"Just wait for my signal Agent Tetsuya, bago ka kumilos. And make sure na secure ang loob bago kami pumasok!"
Pasimpleng inayos ni Akihiro ang earpiece niya nang marinig iyon saka kunwaring may inayos sa kwelyo bago sumagot. "Copy."
Malikot ang mata niya ng mga sandaling iyon at mas tinalasan pa ang pakiramdam. Ngayong gabi nila sasalakayin ang nightclub. Naroon na rin siya sa loob at nagpapanggap pa rin bilang isang customer. Sa labas ay nakapwesto na ang PDEA, NBI at Quezon City Police District. Ano mang oras ay papasukin na nito ang nasabing lugar.
Inikot niya ang paningin sa kabuohan ng club at napansin niyang mas lalo yatang dumami ang mga bantay nito. Pero ang kainaman lang, kakaunti ang customers ng araw na iyon. Sinadya talaga nilang itapat iyon ng weekdays, dahil kung sakaling manlaban man ang mga ito ay maliit ang posibilidad na may madamay na mga civilian.
Kailangan ko silang masabihan, isip-isip niya habang pasimpleng nakatingin sa mga tauhang nagkalat sa loob ng club.
Inangat ni Aki ang wine glass na may lamang alak at nagkunwaring iinom para maitago ang pagbuka ng bibig. "Sir, mag-iingat kayo. Napakaraming bantay ngayon. Pero maswerte pa rin tayo't kaunti lang ang mga sibilyan," pagbibigay-alam niya sa kabilang linya na ang kausap ay ang Hepe ng pulisya sa distritong iyon.
"Okay, affirmative!"
Naghihintay na lang si Akihiro nang pagsalakay ng mga kasamahan. Kalmado siya nang mga Oran's na 'yon at walang ano mang kaba na nararamdaman dahil 'di na iyon bago sa kan'ya. Napakarami na rin niyang misyon ang napagtagumpayan. Hindi lang dahil sa magaling siya, kundi dahil sa Amang nasa langit.
Umusal pa muna si Akihirp ng maikling panalangin saka nag-antanda. Protect and guide us, Lord. . . Pagkatapos niyon ay kinapa niya ang Caliber 45 na nakaipit sa kanyang high cut boots. Sa ilalim naman ng polo shirt niya ay nakasuot siya ng bullet proof vest.
Ihinanda na niya ang sarili sa mangyayaring engkwentro. Hindi masyadong mahigpit ang bantay kanina pagpasok niya. In fact, hindi siya kinapkapan kaya naman naipuslit niya ang baril at ang bullet proof na suot.
Ilang sandali pa ang nakalipas, nang pasukin na ng mga kasamahan ang nightclub at magdeklara ng raid. "Walang kikilos sa inyo! Raid ito!" malakas na sigaw ng mga kasamahan niyang pulis.
Tumayo na rin siya saka inilabas ang baril at itinutok sa isa pang bantay na halos dalawang metro lang ang layo mula sa kan'ya. Subalit katulad ng inaasahan, nanlaban ang mga ito sa mga at nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng tauhan ng club at otoridad.
Nagsipulasan ang mga customer sa nightclub. Maging ang mga empleyado ay gan'on din ang ginawa. Hanggang ang mga otoridad lang natitira at patuloy sa pakikipagpalitan ng putok.
Samantalang alerto at agresibo naman si Akihiro habang nakikipagpalitan ng putok, pero napansin niya sa isang madilim na sulok ang mga ilan pang tauhan na papunta sa isang silid.
Mariin siyang napamura habang mahigpit ang pagkakahawak sa baril. Shit! Hindi niyo ako matatakasan!
Mabilis niyang tinalunton ang daan papunta sa silid na nakita niyang dinaanan ng ilang tauha habang panay ang pakikipagbarilan sa mga ito. Hanggang sa marating niya ang pakay na silid saka malakas na sinipa. Pero gayon na lang ang pagtataka niya nang makitang walang kahit isang tao ang naroroon. Tang ina! Saan nagpunta ang mga hayop na 'yon?!
Inilibot pa niya ang paningin sa kabuohan ng silid habang nakatutok ang baril sa bawat sulok na dapuan ng kan'yang tingin. Pero bigo siyang makita ang mga taong pumasok doon kanina. Ang mga hayop na 'yon! May sa demonyo!
Tiim-bagang na ibinaba ni Akihiro ang baril at saka tumalikod na para sana lumabas sa silid na iyon, nang biglang umikot ang sementadong dingding sa kanyang harapan at iniluwa niyon ang isang lalaki na armado rin. Hindi agad nakahuma si Aki kung kaya't naunahan siya nitong paputukan. Tinamaan siya sa balikat dahilan upang mabitiwan niya ang hawak na baril. Kaagad na nanalaytay ang hapdi bunga ng tinamong sugat.
"Isang malaking pagkakamali na pinasok n'yo ang aming teritoryo!" galit na sigaw ng mestisong lalaki habang nakatutok pa rin ang baril sa kan'ya. May tono ang pananalita nito, maging ang anyo ay mahahalatang hindi Pinoy.
"Kayo ang malaki ang pagkakamali! Dahil dito n'yo sa Pilipinas napiling gawin ang mga kahayupan n'yo!" ganting sabi naman niya sa kaharap habang sapu-sapo ang sugat na tigmak ng dugo.
"Por qué no?(Why not?)" tanong pa nito gamit ang wikang Español na naiintindihan naman niya. "Napakarami sa bansa ninyo ang may gustong humawak ng drugs! Even the government officials ay lulong sa pera at droga! Napakadali para sa aming mag-operate sa bansa n'yo dahil halos corrupt ang nasa gobyerno!"
Sa sinabi nito ay nagpuyos ang kalooban ni Akihiro. "Pwes, nagkakamali ka! Hindi lahat ng tao sa aming bansa ay kasinsama ninyo! Magsasama-sama kayong mabubulok sa kulungan ng mga kalahi mo!" ganting-sigaw niya sabay pasimpleng kinapa ang isa ekstrang baril niyang Calibre 38 na nakaipit sa isa pa niyang boots. Lihim siyang nagpasalamat dahil mabuti na lang, lagi siyang may nakareserba roon.
"Hijo de puta! (Son of a bitch!)" nanggagalaiting wika naman nito kay Akihiro pagkatapos ay inasinta siya ng baril sa ulo.
Hindi naman siya nagpakita ng pagkasindak. Sa halip, ay nginisian lamang niya ito ng pang-asar. "You too. You're son of a bitch!" pangagaya niya saka mabilis na hinugot ang baril at pinaputukan ito sa magkabilang binti. Napaluhod ang lalaki habang sapu-sapo ang binting tinamaan.
Naglakad si Akihiro papalapit sa lalaking nakasalampak sa sahig, saka nang-aasar na nginisihan ito. "Marami man ang corrupt, marami pa rin namang tapat na taong gaya ko ang huhuli sa mga kriminal na tulad mo!" wika pa niya pagkatapos ay hinampas ng baril ang lalaki. Muli kasi nitong dadamputin ang baril na nalaglag sa sahig.
Ilang sandali pa ang dumating na ang mga pulis, maging ang kasamahan niya sa DISG. Nagulat pa siya nang makita niya roon si Heinz. Mabilis siyang dinaluhan ng kaibigan nang makita ang sugat niyang tigmak ng dugo.
"Ayos ka lang ba, Kups? Kaya mo pa?" tanong nito bagaman nasa tono ang pang-aasar.
"Gago! Ako pa ba?" natatawang sagot ni Akihiro. "Ano'ng ginagawa mo rito? Eksena ko 'to, ha?" biro niya pa sa matalik na kaibigan.
"Tinawagan ako ni Mr. Dominguez. Kailangan niya raw sa misyon na ito nang mas magaling sa'yo," pang-aasar pa ng kaibigan.
"Ulol ka, mas gwapo pa rin ako sa'yo!"
"Buti 'di mo tinuluyan 'to?" saad pa nito pagkatapos pinosasan sa dalawang kamay ng lalaking nakalaban niya. "Dalhin na iyan," utos pa ni Heinz sa mga kasamahang naroon.
"Yes, Sir!"
"Muntikan ko na ngang tuluyan, e. Barilin ba naman ako sa balikat!" inis pang wika niya. Napangiwi pa si Akihiro nang maramdaman ang pagkirot ng sugat.
Napansin naman iyon ni Heinz kaya nilapitan siya nito at inakay. "Let's go. May medic sa labas."
"Thanks, kups! Love you!" nakangising turan niya sa kaibigan saka nagpaakay palabas ng silid na iyon.
"Ulol ka! Tang'na mo!" natatawang sagot naman nito.
• • •
"Anak, mag-iingat ka sa Maynila, ha? Hindi ka na ba talaga mapipigilan pa?" puno ng lungkot na wika ni Nanay Rebecca sa anak.
Bumuntong-hininga naman si Kiah bago umiling, pagkatapos ay niyakap ang ina. "Nay, para po ito sa inyo ng mga kapatid ko. At saka 'wag po kayong mag-aalala dahil mabait naman si Sir Akihiro. Hindi n'ya ako pababayaan."
"Pero Ate, pa'no kung may nakuha na palang kapalit mo ang amo mo? Saan ka pupunta?" sabat naman ng kapatid niyang si Ezekiel.
Kumalas sa pagkakayap si Kiah sa ina at binalingan ang kapatid. Naisip na rin naman niya na hindi imposibleng magkaganoon nga, ngunit nakapagdesisyon na siya. Kung sakaling hindi na siya makakabalik pa sa dating trabaho ay maghahanap muli siya ng mapapasukan doon.
"Huwag kayong mag-alala. Marami namang alam na trabaho ang Ate niyo," nakangiting saad niya sa mga kapatid. "Maghahanap ako ng trabaho. Hindi ko kayo pababayaan."
Dahil sa sinabi ay lumapit kay Kiah ang bunsong kapatid at yumapos sa baywang niya. "Mag-iingat ka, Ate. Mami-miss ka namin," anitong tila maiiyak na.
Hinaplos ni Hezekiah ang ulo ng kapatid saka nginitian ito ng masuyo. "Ikaw din bunso. Alagaan n'yo ang Inay, ha? 'Wag kayong magpapasaway at mag-aaral kayo ng mabuti."
"Opo, Ate."
"Ezekiel," pakli niya sa pangalawang kapatid.
"Ate?"
"Ikaw na muna ang bahala kay Inay, pati kay Elijah at Josiah, ha? H'wag mo silang pababayaan."
"Oo, Ate. Makakaasa ka."
"Elijah!" tawag naman niya sa pangatlong kapatid.
Malungkot naman ang mukha nito ng tumingin sa kan'ya. "Ano 'yon, Ate?"
Nginitian niya ito saka niyapos. "Lagi mong tuturuan sa eskwela si Josiah, ha? Mag-aaral kayong mabuti. Pangako pag-uwi ko, may premyo kayo sa akin."
Subalit ni hindi man lang nagbago ang anyo nito, maging ng bunsong kapatid. Lalong bumalatay ang lungkot sa anyo ng mga ito. "S-sige, Ate."
Lihim na bumuntong-hininga si Kiah saka hinarap ang pamilya. Ang totoo'y mabigat rin sa kalooban niya ang pag-iwan sa pamilya, subalit kailangan niyang magsakripisyo para sa kapakanan ng mga ito. Kahit pa nga alam niyang mahirap na malayo sa pamilya.
Mayamaya pa'y dumating na ang bus na sasakyan niya papunta sa pier. Sandali pa muna silang nagpaalam sa bawat isa bago siya sumakay doon. Nilingon pa muna niya ang pamilya sa huling sandali bago tuluyang lumayo ang sinasakyang bus. Hindi rin niya mapigilang mapaluha ng mga sandaling iyon dahil bukod sa pamilya niya, ay isa rin sa maiiwan niya roon ang lalaking minamahal niya.
Carlos. . . wika niya sa isipan habang panay ang pagtulo ng luha sa mga mata habang pinagmamasdan ang singsing na suot sa kaniyang daliri.