Chapter Kabanata 31

Warning: Mature scene ahead! Read at your own risk!

• • •

BUMANGON si Kiah at lumabas nang silid nang makaramdam ng pagkauhaw. Ala-una na iyon ng madaling-araw at tahimik na ang buong kabahayan. Marahan na tinalunton ni Kiah ang pasilyo patungo sa kusina ng malaking bahay ng mga Tetsuya.

At bagaman isang beses lang siyang nagawi kanina sa kusina noong sabay-sabay silang maghapunan, ay natatandaan pa rin niya kung nasaan ito naroroon.

Pagpasok ni Kiah sa kusina ay nagulat siya nang may maaninag siyang taong naroon. Madilim kasi roon dahil nakapatay ang ilaw. Kaya naman ang tanging liwanag lamang na tumutunghay sa kabuohan ng kusina ay nanggagaling sa poste sa labas ng bahay.

Sandali munang nakatayo si Kiah sa bungad ng pinto at pilit inaaninag kung sino iyon. Nakaramdam din siya nang kaba sa pag-aalalang baka masamang tao ito o kaya naman ay kawatan.

"What are you doing here? Bakit gising ka pa?"

Napapitlag si Kiah nang marinig ang malamig na tinig na iyon ni Aki. Kasabay niyon, nagpakawala rin siya ng malalim na buntong-hininga para alisin ang kaba sa kanyang dibdib. Ano ang ginagawa n'ya rito sa dis-oras ng gabi?

"I-Iinom lang sana ako ng tubig. Nauuhaw kasi ako," alanganin niyang sagot saka aandap-andap na naglakad papunta sa pridyeder.

Hindi na siya sinagot ng lalaki kung kaya't ipinagpatuloy na lamang ni Kiah ang pagbubukas niyon at saka kumuha ng pitsel ng malamig na tubig. Inilapag niya iyon sa mesang malapit sa kinauupuan ni Aki at kumuha ng baso.

Hindi na rin nag-abala pa si Kiah na buksan ang ilaw dahil sa palagay niya ay iyon ang gusto ng lalaki. Sapat naman ang liwanag na nagmumula sa bintana ng kusina upang maaninag niya ang paligid.

Nang magsalin ng malamig na tubig sa baso si Kiah ay naupo siya isang dipa mula sa lalaki. Ngunit buhat doon, kaagad niyang nasamyo ang matapang na amoy ng alak na nagmumula rito, senyales na nag-iinom ito ng mga sandaling iyon.

Naalala rin niyang hindi na niya pala ito nakita kaninang hapunan. Ang nakaharap lamang niya sa hapag ay si Mr. at Mrs. Tetsuya na nakapagtatakang hindi nagkikibuan. Sa pakiwari ni Kiah, may hindi magandang pinagtalunan ang mag-anak.

Siguro ay dahil ito kay Gavin, hula ni Kiah sa kanyang isipan.

Sandali munang pinakiramdaman ni Kiah ang lalaki. Kahit hindi man ito magsalita, nararamdaman niyang may problema ang itong dinaramdam ng mga sandaling iyon. Nagtatalo ang kanyang kalooban kung uusisain ba niya ito o hindi. Ngunit sa huli, nanaig sa kaniya ang kuryosidad at pag-aalala para rito.

"K-Kung hindi mo sana mamasamain, maaari mong sabihin sa akin ang problema mo. Makikinig ako. . ."

Naglakas-loob na si Kiah na sabihin iyon. Tutal ay sa tingin niya, iyon ang kailangan ngayon ng binata---ang kausap. Sana lang ay hindi nito na nanghihimasok siya sa personal nitong buhay. Nais lamang talaga niyang kahit paano ay mabawasan ang bigat sa dibdib nito sa pamamagitan ng pagsasabi ng saloobin nito.

"Kapatid ko si Gavin sa labas," pag-amin nito na bahagyang ikinagulat niya. Kung ganoon, totoo nga ang sapantaha niyang magkadugo ang dalawa.

Sandali munang nag-isip si Kiah ng tamang sasabihin. Ayaw kasi niyang lumabas na parang may pinapaboran siya s dalawang lalaki. "Wala namang masama roon. Ayaw mo niyon, may kapatid ka pala."

Pilit niyang pinagagaan ang atmospera sa paligid. Pakiramdam kasi niya ay napakabigat niyon dahil sa nakikitang anyo ng lalaki.

Pumalatak ang lalaki at bagaman bahagyang liwanag lamang ang tumatanglaw sa kanila, nakita niyang muli itong sumimsim ng alak sa babasaging baso.

"Gusto ko 'yon. In fact, I'm very happy. No'ng bata pa kasi ako, lagi akong naghahanap ng kapatid. Nag-iisang anak lang kasi ako."

Ramdam ni Kiah ang lungkot na nakalakip sa tinig na iyon ng binata nang sabihin iyon. Siguro ay nasasaktan siya dahil ngayon lamang niya nalaman ang lahat, isip-isip ni Kiah habang pilit na inaaninag ang mukha nito sa kabila ng madilim na paligid.

"Pero ang 'di ko matanggap, nagawang lokohin ng ama ko si Mama! And the worst is, nagkaanak pa. Wherein fact, all her life, kay Papa lang umiikot!" ani Aki na bakas ang galit at hinanakit sa tinig.

"P-Pero walang kasalanan si Gavin doon, Akihiro," sagot naman ni Kiah na himig nagpapaintindi.

"Alam ko. Hindi naman ako galit sa kapatid ko, e. Galit ako kay Papa dahil sinaktan niya ang Mama!" mariing wika nito sabay lagok muli ng alak sa basong hawak.

"Nalaman ko ring ayaw n'yang akuin na anak si Gavin. Ayaw n'ya raw malaman ng mga business partner niya na may anak siya labas dahil kasiraan daw iyon sa kan'ya! What the fuck?!"

Bigla ay umahon sa dibdib ni Kiah ang galit para kay Mr. Tetsuya dahil sa mga nalaman. At gayon din ang awa para kay Gavin. Kung ganoon, napakahirap pala ng mga pinagdaanan nito sa sariling ama.

Ngunit ayaw naman niyang manghusga kaagad. Baka kasi may malalim na rason si Mr. Tetsuya kung bakit itinago nito ang pagkakaroon ng anak sa ibang babae. Subalit hindi pa rin siya sang-ayon sa ginawa nitong pag-abandona sa sariling anak.

"He's selfish! Sarili lang ng matandang 'yon ang iniisip n'ya!"

Napansin ni Kiah na basta na lamang nilagok ng lalaki ang alak sa bote na parang tubig lamang iyon. Kaya naman maagap siyang tumayo at lumapit dito upang agawin ang bote ng nakalalasing na inumin. Subalit huli na, naubos na pala nito ang laman niyon.

"Tama na ang pag-inom, Akihiro. Lasing ka na," awat ni Kiah sa binata habang hawak-hawak ang boteng wala ng laman.

"H-Hindi pa ako l-lasing!"

Namimilipit na ang dila ng lalaki nang sabihin nito iyon sa kaniya, palatandaan na tinamaan na ito ng alkohol na inumin. "H-Hindi pa ako lasing, Kiah. . ." turan pa nito saka nagtangka pang tumayo sa kinauupuan. Subalit marahil dala ng kalasingan ay nabuwal ito.

"Ay!" bulalas ni Kiah saka maagap na sinalo ang binata sa tangkang pagkakahulog sana niti sa silyang kinauupuan.

Nakayapos din ang dalawa niyang braso sa baywang nito upang alalayan itong huwag na tuluyang maluhog. Tuloy ay hindi sinasadyang nagkadikit ang kanilang mga katawan at nagdulot iyon ng nakakakiliting pakiramdam sa kaibuturan ng dalaga.

Nang magtama ang kanilang mga paningin dahil may isang dangkal na lang ang layo ng kanilang mukha sa isa't isa, kitang-kita ni Kiah ang labis-labis na lungkot sa mga mata nito. At aaminin niyang nagdulot iyon ng pamimigat sa kanyang dibdib. Hindi niya kaya na makita itong ganoon. Pakiramdam niya ay nasasaktan din siya sa nakikitang kalungkutan nito.

Kung sana'y may magagawa lang ako upang pawiin ang sakit na nararamdaman mo, handa akong gawin para sa'yo. . .

"Okay lang iyan, Aki. Nandito ako, sasamahan kita," buong pusong wika niya sa lalaki. Gusto niyang iparamdam dito na hindi ito nag-iisa.

Ramdam kasi niyang kailangan nito ng kasama sa mga oras na iyon, at naroon siya. Handa siya itong samahan hanggang sa maging maayos ng pakiramdam nito. Marahan pa niyang hinaplos ang pisngi nito, dahilan upang muli itong maupo sa silya.

Ngunit nagulat siya ng pagkakataong iyon ay bigla siya nitong hinapit sa kanyang baywang. Kaagad namang nagdulot sa kaniya iyon nang hindi maipaliwanag na pakiramdam, kaya naman hindi siya nakahuma pa at tila estatwa na lamang na nakatayo sa harapan nito at sinalubong ang kakaiba nitong titig.

"I need you now, Hezekiah, please?" nakikiusap na wika nito sa kaniya s paos na tinig.

Hindi naman malaman ni Kiah ang gagawin ng mga sandaling iyon. Inatake rin siya ng matinding kaba at pagkalito habang nagpapalitan sila ng tingin nito. Hindi niya kasi malaman kung ano ang kahulugan ng sinabi nitong kailangan siya nito.

"Please, Kiah. . . please," pagsusamo pa nito. Nasa mata rin ng kaharap ang pagmamakaawa. Tuloy ay lalo siyang nalito sa nais nitong mangyari.

"Please, Kiah. I'm begging you. I need you tonight..."

Hindi man masyadong malinaw para kay Kiah ang ibig sabihin ng lalaki, subalit namalayan na lamang niya ang sariling marahang tumango rito.

"Oh! Thank you, Kiah. . . Thank you," nakangiting bulalas nito bagaman mababasa pa rin ang lungkot sa mga mata.

At ang mga sumunod na nangyari ay hindi inaasahan ni Kiah. Walang sabi-sabi siyang siniil ng halik ng binata na para bang uhaw ito roon. Nalasahan tuloy niya ang alak na ininom nito. Hindi agad nakahuma si Kiah. Gusto sana niyang tumutol ngunit wala siyang lakas ng loob.

Isa pa'y pakiramdam niya ay tila may nabuhay sa kaloob-looban niya na hindi niya matukoy kung ano, partikular sa kanyang pagkababae. Bago sa kaniya ang pakiramdam na iyon kaya hindi niya matukoy kung ano ang ibig sabihin niyon. Ramdam din ni Kiah ang matinding kaba, ngunit kasabay niyon ay ang kakaibang sensasyon na dulot ng mapanuksong halik ng lalaki.

Mayamaya pa'y mas naging mapusok ang halik ng binatang amo. Mas naging agresibo, mas naging mapaghanap, mas naging mainit. Hanggang sa namalayan na lamang ni Kiah na binuhat siya ng lalaki at iniupo sa mismong mesa paharap sa kaniya.

Kasunod niyon, ay mas lalong naging mapusok ang halik nito. Kung kanina ay nasa labi lang niya iyon, ngayon ay nasa punong-tenga na niya. At ngayon ay nakumpirma na niya ang nais na mangyari ng amo.

Hindi tanga si Kiah. Bagaman laki siya sa probinsya at walang alam sa ganoong mga pangyayari, alam na alam niya kung saan tutungo ang mapusok na ikinikilos ng lalaki. Subalit nang mga oras na iyon ay nagmistulan siyang inutil. Hindi siya makapanlalaban, ni hindi siya makatutol. Pakiramdam niya, nakapanghihina ang halik na iginagawad ng lalaki sa kan'ya.

"Kiah. . ." dinig niyang anas ng lalaki habang unti-unting bumababa ang halik nito sa kanyang leeg pababa sa kanyang dibdib.

O, Diyos ko! Tama ba itong ginagawa ko? napapapikit na turan ni Kiah sa kanyang isipan habang nararamdaman ang mainit na labi ng binata na nasa ibabaw na ng kanyang dibdib. Napasinghap pa siya nang maramdaman ang isang kamay ng lalaki na marahang humahaplos doon.

"A-Aki. . ." sa wakas ay wika niya. Subalit tila nagtengang-kawali lamang ito at hindi narinig ang pagtawag niya sa pangalan nito. Patuloy lamang ito sa ginagawang paghalik at marahang haplos sa kanyang dibdib.

Ilang sandali pa'y halos kapusin si Kiah ng kanyang hininga nang maramdaman na ang labi na ng binata ang humalahik sa punong dibdib niya. Naitaas na pala nito ang manipis niyang damit nang hindi niya namamalayan.

Tila silisilaban ang pakiramdam ni Kiah nang mga sandaling iyon. Para siyang napapaso, ngunit sa halip na sakit ang dulot niyon ay sarap ang kanyang nararamdaman. Idagdag pang tila may kung anong bagay ang namuo sa kanyang puson na nakapagdulot ng pamamasa ng kanyang pagkababae.

"Goddammit, Kiah. . .you're so beautiful," anas pa ni Aki sa pagitan ng salitang paghalik nito sa kanyang dibdib at labi.

Bagaman alam na ni Kiah kung saan hahantong ang mapusok na pangyayaring iyon ay ipinasya na niyang magpaubaya. Ipinangako kasi niya sa kanyang sarili na gagawin niya ang lahat upang maibalik ang lahat ng kabutihang loob ng lalaki para sa kaniya.

Kung ito man ang makapagpapasaya sa iyo ay buong puso kong ibibigay, Akihiro. . .dahil mahal kita.

Kasabay nang pag-amin ni Kiah sa kanyang sarili na mahal niya ang lalaki, ay ang pagpatak ng mga luha niya. Dahil alam niya sa sariling hindi masusuklian ang damdamin niyang iyon para sa binata. . .

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.