Chapter WAKAS

Samantala, si Gavin ay kasalukuyang kinakaharap ang sariling kamatayan. Nakasuot sa katawan niya ang vest na may nakakabit na C-4 bomb. At hindi niya alam kung ilang minuto na lang ang nalalabi sa buhay niya. Ni wala siyang ideya kung sino ang mga dumukot sa kan'ya. Wala siyang kaaway lalong-lalo, wala siyang kinaatraso. Wala rin siyang kaalam-alam na sa mga oras na iyon, nasa panganib rin buhay ng kanyang pamilya.

Naroon siya ngayon sa isang lumang silid na mistulang isang bodega. Nakaimbak kasi roon ang kung anu-anong abubot na hindi niya mawari kung ano. Nakaupo siya sa mono block chair habang nakatali ang kanyang kamay at paa. Habang ang bibig ay mayroong duct tape.

Kasabay nang nararamdamang takot at panginginig ng katawan nang mga sandaling iyon, lihim na lang ipinigdasal ni Gavin na sana ay may sumaklolo sa kan'ya sa bingit ng kamatayan.

Lumipas ang ilang sandali, may narinig na pagkalabog si Gavin sa pinto ng silid at ganoon na lang ang pagkabigla niya nang may pumasok na mga lalaking pawang naka-uniporme ng pulis. Kaagad siyang ng isa sa mga ito na naka-uniporme ng DISG kaya't nasisiguro niyang kasamahan ito ng kanyang Kuya Akihiro.

Kaagad siyang nilapitan nito at inalis ang tape niya sa bibig at saka sinuri ang bomba sa kanyang katawan. "Thank you, Sir!" naiiyak sa tuwa na saad ni Gavin sa lalaki.

"I'm Agent Claude Scott. Kasamahan ko ang Kuya mo. Pero hindi iyon ang mahalaga ngayon. Kailangan kong maalis ang bomba sa katawan mo. Ten minutes na lang ang natitira para sumabog," anang lalaki kay Gavin.

Matapos niyon ay may inilabas itong maliit na case at saka kinuha sa loob niyon ang maliit na plies. "Don't scared, alam ko ang ginagawa ko," ani Claude nang makita ang takot sa mukha ni Gavin.

Bagaman balot ng takot ang pagkatao, walang magawa si Gavin kung hindi magtiwala lang sa sinabi nito. Dahil sa mga sandaling iyon, ang magtiwala lang ang tangi niyang magagawa.

Masusing sinuri ni Claude ang naturang bomba at hindi na bago sa kan'ya ang uri ng pampasabog na ginamit doon. Mabilis niyang kinuha ang nang dahan-dahan green wire at saka pinutol. Pero sa halip na bumagal ang oras ay lalong bumilis ang timer sa aparato. Three minutes na lang kasi ang natitira.

Sandaling nagkaroon ng tensyon dahil doon. Maging si Gavin ay halos mahimatay na dahil sa matinding nerbiyos. But Claude remained calm. Hindi siya nakararamdam ng takot o ano pa man dahil ang bomb detonation ang kanyang expertise.

Sunod na kinuha ni Claude ang red wire at saka dahan-dahang pinutol gamit ang plies. At matapos niyon, huminto nang tuluyan ang timer sa eksaktong isang minuto.

Sabay-sabay na nakahinga ang lahat, pagkatapos niyon, kaagad kinalag ng mga pulis ang tali sa kamay at papa ni Gavin. "Maraming salamat sa inyong lahat!" bulalas ni Gavin sa mga kaharap.

"Sir, pakilabas na po siya rito," ani Claude sa isang pulis na ang tinutukoy ay si Gavin.

"Yes, Sir!" anito saka inakay si Gavin papalabas sa silid kasama ang ilang pulis.

❇ ❇ ❇

"Major Romero, nai-rescue na ang isa sa mga hostages. Papunta na kami sa basement para i-rescue ang iba pa!" ani Heinz sa kabilang linya.

"Copy that, Agent Alvarez. Papunta na rin kami d'yan. Mag-iingat kayo. Kailangang ma-secure ang mga hostages. Barilin ang hostage taker kung manlaban!" ani Major Romero sa earpiece.

"Roger that, Sir!"

Matapos niyon ay sinenyasan ni Heinz ang tatlo pang kasamahan na sumunod sa kanya patungo sa basement ng gusali kung saan naroon si Akihiro at maging ang magulang nito. Kamalas-malasan ring nawala ang contact nila kay Akihiro kung kaya't hindi niya malaman ang nangyayari rito.

Nang sinusundan niya ito gamit ang sniper rifle kanina noong pumasok ito sa gusali, ay bigla na lang itong nawala. Kaya ipinasya na lang niyang pasukin na ang gusali kasama ang iba pang agents.

Maghintay ka lang Aki, parating na kami!

❇ ❇ ❇

"Ano, Agent Tetsuya? Nagulat ka ba sa nalaman mo?" ngising-aso pang ani Alejandro. "Oo! Ako lang naman ang nagpa-kidnapped sa kapatid mo! And perhaps, by this time, ilang minuto na lang ang itatagal n'ya sa mundo!" naninindak na turan pa ni Alejandro kay Akihiro na noon ay nakalugmok pa rin sa sementadong sahig.

Ang isiniwalat ni Alejandro ay lalong sa nagpasiklab sa poot nararamdaman ni Akihiro para sa kaharap. Gustohin man niyang manlaban, hindi niya magawa dahil sa sakit na dulot ng tinamong sugat sa hita.

Bukod pa roon, napapaligiran siya ng nakaparaming tauhan nito. Kung tatangkain pa niyang manlaban, tiyak na bangkay na siyang ilalabas doon ng mga kasamahan, pati na rin ang kanyang mga magulang.

Shit! Nasaan na ba kayo, Heinz?

"Fuck you! You son of a bitch!" napopoot na turan ni Aki rito habang nag-aapoy sa galit ang mga mata. Mahigpit rin na nakakuyom ang kanyang mga kamao. "You will pay for this! Hayop ka, Alejandro!" nanggagalaiti pang sigaw ni Akihiro sa lalaki na noon ay nasisiyahan pa sa galit na ipinakikita niya.

"And what you gonna do?. . ." nakangising tanong ni Alejandro sa kan'ya, "lalaban ka? Ano ang magagawa mo? Mag-isa ka lang. At sa tingin ko, patay na rin ang mga kasamahan mo sa mga oras na 'to." Tumawa pa ito nang malakas na para bang natitiyak na nito ang pagkapanalo.

Dahan-dahang tumayo si Akihiro sa sahig habang pinupukol ng masamang tingin ang kaharap. At bagaman masakit ang sugat sa hita, nagawa pa rin niyang 'wag matumba sa kinatatayuan.

"Hindi sila inutil gaya mo!" buong tapang na asik niya.

Sa narinig ay nawala ang ngisi ni Alejandro sa pagmumukha at napalitan ng nanlilisik na mga mata. Matapos ay dali-dali itong naglakad papalapit sa kan'ya sabay unday ng magkasunod na suntok sa mukha at sikmura. Hindi pa nakuntento ang hayop, malakas pa nitong tinadyakan ang sugat niya binti na sanhi ng pagkakabaril nito sa kan'ya.

"Hijo de puta! Te mataré! (Motherfucker! I'll kill you!)" nanggagalaiti nitong sigaw.

Nang malugmok siyang muli sa semento, ginawaran naman niya nang magkakasunod sa tadyak at sipa. Dahilan upang sumuka siya ng dugo.

Ang mga magulang naman ni Akihiro nang mga sandaling iyon ay walang magawa kung hindi panoorin na lang ang kanilang anak habang umiiyak. Wala silang magawa upang tulungan ang panganay na anak na walang awang binubugbog ng lalaki.

Gayon din ang labis na pag-aalalang nararamdaman nila para kay Gavin na noon ay wala silang kaide-ideya kung nasaan at ano ang nangyayari. Talagang napasakit sa kanilang makita ang kanilang mga anak na malagay sa peligro ang buhay.

Matapos magsawa sa kabubugbog si Alejandro kay Akihiro na noon ay walang kalaban-laban sa kan'ya, binunot nito ang baril na nakasukbit sa kanyang baywang at saka lumuhod sa harap nito.

"Sino ang gusto mong mauna sa inyo ng pamilya mo?. . ." nakangising tanong ni Alejandro. "Ikaw o ang magulang mo?" anito habang nakatutok sa sentido ni Akihiro ang baril.

"P-patayin mo. . . na ako. 'Wag lang ang mga. . . magulang ko!" nahihirapang ani Akihiro habang pilit nilalabanan ang sakit ng katawan na nararamdaman.

"Aw. . . nakaka-touch naman!" Umarte pa si Alejandro na parang awang-awa sa lalaki. "Well, kahit sino naman sa inyo ang mauna, isa lang ang sigurado ako, magsasama-sama kayo sa impyerno!" ani Alejandro sabay pihit ng gatilyo.

Subalit hindi pa man niya naipapaputok ang baril, ay nagulantang ang lahat nang may magpaputok mula sa kung saan at nasapul ang isa sa kanyang mga tauhan. Kaagad na nagkagulo ang mga tauhan ni Alejandro at naalerto. Maging si Alejandro ay napatayo saka inilibot ang paningin sa paligid ng basement pero bigo siyang mahanap ang hudas na may gawa niyon.

"Mierda! (Bullshit!) Hanapin kung saan nanggaling ang putok!" malakas na sigaw ni Alejandro sa mga tauhan. Mabilis naman na kumilos ang mga ito saka lumabas sa naturang basement. Si Alejandro naman ay sinenyasan si Attorney Hernadez upang kunin ang kanyang Calibre 45.

Mayamaya pa nga, nagkaroon na nang sunod-sunod na palitan ng putok mula labas niyon, kaya naman naalerto na ang lahat ng naiwang tauhang kasama ni Alejandro, saka ihinanda ang kanilang sarili sa posibleng paparating na alagad ng batas.

Sinamantala naman ni Akihiro ang pagkakataon. Nasisiguro niyang ang mga kasamahan na iyon, kaya naman kaagad niyang kinapa ang nakaipit na baril sa kanyang sapatos. Habang si Alejandro naman ay parang hindi alam ang gagawin.

Pasimpleng kumilos si Akihiro upang itago ang maliit na baril sa kanyang baywang habang ang mga paningin ay nakatutok kay Alejandro ang paningin na noon ay nakatutok ang atensyon sa pinto ng basement at nag-aabang.

Hanggang sa padabog na bumukas ang pinto at may naghagis ng smoke bomb. Kaagad na nagpalitan ang malalakas at sunod-sunod ma putok pagkatapos niyon, kahit pa nga hindi makita ang paligid sa kapal ng usok.

Shit! Sina Mama! Bagaman nanghihina dahil sa mga tinamong sugat, pinilit tumayo ni Akihiro mula sa pagkakalugmok at saka binunot ang baril sa baywang. Pinrotektahan din niya ang ilong mula sa usok.

Hindi man masyadong maaninag ni Akihiro kung nasaan ang mga magulang, maagap pa rin niyang hinahanap ang mga ito. Pero hindi pa siya nakakatatlong hakbang nang harangan siya ni Alejandro sa daraanan at tutukan siya ng Calibre 45 sa dibdib.

"Hindi ako papayag na mabuhay ka pa, Tetsuya! Kung mamamatay ako, isasama kita!" sigaw ni Alejandro saka pinaputukan siya. Sa bilis nang pangyayari at labis na pagkabigla, hindi na nakailag pa si Aki at nasapul siya sa dibdib.

Kasunod niyon, ay para siyang nabuwal na puno na basta na lang bumagsak sa semento. Ito na yata ang katapusan ko. . . ani Akihiro sa isipan habang hawak ang dibdib. Kaagad niyang naramdaman ang malabis na sakit bunga ng tinamong sugat, at matapos niyon, ay nagdulot iyon ng pamamanhid ng katawan.

Mahal na mahal kita, Kiah. . .

Matapos niyon ay umalingawngaw sa paligid ang malakas na pagsabog kasabay ng bahagyang pagyanig ng paligid. Ngunit ang lahat ng kaguluhan sa paligid ay hindi na narinig at nasaksihan pa ni Akihiro. Dahil kasabay nang malakas na pagsabog, ay tuluyan na siyang nilamon ng masalimuot na dilim. . .

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.