Lumapit ako kay Taxon at niyakap siya.
"Let's go. Inaantok na ako." Siniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya.
"Maiwan na namin kayo," paalam niya sa mga kaibigan.
"'Ayan na! Rounds for Taxon," pang-aasar ni Rev. Nagtawanan silang lahat.
Binato siya ni Taxon ng bulaklak na nakuha niya sa lamesa.
"Enjoy!" Tumatawang pang-aasar din ni Kean.
"Come and lick me baby yo--" Kumakanta pang sabi ni Rev na hinampas naman ni Elle.
Iniwanan namin silang nagtatawanan. Mga siraulo!
Magkahawak kamay naming tinahak ang daan papunta sa kwarto namin. Yumakap ako sa baiwang niya habang siya ay nakaakbay sa akin.
Nang makapasok kami sa kwarto ay humiga ako kaagad. Natawa ako nang makitang umupo si Taxon sa sofa at nagkamot ng ulo.
"Ano na, Mr. Horrible?" Pang-aasar ko sa kaniya.
"What?"
"Come here and.." sinadya kong putulin ang sinasabi at pinaguhit ang ngisi sa labi.
Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya.
"Takot si Attorney," malakas ang tawa ko sa kwartong iyon dahil sa hitsura niya. Halatang naiilang siya.
Lumapit ako sa harapan niya at nakangising binuksan ang zipper sa likod ng gown ko. Nakagat niya ang labi.
Natanggal ko ang gown. Nakatingin lang siya sa akin at kagat-kagat ang labi habang tumatagal ay dumidiin ang pagkakakagat niya.
"Hoy! Ano na? Petchay?" Natawa nanaman ako.
Wala ba siyang balak kumilos?
Dahan-dahan siyang lumapit at gumuhit ang malapad na ngiti niya. "I thought you don't want intimacy?"
"We're married," ipinulupot ko ang kamay sa batok niya. Hinawakan niya ang baiwang ko at pinagapang ang kamay papunta sa likuran ko upang ituloy ang binubuksan kong zipper.
"I'm so happy, my Blabby," pinangiliran siya ng luha. Humalik siya sa noo ko. Nakagat ko ang labi nang maibaba niya na ang zipper ng gown ko. "Sabihin mo lang kung ayaw mo."
"Gusto ko," mahigpit ko siyang niyakap. "Basta ikaw gusto ko."
"Okay, then," tinanggal niya ang coat at inihagis sa kung saan. Nakagat ko ang labi ko nang tumambad sa akin ang katawan niya.
"Blabby, mahal kita," nakangiti niyang sabi.
"Mahal din kita, Mr. Horrible." Malambing kong sabi at hinaplos ang pisngi niya. Mas guwapo siya sa malapitan.
Hinaplos ko ang dibdib niya pababa. Binuksan ko ang zipper ng slacks na suot niya.
"What are you doing?" Kunot-noong tanong niya.
"Making out with my husband," nakangiti kong sabi.
"Ang kulit mong petchay ka," tumawa siya. Napahagalpak rin ako ng tawa.
'Petchay' daw ako? Ang cute niya kapag siya ang nagsasabi noon.
"Tinatawag mo na akong petchay ngayon?"
"You don't know, Blabby. They laugh at you when you say petchay."
Nagtawanan kaming dalawa matapos ay hinaplos ko ang mukha niya.
"Hindi ko alam na posible pa lang magsimula ang love sa takot. Takot na baka ikulong mo ako noong matamaan kita ng bato."
"Love starts with aghast. Hindi lang ikaw ang natakot. Natakot din ako dahil nakita ko na ang babaeng mamahalin ko."
Humalik siya sa noo ko pababa sa ilong hanggang mapunta iyon sa labi ko. Tinugon ko ang bawat halik na iginagawad niya sa akin. Masiyadong perpekto ang sandali na sana habang buhay na ganito kami. Humaplos ang kamay niya sa baiwang ko at unti-unti ibinababa ang mga saplot ko. Pumunta ang halik niya sa leeg ko at dinampian iyon ng maliliit na halik.
"Blabby?"
"Hmm?"
"Tell me when I stop."
"Don't stop. I'll give my all to you."
"Thank you. I'll treasure you."
"Welcome, guwapong petchay."
Napahinto siya at napahagalpak ng tawa. Sinabayan ko rin ang pagtawa niya. Napuno ang kwarto namin ng saya at pagmamahal.
Inabot ko ang labi niya at madamdamin siyang hinalikan na tinugon niya naman.
Inalay ko na sa kaniya ang perlas ng silangan. Malugod niya iyong tinanggap, iningatan at minahal. Masaya, kontento na, at puno ng pagmamahalan ang unang gabi namin bilang mag-asawa.
My Taxon Ken Baider, Mr. Horrible.
Natakot man ako sa mga tingin mo noong una. 'Yon pa pala ang dahilan kung bakit minahal kita nang sobra.
Maging sa pagising ko ay nakangiti pa rin ang mga labi ko. Nakaunan ako kay Taxon at nakabalot sa amin ang kumot. Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya upang gawaran siya ng halik. Nagising ko yata kaya nagmulat siya ng mata at ngumiti.
"Good morning, my blabby." Hinaplos niya ang pisngi ko at saka lumapit para gawaran din ako ng halik sa labi.
"Good morning, Mr. Horrible." Masigla kong bati.
Kahit may masakit sa akin ay halos hindi ko maramdaman.
"Let's take a bath together."
"Ayy, petchay! Gusto ko 'yan!" Malapad akong ngumiti. Tumawa naman siya.
Iniupo niya ako sa sink at dinampi-dampian ng halik sa leeg.
"Hmm. Chicken skin," pagbibiro niya.
Natawa naman ako. "Chicken skin."
"Hmm.. yum yum," pagbibiro nanaman niya habang hinahalikan ang collar bone ko.
"Nagiging isip bata ka, Mr. Horrible."
"Yeah, we're going to make a bata."
Natatawa ako sa kaniya. Tawa kami nang tawa kahit wala namang nakakatawa. Siguro sadyang masaya lang talaga kami kaya gano'n.
"Anong gusto mong anak? Babae o lalaki?"
"Girl," tipid niyang sagot at hinila ako sa tapat ng shower. Napasigaw ako nang buksan niya iyon.
"Ahhh! Petchay ka!" Tinawanan niya lang ako.
Ang lamig!
"Bakit babae?" Pinulupot ko ang kamay sa leeg niya at siya naman ay humawak sa baiwang ko.
"Para hindi mahirapan sa patunay ang pakakasalan nila."
"Sa bagay lalaki 'no? Tulad ni Jave," pagsang-ayon ko.
Pagkatapos namin magkaroon ng intimate romantic scene sa banyo ay lumabas na kami. Magkahawak ang kamay namin at nakangiti.
Nasa hapag kainan na pala ang lahat pero ipinagtaka ko dahil walang kumakain. Ang nandito lang ay ang pamilyang Baider.
"Hay sa wakas.. they're here. I'm hungry!" Sabi ni Kil at kumuha agad ng pagkain.
Pagkaupo namin ay doon lang sila kumain.
"It's tradition. They will wait for us to eat," nakangiting paliwanag ni Taxon.
"Bakit hindi mo sinabi? Nagpatagal pa tayo roon kung anu-ano pa ginawa mo."
"It's okay."
Pinagsilbihan kaming dalawa ni Taxon. Alagang-alaga kami kaya naman nakangiti lang ako.
"How's the night?" Nakangising tanong ni Daddy Jerex.
Lumapad ang pagkakangiti ni Taxon Ken at sumulyap sa akin. Nag-iwas naman ako ng tingin. Nahiya ako petchay!
Bakit kailangan pang itanong 'yon?
"I think you better ask Vinea Clee." Mapang-asar na sabi ni Taxon.
"Hoy! Bakit ako? Petchay ka!"
Nagtawanan silang lahat.
"Sana all!" Sabi ni Kil at kumagat na lang ng malaki sa tinapay.
"Duh! Go and get Arah," nakangising sabi ni Diamond.
"Go and get Tyron," nakangisi ring sabi ni Kil. Umirap lang si Diamond.
"And you, Kil and Diamond. When do you plan to marry?" Tanong ni Mr. Baider.
"Lolo, Kil is gay kaya bakit 'yan magpapakasal?" Pagbibiro ni Jave.
"Gay amp," tinawanan lang ni Kil ang sinabi ni Jave.
"Seriously?" Bigla ay tanong ni Lauressa.
Napalakas ang tawanan.
"Nope, of course not lola! Wala lang talaga akong gusto," sabi ni Kil pero parang may tinatago siya.
"Hindi mo gusto ang kapatid ko?" Sumingit na ako.
Nag-iwas si Kil ng tingin. Hindi siya nagsalita.
"Takot 'yan," pangbibiro ni Shine.
Siguro nga takot si Kil sa patunay dahil sa ugali ni Arah. Mabait at mahinhin. Siguro naman kaya ng kapatid ko iyon dahil kung ako nga nakaya.
Sinulyapan ko ang anak ni Elle at Jave na si Shivelle.
Sobrang cute niya!
"Kung puro at totoo ang pagmamahal makakaligtas sa patunay." Iyon ang linyang kumawala sa bibig ko.
Lahat sila ay napatingin sa akin, nakamaang ang labi.
Gusto ko rin ng happy ending para sa kapatid ko. Naniniwala naman akong kakayanin niya kahit gaano pa kahirap iyon.
"That's my Vinea Clee," pagmamalaki ni Taxon.
Rinig ko ang buntong hininga ni Diamond. Si Kil ay natahimik na.
"Ang seryoso naman. Tawa naman kayo riyan, oh!" Pangungulit ni Jave kaya natawa sa kaniya ang lahat.
"Kumain ka na lang kaya, Impakto, 'no? Tingnan mo pagkain mo! Ubusin mo 'yan," asik sa kaniya ni Elle.
"Pinapamadali mo lang ako para masolo mo ko, eh. Yiee! Cherish talaga."
Natawa naman kami sa kanilang dalawa.
Masayang natapos ang almusal na iyon. Naglakad-lakad kami ni Taxon Ken sa beach. Ang saya pala sa pakiramdam na magkaroon ng asawa. Naglaro kami sa buhanginan at naghabulan.
Nagsulat ako ng 'Taxon, nakakatakot'. Gumanti naman siya kaya nagsulat ng 'Vinea, madaldal'. Pinagtawanan namin ang isa't isa.
"Doon ka," tinuro ko ang kahoy na upuan. "Idro-drawing kita sa buhangin." Sumunod naman ang petchay.
Akala naman niya marunong akong mag-drawing?
Tawa ako nang tawa nang mag-drawing ng bilog. Nilagyan ko ng masamang tingin ang mata at nakasimangot na bibig. Pang-grade two ang drawing ko. Naging octopus ang drawing kaya napahagalpak ako ng tawa.
"Hey! You're tripping me." Lumapit siya at tiningnan. Humagalpak siya ng tawa.
"It's an octopus," malakas siyang tumawa at inasar pa ako.
"Petchay! Kala mo marunong ka mag-drawing?" Tumaas ang gilid ng labi ko.
"Hindi rin,"
"Tingnan mo na!" Ang lakas ng bibig ko kaya nagtinginan ang mga tao. Tumawa nang tumawa si Taxon.
"My wife is not crazy po. She's blabby lang po talaga," paliwanag niya pa sa mga tao kaya kinurot ko ang pisngi niya.
Umakbay siya sa akin at dinala ako sa may malapit sa tubig. Tinapunan niya ako ng tubig kaya hinabol ko siya.
"Habulin mo ako," tumatawa siya habang tumatakbo.
Tawa rin ako nang tawa habang hinahabol siya. Maya-maya pa ay nagkapalit na kami. Ako na ang hinahabol niya. Pagkahablot niya sa baiwang ko ay kiniliti niya ako kaya ang lakas ng tawa ko. Kislot ako nang kislot.
"Aahh! Ayaw ko na! Taxon," malakas na malakas ang tawa ko.
Matapos ng nakakapagod na kilitian ay pumunta kami sa malalim. Inilubog niya ako sa tubig. Umangkla naman ako sa baiwang niya. Sa ilalim kami ng tubig naghalikan.
Petchay, ang hilig namin sa ganito.
Ibang klase talaga ang scene na iyon. Noon best friend ko lang siya, wala pang malinaw na pakiramdam pero ngayon asawa ko na.
Hindi na natapos ang tawanan naming dalawa nang umahon. Tumambay lang kami sa beach hanggang matapos ang araw.
Tumingin kami sa mga nagtitinda ng kung anu-ano. Napatakbo ako nang makita ang malaking stuff toy na spongebob.
"Taxon! Tingnan mo!" Ituro ko iyon.
Nakangiti niya rin iyong pinagmasdan. Dumukot siya sa bulsa pero walang nakapa.
"Ohh men. Blabby, wala akong dalang pera."
Napasimangot ako agad.
"Ako rin."
"Wait, diyan ka lang. Tatakbo ako pabalik sa room." Ngumiti lang ako at pinanood ang pagtakbo niya. Natawa pa ako nang muntik-muntikan siyang madapa dahil sa pagmamadali.
"Ang pogi naman ng boyfriend mo," ani ng tindera.
"Hindi ko po siya boyfriend," nakangiti kong sabi.
"Talaga?" Nagtatakang tanong ng tindera.
"Kasi asawa ko po siya." Umalingawngaw ang impit na kilig ng tindera.
"Nako! Ang swerte mo naman."
"Siya po ang swerte," pagbibiro ko.
Pinagmasdan ko ang mga stuff toy. Natigilan ako nang may kumuha ng malaking stuff toy na spongebob at nag-abot agad ng bayad sa tindera.
"Nako, pasensya na po nauna na po siya." Tinuro ako ng tindera kaya ngumiti lang ako.
"No! Babe, gusto ko ito," maarteng sabi ng babae.
"Ibigay mo na, Manang," asik ng lalaki sa tindera.
"Ano ka demanding? Nauna na nga ako, 'di ba? Sinabi na sainyo," pagtataray ko sa kanila.
"Wala akong pakialam," mayabang na sabi ng lalaki.
Maldita kong inagaw si spongebob sa babae.
"Babe," nag-inarte ang babae. Tiningnan naman ako nang masama ng lalaki.
Akmang lalapit siya pero humarang na si Taxon sa harap ko.
"What's the problem?" Mariin at maawtoridad na tanong ni Taxon.
Nanlaki ang mata ng lalaki at namutla.
"Atty. Taxon Ken Baider?" Nanginginig na tanong ng lalaki. Hinila niya ang girlfriend niya palayo. Nagpumiglas pa ito at nag-inarte pero wala ng nagawa.
"Sinaktan ka?"
"Hindi."
Binayaran namin sa tindera ang spongebob kaya masayang-masaya ako. Nagtatalon pa ako habang hawak sa kabilang kamay si spongebob at sa kabila ay hawak naman ang kamay ni Taxon.
"Are you ready, kids? Aye-aye, Captain! I can't hear you! Aye-aye, Captain!"
Kumakanta ako habang tinatahak namin ang daan papunta sa kwarto namin. Bumu-bungisngis si Taxon, wala akong pakialam.
"Ohh," pinanguso ko ang labi ko. Dumampi ang labi ni Taxon kaya nginitian ko siya.
"Who lives in a pineapple under the sea? SpongeBob SquarePants!"