Warning! This Chapter contains mature scenes in 1,248 words. You can skip or read at your own risk!
• • •
MALINAW ang isip ni Aki nang mga sandaling iyon. Lasing man siya, pero matino ang kanyang isip. Kaya ramdam din niya ang pagtutol ni Kiah sa mapangahas na kilos n'ya. Pero hindi na niya kayang kontrolin pa ang sarili.
Ang alam lang niya nang mga oras na 'yon, gusto niyang pagbigyan ang sarili. Sapat na siguro ang matinding pagpipigil niya noon, lalo pa't nagpapaubaya naman ang babae sa pananalakab niya ngayon.
"Oh, Kiah! I want you. . ." anas niya habang walang sawang pinaliliguan ng halik ang magkabilang dibdib nito. Nanatili namang hindi kumikibo si Kiah at hinahayaan lamang siya sa ginagawa, pero naramdaman niyang bumabaon ang kuko nito sa kanyang balikat dahil nakahawak ito roon ng ubod ng higpit.
"I want you, Kiah. Can you please let me?" masuyong tanong niya kay Kiah nang ibalik niya ang labi sa labi nito.
Nang hindi sumagot ang babae, hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi saka pinakatitigan sa mga mata. Kiah's eyes were dim, and he couldn't tell if she was scared or in doubt. Tuloy ay parang may sumipa sa kanyang dibdib sa nakikitang anyo nito. Para siyang nakokonsensya.
"Don't be scared. May tiwala ka sa akin, 'di ba?" tanong n'ya pang masuyong nakangiti rito.
"O-oo."
"Kung gan'on, hayaan mo akong angkinin kita. Please Kiah, parang awa mo na..." pagsusumamo pa n'ya sa babae.
"S-Sige. Kung iyan ang gusto mo..."
Napangiti siya nang malapad nang marinig ang isinagot na iyon ni Kiah at saka mabilis niya itong hinalikan sa labi. Mga halik na mainit at mapusok.
At kahit bahagya pang nahihilo dahil sa alak na nainom, nagawa pa ring buhatin ni Aki ang babae paharap sa kan'ya. At marahil ay nabigla ito, kung kaya't mahigpit itong napayakap sa leeg niya. Lihim tuloy siyang napangiti. Para itong bata na takot na takot mahulog.
Dali-daling tinahak ni Aki ang pasilyo patungo sa kwarto niya na parang hindi iniinda ang bigat ng babae. Mistulan lang itong papel sa kan'ya kung kargahin. Mayamaya pa, nang marating pakay na kwarto ay dahan-dahan niyang tinulak ang pinto gamit ang isang paa. Nagpapasalamat din siyang hindi n'ya iyon ini-lock kanina.
Nang tuluyang makapasok sa kwarto niya, dahan-dahan niyang inilapag ang babae sa king size na kama. Matapos niyon, nagmamadali niyang hinubad ang T-shirt at short's hanggang sa boxer's short na lang niya ang matira.
Samantalang nanatiling nakatingin lang si Kiah sa kaniya at bakas ang matinding hiya at pamumula ng mukha habang pinanonood siyang mag-alis ng saplot sa kanyang katawan. Lihim pa nga siyang napangiti nang makitang mabilis itong nag-iwas ng tingin ng dumako ang mata nito sa kanyang boxer's short.
Bakat kasi sa saplot niya ang pinagpala niyang alaga. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit kinababaliwan siya ng mga kababaihan. Ang kanyang mahaba at malaking si Polaris.
Hindi na niya sinayang pa ni Aki ang magandang pagkakataon. Mabilis siyang sumampa sa ibabaw ng malambot na kama at dahan-dahang lumapit kay Kiah na noon ay parang na-estatwa habang nakatingin lang sa kan'ya.
Inumpisahan na siyang kumilos. Inuna na niyang hubarin ang suot nitong manipis na blouse, at dahil wala itong suot na bra, agad na tumambad kay Aki ang malusog na paris ng dibdib nito na noon pa niya pinagnanasaan. Lalo ring tumindi ang libog na kanyang nararamdaman nang makitang mamula-mula pa ang niples nito.
It's fucking perfect! usal niya sa kanyang sarili habang pinagsasawa ang mga mata sa perpektong dibdib ng dalaga. Napangiti pa siya ng tinakpan nito ang magkabilang dibdib gamit ang dalawang braso.
"Please don't. . . It's beautiful, okay? I want to see those," aniya saka marahan niyang tinanggal and braso nitong nakaharang sa sariling dibdib.
Mistulan namang robot lang si Kiah habang nakasunod sa bawat sinasabi n'ya. At kahit may kaunting konsenya ang bumubulong sa kanyang 'wag samantalahin ang kahinaan ng babae, hindi siya nagpaawat. Lalo pa't nagpapaubaya lang ito sa kaniya ng mga oras na iyon.
Sunod niyang hinubad ang maikling jogging short's nito, dahilan upang lumantad sa kan'ya ang manipis nitong panty na kulay pink. Naalala niyang siya pa ang bumili ng mga iyon para rito.
Agad namang tinakpan ni Kiah ang bahaging iyon pero marahan niyang inalis ang palad nito. After that, he gave her a quick kiss before gently pushing her onto the soft bed.
Nag-umpisa siyang gawaran ito ng pinong halik mula sa punong-tenga pababa sa leeg, habang marahan naman niyang minamasahe ang magkabilang dibdib nito gamit ang palad.
Marahan ang bawat kilos ng kanyang labi at kamay na para bang may sinusunod iyong ritmo. Walang pagmamadali, maingat, may pagpapala, may pagsuyo.
Nang mapunta ang labi niya sa dibdib nito ay narinig niyang suminghap si Kiah, saka mariing napayakap sa kaniyang batok. Marahan at maingat niyang inangkin and malulusog na dibdib nito gamit ang kanyang labi. Napaliyad pa ang babae ng mapunta ang labi niya sa nipples nito at bahagya niya iyong kagatin.
"A-Aki. . ." mahinang anas ni Kiah na nakapagdulot sa kaniya ng matinding pagnanasa. Pakiramdam niya ay mawawala na siya sa katinuan dahil sa sobrang pagkaliyong nararamdaman.
Pinagbuti ni Aki ang ginagawang pagpapala sa katawan ng dalaga. Pinaulanan niya ito ng mainit at pinong halik ang dibdib nito, pababa sa tiyan, pababa sa pusod, at puson.
"A-Akihiro. . ."
Bawat halik na iginagawad niya sa babae ay napapaliyad ito, napapakapit sa kanyang buhok, at tinatawag ang pangalan niya sa pinaka-seductive na yatang paraan na narinig niya. Mistulang musika sa kanyang pandinig ang bawat pagsambit nito sa pangalan niya. Para bang inuudyukan siya nitong mas pagbutihin pa ang ginagawa.
Hanggang sa dumapi ang labi niya sa pagkababae nito na nababalutan ng mapinis na saplot. Naramdaman niyang napapitlag pa si Kiah nang dampian niya ng halik ang ibabaw niyon.
Ang bawat reaksyon ng katawan ni Kiah ay lalong nakapagpapalaho ng kakaunting katinuan na natitira sa pag-iisip niya. Pakiramdam ni Aki, matagal na siyang walang sex dahil sa tindi ng pananabik niya rito, na hindi niya pa nararanasan sa kahit sino.
Oo nga't marami na ring babae ang nakapagparanas sa kan'ya ng nakababaliw na pakiramdam, pero iba ang kay Kiah. Hindi niya matukoy kung bakit pero kakaiba ang init na nararamdaman niya rito.
Noon, kapag may nakaka-sex siya, wala siyang pakialam sa kung ano man ang nararamdaman ng mga ito sa mga ikinikilos niya. Ang mahalaga ay mairaos lang niya ang sarili. Pero ngayon, sobra-sobra ang kanyang pag-iingat.
Kahit gustong-gusto na niyang maramdaman na maging iisa sila ni Kiah, ay hindi niya magagawang magmadali. Nag-aalala siya sa maaaring maramdaman nito lalo pa nga't alam niyang baguhan lang ito sa larangan ng pakikipagtalik.
Mayamaya pa'y dahan-dahang hinubad ni Aki ang manipis na saplot ng dalaga at tumambad sa kan'ya ang perpekto at nakapanghahalinang pagkababae nito. Parang iyong isang sariwang bulaklak na inaanyayahan siyang sipsipin ang matamis na nectar nito.
Muling tinakpan ni Kiah ang pagkababae nito dahilan upang balingan niya ito. Pulang-pula ang mukha nito na marahil ay dala ng matinding hiya. Pero ginawaran lang niya ito ng matamis na ngiti at saka pilit inalis ang mga kamay nitong nakatakip sa pagkababae nito.
"A-Aki. . ." anas pa nito nang tuluyan niyang matanggal ang kamay nitong nakaharang sa magandang tanawing nakahain sa kan'ya harapan.
"I fucking want to taste you, love. . ." pakiusap niya saka muling ginawaran ang babae ng matamis na ngiti.
This time, hindi na siya nabigo. Muli, nagpaubaya ang babae sa kanyang kapusukan. Tuluyan na nitong hinayaan na magawa niya ang gusto. Kaya naman hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon, kaagad niyang sinunggaban ang pagkababae nito na animo'y para hayop na sabik sa sariwang laman.
At hindi nga siya nagkamali, katulad ng isang mabango at sariwang bulaklak ang amoy niyon. Maging ang lasa niyon ay nagmistulang matamis na nectar sa bibig niya. Sapat na upang tuluyang lamunin ng matinding pagkaliyo ang kanyang pagkatao.
"A-Akihiro. . .Oh. . ."
Bawat pagpapala ng kanyang labi sa pagkababae ni Kiah ay sinasabayan nito ng mahinang pag-ungol at pag-arko ng katawan. Maging ang kuko nito ay bumabaon sa kanyang balikat na tindi ng pagkakakapit nito roon.
"Goddammit, Kiah. . . you tastes like heaven!" anas ni Aki sa pagitan ng pagpapapak niya sa mabango at sariwang bulaklak nito.
Mayamaya pa'y naramdaman niyang nanginig ang babae, senyales na naabot na nito ang kasukdulan. Napapasabunot pa ito sa kanyang buhok dahil sa tindi ng sensasyong nararamdaman.
"A-Akihiro!" bulalas nito pero patuloy lang siya sa ginagawa.
Hanggang sa nalasahan na lang niya ang mainit-init at manamis-namis na likidong lumabas sa pagkababae nito. Sinimot niya ang lahat ng nectar ng bulaklak nito na para bang isa siyang paru-parong gutom sa katas nito.
Ilang sandali pa ay umalis na siya sa bahaging iyon saka tuluyan niyang hinubad ang natitira niyang saplot sa katawan. Pagkatapos niyon, pumuwesto na siya sa ibabaw ni Kiah at bahagyang ibinuka ang mga hita nito. Handang-handa na si Polaris na sumuong sa mapang-akit na kwebang nasa kanyang harapan.
"I will enter you, love. . . Are you ready?" masuyong tanong niya nang ilapit ang mukha rito.
Kitang-kita tuloy niya ang pamumula ni Kiah, maging ang takot sa mga mata nito. Kaya naman masuyo niya itong ginawaran ng halik sa labi saka masuyong tumingin ng diretso sa mga mata nito.
"Don't be scared, love. I'll be gentle, okay? I won't hurt you. . ."
Marahan namang tumango si Kiah dahil sa sinabi niyang iyon. Muli, binigyan muna niya ito ng mabilis na halik bago muling pumuwesto sa ibabaw ito. Inayos niya ang sabik na sabik na si Polaris at iginiya patungo sa kaakit-akit na kweba ng dalaga. At pagkatapos ng ilang sandaling pagsubok na pasukin iyon, naramdaman na niya ang pagiging isa nila.
Bahagya pang kumislot si Kiah nang maramdaman nito ang marahang paggalaw niya sa ibabaw nito. Napansin din niya ang pagpatak ng luha nito habang mariing nakapikit. Alam niyang nasasaktan ito sa kanyang ginagawa pero hindi na niya kaya pang pigilan ang ginagawa.
"I'm sorry, love. . . I'll be more gentle," aniya habang inaalalayan ang sarili sa ibabaw nito. Mas naging banayad ang kilos niya, mas naging maingat, mas naging masuyo. Hanggang sa naging iisa na ang ritmo ng kanilang mga katawan, sumasabay sa musikang sila lang ang nakakaalam. . .
Pagkatapos nang hindi mapapantayang sandali na namagitan sa kanila ni Kiah, ay muli pa iyong naulit, at naulit, at naulit. Hanggang sa kapwa na igupo nang matinding pagod na nararamdaman.
Matapos ang sandaling iyon, pakiramdam ni Aki ay may bahagi sa puso niya ang nabuksan ng babaeng kasama niya ngayon. Hindi nga lang niya matukoy kung ano iyon sa ngayon, pero sigurado siya, espesyal sa kan'ya ang babaeng nahihimbing sa kanyang tabi ng mga sandaling iyon.
• • •
Kinabukasan, nagmulat si Kiah nang maramdaman ang marahang paghaplos sa kanyang pisngi. At nang magdilat siya, ang gwapong mukha ni Aki ang tumambad. Nakaupo ito sa gilid ng kama habang nakatunghay sa kaniya.
"Good morning, love," bati ni Aki sa kaniya na sinamahan pa ng napakagandang ngiti.
"M-Magandang umaga," namamaos pang ganting-bati naman niya rito. Napansin niyang bagong ligo na rin ang lalaki at nakabihis na. Bahagya pa kasing basa ang buhok nito ng mga oras na iyon.
"Bumangon ka na d'yan, love, at baka ma-late ka sa first day of school mo," anang lalaki saka tumayo na at nakapamulsang pinagmasdan siya.
Hindi niya alam kung bakit kay aliwalas ng mukha nito at tila masaya, samantalang kagabi lamang ay napakalungkot ng anyo nito.
Hindi ba't kaya mo nga ibinigay ang iyong sarili, Hezekiah, dahil malungkot ang lalaking mahal mo. . .
Tila may munting tinig sa kanyang isipan ang nagsabi niyon. At para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang maalala ang mga nangyari noong nakaraang gabi.
Ano bang nagawa ko? pipi niyang tanong sa sarili.
Bakit niya hinayaang mangyari iyon? Ang makipag-siping sa isang lalaki na hindi naman sila kasal. At lalong-laloo, hindi siya mahal at wala sila ni anumang relasyon. Hindi siya ganoon pinalaki ng kanyang Nanay. Hindi siya ganoong babae. Ngunit bakit hinayaan niya?
Dahil mahal mo siya! anang kabilang panig ng isipan niya.
Oo nga pala. Mahal na niya ang lalaking nakatayo ngayon sa kanyang harapa. At ipinaubaya niya ang sarili rito ng buong puso dahil mahal niya ito. Kaya kahit pakiramdam niya ay talo siya, ayos lamang iyon sa kaniya. Ang mahalaga, napasaya niya ang lalaking lubos niyang minamahal.
Baguhan man siya sa larangan ng pag-ibig, alam niyang pagmamahal ang nararamdaman niya para kay Aki. Hindi siya nahirapang tukuyin iyon. Hindi pa kasi siya nakaramdam ng ganoon katinding emosyon sa isang lalaki, kahit kay Carlos.
Mayamaya pa'y nahihiyang tumango si Kiah sa lalaki saka nagtangkang tumayo subalit muli siyang napabalik sa higaan ng mapantantong tanging kumot lamang ang saplot niya sa katawan. Narinig naman niyang humalakhak ang lalaki, dahilan upang makaramdam siya ng pag-iinit ng pisngi at punong-tenga.
Mahigpit niyang kinikip sa sarili ang kumot habang nahihiyang muling tumayo sa malambot na kama. Lihim din siyang napadaing ng maramdaman ang mahapding parte sa pagkababae niya. Hindi lamang iyon, may mantsa rin ng pulang likido ang kulay puting kobre-kama, patunay na hindi na siya birhen.
"'Wag mo nang itago 'yan. I already saw that," pilyong turan nito na ang tinutukoy ay ang hubad niyang katawan.
Sumimangot naman si Kiah at saka pilit itinago ang pamumula ng mukha at pagkapahiya. "Magtigil ka!" saway niya sa lalaki habang panay ang paghalakhak nito. Pinukol naman niya ito ng masamang tingin.
"Nasaan ba ang banyo? Gusto ko ng maligo at baka mahuli ako sa klase," pagsusungit niya pa saka luminga-linga sa kabuohan ng malaking silid.
"Doon," turo nito sa isang nakabukas na pinto. "Nandyan na rin ang bihisan mo at school uniform. Paki-bilisan mo, okay? Kailangan nating makaalis ng maaga," bilin pa nito ng may pilyo pa ring ngiti sa labi. "I'll wait for you outside, love. Let's eat breakfast together."
Kumindat pa ang lalaki bago tuluyang tumalikod at lumabas ng silid. Naiwan naman siyang napapangiti sa sarili dahil sa pagtawag nitong love sa kaniya.
Ano kaya ang ibig sabihin ng pagtawag niyang love sa akin?