The contest began at as expected, nanginginig na naman ang mga kamay ni Karina habang hawak-hawak ang make-up brush niya pero kahit kabado, nilabanan niya iyon.
Habang nakaharap sa salamin, naalala niya kung gaano na siya kaibang tao ngayon. That she is still Karina, but in a lot new level. Hindi ang Karina na puwedeng tapakan ng kahit sino. Hindi ang Karina na pwedeng lokohin. She is fiercer and bolder now, at iyon ay dahil sa mga mapapait na nakaraang nangyari sa kanyang buhay.
“I can and I will,” she whispred to herself. Maybe all she needs is a self motivation para hindi siya kabahan. Sa dami nang pinagdaanan niya bago makatuntong sa entabladong ito? Ngayon pa ba siya magpapatalo? All her life, naging talunan siya and this is a shot for a chance. Hindi na niya hahayaang may tumapak pa ulit sa kanya dahil babalik siya at babangon,, ipapakita sa lahat na nagawa niyang maging successful despite everything.
“You know what you are doing, I salute you,” muling wika ng babae sa kanyang gilidd. Ang babaeng kausap niya kanina.
Halos mapanganga na lang siya nang makita ito na halos patapos na, at hindi siya makapaniwala. Mukhang may mananalo na nga.
“Why are you so shock about how I did my make-up?” tanong sa kanya ng babae. She looks like a foreigner.
“Y-You look g-gorgeous!” nauutal at impit na bulong ni Karina dahil hindi sila puwedeng gumawa ng ano mang malakas na ingay to respect other contestant’s peace.
“I may be, but it is you who will wiin today.”
Napangiwi na naman si Karina. Hayan na naman siya, pakiramdam niya tuloy nakikipag-usap siya ngayon sa isang baliw. Psh. Pinagpatuloy na lang ni Karina ang ginagawa niya. The time is flashing on the big screen sa mismong gitna ng stage to always remind them how many time left. Mayroon pang mahigit tatlumpong minuto para tapusin ang make-up niya.
Pero isang maling desisyon ang ginawa niyang paglingon sa mga contestants na kasama niya sa ibabaw ng stage. Pinag-aralan niyang maigi ang mga gawa ng iba. She almost lost herself admiring them. Sobrang ganda ng mga make-ups nila, knowing that this is their own stye. Nakakapanghina ng loob. Pinanghihinaan na naman siya. Bakit ka pa kasi lumingon sa kanila, Karina?
“If you kept on comparing yourself to them, I doubt that I can make you win. So, please focus on making yourself stand out among them all.”
Napatigil si Karina sa sinabi ng babae. Tama siya, may punto siya. Hindi siya dapat mangumpara. She is different, she is unique at kaya niya ito. Hindi naman siya aabot ng ganito kung wala siyang match sa mga kalaban niya, hindi ba?
“O-okay.”
There, after she regained her confidence, natapos na rin siya sa pagmi-make up sa sarili niya at hindi niya inasahan na ganito kaganda ang magiging resulta.
Napaawang na lang ang kanyang labi nang makita ang sarili sa kanyang close-up mirror.. Ako ba talaga ito? Totoo? Nakaya ko?
“See, you made it.”
Napatingin siya sa babae na bigla na namang nagsalita, but this time, she smiled widely. “Thank you.” She mouthed.
Nag-thumbs up lang ito sa kanya. Lahat sila ay napatingin sa timer dahil tumunog na ito to warn everyone that they only have ten seconds left.
“Ten, nine, eight, seven, six, five, four, three, two, one . . .’
“Time is up!”
All the participants raised their hands holding a brush. Wala na silang puwedeng maidagdsg o ayusin kasi tapos na ang oras. May ibang hindi na nga nakatapos, mayroon namang iba na hindi na nakapag-retouch. Napa-oh my na lang ang mga ito nang abutan ng oras.
“Please relax, participants because in five minutes the judges will roam around your vanity area and check your make-ups. Don’t forget to smile.” Paalala ni Elisse.
Kung kinabahan si Karina kanina, hindi naman hamak na mas nakakakaba itong part na ito. To think that this is already the contest proper, sino ang hindi kakabahan? Nagsimula na ngang maglibot ang mga judge. She breathed heavily. Binuga niya lahat ng paninikip ng kanyang dibdib dahil sisikip iyon kapag hindi niya ito ginawa. Nakailang inhale exhale na siya pero nariyan pa rin ang kaba.
Nang tumapat na sa kanya ang judge, pati na rin sa babae na katabi niya at kausap kanina, ngumiti lang ito sa kanya at tila sinasabi na ‘kaya mo ‘yan’ kaya kahit paano, lumakas ang loob niya.
She confidently smiled sa harapan ng judge. Hindi siya nagpadala sa pagdududa sa sarili niya. Hindi siya nagpadala sa kaba niya and it is all thanks to the girl beside her na hindi niya pa rin kilala hanggang ngayon. Lahat ng mga mata ay nakatutuok sa kanila lalo na ang mga participants na hindi nakapasok sa contest proper, sila ang nagsilbing audience. Mula sa hindi kalayuan sa stage ay natanaw pa niya sina Shu-Ching, Su-Wei at Ms. Bumrit na todo cheer sa kanya, mas lalong nakapagpataas ito ng kanyang self confidence.
Hanggang sa natapos na nga sa pag-iikot lahat ng mga judge. Alam ni Karina parehong may tyansa siyang manalo at matalo. This is a competition kaya expected na iyon. Inaasahan na niya ang bagay na ‘yon dahil dalawa lang naman ang pagpipilian. It’s either manalo siya, o matalo siya. Pero ano man ang maging resulta, handa naman siyang tanggapin ito.
“You can now proceed to your lounge area and relax guys while our tabulators tabulate your scores.” Anunsyo ni Elisse.
Naging maingay ang pagbaba nila ng stage. Ang iba ay nagkuwentuhan tungkol sa kung gaano naging challenging para sa kanila ang contest na ito, they all shared their experiencess sa mga new friends nila. Napalingon si Karina to check kung ang babae kanina ay na sa likoran niya but she is not there anymore.
Napalinga-linga siya sa paligid pero wala na ito. Naku, may sa multo ba ang babaeng ‘yon? Sayang at hindi niya man lang natanong ang pangalan nito. Gusto pa man din sana niyang magpasalamat dito.
"Waaaah! Karina! You really look gorgeous with that make-up on!" Papuri ni Su-Wei habang pisil-pisil ang kamay ni Karina.
"T-Thank you, Su-Wei. This is for Kaohsiung University and for my dreams."
From the moment she stepped out of stage, wala siyang ideya kung muli pa siyang aapak doon. For sure, iyon na yata ang pinaka-suntok sa buwan na mangyari sa tanang buhay niya.