Chapter DYSMENORRHEA

Nagising ako sa tawag ni Taxon.

"Blabby! Anong masakit? Bakit may dugo? Are you okay?"

Pagmulat ko pa lang ay naramdaman ko na ang sakit ng puson ko kaya nahawakan ko iyon agad at napangiwi.

"I need a hot bag," mahina kong sabi.

Ganito ako kapag meron mahina at halos hindi na makausap.

"Bakit? You have a wound? Blabby, bakit may dugo sa bed sheet? Blabby! Talk to me!" Nagpa-panic na siya.

"Easy.. meron ako," nakahinga siya nang maluwag.

"Akala ko kung ano na ang dami kasi."

"Ang sakit," tumagilid ako habang hawak ang puson ko.

"I don't know what to do. Wait, I will call Diamond," nagmadali siyang lumabas ng kwarto.

"Make it fast!" Sigaw niya kay Diamond.

"You're over reacting! It's natural!" Nag-aaway pa silang dalawa papasok sa kwarto.

"I take a shower," pabulong kong sabi at hinang-hina na pumunta sa banyo at naglinis ng katawan.

Paglabas ko napalitan na ang bed sheet may hawak na rin na hot bag si Diamond na ibinigay sa akin.

"Wag OA, Taxon!" Umirap siya bago lumabas. Nagkamot naman ng ulo si Taxon.

"I don't know the girl's thing. I'm sorry."

Tumango lang ako at muling humiga. Namilipit ako sa sakit ng puson. Narinig ko ang buntong hininga ni Taxon. Kahit may hot bag ay masakit pa rin.

"What do you need, Blabby?" Malambing na tanong niya.

"Mefenamic."

"But that's a pain reliever It has negative side effects to your normal menstruation."

"Just go and get me!" Asik ko sa kaniya. Naiinis ako.

"Okay."

Bumalik siya may dala ng gamot at saka pagkain.

"Take your breakfast, first." Ibinaba niya ang tray ng pagkain.

"Hindi ako nagugutom," masungit kong sabi.

"Is mood swings included manifestation of the menstrual cycle?"

"Oo. Katulad ng symptoms of pregnancy."

"Okay. Eat," sinusubuan niya ako pero umiiwas ako.

"Hindi nga ako nagugutom!"

Napangiwi ako nang kumirot ang puson ko. Ang sakit naman!

"Please?" Pagmamakaawa niya.

"Sige na nga!" Kunot noo kong sabi.

Pinakain niya ako ng friedrice at egg.

"You don't want hotdog?" Tanong niya dahil hindi ko kinain ang hotdog.

"It has many chemicals, that's preservative, it can make my dysmenorrhea more painful," paliwanag ko sa kaniya.

Tumango naman siya. "Okay, I know what should I do if it's happen again."

Humiga na lang ulit ako at natulog. Pagkagising ko nandito pa rin si Taxon nanonood ng TV. Pagkakita niyang nakamulat na ako nilipat niya ang palabas sa spongebob kaya napangiti ako. Medyo maayos na ang pakiramdam ko. Natural lang na mapagod tuwing meron ka dahil mayroong muscle contraction, continous and mas matindi kumpara sa normal.

"Are you ready, kids?

Aye-aye, Captain!

I can't hear you!

Aye-aye, Captain!"

Nakita ko ang pagbungisngis ni Taxon pero hindi ko pinansin.

"Ohh," pinanguso ko pa ang labi ko.

"Who lives in a pineapple under the sea? SpongeBob SquarePants!

Absorbant and yellow and porous is he! SpongeBob SquarePants!

If nautical nonsense be something you wish! SpongeBob SquarePants!

Then drop on the deck and flop like a fish! SpongeBob SquarePants!"

Masigla akong nagtatalon sa kama parang bata. Ewan ko ba ang tanda ko na pero paborito ko talagang panoorin ang spongebob. Pangmatalino 'yon, eh! Si spongebob ay kasali sa kingdom Animalia na nasa Kingdom Porifera. Sabi 'yon ni Elle dahil science teacher siya nang minsang makita niya akong nanonood ng spongebob.

"Ready? SpongeBob SquarePants."

"I thought you have dysmenorrhea?" Tumatawang sabi ni Taxon.

"Hindi na masyadong masakit," nakangiti kong sabi.

Kinuha niya ako at iniupo sa hita niya.

"Hoy! Baka magkaroon ng stain ang short mo."

"Edi magpalit," iniyakap niya sa akin ang kamay.

"Nanonood ako ng spongebob."

"Hmm. You want spongebob stuff toy?"

"Bibilhan mo ako?"

"Yes.. you look like a kid. Matanda na kaya tayo."

"Ikaw lang hindi ako," tumawa ako.

"Yeah. Are you ready to be my wife?" Bigla ay tanong niya.

Umiling ako. "Hindi pa."

"Okay, then."

Nanood lang ako ng spongebob sa maghapon. Hindi ako lumabas ng kwarto at si Taxon naman ay walang sawang tanungin kung ano ang kailangan ko. Nainis ako nang makitang namantsahan ko nanaman ang kapapalit lang na bed sheet.

Kumuha agad ako ng panibago at pinalitan. Puro white kasi ang mga 'yon.

Pumasok si Diamond at may dalang boiled egg.

"What was that?" Kunot noong tanong ni Taxon.

"It can help for the gentle circulation of the blood from the uterine lining. Sinearch ko lang," sabi ni Diamond.

Tumango si Taxon at pinagbalat ako ng itlog. Kinain ko ang dalawa at ang pangatlo ay isinubo sa kaniya.

"Two is enough."

Tiniis ni Taxon na kainin ang itlog. Lahat ng kinakain ko ay sinusubo ko sa kaniya kahit minsan hindi siya nagreklamo. Akmang iluluwa niya pero sinamaan ko siya ng tingin.

Napangisi ako nang may maisip. Hindi niya kasi malunok-lunok dahil siguro walang asin. Dinilaan ko ang labi ko na ikinatigil niya at takang tiningnan ako. Inilagay ko ang asin sa labi ko.

"Kiss me," inginuso ko ang labi.

"Adcigaj."

"Hindi ko maintindihan."

Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at ako na ang humalik para mapunta sa bibig niya ang asin. Bigla ay nalunok niya ang kinakain. Napahinto ako nang malasahan ang itlog sa bibig niya.

"Yuck!"

"Kiss me pala, huh?"

"Lasang egg laway mo!"

"You too."

Sabay kaming tumawa. Kapag siya ang kasama ko palagi talaga akong masaya. Kahit nga ang pagsusungit niya tinatawanan ko.

"I'll take a bath," sabi niya at diretsong pumasok ng banyo.

Kinuha ko ang phone niya at inopen ang facebook niya. Wala siyang cover, profile lang na mukha ko na may caption na 'Blabby'. In-open ko ang message niya puro bati ng mga babae pero hindi niya nireplyan alin man doon. Nanlaki ang mata ko nang makita ang pangalan ni Brekley sa message request.

'Ibalik mo sa akin ang fiance ko!'

Iyon lang ang nakalagay. Pinuntahan ko ang timeline niya. 'Andon pa rin ang pictures naming dalawa. Na-guilty tuloy ako baka may kung sinong makakita nito sabihin dalawa ang boyfriend ko.

Nag-browse lang ako nang nag-browse at nanood ng mga videos. Chinat ko si Cecelia nang iopen ko ang facebook ko sa phone ni Taxon.

'Kumusta na? Kumusta ang company? Kumusta na kayo diyan?'

Matapos noon ay itinype ko ang number ni Taxon.

'Call me here.'

Nag-log out na rin ako at nag-games na lang. Nag-download ako ng candy crush kaya nawili ako. Natigilan ako nang mag-ring ang phone.

Unknown number calling.

"Vinea! Ang tagal na kitang kino-contact hindi kita ma-contact," sabi ni Cecelia.

Napabalikwas ako nang marinig ang tono niya.

"Bakit?"

"Si Brekley nasa hospital, naaksidente siya."

"Huh?!" Napalakas ang sabi ko.

"Blabby, what is happening there?" Tanong ni Taxon sa banyo pero hindi ko na nagawang sagutin kaya lumabas siya ng naka-towel lang.

"Bakit? Anong nangyari?" Tumayo na ako at nagpabalik-balik.

"Uminom kasi siya. Simula no'ng umalis ka hindi na siya tumigil sa paglalasing at pakikipag-suntukan sa bar. Lagi siyang nagda-drive ng lasing kaya nabangga siya."

Hindi ako nakapagsalita. Tumulo ang luha ko.

Kasalanan ko ito.

"Why?" Nag-aalalang tanong ni Taxon.

"Si Brekley," ibinaling ko kay Cecelia ang atensyon.

"Ayaw niya magpa-opera hangga't wala ka. Masama ang lagay niya. Nagkaroon siya ng hemorrhage sa lakas ng pagkakatama ng ulo niya himala nga raw at nakakamulat pa siya," bumuntong hininga pa si Cecelia. "Umuwi ka na."

Yumakap na lang ako kay Taxon. "Sige, uuwi na ako."

Ibinaba ko ang tawag at diretsong pumunta sa closet at nagligpit.

Sobrang nag-aalala ako kay Brekley. Hindi ko na napansing paulit-ulit na pala akong tinatawag ni Taxon.

"I'm sorry. I need to go home. Brekley needs me."

"I'm going with you."

"Sige pero natatakot ako kung ano ang mangyayari kapag nakita nila ako."

"I'm always here beside you."

Mahigpit akong niyakap ni Taxon habang hinahaplos ang buhok ko.

"Everything will be all right, Blabby."

"I'm scared."

"Don't be. I'm here."

"Hindi ko alam paano ko sila haharapan."

"I'll hold you. We face them together."

"Paano kung saktan ako ng magulang niya?"

"I'll protect you and they should not try. I'll put them in bars."

"Lakas mo porke attorney ka?"

"Yeah, Attorney mo."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.