After five years. . .
"MOMMY, pauwi na po ba from work si Tito Gav?" tanong ng four years old na si Hikari kay Kiah. Kasalukuyan itong nasa kindergarten at talagang napakabibong bata.
Mula sa paghahalo ng nilutong caldereta para sa kanilang dinner, ay nilingon ni Kiah ang napaka-cute niyang anak saka hinaplos ang mahaba at kulot na buhok nito. "Yes, baby. Pauwi na si Tito Gavin mo. Why?"
"Uhm kasi po Mommy, mag-pl-play po kami ng new doll ko," anang paslit saka mabilis na nagtungo sa may kataasang stool saka dahan-dahang umakyat at naupo. Bakas sa mukha ng musmos ang saya habang pinagmamasdan ang kanyang mommy.
Napangiti si Kiah nang marinig ang sinabi ng anak habang inaalalayan niya itong umupo ng maayos sa stool. "Galing pa sa work ang Tito Gavin mo, baby. Baka pagod na siya.”
"Mommy, nag-promise po si Tito Gav na mag-pl-play kami, e!" giit pa ng musmos saka nakangusong humarap sa ina. Napailing-iling naman si Kiah sa anak habang napapangiti.
"Okay. Basta pag pagod na si Tito Gavin, hayaan mo siyang mag-rest, okay?" aniya sa anito.
Sa narinig ay muling nagningnging ang mata ng munting bata. "Yes, Mommy!"
Ngumiti na lamang ng matamis si Hezekiah sa anak saka ipinagpatuloy ang pagluluto. Lumipas pa ang ilang sandali nang makarinig na siya ng pag-doorbell.
"Mommy, si Tito Gav na po 'yan!" masayang bulalas nito saka kaagad bumaba sa upuan. "Let's go, Mom!" Hinila pa siya sa braso ng kanyang unica hija patungo sa front door.
"Hello, Tito Gav! I miss you po!" bulalas ni Hikari nang makita ang lalaki. Kaagad itong tumakbo papalapit ito at nagpakarga.
"I miss you too, princess! 'Wanna play?" ani Gavin sa musmos.
"Yes po, Tito!" sagot naman nito saka ngiting-ngiti na nilingon ang ina na noon ay nakatayo lamang at pinagmamasdan ang dalawa.
"Kanina ka pa nga hinihintay niyan. Nag-promise ka raw na maglalaro kayo ng doll niya," ani Kiah sa lalaki habang matamis ang pagkakangiti rito.
"Talaga, Princess?" tanong nito sa kargang bata habang naglalakad papalapit kay Kiah. "But before that, we need to eat dinner first, okay? Tito Gav is very hungry," ani Gavin at umarte pang nakahawak sa tiyan. Humagikhik naman ang bata.
"Yes po, Tito!"
"Halika na kayong dalawa, tamang-tama, kaluluto lang ng caldereta," nakangiting anyaya ni Hezekiah sa dalawa at saka nauna nang nanglakad patungo sa kusina.
"Wow! Favorite ko! Mukhang marami na naman akong makakain, huh?" sagot naman ni Gavin sa babae habang nakasunod sa likuran nito bitbit si Hikari na noon ay tahimik dahil nilalaro-laro ang kanyang tenga na paborito nitong gawin.
"Masarap talaga, luto ko e."
"I know, kaya nga tumataba na ako, e," nakangisi namang turan ng lalaki at saka marahang iniupo si Hikari sa katabing high chair. "Kain ka nang marami, princess para maging pretty ka rin like mommy, okay?"
"Yes po, Tito Gav," nakangiting sagot naman ni Hikari.
• • •
"Oo nga pala, Sunday bukas, 'di ba? Pagkasimba natin dumiretso na tayo sa cemetery. Gusto kong magdala ng flowers at makapag-sindi ng kandila. Nami-miss ko na rin kasi sila, e," bungad sa kan'ya ni Gavin pagpasok nito sa library. Kahahatid lang nito kay Hikari na nakatulugan na ang paglalaro kasama ang lalaki.
"Iyon na nga rin sana ang sasabihin ko sa'yo. Hindi ka ba busy bukas? Wala kang gagawin sa opisina?" tanong ni Hezekiah sa lalaki saka muling ibinalik ang tingin sa laptop niya.
"Rest day ko naman, ano? Aba! Wala na akong social life," sagot naman ni Gavin matapos ay naupo sa sofa katapat niya.
Si Gavin na kasi ang CEO ng company ng mga Tetsuya. Katulad ng ipinangako ng kanyang Daddy, sa kaniya ipinamana ang pamamalakad ng kompanya ng kanilang pamilya. Na sa ngayon ay mas lumago na rin dahil sa kanyang pamamalakad. Ang totoo'y nag-aral pa nga siya ng business course sa America para matutunan ang pagpapatakbo ng isang kompanya.
"Ano 'yan? Mag-apply ka?" tanong pa ni Gavin nang maki-usyoso sa ginagawa ni Kiah. Abala kasi siya sa pag-gawa ng kanyang résumé para sa a-apply-an niyang private school sa darating na Lunes.
"Yes, sa Monday," sagot niya habang tutok ang paningin sa laptop at nagtitipa.
"But, why?"
"Anong why?" balik-tanong niya habang ipinagpapatuloy ang ginagawa.
"Really? Are you serious?"
Sa sinabi ni Gavin ay pansamantala niyang itinigil ang ginagawa at saka tinaasan ito ng kilay. "Bakit? May masama ba?" inis niyang tanong sa lalaki.
Hindi naman sumagot si Gavin, sa halip kinuha nito ang laptop niya at tila may kinutinting roon. Ilang saglit pa, muli nitong iniharap sa kan'ya ang computer. "Basahin mo," utos nito na ipinagtaka niya.
Sa halip na magtanong, sinunod na lang niya ng sinabi nito, at natutop niya ang sariling bibig nang mabasa ang nakalagay roon. "Nakapasa ako!" bulalas niya habang pinakatitigan ang pangalan niyang nakasulat sa list ng mga nakapasa Licensure Examination for Teachers para sa taong iyon. "Hindi ako makapaniwala! Thank you, Lord!"
Hindi niya akalain na magiging licensed teacher na siya matapos niyang maka-graduate, two months ago. Akala kasi niya ay hindi siya makapapasa sa unang pag-take niya ng exam. But fortunately, heto siya. Isa nang ganap na guro.
Ipinagpatuloy ni Hezekiah ang pag-aaral sa St. Benedict matapos niyang manganak kay Hikari. Hindi na nga lamang bilang scholar. Kaya naman ngayon natupad na niya ang kanyang pinapangarap, walang sidlan ang saya niyang nararamdaman.
"Congrats! Teacher ka na!" ngiting-ngiti pang saad ni Gavin.
"Salamat! Ang daya mo, alam mo na pala 'yong result, hindi mo pa sinabi," aniyang ngumuso pa rito.
"Para surprise, 'di ba?" anitong tatawa-tawa pa. "And because of that, we need to celebrate! Don't worry, it's my treat."
"Talaga? Sabi mo 'yan, ha?"
Pumalatak si Gavin sa kan'ya saka iiling-iling "Of course, ako pa ba? Hindi naman ako sumisira sa pangako ko."
Ngumiti naman siya ng matamis rito pero natigilan rin siya nang maalala na bukas na rin pala ang isa sa mahalagang araw sa buhay niya. Pasimple pa niyang sinulyapan ang diamond wedding ring na suot niya saka ngumiti ng lihim.
Ano na naman kaya ng pakulo niya? isip-isip niya.
• • •
Matapos dumalaw sa puntod at mag-alay ng sariwang bulaklak at kandila para sa yumao, saglit na umuwi si Hezekiah at Hikari sa kanilang bahay para magpalit ng damit. Samantalang si Gavin naman ay dumiretso sa opisina dahil tumawag ang secretary nito na may kailangan daw itong papirmahan. Ang bilin na lang nito, ay magbihis daw silang mag-ina ng maganda dahil sa mamahaling restaurant daw sila nito i-tr-treat.
Exactly 8PM nang gumayak si Kiah at si Hikari papunta sa Makati kung nasaan ang restaurant na ipina-reserved ni Gavin para mag-dinner. Hindi na nga lamang sila nasundo ni Gavin kaya naman nagpahatid na lang sila sa kanilang driver. Doon na lang daw sila sa restaurant hihintayin nito.
Tahimik si Hikari habang nakaupo sa back seat ng sasakyan katabi niya. Napaka-cute ng kanyang anak sa suot nitong isang beige sleeveless dress na knee-lenght ang haba. May malaki pa itong ribbon sa buhok na kakulay ng bistida nito at wedge sandals. Si Hezekiah naman ay ganoon rin ang suot, gaya sa anak. May maliit din siyang silver ribbon clip sa buhok na iniregalo sa kan'ya ni Gavin no'ng birthday niya.
Nang marating ang The Aristocrat, isang five-storey building ay agad silang in-assists ng staff patungo sa rooftop ng naturang gusali. At napasinghap siya nang bumungad sa kan'ya ang overlooking view roon. Napakaganda ng tanawin dahil kitang-kita ang iba't ibang kulay at nagkikislapang ilaw ng distrito ng Makati.
Lubos ding napahanga si Kiah sa ayos ng lugar nang makitang nagkalat ang red at white rose petals sa sahig. Maging ang lamesa at upuan ay may mga fresh na bulaklak rin. Samantalang sa kisame naman, ay nakalutang ang kulay gold and silver balloons na hugis puso. Sa pinakasentro ng rooftop, ay nababalutan ng puting tela ang wall na para sa projector.
Nakadagdag din sa pagiging romantic ng lugar ang mga musicians na kasalukuyang tumutugtog ng mga english love songs gamit ang violin.
Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ni Kiah nang mga sandaling iyon. Malakas ang kutob niyang hindi lang basta dinner ang mangyayari ng gabing iyon, kung hindi para na rin sa isang mahalagang celebration.
"I love it here, Mom! It's awesome! Did Daddy do it for us?" tuwang-tuwang tanong ng musmos kay Hezekiah. Nagmistulan pang kumikislap ang mga mata nito habang inililibot ng tingin ang paligid.
Inakay ni Kiah ang anak patungo sa nakahandang mesa at saka maingat na pinaupo roon. "I don't know, baby. We'll see," nakangiting sagot niya sa anak. Pero sa puso niya, alam niyang ang asawa ang may pakana noon. Lihim tuloy siyang kinilig dahil kahit kailan, hindi nabigo ang asawa niya na sorpresahin siya.
Inilinga ni Kiah ang paligid at nagbabakasaling baka nasa paligid lang ang lalaki, pero pawang musicians at restaurant staff lang ang nakikita niya na kasalukuyan ay naghahanda na ng masasarap na pagkain sa dinner table. Nagmukha pa ngang buffet table iyon sa dami ng pagkaing nakahanda sa mesa.
Ilang sandali pa, napahawak si Kiah sa dibdib nang bumukas projector at ilabas niyon ang mga pictures nilang mag-asawa. Maging ang pictures nila kasama ang kanilang anak. Kasabay niyon, tinugtog rin ng musicians ang kanta noong ikinasala sila. Ang Beautiful In White ni Shane Fillan. Tuloy ay parang sumilay ang kanyang mga luha dahil sa labis na sayang nararamdaman.
"Mom! Mom! Look, that's me!" nasisiyahang bulalas ng kanyang anak habang nakaturo sa projector. Picture nito iyon noong two years old pa lang ito at karga nilang mag-asawa. "Mom, look! It's you and Daddy kissing!" turo pa nito nang lumabas sa screen ang picture nilang mag-asawa na nagki-kiss. Naalala niyang kuha iyon sa Batanes noong nag-honeymoon sila.
Mayamaya pa'y mula sa kung saan ay lumabas ang lalaking kanina pang hinihintay ng mag-ina. Ngiting-ngiti pa ito habang naglalakad patungo sa mag-ina, bitbit ang isang bungkos ng white rose. Gwapong-gwapo rin ang lalaki sa suot nitong blue long sleeve polo at black pants.
Noon din ay nakumpirma ni Kiah na tama ang kanyang hinala na nagsabwatan pa ang magkapatid para maihanda ang ganoong supresa para sa kanilang wedding anniversary.
"Daddy!" sigaw ni Hikari nang makita ang ama. Mabilis itong bumaba sa kinauupuan at patakbong sinalubong ang bagong dating. Kaagad naman itong kinarga ng lalaki at saka hinalikan sa noo at pisngi. "I miss you so much po, Daddy!" masayang bulalas pa ng musmos.
"Aw. . . I miss you so much also, my princess!" sabay halik muli sa pisngi ng unica hija. Matapos niyon, nilingon naman si Kiah ng mister at saka ginawaran siya ng matamis na ngiti habang naglalakad sa kinaroroonan niya. "Happy fourth anniversary, Love. . ." masuyong bati nito nang tuluyang makalapit at sabay halik sa labi niya.
Nag-init naman ang pisngi ni Hezekiah nang maramdaman na bahagyang kinagat ng mister ang ibabaw ng labi niya. "I miss you so much, love. Pati na rin si Polaris. . ." bulong pa nito sa kan'ya na ikinainit ng pisngi at punong-tenga niya.
Kaagad naman pinalo ni Kiah ang dibdib ng asawa saka pinukol ito ng masamang tingin. "Hoy! Ikaw Akihiro Tetsuya! Umayos ka! Kararating mo pa lang, 'yan na agad ang nasa isip mo!" sermon niyang pilit itinago ang ngiti sa labi.
Isang buwan kasing hindi nila nakasama ang lalaki dahil ipinadala ito ng DISG sa America upang i-traning ng Federal Bureau of Investigation o FBI. Kasama rin nito si Heinz at ang iba pa nitong katrabaho. Kaya namang tanging video call lang ang communication nilang mag-asawa sa loob ng isang buwan.
Ngumisi naman ito sa kanya habang marahang inilalapag ang kanilang anak sa upuan. "Why? Don't you miss me, love?" nanunuksong tanong pa nito.
Inirapan niya ang mister at saka naupo sa silyang katabi ng anak. "Puro ka kalokohan," asik niya rito. "Kumain na muna tayo't baka lumamig ang pagkain," saad pa niya saka nag-umpisa nang lagyan ng pagkain ang plato ng anak.
Mahina naman itong tumawa saka binalingan ang anak na si Hikari. "Naging good girl ka ba, my princess?"
"Yes po, Dad. And I also got a star at school, Daddy!" ecxited namang sagot nito.
"Really? Very good, my princess!" ani Akihiro saka muling hinalikan sa pisngi ang anak.
"O siya, tama na 'yan. Kumain na tayo," pakli ni Hezekiah sa kanyang mag-ama.
"Yes po, Mommy!"
Samantalang si Akihiro naman ay simple pang kumindat sa kan'ya saka ngumiti ng nanunukso. Pinandilatan naman niya ito ng mga mata saka hinarap ang pagkain.
• • •
"I miss you so much, love. Excited nga akong umuwi kanina e," ani Akihiro habang nakayapos sa baywang ng misis at nakasuksok ang mukha sa batok nito. Nakahiga patalikod sa kan'ya ang asawa at kapwa pa sila hubad nang mga sandaling iyon at tanging kumot lamang ang nakabalot sa kanilang mga katawan.
"Ako rin naman, love. Sobra kitang na-miss. 'Tsaka akala mo ba, hindi ko alam na kinuntsaba mo pa si Gavin para sa surprise kanina?" ani Kiah sa lalaki saka ngumiti rito ng matamis.
"Wala na kasi akong oras, e. But, ako naman ang nakaisip ng gan'ong setup. Nagpatulong lang ako sa kan'ya," katwiran naman ni Akihiro at saka kinabig paharap sa kan'ya ang asawa. "Congratulations nga pala, love. Finally, isa ka ng licensed teacher." Masuyo pa niyang hinalikan ang misis sa labi.
"Salamat, love. Hindi ko naman matutupad 'yon ng hindi dahil sa'yo."
"You deserved it, love. Gusto ko kasing tuparin mo ang pangarap mo kasama ako, kasama ni Hikari. . ." Hinalikan pa niya ng masuyo sa noo ang asawa pagkasabi niyon. "And thank you also for staying by my side, love. Kahit no'ng time na down na down ako. Nawalan man ako ng parents, dumating naman kayo ni Hikari sa buhay ko. . ." puno ng emosyong saad ni Akihiro sa kan'ya. Ginawaran naman ni Kiah ng masuyong ngiti ang mister, kasabay ng pagbabalik-tanaw niya sa nakaraan, limang taon na ang nakalilipas. . .
Ilang buwan mula no'ng umalis si Hezekiah sa tahanan ng mga Tetsuya at kasalukuyang ipinagbubuntis pa lang nito si Hikari, nang biglang sumulpot si Gavin sa kanilang probinsya sa Leyte at nais siyang sunduin pabalik ng Maynila.
Nalaman niya mula rito, na may malaking trahedya ang nangyari sa mag-anak na kagagawan ng taong nakabangga ni Akihiro. At dahil sa insidenteng iyon, namatay si Mr. at Mrs. Tetsuya dahil sa pagsabog ng bomba. Hindi na raw ito nagawa pang iligtas ng mga otoridad dahil biglaan ang nangyari.
Si Alejandro Montenegro na may kagagawan ng lahat, at mga kasamahan nito ay pawang namatay engkwentro. At tanging si Attorney Hernandez na abogado nito ang tanging nahuli at nasentensyahan ng lifetime imprisonment.
Si Akihiro naman noon ay naging kritikal ang kondisyon dahil sa tama ng baril sa kanyang dibdib. Dahilan upang ma-comatose ito nang halos isang buwan. Nagkaroon kasi ng komplikasyon ang tama nito sa dibdib na nagdulot ng lead poisoning. Naging kritikal ang buhay nito at kinailingan pa itong dahil sa America para sa surgery.
Naging napakamasalimuot ang oras na iyon para kay Kiah. Araw-araw siyang umiiyak dahil sa nangyari sa lalaking minamahal at sa mga magulang nito. Subalit sa tuwina, magkatuwang sila ni Gavin sa pagharap sa malaking suliranin. Maging si Heinz na kaibigan ni Akihiro ay hindi sila iniwan hanggang sa maging successful ang surgery ni Akihiro at tuluyan itong gumaling.
Iyon nga lamang, labis-labis na sakit ang naidulot kay Akihiro nang malamang hindi nakaligtas ang mga magulang. Sinisi pa nga nito ang sarili dahil sa mga nangyari. Pero dahil sa tulong ni Hezekiah, Gavin, at ng kaibigang si Heinz, napagtagumpayan ni Akihiro na tanggapin ang lahat. Ipinagpatuloy nila ang buhay sa kabila ng masalimuot na nakaraan.
Samantala, nagkaayos naman si Kiah at Akihiro at nagpasyang magsama. At dahil kamamatay pa lang ng magulang nito, ipinasya nilang magpakasal na lamang pagkatapos manganak ni Kiah. Ilang buwan matapos ipanganak ni Hezekiah si Hikari, ay nagpasyang magpakasal ang dalawa. Matapos niyon, nagpatuloy sa pag-aaral si Kiah sa tulong na rin ng kanyang asawa.
Inangat ni Kiah ang palad at saka masuyong hinaplos ang mukha ng asawa. "Mahal na mahal kasi kita. . . at handa akong samahan ka kahit sa pinakamadilim pang parte ng buhay mo. Ikaw ang bumago sa buhay ko, Akihiro. . . Kayo ni Hikari. . ."
"Nope," ani Akihiro sabay marahan pang umiling sa kabiyak. "Ikaw ang bumago sa buhay ko, love. Kayo ng anak natin. . ." puno ng pagmamahal na turan niya sa kabiyak. "I didn't really know what love really meant, back then. Until you came into my life and changed everything. Itinuro mo sa'kin kung paano magmahal, na kahit sa panaginip ay hindi ko naisip na pwede ko palang maranasan. . . Akalain mo 'yon? Napabago mo ang isang Akihiro Tetsuya na ubod ng gwapo at habulin?"
Sa sinabi ni Akihiro ay inirapan siya ng asawa. "Oo na! Habulin na kung habulin."
"O, bakit? Hindi ba?" nakangisi namang tanong nito.
"Habulin ka nga, pero sa'kin ka pa rin naman bumagsak," puno ng confidence na saad ni Kiah sa Mister.
"Aba? Marunong ka nang magyabang, ha?" ngiting-ngiti na tukso ni Akihiro sa kabiyak sabay halik sa labi nito. Tumagal din iyon ng isang segundo bago niya itinigil.
"Mahal na mahal kita, Mrs. Hezekiah Delgado Tetsuya. . ." aniya habang buong pagmamahal na pinagmamasdan ang magandang mukha ng kabiyak.
"Mahal na mahal din kita, Mr. Akihiro Tetsuya. . ." masuyo ring tugon ni Kiah sa asawa.
"So paano, sabi ni Polaris, sundan na daw natin si Hikari," mayamaya'y nakangising saad ni Akihiro sa kabiyak. Hindi pa ito nakuntento, ipinagdiinan pa nito ang pagkalalaki niyang muling nagising nang mga sandaling iyon.
Kinagat naman ni Kiah ang ibabang labi saka matamis na ngumiti sa asawa. "Sige ba, pero gusto ko lalaki naman."
"Sure! Iyon lang pala, e!" nakangising turan ni Aki sa asawa saka walang sabi-sabing umibabaw sa misis at hinablot ang kumot na nakabalot na hubad na katawan nito. "Get ready, love. You know, you're my vile craving. . ."
✨🌸 THE END 🌸✨
HIS VILE CRAVING
Written by: iamblitzz
All Rights Reserved ©2022