Chapter VICTORY

Lumapit nang lumapit ang chainsaw sa mukha ko. Nagulat ako nang hindi niya ituloy ang gagawin at bumuntong hininga na lang. Tinulak niya ako kaya tumakbo ako nang tumakbo.

Nilingon ko pa siya nang makalayo ako.

Alam ko namang hindi mo talaga kaya Jave.

Tumindi ang pag-ikot ng paningin ko. Napangiti ako nang makitang kaunting gapang ay nasa tuktok na ako. Nilalabanan ko ang pagpikit ng mga mata ko. Gapang ako nang gapang hindi ko na ininda ang masakit sa katawan ko dahil iba't ibang matutulis na bagay ang sumusugat sa bawat balat ko.

Gapang pa, kaunti na lang.

Napahinto ako nang makitang may humintong sapatos sa harap ko. Inangat ko ang tingin. Tumulo nang tumulo ang luha ko nang makita ang mukha ni Taxon.

Niyakap niya agad ako at umiyak nang umiyak.

"Blabby," rinig na rinig ko ang matunog niyang pag-iyak.

Hanggang sa unti-unti na akong nilamon ng kadiliman.

Nang magmulat ako ng mata ay nabungaran ko ang sobrang liwanag na ilaw. Tumulo ang mga luha nang makitang nasa hospital na ako.

Nagtagumpay ako sa patunay.

Nakita ko si Taxon na nakayuko sa gilid ko. Natutulog siguro. Walang tao sa room na ito maliban sa aming dalawa. May bandage na ang mga sugat ko at maayos na ang pakiramdam ko.

"Blabby ko," tumulo nang tumulo ang luha ni Taxon nang yakapin niya ako.

Naging matunog ang iyakan namin sa kwartong iyon.

"May masakit pa ba saiyo? Huh? Ligtas ka! Halos mamatay ako sa pag-aalala, Blabby!" Mahigpit ang pagkakayakap namin sa isa't isa animo'y 'di na mapaghihiwalay pa.

Nakita kong pinindot ni Taxon ang relo niya. Bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok ang buong angkan ng mga Baider. Lahat sila nandito, kompleto at hindi tulad noon. Lahat sila ay nakangiti, malapad ang pagkakangiti sa akin.

Yumuko silang lahat, maging si Taxon.

"Vinea Clee Torrifiel o Abriol. WE ARE ACCEPTING YOU IN THE FAMILY. YOU ARE NOW BAIDER!" Sabay-sabay nilang sabi.

Napahagulgol ako nang todo sa sobrang saya.

"VINEA CLEE BAIDER! WE WILL LOVE AND PROTECT YOU AS A PART OF THIS FAMILY!" Malakas na sabi nilang lahat.

Matapos noon ay isa-isa silang lumapit at niyakap ako. Nakangiti ako habang lumuha.

Ito na 'yon. Tinatanggap na nila ako.

"Vinea!" Lumuluhang niyakap ako ni Elle. "I told you, right? Fighting!" Humigpit ang yakap niya sa akin.

"I'm happy for your love Taxon Ken," nakangiting sabi ni Diamond.

"Galing ni Kuya may lovelife na!" Bumalik na ang pagiging masayahin ni Kil.

Nakangiti silang lahat, nagtatawanan at talagang masaya. Nakakatakot man ang patunay ay talagang binigyan ako noon ng aral. Masasabi kong ang patunay ay hindi tungkol sa pagpatay.

Tungkol ito sa pagprotekta sa pamilyang kinabibilangan nila.

Tungkol ito sa pagmamahal na wagas na kung saan ang mga totoo at purong nagmamahal lang ang sasabak upang itaya ang sariling buhay.

Tungkol ito sa pagbibigay saiyo ng aral na mahalin mong mabuti ang pamilya mo kahit pa saktan ka nila gawin mo ang lahat upang suklian iyon ng pagmamahal.

Dahil ang patunay ay ang pagpaPATUNAY kung gaano mo siya kamahal, kung gaano mo katanggap ang lahat sa kaniya at kung paano mo maipapakitang mahal mo rin ang mga taong mahalaga sa kaniya.

Iyon ang mga aral na natutunan ko. Walang tanong, walang reklamo, kinakabahan man, natatakot man, wala mang kasiguraduhan handa kang sumugal.

"I love you!" Masayang sabi ni Taxon.

Nagyakap kami nang sobrang higpit. Magaan na ang pakiramdam ko. Hindi pa man humihilom ang mga sugat ko ay wala na iyon. Ang mahalaga ikakasal na ako sa lalaking mahal ko.

Makakasama ko na siya habang buhay.

Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin.

"Sobrang ganda mo!" Tuwang-tuwa na sabi ni Cecelia.

Naka-make up na ako. Maganda ang pagkakaayos ng buhok. May hikaw, kwentas, bracelet at nakasuot ng magandang damit na pangkasal.

Oo, ito ang araw ng kasal namin ni Mr. Horrible.

Ang laki ng pagkakangiti ko. Tumatalon ang puso ko sa saya.

"Sobrang excited ko!" Parang sinisilihan ang pwet ni Cecelia kakakislot dahil sa sobrang tuwa. Pinangiliran pa siya ng luha.

"Finally! You will marry the person you really love! So inggit!" Mahigpit na yumakap siya sa akin.

"Pwede naman kasing magpakasal na tayo choosy ka pa kasi!" Napalingon kami sa pintuan. Nakita namin ang ngisi ni Jerick.

"Ang pangit mo ayaw ko saiyo!" Singhal ni Cecelia kay Jerick.

Napailing ako sa angilan nilang dalawa.

"My wedding wish ay magpakasal na rin kayong dalawa," nakangiti kong sabi sa kanila.

Napalingon sila parehas sa akin. Nanlaki ang mata ni Cecelia at si Jerick naman ay lumapad ang ngiti.

"Hear that? Marry me daw!" Tumatawang sabi ni Jerick.

Sinuntok siya nang sinuntok ni Cecelia. Silang dalawa ay MU, may malabong ugnayan kahit ang totoo naman gusto rin ang isa't isa. Hinihintay ko na lang na isang araw magpakasal din sila.

Narating namin ang beach.

Beach wedding.

Hindi na nawala pa ang ngiti ko dahil sa ganda ng lugar. Puno ng magagandang bulaklak. Kulay pink ang buong venue.

Nang magbukas ang puting kurtina ay nangilid ang luha ko nang makita si Taxon na nakatayo na sa dulo. May pulang carpet sa dadaanan ko. Kitang-kita ko ang pagtulo ng mga luha niya habang nakangiti at nakatingin sa akin.

Nasulyapan ko ang lahat ng nandito. Malapad ang pagkakangiti ng mga Baider. Tumatalon sa tuwa naman ang mga kaibigan ko. Nandito rin sila Rev, Ali, Kean, Yannie, lahat ng mga kaibigan ko at kaibigan ni Taxon, maging sina Jer, Ron at mga malalapit kong kakilala. Kompleto sila, kinikilig at masayang-masaya rin.

Bumagal ang mundo habang naglalakad ako sa pulang carpet. Si Taxon lang ang nakikita ko.

My Kenny, my Mr. Horrible, my Taxon Ken Baider.

Dahan-dahan akong naglakad. Perpekto ang moment.

Feel na feel ko ang nangyayari, tumutulo ang luha at malapad ang pagkakangiti nang bigla akong nadapa.

"Ay, petchay ka!" Tumayo agad ako at patay malisya na kunwari ay inayos ang heels. Akmang may mga tutulong pero tinaas ko ang kamay ko para pigilan sila.

"Hep! Hep! Okay lang ako mga ka-petchay!" Nagtawanan ang lahat ng tao dahil sa sinabi ko. Maging si Taxon ay tumatawa.

Lagi silang natatawa sa 'petchay.'

Naglakad na muli ako at hinawakan na lang ang gown ko. Ang haba kasi!

Nagulat sila nang tumakbo ako.

"Why are you running?" Tanong ni Taxon nang makalapit ako.

Pumulupot ako agad sa leeg niya.

"Kasi gusto ko nang marating ka," banat ko.

Pinamulahan ng pisngi si Taxon kaya kiniliti ko siya. Nagtawanan silang lahat.

"Ang pogi ng asawa ko," bulong ko sa kaniya. Kinagat niya ang labi dahil sa pagpipigil ng ngiti. "Kunwari ka pa ilabas mo na ang kilig mo!" Prangka kong sabi kaya nagtawanan nanaman sila.

"Shh! You're blabby, but beautiful, damn beautiful," Sinserong sabi niya.

Inalalayan na ako ni Taxon upang harapin namin ang pari.

Hindi pa tapos sa sinasabi ang pari ay "I do" na agad ang sagot namin ni Taxon.

Kiss the bride na. Imbes na si Taxon ang magtanggal ng belo ay mabilis kong tinanggal iyon. Tumalon pa ako para abutin ang labi niya.

Naglapat ang labi naming dalawa. Sobrang tamis! Umangkla pa ako sa baiwang niya at mariin siyang hinalikan.

"Hoy, tama na!" Sigaw ni Rev. "Grabe naman SPG na! Mamaya niyo na ituloy 'yan," tinakpan niya ang mata ng anak na si Revnel Aliro Sin. Ganoon din si Jave kay Shivelle Flear.

Hindi kasi namin binitawan ang labi ng isa't isa. Diniin pa namin ang sarili.

"Woah! Kuya!" Sigaw ni Kil.

"Inggit," rinig kong pang-aasar ni Jave kay Kil.

"Ayiee, Arah, inggit si Kil kiss mo na," biro ni Elle na sinundot-sundot pa ang baiwang ng kapatid ko.

Pulang-pula na ang pisngi ni Arah.

"Kasal na ako mga ka-petchay! Salamat! Magpaparami na kami ni Taxon Ken!" Malakas na sigaw ko na tinawanan nilang lahat.

Natapos ang kasal namin. Nangangalay na ang panga ko sa kakangiti pero hindi talaga iyon matanggal.

Nag-inuman ang mga bisita. Nauubusan na ako ng laway dahil kaliwa't kanan ang pagbati sa dami ng tao.

Hindi umalis si Taxon sa tabi ko. Hindi na nga niya mabitawan ang baiwang ko. Maya't maya ang halik niya sa noo, pisngi at sa labi ko.

"Blabby ko," malambing niyang sabi.

Kitang-kita ang masaya niyang mukha.

"My wife! Ang ganda-ganda mo." Pumulupot ako sa leeg niya.

"My husband! Ang pogi-pogi mo!"

Naglalambingan kaming dalawa na animo'y hindi na matatapos ang gabing ito. Pumunta kami sa lamesa nila Jave na ngayon ay nagkakatuwaan.

"Madidiligan na rin si Taxon," gumuhit ang ngisi sa labi ni Rev.

Sinamaan siya ng tingin ni Taxon.

"Bastos mo talaga!" Asik ni Taxon sa kaniya.

"Totoo naman."

Nagtawanan silang lahat.

"Kala ko dati bakla 'yan, ayaw mag-asawa," pagbibiro naman ni Jave.

"Shut up!" Inis na sabi ni Taxon.

Natatawa kong pinanood ang mga reaksyon ni Taxon. Ganyan talaga siya kapag kaharap sila. Masungit!

"Eh, 'yong isa kaya riyan? Baka siya ang bakla dine-deadma si Arah," si Carme naman ngayon ang bumanat habang nakangisi kay Kil.

Tiningnan ko si Arah namumula siya kaya lumapit ako at yumakap sa kaniya.

"Ate, mag-asawa ka na rin." Nilambing ko siya at inihilig ang ulo sa balikat niya.

"Eh, ayaw ni Kil 'di nga niya ako gusto."

"Aaww!" Kantyawan nila.

"Beke nga. Pupusta ako," sabi ni Kean na nakipag-apir pa kay Rev.

"Ang guwapo ko namang beke," pang-aasar pabalik ni Kil.

"Vinea," malambing na tawag sa akin ni Kuya Zen.

Yumakap siya sa akin.

"Kinasal ka na natutuwa ako saiyo."

"Sobrang saya ko, Kuya!" Naluha pa ako sa sinabi ko.

Yumakap din sa akin si Nanay, Asha, at Aaron.

"Nay, mag-asawa na rin kaya ako?" Sabi ni Aaron na binatukan naman ni Kuya Zen.

"Hindi ka pa nga graduate puro ka pa kalokohan," asik ni Kuya Zen.

"At saka kung may magkagusto saiyo feeling ko walang magkakamali," pang-aasar naman ni Asha.

Masaya ko silang pinagmasdan. Nahanap ko na ang pamilya ko, kinasal na ako at ilang buwan lang magkakaanak na. Anak agad? Natawa ako sa sariling naisip. Excited kasi akong makita ang mukha ng magiging anak namin ni Taxon.

Happy ending.

Sobrang saya ko!

"Vinea! Ayaw akong pakasalan!" nakangusong sabi ni Jerick nang lumapit sa akin. Napahagalpak ako ng tawa.

"Eh sa ayaw ko saiyo! Dugyot ka. Hindi ka man lang nahihiya sa akin kapag umuutot ka tinatawanan mo pa!" Sabi ni Cecelia habang masamang nakatingin sa kaniya.

Napatawa ako nang malakas.

Wala na bang balak na magkasundo silang dalawa?

"That's natural phenomena!" Humagalpak ng tawa si Jerick.

"Natural phenomena pala ang baho kaya!" Pinagsusuntok niya si Jerick. "Kanina lang umutot! Hindi na nahiya sa mga tao! Nasabi ko tuloy na hindi ko siya kakilala! Doon pa sa pinalilibutan ng mga bisita! Kadiri amp. Ang pangit mo na nga bastos ka pa!"

Napahagalpak ako ng tawa.

Petchay! Sumasakit ang tiyan ko sa kakatawa sa kanilang dalawa.

Lumapit si Ron at Jer. Yumakap sila sa akin at binati rin ako.

Napuno ng tawanan ang buong venue. Hinila ako ni Taxon at inupo sa hita niya habang nakikipag-kwentuhan kala Lance.

Hindi na nga yata matatapos ang kasiyahan.

Tinawag ako ni Tita Laureyna at Tito Jerex.

"Tita!" bati ko.

"Mommy," nakangiting sabi niya.

"Mommy, Daddy."

Inilagay niya sa kamay ko ang isang box na itim.

"Open it," nakangiting sabi ni daddy Jerex.

Pagbukas ko ay nanlaki ang mga mata ko.

Relo ang laman, 'yong relo ng pamilya. 'Yong exclusive lang para sa kanila.

"Love our son. He loves you so much."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.