawin mo ‘yon?! Alam mo bang buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa ginawa mo?”
“Talaga? Ibig sabihin, isiisip mo pa rin? Hindi mo ba makalimutan?” nakangisi nitong tanong sa kanya.
“Heh! Tabi nga!” Tinabig nito si Mr. Tao dahil para higitin siya nito sa kamay at kunin ang maleta na hawak-hawak niya.
“Let me, Karina,” anito habang magkalapit ang mga mukha nilang dalawa ng dalaga.
Napaatras si Karina dahil kung hindi ay maghahalikan na sila ng tuluyan ni Mr. Tao kapag hindi niya iyon ginawa. Napabitiw na lang siya at hinayaan si Mr. Tao na magdala ng maleta niya para sa kanya.
Naiilang itong tumalikod at naunang naglakad.
“So, saan kayo magkikita nina Ms. Bumrit?” patay-malisyang tanong ni Mr. Tao.
“Sa labas daw ng university. Doon siya maghihintay sa aming tatlo.”
“Okay, kahit hanggang sa labas man lang, ihahatid kita.”
Napalingon sa kanya si Karina. “Wala ka bang klase ngayon?” nagtataka na tanong nito habang nakakunot ang noo niya.
Ba’t ang dami naman yatang time nito ni Mr. Tao?
“Meron, pero makakappaghintay naman sila. Ang importante, makita kita bago ka umalis.”
Natahimik si Karina. Ayaw na lang niyang magsalita. Iba rin kasi gumalaw itong si Mr. Tao, e.
When they reached the gate, natanaw agad nila ang sasakyan ni Ms Bumrit na nakaparada sa labas ng university. Kasama na nito ang dalawang makakasamang kaklase ni Karina na tulad niya ay nakapasok rin para sa work shop ng Elisse and Company.
“Huwag ka na lang kayang umalis?” tanong ni Mr. Tao/
Napangiwi si Karina. “Naku, Mr. Tao. Hindi iyan magandang biro, ano. Huwag ka nga riyan.” Suway nito sa kanya.
Agad na napakamot ng kanyang ulo ang binata. “Biro lang, ikaw naman. Pero puwede mo naman na totohanin?”
“Tse!” tanging sagot ni Karina.
Nakangiti si Ms. Bumrit nang matanaw sila. Mukhang bukod sa tatlong studyanteng dadalhin niya ay mas excited pa ito.
“Oh, hello dear Mr. Tao! I wasn’t expecting that you’ll be with this young beautiful lady.”
“I just carried her lugage, Ms. Bumrit. Is everything settled now? You are all ready to go?” tanong pa ni Mr. Tao.
“Oh, yes! Yes! Come on, Ms. De Joseph.” Yaya nito sabay akay kay Karina.
“Just one moment, Ms. Bumrit.” Pagpapaalam niya.
“Sure, sure. Okay, go on.”