CHAPTER 86

Iminulat ni Karina ang mga mata niya at halos mapapikit siyang muli sa tindi ng silaw na tumama sa kanyang mga mata. 

"Nasaan ako?" aniya sa sarili. Hindi siya pamilyar sa lugar pero puro puti ang nakikita niya sa paligid. Pagod na pagod siya sa paglalakad. Kanina pa niya binabagtas ang mahabang daan na ito kahit na wala siyang ibang maaninag kundi puro kaputian. 

Nang makarinig siya ng isang pamilyar na boses. "Anak." 

Nanginig siya sa narinig niya. Agad na nanghina ang kanyang mga tuhod nang mapamilyaran ang boses ng kanyang ina. She cried. She cried so much. Nagmistulang ilog ang mga luha niya at hindi na tumigil sa pagpatak. 

Humawi ang mga ulap at napatakbo siya nang maaninag ang imahe ng kanyang ina. "Mama?!" umiiyak nitong sigaw. 

Agad siyang napatakbo para yakapin ang ina niya na sobra-sobra niyang na-miss. Wala siyang ideya kung bakit niya ito kasama ngayon pero hindi na niya iyon inisip. Sabik na sabik siya sa ina niya to the point na ayaw na niyang kumawala pa sa mga yakap nito.

"Anak, mahal na mahal ka namin," umiiyak na sabi ng kanyang ina. 

Inangat niya ang ulo niya para ngitian ito. "Mahal na mahal ko din po kayo, Ma. Hindi na tayo magkakahiwalay ngayon kasama na kita," hagulgol nitong sabi.

Pero umiling-iling ang ina niya. "Mahal ka namin, pero maraming naghihintay sa 'yo, anak. Maraming naghihintay sa pagbabalik mo."

"P-Po?"

"Kailangan mo nang bumalik, anak. They are waiting for you. All of them. Hinihintay nila ang pagbabalik mo."

"Hindi ba puwedeng sumama na lang ako sa inyo, 'Ma?" hagulgol nito.

"May tamang oras para diyan, anak. Pero sa ngayon, kailangan ka pa nila."

Iyak nang iyak si Karina hanggang sa unti-unti na lang lumayo sa kanya ang kanyang ina at naglaho sa harapan niya. Kasabay niyon ay ang pagbabalik muli ng tibok ng kanyang puso. Agad na naulinigan nila ang tunog na nanggagaling sa makina na nakakabit sa kanya. 

Nataranta silang lahat at nagkumahog na tawagin ang doctor. They checked her vitals, her heart rate, and pulse. At halos manlaki lahat ang kanilang mga mata. 

"The patient is alive!!" namimilog ang mga mata na sigaw ni Mr. Tao

Napaiyak na silang lahat ng tuluyan sa tuwa. Hagulhol iyon pero ramdam ang saya at kaba sa mga boses nila. Hindi sila makapaniwala na mangyayari ito. Akala nila ay uuwi na silang luhaan. 

"Diyos ko, Karina!!" umiiyak na wika ni Mrs. Olivia.

"Thank you, Lord!!" sigaw nina Eliza. 

Halos mapalukso naman si Evo at Mr. Tao sa tuwa. Samantalang si Winston ay nanginginig sa kasiyahan. His eyes were full of tears from crying. Akala niya ay hindi na iyon titila pa.

Akala nila ay habang-buhay nang mawawala sa kanila si Karina. Pero mas lalo lang nitong pinatunayan sa kanila na hindi siya basta-basta sumusuko. Sobrang dami niyang pinagdaanan pero hanggang sa kamatayan ay nilaban niya iyon. 

Pinalabas muna silang lahat ng doctor. Madami silang kailangan i-monitor sa  pasyente because she just came back to life after a few minutes na inanunsyo na siyang patay. Maybe, miracles can't be true, but fate is. Kung para sa iyo ang kamatayan, kahit magtago ka pa, hahabulin at hahabulin ka nito. But as for Karina? Baka nga, hindi pa ito ang katapusan na para sa kanya. She isn't bound to die. It's not her fate to die this soon.

Hindi naging madali ang pagrecover ni Karina mula sa pagkakabaril sa kanya, it was a near death experience, but her case is much more special than that. After several months of recovery, finally, she has been able to say that she survived it. She's better at napagtagumpayan niya iyon. Hindi siya iniwan nina Eliza, Mr. Tao at ni Evo, pati na rin ang tiyahin niya. Lalo na si Winston. Mas lalo ito. During Karina's recovery days, halos doon na lang siya tumira sa hospital dahil natatakot siya na baka isang kurap lang ng mga mata niya ay mag-agaw buhay ulit ang dalaga. Natatakot siya ng sobra na iwan siya nito kaya ginawa niya ang lahat to stay by her side at ipinasa pansamantalaga ang ibligasyon sa mommy Olivia niya. And now, when Karina finally got discharged, siya rin ang nagpahanda ng welcoming party para sa dalaga. Siya na rin ang bumili ng pangarap nitong condominum unit and it worth millions--anyway, he doesn't care about how money he spend for the girl he loves. Maglulustay siya at tataya para sa dalaga.

"Are you ready to go home?" tanong ni Winston sa kanya.

"Very much. . ."

"You forgot to call be by our endearment?" Pagpapaalala ni Winston.

"Ha? Ano ba ang endearment natin? Meron pa pala tayo no'n?" 

Napa-frown tuloy si Winston sabay pout niya. "Karina, you had a gunshot, okay? Not an amnesia kaya huwag ka nang magmaang-maangan na nakalimutan mo."

Napahagikhik ang dalaga sa sagot nito. "Haha! Ito naman. Hindi na mabiro, oo na, baby.'

Impit na napangiti si Winston. Para siyang kinikiliti sa singit nang marinig na tawagin siya ni Karinang baby. It's been so many months. Sa dami ng nangyari ay hindi na niya maalala kung kailan siya nito huling tinawag niyon.

"Kinilig naman po agad siya." Pang-aasar ni Karina.

"Parang ako yata ang nabaril." Pahayag pa nito kaya at agad na nangunot ang noo ng dalaga.

"And  why?"

"Kasi, tinamaan yata ako sa 'yo. Dito, o," anito sabay hawak sa may bandang dibdib niya.

"Baliw!!" gusto sana siyang batukan ni Karina pero kailangan niyang ingatan ang bawat galaw niya dahil operada siya.

"Wala man lang bang kiss diyan?" Hirit nito.

Tumaas ang kilay ni Karina sa sinabi niya. "Kiss? Mahiya ka nga. Nandito na sila Marky maya-maya kaya huwag kang hihirit-hirit diyan dahil nasa public place tayo."

"Okay. Mamaya ka sa 'kin."

Abah? Nambanta pa ang lokong 'to? 

"Ano na nga pala ang nangyari kina Tiffany at sa Dad niya?" kyuryosong tanong ni Karina.

Biglang lumamig ang ekspresyon ng mukha ni Winston. Ayaw na niyang pag-usapan pa nila ang tungkol sa mag-ama. They are experiencing a major fallback now. Their company is struggling from tons and tons of losses. Wala na silang investors. Other stock holders have pulled out their shares dahil hindi na nila kayang pagkatiwalaan pa ang kumpanya nina Tiffany. The news about that fake pregnancy and at ang pamamaril ng Daddy nito ay naging matunog din samga radyo, telebisyon, at internet lalo na sa social media. Kaya mas napabilis ang pagbulusok nila pababa. Bashers hit them everywhere.

"Let's not talk about them, baby." Napatingin si Winston sa isang banda at nakitang papalapit na sa kanila si Marky. "He's here. Let's go, hold my hand."

Inilahad naman ng dalaga agad ang kanyang mga kamay. Sa ilang buwan niyang pananatili sa hospital ay malaki naman ang improvements niya. Kaya nakakagalaw naman siya ng maayos pero hindi siya puwedeng gumawa muna ng mga mabibigat na trabaho. Anyway, hindi na siya prinsesa ngayon dahil magiging reyna na rin naman siya sa buhay ni Winston. Matagal na siyang nanalo, siya lang at wala nang iba.

As Karina held his hands, naramdaman niya ang init niyon. She felt secured more than ever. "I love you so much, Winston." She uttered and smiled sweetly to her beloved man.

"Sabi ko na nga ba patay na patay ka talaga sa akin, e." Natatawang sabi ni Winston sabay ngisi. 

Hawak-kamay silang naglakad palabas ng hospital nang kapwa may ngiti sa kanilang labi. Si Karina lang ang makakapagpangiti ng ganito kay Winston. No one did it best than Karina. Kung ano ang sikreto niya? Hindi niya rin alam, basta ang alam lang niya, wala naman siyang ibang hiniling kundi ang magkaroon ng magandang buhay kaya naging desperada siyang nag-apply bilang personal maid ng isang anak ng bilyonaryo. Hindi niya inasahan na higit pa pala doon ang ibibigay sa kanya. Naging kontento at masaya lang siya sa mga simpleng bagay, but God gave her more, at may pa-bonus pa dahil mukhang nangangamoy happily ever after na siya kasama ng isang Winston Miller.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.