CHAPTER 87

Hindi na magkandaugaga ang mga kaibigan at pamilya ni Karina sa paghahanda para sa pag-uwi nito. They have prepared a surprise dito mismo sa bagong condo na binili ni Winston para kay Karina at sa tiyahin nito. Okay na rin sina Evo at Winston. Sa katunayan, si Evo pa mismo ang nag-offer ng tulong sa kung ano mang balak ni Winston sa relasyon nila ni Karina starting today. 

FLASHBACK. . .

"Para quits na tayo, gusto kong tulungan ka kay Karina." Suhestiyon ni Evo. Nasa labas sila ng hospital. Katatapos lang kasi na dalawin ni Evo si Karina. Doon niya napagtanto na kailangan na nga talaga niyang isuko ang dalaga, hindi dahil alam niyang hindi siya nito magagawang mahalin, kundi dahil hindi talaga ito para sa kanya una pa lang.

"What do you mean?"

Inis na nagsalubong ang kilay ni Evo. "Tsk. How have you become so slow, man? Pakasalan mo na si Karina! Ano pa ba ang hinihintay mo? Panibagong delubyo? O, baka gusto mong mag-unahan pa kami ni Tao sa kanya?" sarkastiko nitong sagot.

Lihim na napangiti si Winston. "So you 're saying that you 're giving up on her?" taas kilay na sagot ni Winston.

"Not really?" hindi siguradong sagot ni Evo.

Muling napaangat ng kilay si Winston. "Back off, bro. She is mine now. At habang-buhay na siyang mapapasaakin because I am finally proposing to her."

Saglit na nakaramdam ng kirot si Evo sa puso niya pero napalitan naman iyon agad ng kaunting saya dahil sa wakas, kumilos na rin ang best friend niya.

"Then, may the best man win?" 

"Huh?" kunot-noong sagot ni Winston.

"Joke. I want to be your best man."

Sarkastikong natawa si Winston. "You really will be my best man." Nag-fist balm pa ang dalawa. They missed this kind of moment. Marami na rin silang hindi pagkakaunawaan but they're still here standing by each other's side. Willing to help one another. Kahit na naging magkaribal pa silang dalawa sa iisang babae.

"So, let's plan about your proposal," muling wika ni Evo.

"Right, let's do it," nakangiting sagot ni Winston.

END OF FLASHBACK. 

"Wala pa raw ba sila?" tanong ni Mr. Tao kay Evo.

Everything si now settled. The foods, the decorations and all their visitors pero siyempre, wala silang inimbita na mula sa labas. This is an intimate gathering. No press, no grand proposals, just as simple as Karina dreams to have kahit na ni isang ideya ay wala siya. Wala siyang alam sa mangyayari sa totoo lang.

"On the way na. Please, Eliza, paki-prepare na ang banner."

"How about the rose petals? Sino ang maghahanda niyon?"

"Ilatag na natin sa sahig!"

Nagmadali na sila dahil magtatago pa sila. Hindi pa sila puwedeng makita ni Karina not until lumuhod na si Winston sa harapan niya.

Ang look out naman nila ay si Mrs. Olivia, kalmadong kalmado lang ito kanina pa. Hanggang sa nakarinig na nga sila ng busina sa baba. Sumilip si Mrs. Olovia sa terrace mula sa kuwarto ni Karina sa second floor at nakita na nga niyang nag-park na ang kotse ni Marky sa baba.

"They 're here!! They 're here!" natatarantang sigaw ni Mrs. Olivia sabay na nagtatalon pa.

"Naku po! Akala ko ba chill lang itong si Mrs. Olivia. E, kulang na lang tumalon mula dito sa second floor ng condo ni Karina," natatawang wika ng tiyahin ni Karina.

Mabilis  pa sa kidlat at natataranta silang nagtagong lahat. They made sure na walang maririnig na kahit ano mang salita mula sa kanailang bibig by covering their mouth with their hands.

"Sssshhhh." Suway ni Evo nang marinig na bumukas na ang pintuan.

Wala masyadong maaninag si Karina sa loob ng condo nang pumasok sila ni Winston. Pero one thing is for sure, nagkalat ang kandila sa loob. Scented candles iyon na parang binibigyang ilaw ang daan niya. 

"Naputulan ba tayo agad ng kuryente?' nagtatakang tanong ni Karina. Napakainosenta pa rin nito.

Mahinang natawa si Winston pero pinigilan niya iyon. "Bakit ka tumatawa?"

"Pfft! H-Hindi, ah!"

Nilibot ni Karina ang paningin sa mga nagkalat na rose petals sa paligid. "Winston, bakit mo naman sinayang ang mga bulaklak? Kinalat mo pa sa sahig, o. Hayys! Sayang naman!" 

Gustong matawa nina Eliza habang nagtatago sa isang madilim na parte ng condo dahil sa reaksyon ni Karina pero pinigilan nila dahil baka maaga silang mabuko.

Naihilamos na lang ni Winston ang palad niya. This girl is really unbelievable! "Tsk. Ang slow mo naman. This should be something romantic!" parang bata na reklamo ni Winston.

Napakurap-kurap si Karina."What do you mean?"

Napatingin si Karina sa isang parte ng bahay kung saan nagsilabasan ang mga kakilala niya. Iyon na ang hudyat kaya lumabas na ang mga kaibigan at pamilya ni Karina. She saw familiar faces. Sina Mrs. Emely na tumulong sa kanya na makapag-aral sa Taiwan. Si Mr. Tao na siyang umalalay sa kanya doon. Si Evo, na hindi siya pinabayaan sa lahat ng bagay. Si Eliza sa kaibigan niya simula't sapul. Si Aling Alicia, na tiyahin niyang naging malupit sa kanya noon, at si Mrs. Olivia na itinuring siyang anak. Kusa na lang tumulo ang kanyang luha. Sabik na sabik siyang makita at makasama ulit ang mga taong ito ngayon. 

Before she could finally say a word, nakita na lang niyang nakaluhod na si Winston. Holding a small box in his hands with a diamond ring on it. "Karina. . ." kinakabahan nitong sambit. Panagalan pa lang ni Karina ang nasambit niya pero nahirapan na siyang huminga sa bilis ng tibok ng puso niya.

"Sh*t." Doon na napahagulgol si Karina habang takip-takip ang kanyang bibig.

"Matagal ko nang pangarap na dumating ang araw na ito, baby. Araw na wala nang hadlang, araw na masasabi kong malaya na tayo, at maayos na ang lahat. When you came into my life, akala ko, isa ka lang sa mga maids na darating at aalis, pero nang umalis ka, dinala mo ang puso ko ang hindi mo na ibinalik. Didn't you know how hard my life was because of what you did?"

Natatawa si Karina habang umiiyak. "Nanumbat ka pa talaga ha," humahangos nitong sabi.

"But you came back.  You came back and I thought isasauli mo na ang puso ko na ninakaw mo, pero mas lalo mo itong inangkin. Kaya hindi ako papayag na puso ko lang ang angkinin mo. Isama mo na rin pati ang buhay ko, please. Sa harap ng mga kaibigan at tiyahin mo, marry me, baby. Please marry me."

"Anak, napaka-cheesy! Hindi naman iyan ang ni-practice natin, ah? Huhu! I can't believe that my cold as ice son can be this warm! I'm so proud of you, sweety!" naiiyak na wika ni Mrs. Olivia.

Hinatak ni Karina patayo si Winston saka mabilis itong siniil ng halik sa kanyang labi na siyang ikinagulat nilang lahat. "Yes! I will marry you, baby!" umiiyak sa kasiyahan na sagot nito.

"Woah, ang aggressive mo pala, sis, ha?" Puna pa ni Eliza.

Nagsipalakpakan silang lahat sa naging sagot ni Karina. Lahat naman ay halos kinilig. Pero kung mayroon mang isang sobrang kiniliig at halos mamatay na sa tuwa, si Winston iyon.

Sa sobrang galak ni Winston ay nabuhat niya si Karina. "I love you!" he exclaimed and kissed her on her lips bago isinuot ang singsing sa ring finger ni Karina.

Just as Karina dreams, a happy ending with the love of her life. Alam niyang ito pa lang ang umpisa. Alam niyang hindi pa matatapos dito ang lahat pero kompiyansa na siya na mas kakayanin pa niya ang mga susunod na pagsubok sa kanyang buhay because finally, Winston is by her side now. May katuwang na siya sa bawat hamon ng buhay na haharapin niya dahil haharapin na nila iyon ni Winston dalawa bilang mag-asawa.

"Karina, mag-ingat ka mamaya kay Winston ha. Kamakailan lang, bala ng baril ang tumama sa 'yo, mamaya baka ibang bala na ang iputok no'n." Singit ni Eliza.

Isang malakas na batok tuloy ang natamo niya mula kay Karina.

_END_

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.