CHAPTER 72

Pagkatapos ng mahabang bilangan ng scores, oras na para malaman kung sino ang magiging very first youngest member of the Elisse and Company elite organization of make-up artist. Lahat ay halos nakaantabay na sa result ano mang oras. Hawak kamay lang sina Karina, Su-Wei, at Shu-Ching. Maging ang dalawa na Taiwanese na kaklase niya ay kinakabahan para sa kanya, pero kahit na gano'n, they want her to win.

"Karina, you did your best. Win or lose, you represented Kaohsiung University. So, whatever the result will be, I know, ana, nang hindi ito mabahala. She's right, win or lose, masaya pa rin naman siya.

"The moment of truth has finally come. Sad that this work shop and seminar, and also the competetion will end in few moments from now, but a new beginning will open for the very first youngest make-up artist that will enter Elisse and Company." Panimula ni Ms. Elisse.

Napako agad ang mga tingin ni Karina sa envelop na hawak hawak nito sa kanyang kamay. Ano man ang laman ng envelop na 'yon, ayos lang. Hindi naman gano'n kalaki ang tiwala niya sa sarili. Hindi naman gano'n kataas ang pangarap niya, bonus na lang siguro talaga iyon. Nakita niya naman kung gaano niya ginawa ang best niya, nakita niya rin kung paano ginawa ng iba ang best nila. They are all deserving kaya kung sino man ang mananalo, ayos lang.

"Are you all excited?" tanong ni Elisse.

"Yes!" sigawan ng mga tao sa loob ng event lounge.

"Since everyone is now ready, brace yourselves becaus, the youngest member of the Elisse and Company is Miss. . ." huminto pa si Ms. Elisse para mas lalong maging makapigil hininga ang announcement.

"Is Ms. Abigail Donebrink!" sigaw nito.

Naluluhang napangiti si Karina.

"It's okay, Karina. You did your best."

"You're still good, dear."

Pilit nilang ni-comfort ang dalaga. Pero nawala ito sa sarili niya nang tuluyang mamukhaan kung sino ang nanalo.

"Teka. . ." She paused for a short moment. "Siya ang babae kanina, ah? Ang nagsabi na sisiguraduhin niyang mananalo ako?"

Napakunot-noo na lang si Karina until she heard some students talking.

"Wow, I bet she was the daughter of one of the Elisse and Company's make-up artist. You think she really got the spot because of her skills or because she has a backer?" bulong ng babae sa katabing lounge nila.

"Yeah! I really doubt that! She was the one other students are talking about!"

Napatakip ng bibig si Karina. She won. Ang babaeng katabi at nakausap niya kanina during contest, ito ang nanalo. Pero bakit nito sinabing si Karina ang ipapanalo niya?

Habang paakyat ng stage ay napalinga-linga pa si Abigail at tila may hinahanap. Kaya medyo na-delay ang pagbibigay sa kanya ng certificate.

"Congratulations, Ms. Abigail! You are now one of us!"

Kunot-noo at hindi mapakali si Abigail. She is really looking for someone at hindi ito mahagilap ng tingin niya. "Wait, I am looking for someone."

Naguluhan si Ms. Elisse. "W-What are you saying?"

"I am looking for someone who deserves this spot. Can I take a look on the tabulated scores?"

Napa-ha si Ms. Elisse. Why do this girl suddenly ask for something confidential?

"Excuse me, Ms. Abigail, but we need to award you the certificate now."

"I refuse." Pagdidiin ni Abigail.

Namilog ang mga mata ng Mommy niya na totoong kabilang sa Elisse and Company. "Hey, Abi! Pull yourself! Don't embarass me! Stop making a scene!" impit na sigaw mg Mommy niya mula sa baba ng stage.

"No, Mom! Someone is much more deserving than I am." Finally, nakita na niya ang babaeng hinahanap ng mga mata niya kanina pa. . .si Karina.

"She's over there!" Turo niya.

Napanganga na lang si Karina sa sinabi nito. Lahat ng mga mata ngayon ay nasa kanya na. Nakakahiya! Naiilang tuloy siya.

"Wait, wait, wait, you are saying that you want to give this position to someone whom you think deserves this more than you?"

"Uhuh. May I borrow your microphone?" tanong nito kay Elisse. Hindi na lang makapaniwala si Ms. Elisse sa pagiging straight forward ni Abigail sa kanya.

"S-Sure."

"Hey, you! Girl over there. Come here!" utos nito habang nakatingin sa direksyon ni Karina.

"M-Me?" nag-aalang sagot ng dalaga.

"Yes. You."

Kahit nahihiya at mabigat ang bawat paghakbang niya palapit ng stage, ginawa niya pa rin. Naglakad siya na parang wala sa sarili. Napatingin pa siya kila Ms. Bumrit kung tama ba naman itong ginagawa niya and they all are telling her to go.

"What's your name? I forgot to ask you earlier after hearing your story." tanong ni Abigail sa kanya nang makarating ito sa stage.

"Karina." Maikli niyang sagot.

"Hello, Mr. Tabulator. What rank is Ms. Karina on the results?" tanong ni Abigail.

Everyone is really in awe. All of them are clueless. Walang alam kung ano ang pina-plano nitong si Abigail. Kunot-noo lang sila. Ang iba ay medyo dismayado na rin dahil napatagal ang pagbibigay ng certificate.

The tabulator scanned on the sheets of paper for the result. He carefully looked for Karina's name. At nang makita niya ito, napaangat siya ng ulo at sumenyas.

"Rank two. Only two points ahead from you, Ms. Abigail."

Napaawang ang mga labi ng dalaga. Gusto niyang maiyak. Totoo?? Nagawa ko iyon?! Nagawa kong maging rank two?! Kung gano'n, two points lang ang lamang at ako na sana ang mananalo? Aniya sa isipan.

"You see? I know she is capable and I am giving her the spot. Anyway, I'm not really that interested with make-ups, I am just forcing myself because people expect me to be like my Mom. But now, I want to give this opportunity whom I think will do better than me," nakangiti nitong saad habang nakatingin ng diretso kay Karina.

Doon na tumulo ang luha ng dalaga. She didn't expect na ganito ang mangyayari. Na magpapaubaya si Abigail. Dahil kanina lang, sinasabi nito na baka nababaliw lang si Abigal nang sabihin niya na ipapanalo niya si Karina. Hindi nga iyon sineryoso ni Karina, but look at her now, smiling towards her. Hindi pinapansin ang kanina pa niya nanggagalaiting Mommy.

"A-Abi, are you sure about this?" naiiyak nitong tanong. She held Abigail's hands.

"Yes, Karina. Please, take my place."

She's been crying. Tears won't stop flowing down her cheeks. She is beyond grateful to this straight forward girl!

"Thank you! Thank you, Abi!!" Nagtatalon na si Karina at napayakap bigla kay Abigai. Sunod ay narinig na lang nila na nagsipalakpakan na ang mga tap sa loob ng event lounge. Na-touch sila sa napanood nilang tagpo.

"Aww, how sweet! A friendship has been made because of Elisse and Company! Congratulations to the both of you!" ani Elisse saka nakipag-shake hands sa dalawa.

Sunod-sunod na flash ng camera ang ang nakapagpa-realize kay Karina na natupad ngang tunay ang pangarap niya. Ito na 'yon. Hawak-hawak na niya ang certificate para na rin niyang hawak ang tagumpay niya.

***

Napahilot si Winston sa kanyang sentido habang nakaharap sa salamin. Sinusukat na niya ngayon ang kanyang isusuot na suit para sa wedding nila ni Tiffany. Labag man sa kalooban niya ay kailangan. Kailangan niyang panagutan ang bata sa sinapupunan nito by tying the knot with her dahil ni-black mail siya ng dalaga na ilalayo nito ang anak nila sa kanya kapag hindi niya ito pinakasalan. He won't let that to happen. Masakit at mahirap man na makasal sa isang babaeng kampon ni satanas.

He heard a sudden knock on his door.

"Come in."

It's Marky as usual. Hawak-hawak ang kanyang ipad mini.

"What is it this time, Marky?" he asked habang inaayos ang kanyang suot.

"You are finally ready to get married next month, Sir?" tanong nito.

"Not really, I am just fitting this. I have lots of suits to choose from until the wedding day."

"You don't sound excited."

"I really am not. What exactly is the reason why you suddenly showed up, Marky?" kunot-noong tanong ni Winston. "Hindi ka naman nandito para makipagkwentuhan sa akin, hindi ba?"

Marky cleared his throat. "No, Sir. I guess, you need to see this," anito sabay pakita ng kanyang ipad mini.

Napahinto ang mundo ni Winston. His lips tremble. He can't utter any words. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin at paanong magsasalita. Isa lang ang nararamdaman niya, he feels like he fell in love again with her. The only girl that he loved from the beginning.

"T-Take that away from me," walang gana niyang sagot saka tinabig ang ipad na hawak ni Marky na pinakita sa kanya.

He is afraid na baka umatras pa siya sa kasal dahil sa nakita niya. Karina changed so much. Hindi niya mapaniwalaan na kaya nitong baguhin ang sarili sa maiksing panahon. Ibang-iba na siya ngayon. Mula sa ayos at pananamit. She looks elegant. She looks graceful. At kung hindi pa niya tinabig ang ipad na 'yon ay baka malaman niya na lang na hinahanap-hanap na naman niya si Karina. Well in fact, totoo iyon. Halos araw-araw at gabi gabi itong nasa isipan niya.

Napatingin muli si Marky sa post ng isang online magazine about Elisse and Company. Doon, pinakilala nila ang pinakauna at pinakabatang myembro ng kanilang oranisasyon, at si Karina iyon.

"She changed so much," Winston uttered while bitterly removing the suit on to his body. Nairita siyang bigla.

"She have achieved such a big title, Sir."

"I will always be proud of her, Marky. Kahit na sa malayo na lang. Kahit na hindi na kami puwede. Kahit na, isang buwan na lang, ikakasal na ako sa iba."

Tahimik na isinara ni Marky ang pintuan ng kuwarto ni Winston. 

Mabigat na napabuntong-hininga ang binata. He stared blanky in space. Hindi niya maipaliwanag. Masaya siya sa achievement ni Karina, but he felt sad for her and for himself. Paano kung mahal pa siya nito? Kasi kung oo, hindi na rin puwede. Ikakasal na siya kay Tiffany. At hindi na niya matatakasan ang responsibilidad na iyon. Mapait siyang napangiti.

Natulo na lang bigla ang luha sa kanyang mga pisngi. "I still love you, Karina. Ikaw pa rin kahit ilang buwan na ang nakakalipas. At kahit na ikasal na ako sa iba, ikaw pa rin. Ikaw lang ang gusto at gugustuhin ko."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.