Chapter Kabanata 17

HALOS tatlong araw ang itinagal ng biyahe ni Kiah bago siya makarating sa pier ng Maynila. Sa isang transportasyon na kung tawagin ay roro siya sumakay na kung saan, ang bus na sinakyan niya paalis sa kanilang probinsya ay isinasakay sa isang barko. Noong una kasi siyang umuwi sa probinsya, ay sa eroplano siya pinasakay ni Akihiro kung kaya't halos isang oras lang ang itinagal noon.

Naku! Paano ba 'yan? Hindi ko alam kung paano pumunta sa Makati! Namomroblemang inililibot ni Hezekiah ang paningin sa pier. Hindi kasi niya kabisado ang Maynila kaya hindi niya alam kung paano makakapunta sa Makati, kung saan naroon ang condo unit ng amo.

"Ang init naman!" reklamo pa niya sa sarili habang pinupunasan ng face towel ang mukha niya. Pasado ala-una na kasi noon ng tanghali kung kaya't kasagsagan na tirik na tirik ang araw.

Hila-hila ang kanyang maleta at bitbit ang shoulder bag ay nagtungo siya sa isang waiting shed, hindi kalayuan sa kinaroroonan niya. Mabilis niyang tinalunton iyon para sumilong dahil pakiramdam niya ay matutumba siya sa labis na init. Isama pang wala pa siyang hapunan at almusal dahil masyadong mahal ang mga pagkain sa barko. Dahilan upang biscuit at tubig na lamang ang inilapat niya sa kumakalam na sikmura.

Nang makarating sa waiting shed ay sumalampak ng upo si Kiah saka dinukot ang cellphone sa bulsa ng suot niyang pantalon. "Matawagan nga si Sir Akihiro. Makikiusap akong sunduin niya ako. Siguro naman, hindi siya magagalit," saad niya sa sarili habang hinahanap sa phonebook ang pangalan ng lalaki.

Nang makita niya ang numero ni Akihiro ay agad niyang pinindot ang call button. Nakagat pa niya ang ibabang labi nang mag-ring iyon. Hindi rin niya malaman kung bakit bigla siyang kinabahan habang pinakikinggan ang kabilang linya na panay lamang ang pag-ring.

Bakit kaya hindi sinasagot ni Sir? Galit kaya siya?

Hindi pa kasi niya ipinaaalam sa lalaki na lumuwas siya upang bumalik sa trabaho. Ang balak kasi sana niya'y saka na lamang sabihin kapag nagkaharap na sila nito. Tutal, ang sabi naman ni Akihiro sa kan'ya ay maaari siyang bumalik ano mang oras.

Nakakatatlong ring na at halos kainin siya ng kaba nang may sumagot sa kabilang linya. "The number you have dialed is busy at the moment. Please try your call later."

"Hala! Bakit hindi ko makontak si Sir Aki?" kinakabahan niyang bulalas habang nakatingin sa screen ng cellphone. Panay lamang ang pag-ring niyonn subalit paulit-ulit lamang ang sinasabi ng operator.

Bakit kasi hindi ako tumawag muna bago lumuwas? Hindi ko akalain na magkakaganito. Paano ako makakapunta sa Makati?

Sa sobrang inis ni Hezekiah ay napasabunot siya sa sariling buhok matapos patayin ang tawag. Sinisisi niya ang sarili kung bakit hindi muna niya pinaalam sa amo ang naging desisyon. Tuloy ay hindi niya alam ang gagawin nang mga oras na iyon. Kumakalam na rin ang kanyang sikmura at nanunuyo ang lalamunan dahil sa uhaw.

Muli pa niyang inilibot ang paningin sa pier upang maghanap ng karinderya na maaaring kainan. Napansin din niyang marami mga pasahero ang tila naghihintay ng magsusundo. Hindi paris niyang hindi alam kung paano makararating sa destinasyon.

Bumuntong-hininga pa muna si Hezekiah bago tumayo at maghanap ng makakainan, nang biglang may kumalabit sa kanyang may-edad na babae.

"Hija, where are you going?"

"Po? Ako po ba ang kinakausap n'yo, Ma'am?" nakamaang niyang balik-tanong.

Tumango ito saka hinawakan siya sa braso upang muling maupo sa waiting shed. Nagtataka man ay nagpatangay siya sa babae. "Kumain ka ba, hija?" tanong pa nito habang titig na titig sa kanyang mga mata.

Hindi malaman ni Hezekiah kung bakit tila nahahalina siyang kausapin ang matanda kaya naman na nahihiya siyang ngumiti rito. "Hindi pa nga po. Maghahanap nga po sana ako ng makakainan bago kayo dumating," magalang niyang sagot.

Nang marinig ang sinabi niya ay bumukas ang kasiyahan sa mukha nito, pagkatapos ay may dinukot sa malaking shoulder bag na bitbit. "Tamang-tama, heto ang pagkain. Sa iyo na lang," alok nito saka inabot sa kan'ya ang isang kahon na may logo ng isang sikat na fast food chain.

Maang niyang pinagmasdan ang matanda. "Para po ba sa akin ito, Ma'am?" paniniyak pa ni Hezekiah habang nakatingin sa hawak nitong pagkain.

"Naku! Don't call me Ma'am. Tawagin mo na lang akong Tita Lucy," nakangiting turan nito sa kan'ya saka pilit inabot sa kan'ya ang kahon ng pagkain. Nagdadalawang-isip naman siyang tanggapin iyon. Hindi kasi niya kilala ang babae.

"Please hija, tanggapin mo na iyan. Don't worry, wala 'yang lason, kung iyan ang iniisip mo. Gusto ko lang makatulong sa iyo. Bagong luwas ka, 'di ba? Ano ba ang pangalan mo?"

Kung sabagay, mukha naman siyang mapagkakatiwalaan, isip-isip naman ni Hezekiah. Maamo naman kasi ang mukha ng babae at tila nagsasabi naman ng totoo.

"Maraming salamat po, Tita Lucy," nahihiya niyang turan sabay abot ng pagkain. Matapos niyon ay binuksan niya ang kahon na may lamang isang hita ng pritong manok, spaghetti at kanin. "Ako nga po pala si Hezekiah. At opo, kaluluwas ko lamang po galing Leyte."

Tumango-tango ang kaharap sa sinabi niya saka tiningnan ang pagkain na hindi pa niya ginagalaw. "Come on, kumain ka na Hezekiah. Don't be shy," ani Tita Lucy na matamis pang nakangiti. Nahihiya man ay sinunod niya ito. Nag-umpisa siyang kumain habang ito naman ay nakangiting pinagmamasdan lamang siya.

"Hezekiah, hija, naghahanap ka ba ng trabaho?" mayamaya ay untag ni Tita Lucy sa kan'ya.

Nilunok muna ni Hezekiah ang laman ng bibig bago nagsalita. "Sa katunayan, sa dati kong amo sana ang aking punta, pero hindi ko po siya makontak para sunduin ako."

"Gan'on ba? Ano namang trabaho mo roon?" usisa pa nito.

"Katulong po," sagot naman niya habang inuubos ang natitirang pagkain. Hindi na niya alintana kung nagmistulan man siyang gutom na gutom sa harapan nito. Iyon naman kasi ang totoo.

"Sa ganda mong 'yan, bakit katulong lang ang pinasukan mo? I mean, maganda ka, matangkad, sexy plus idagdag pang morena ka. Bakit iyon ang napili mong pasukan?"

"Marangal naman po ang pagiging katulong, Tita Lucy. Hindi po naman iyon nakakahiyang trabaho," hindi niya mapigilang katwiran. Pakiramdam kasi niya ay minamaliit ng babae ang trabahong iyon.

Natawa naman ito sa kanyang sinabi. "Don't get me wrong hija, pero sa tingin ko ay hindi 'yon ang nababagay na trabaho sa'yo. Kung hindi mo naitatanong, isa akong talent manager. Alam mo ba iyon, Hezekiah?"

Tumango naman siya. "Opo. Iyon pong humahawak sa mga artista."

"Hindi ka lang pala maganda, intelihente ka pang babae!" wika naman nitong ikinamaang niya. "So ganito, may offer ako sa'yo," saad pa ng babae habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata.

"Offer? Ano po iyon, Tita Lucy?"

"Kukunin kitang artista. Ako ang magma-manage sa'yo," diretsang saad ng may edad na babae na labis niyang ikinagulat.

"A-ano po? Artista?"

Bigla ay nakaramdam siya ng pagkasabik nang marinig iyon. Hindi naman sa gusto niyang maging artista, subalit hindi rin niya maiwasang humanga sa mga artistang napapanood niya sa telebisyon. Lalo na iyong mga iniidolo niya paris ni Kristine Hermosa at Diether Ocampo. Para kay Hezekiah ay perpekto ang mga ito at talagang kahanga-hanga sa larangan ng pag-arte.

"Oo, artista. Ako mismo ang hahawak at mag-tr-train sa'yo. Tiyak na sisikat ka, Hezekiah. Kung tutuusin, kayang-kaya mong makipagsabayan ng pagandahan sa mga sikat na morenang artists ngayon, like Lovi Poe, Nadine Lustre, Sanya Lopez etcetera. And you're naturally sexy! Tiyak na mabilis ang pagsikat mo," nasisiyahang pangungumbinsi pa ni Tita Lucy.

Sa mga narinig ay nabuhayan ng loob si Hezekiah. Ang totoo'y marami ang nagsasabi na may kahawig raw siyang artista. Hindi nga lamang niya matandaan kung sino. Sa katunayan, simula elementarya hanggang mag-highschool ay lagi siyang muse ng paaralan.

Madalas din siyang isali ng Nanay Rebecca niya sa mga patimpalak ng pagandahan sa kanilang baryo. At sa kabutihang palad, ay sinuswerte naman siyang manalo. Nakatulong din ang napapanalunan niyang premyo sa mga patimpalak na sinasalihan sa pang-araw araw na gastusin ng kanilang pamilya.

"O, ano, hija? Gusto mo ba?" untag pa nito sa pananahimik niya.

"P-pero kasi---"

"Ay! Wala nang pero-pero. Don't worry, hindi mo problema ang matitirhan dahil may apartment ako para sa mga talents ko. Libre pati ang kuryente at tubig. Pagkain mo na lang ang poproblemahin mo. At ang maganda pa, marami kang magiging kaibigan doon," dagdag pa nito.

Sandaling nag-isip si Hezekiah. Ang totoo ay natutukso siyang tanggapin ang trabahong iniaalok nito. Dahil bukod sa maganda ang trabaho, ay tiyak na mapapanood siya ng kanyang pamilya at kabaryo sa telebisyon. Hindi naman siguro magagalit si Sir Akihiro kung hindi na ako bumalik sa kan'ya. . .

Pinagmasdan muna ni Kiah si Tita Lucy na naghihintay ng isasagot niya. "S-sige po, payag na ako, Tita Lucy," pagkuwan ay sagot niya.

Nang marinig iyon ng kaharap ay parang nanalo sa lotto ang itsura nito. Bakas sa mukha ang matinding kasiyahan. "Good decision," saad pa nito sabay hawak sa kanyang dalawang palad at saka bahagyang pinisil na aywan niya kung para saan. "Wait, bago ko makalimutan, you have to sign this," anang babae saka may inabot na isang puting papel.

Kinuha naman iyon ni Kiah. "Para saan po ito, Tita Lucy?" maang na tanong niya pa.

"Iyan ang kontrata natin Hezekiah, na nagpapatunay na ako na ang manager mo," paliwanag naman nito saka malapad na ngumiti.

Tumango-tango naman si Hezekiah saka binasa ang mga nakasulat roon, at tama nga ang sinabi ng babae. Nakasaad doon sa kontrata na si Lucita Dimayuga ang magiging opisyal na manager niya. Nakasulat din doon ang address at pangalan ng talent agency na pinamamahalaan nito.

Nang matapos niyang basahin ang nakasaad sa kontrata ay tiningnan niya ng nagtatanong ang babae. "Ano po ang gagawin ko rito, Tita Lucy?"

Ngumiti naman ang babae saka tumikhim. "Siguro naman hija, aware kang wala ng libre sa mundo, ano?" Tumango nan siya. "Kailangan mong magbayad sa akin ng five thousand para sa service fee."

Ikinagulat naman ni Hezekiah ang narinig. "P-po? L-limang libo?"

Tumango naman si Tita Lucy saka hinawakan pa siya sa kamay. "Ang service ko na nga ang pinaka-cheap, eh! Kung tutuusin, binigyan pa kita ng discount. Dapat nga eight thousand ''yon. 'Tsaka mababawi mo rin naman 'yan kapag nagkaroon ka ng projects."

Bigla ay gustong bawiin ni Kiah ang pagpayag sa inaalok nito. Wala kasi siyang ganoon kalaking pera. Tatlong-libo lamang ang pera niya na iniingat-ingatan. Ang balak kasi sana niya ay kung sakaling hindi na siya tanggapin ni Akihiro, ay gagamitin niya iyon upang makapaghanap muli ng trabaho.

Pero trabaho rin namang itong papasukan ko, lihim na kumbinsi naman niya sa sarili.

"Ano na, Hezekiah? Ayaw mo bang maging sikat na artista?" tanong ni Tita Lucy na tila naiinip na.

Ilang sandali pa muna siyang nag-isip habang nakatingin sa kaharap. At hindi rin niya malaman kung bakit nang mapatingin siya mga mata nito ay tila may nag-udyok sa kanyang tanggapin iyon.

"Sige po, may tatlong-libo po ako rito. Isama niyo na rin po itong cellphone ko at saka wedding ring," aniya saka parang wala sa sariling inabot ang lahat ng iyon sa babae na ngayon ay ngising-aso na.

Nang makuha iyon ng babae ay hindi na namalayan pa ni Kiah ang mga sumunod na nangyari. At nang magbalik siya sa wisyo ay nawala na ito sa harapan niya tangay-tangay ang pera, cellphone at wedding ring nila ni Carlos.

❇ ❇ ❇

"UGH! You're so wet, baby. . ." ungol ni Akihiro habang marahang gumagalaw sa ibabaw ni Chloe.

"Shit. . . Make it fast, baby. . ." hinihingal namang bulong nito sa pagitan ng mga tenga niya.

Napangisi siya sa narinig saka hinalikan si Chole sa dibdib. Marahan pa rin siyang gumagalaw sa ibabaw nito at hindi sinunod ang gusto nito. Hindi pa kasi niya nararamdaman ang pananabik ng pagkalalaki niya. Hindi rin niya alam kung bakit siya ganoon. Feeling niya ay may mali sa kan'ya, gayong ramdam naman niya ang libog kanina para sa ka-sex. Fuck! Baka wala lang ako sa kundisyon. . .

Subalit naputol ang paglalakbay ng diwa niya nang malakas siyang itulak ni Chloe at nalaglag siya sa kama. Kaagad siyang tumayo mula sa pagkakahulog saka galit na pinukol ng tingin ang babae. "What's your problem, bitch?"

"Hah!" singhal naman nito. "Ikaw dapat ang tanungin ko n'yan. What the hell are wrong with you?! Nakakawalang-gana na ba 'ko, huh? Com'on! Tell me!" bulalas pa ni Chloe habang pulang-pula at bakas sa mukha ang pagkapahiya.

Bumuntong-hininga si Akihiro saka lumapit sa babae. "I'm sorry, pagod lang siguro ako. Alam mo namang wala pa kong tulog, at katatapos lang ng trabaho ko." Nagtangka pa siyang halikan ang babae subalit padabog itong tumayo saka pinulot ang nagkalat na damit nito sa sahig. Pinanonood lang ito ni Akihiro habang nagbibihis. Hindi na rin siya nagtangka pang pigilan ito nang nagtuloy-tuloy na lumabas ang babae sa kwarto niya.

"Ano ba kasing nangyayari sa'kin? 'Di naman ako ganito, e!" clueless naman niyang tanong sa sarili pagkatapos ay inihiga ang katawan sa malambot na kama. Hindi na rin siya nag-abala pang magsuot ng saplot sa katawan, tutal ay siya lang naman mag-isa sa condo niya.

Nasa ganoon siyang ayos nang mag-ring ang cellphone niya. Kunot-noo naman siyang bumangon at kinuha iyon na nakapatong sa ibabaw ng side table. Lalo pa niyang ipinagtaka nang makitang landline ang nakarehistrong number sa caller ID.

"Yes, hello?" clueless na tanong niya sa kabilang linya.

"Hello, Sir? Kayo ba si Akihiro Tetsuya?" magalang na tanong naman ng tinig lalaki.

"Yes, ako nga. May I know who's speaking?"

"I'm SPO1 Maximo Flores ng Metro Manila Police District station 11. May kilala ba kayong Hezekiah Delgado, Sir?"

Sa narinig ay umahon ang kaba sa dibdib ni Aki. Pero kasabay niyon ay ang pagtataka dahil sa pagkakabanggit ng pulis sa pangalan ng babae. "Oo, kilala ko s'ya. Why? Anong nangyari?"

"Hawak namin s'ya ngayon, Mr. Tetsuya. Nasa presinto siya. Ang sabi niya'y kayo ang tawagin namin para ipaalam kung nasaan siya."

Fuck! What happen to her? Bakit nasa presinto siya? Akala ko nasa probinsya siya? Kumabog nang matinding kaba ang dibdib niya nang malaman iyon. "Bakit? Anong nangyari sa kan'ya? May ginawa ba s'ya?"

"Pumunta na lang kayo rito sa presinto, Mr. Tetsuya. Dito na namin ipapaliwanag."

Oh, God! Wala sanang nangyaring masama sa kan'ya. . . Napuno ng pag-aalala at takot ang dibdib ni Aki nang oras na iyon matapos patayin ang cellphone. Hintayin mo ako Hezekiah...

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.