"Lalala spongebob lalala," karga ko si Vinxon Cleen. Sinasayaw-sayaw ko siya sa ere kaya grabe ang hagalpak.
"Sino ang batang kakain ng petchay?" Nakangiti kong tanong sa kaniya.
"Vesyon!" Utal niyang sabi at itinaas pa ang kamay.
Lumapit si Taxon at niyakap kaming dalawa.
"Sino ang daddy na kakain ng petchay?" Nakangisi kong tanong.
"Taksyon!" Itinuro ni Vinxon Cleen ang daddy niya. Nanlaki ang mata ni Taxon at napamaang ang labi malamang ay ayaw niya pa rin hanggang ngayon ng gulay. Natatawa ako dahil 'Taksyon' lang ang sabi niya.
"Fine, wala akong magagawa riyan," humalik si Taxon sa noo ko at humalik din sa pisngi ni Vinxon.
Kinuha niya ito at kinarga. Pinakiramdaman ko ang hangin na nagmumula sa mga puno. Nasa veranda kami dahil umagang-umaga maganda ang sikat ng araw. Iniupo niya si Vinxon sa hita niya. Tumabi naman ako.
"Impakto!" Napalingon kami kay Elle na ngayon ay hinahabol si Jave. Hawak ni Jave sa kamay ang anak at tumatakbo.
"Over Melanin Zeal! Ayaw ko na--aray aray!" Pinaghahampas siya ng asawa.
Hindi ko alam kung ano nanamang kalokohan ang ginawa ni Jave.
"What did he do?" Tumatawang sabi ni Taxon.
"Kinain niya ang chocolate cake! Sabi niya pa si Shivelle ang kumain. Kitang-kita sa bibig niya!"
Humagalpak ako ng tawa.
Petchay ka, Jave!
Mapang-asar na nginisian siya ni Jave. "So you are going to exchange me from chocolate cake, huh?"
Natawa nanaman ako dahil para namang sinadya talaga ni Jave na lagyan ng chocolate ang palibot ng labi niya para lang mang-asar.
"Yes! Akin na nga si Shivelle! Mamaya turuan mo pa ng kalokohan." Inis na kinuha ni Elle ang anak.
Hindi sumama sa kaniya ang anak. Kapit na kapit kay Jave kaya naman tumawa si Jave.
"See? She loves me," mapang-asar nanaman siyang tumawa.
Naramdaman ko ang paghawak ni Taxon sa baiwang ko. Humalik naman ako sa pisngi niya at humalik din kay Vinxon Cleen.
Lumapit si Shive at hinawakan ang kamay ni Vinxon Cleen.
"Let's play?" Nakangiti nitong sabi.
"Yehey!" Tumayo si Vinxon at humawak sa kamay ng pinsan.
Nakangiti ko silang pinanood habang naglalaro.
"Let's make second baby," pang-aasar nanaman ni Jave. Pinaghahampas siya ni Elle.
"Nahawa ka na kay Rev! Lakas makahawa ng siraulong 'yon."
Nakakatawa silang pagmasdan dahil araw-araw silang nag-aasaran parang hindi napapagod sa kakulitan.
JavElle forever.
"Are you hungry?" Malambing na tanong ni Taxon.
"Hindi pa." Yumakap ako sa batok niya.
"Come on baby.. ye yo ye yo oh!" Sasayaw-sayaw pa si Rev habang palapit sa amin.
Napatingin kami sa mga nagdatingan. Petchay nandito nanaman ang makukulit.
Sila Rev, Kean, Ali, Arah, Kil, Diamond, Yannie kasama ang anak nila. Kompleto ang tropa nila.
Hawak na ngayon ni Jave ang gitara at nakangiting nakatingin kay Elle. Kitang-kita ko ang pagmamahal niya rito. Siguro talagang the best ang loveteam nilang dalawa.
Paglingon ko sa kaliwa ay labi ni Taxon ang nalingunan ko. Napangiti siya nang malapad.
Bakit ang lapit nitong Mr. Horrible na ito?
"Who wants to sing?" Tanong ni Jave sa aming lahat matapos ay nag-strum siya.
Nasa isang bilog na lamesa kami nakapalibot, nagtatawanan, at nagkukulitan. Ang mga bata ay naglalaro binabantayan ni Yannie.
"Me," napalingon kaming lahat kay Taxon.
"Woah! Isang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Ang h--aray!" Pangungulit ni Rev at itinaas pa ang mga kamay na nakatingala sa langit kaya nabatukan siya ni Kean.
"Mamaya magbago ang isip," sabi ni Kean. Nang-aasar din pala akala ko sinasaway si Rev sa pang-iinis.
Wala namang sinabi si Taxon nakangiti pa rin siya.
"Anong kanta?" Tanong ni Jave.
"You And Me by Lifehouse," sabi ni Taxon at sinulyapan pa ako.
"Sweet ni Taxon!" Kinikilig na sabi ni Carme na ngayon ay nakayakap sa baiwang ni Lance. May anak na rin sila, babae.
Nagsimulang mag-strum si Jave.
You And Me by: Lifehouse
"What day is it? And in what month? This clock never seemed so alive. I can't keep up and I can't back down I've been losing so much time," gusto kong tumili dahil sa lalaking-lalaking boses ni Taxon.
"Petchay! Ang pogi!" Kinikilig kong sabi.
"'Cause it's you and me and all of the people with nothing to do
Nothing to lose. And it's you and me and all of the people And I don't know why, I can't keep my eyes off of you," nilapit niya ang noo sa akin. Kagatin ko labi nito, eh, pinapakita nanaman sa akin.
"Can we dance, Arahmel?" Nagulat ako at napatingin sa kamay ni Kil na nakalahad kay Arah.
Tiningnan siya ni Arah nang nakanganga, hindi makapaniwala sa yaya ni Kil pero ikinagulat ko ang pag-iling niya. Tumayo siya at mabilis na kinuha ang bag.
"Vinea, aalis na ako. Pupunta na lang ako rito kapag hindi ako busy," sabi niya sa akin. Tumango lang ako.
Tumakbo si Arah paalis. Sinundan namin siya ng tingin.
"Go and follow her! It's your fault!" Asik ni Taxon kay Kil.
Walang anu-ano'y tumakbo si Kil para sundan si Arah.
Anong nangyari sa kanila?
"Baka may menstruation," seryosong sabi ni Rev.
"Sira!" Tumawa si Jave. "LQ."
Nag-alala ako sa kapatid ko. Sana kung anuman ang problema maging okay na sila.
"Kanta na ulit, Taxon. Magiging okay rin sila. No worries," nakangiting sabi ni Elle.
Tumuloy na lang ulit sa pagkanta si Taxon.
"'Cause it's you and me and all of the people with nothing to do. Nothing to prove And it's you and me and all of the people And I don't know why, I can't keep my eyes off of you."
Bumalik ang kasiyahan namin kahit nag-aalala ako sa dalawa ay iniisip ko na lang na magiging maayos din sila.
"There's something about you now I can't quite figure out," napangiti ako nang halikan ni Taxon ang pisngi ko.
"Everything she does is beautiful Everything she does is right."
Sa ganda ng boses niya umurong ang vocal chord ko dahil wala akong talent, kanta man o sayaw. Ang nag-iisang talent ko ay ang mag-ingay.
"'Cause it's you and me and all of the people with nothing to do. Nothing to lose And it's you and me and all of the people And I don't know why, I can't keep my eyes off of you," isang mainit na dampi sa labi ang iginawad sa akin ni Taxon.
"Tayo rin," sabi ni Jave kay Elle, kamao ang pinakita niya rito.
Ang saya lang ng araw na ito. Lumapit si Vinxon Cleen kay Taxon at nagpakarga.
"Daddy, I'm sleepy."
Lumapit ako at hinalik-halikan ang mukha ni Vinxon Cleen.
Humawak ako sa braso ni Taxon. Nagpaalam kami sa kanila na matutulog si Vinxon Cleen kaya dinala namin sa kwarto.
Inihiga ni Taxon si Vinxon Cleen sa kwarto namin at humalik ito sa noo niya.
"Sleepwell my boy," sabi niya rito. Tumango nalang si Vinxon Cleen at pumikit na.
Yumakap ako sa baiwang ni Taxon.
"At ikaw? Mangungulit ka nanaman?"
"Pwede rin," nakangisi kong sabi.
Tiningnan ko muna si Vinxon Cleen, mahimbing na ang tulog niya.
"Spongebob sq--" Pinatahimik niya ang bibig ko sa pagkanta nang dampian niya ng halik. Nakagat ko tuloy ang labi ko.
"Kapag 'yan nagising," sabi ko sa kaniya.
"Edi magising, imumulat ang mata."
Wala na talagang sasaya sa pagiging asawa ni Taxon Ken Baider. Kahit na hindi siya naiintindihan ng ibang tao na normal ang masamang tingin niya. Naiintindihan ko na iyon ngayon. Ang mahalaga palagi na siyang masaya, bihira na siyang sumimangot o tumingin nang masama.
Sa mga sumunod na araw pumunta kami ni Taxon sa The Heart of Rose. Namigay kami ng mga damit, pinakain namin sila at nagkaroon ng celebration.
"We should not judge other people with their feature. Kung masama sila tumingin hindi ibig sabihin masama na sila, kung maangas sila tumayo hindi ibig sabihin barumbado na sila. We better know their personality first because some of them are hiding from their horrible character, but with a good heart inside," ngumiti ako sa mga bata. Hiningian kasi ako ng inspirational message ni Ate Malou para raw gayahin ako ng mga bata.
"Lagi nating tandaan na ang lahat ng ginagawa natin ngayon ay may epekto sa ating hinaharap. Mangarap tayo nang mataas, mangarap tayo pero 'wag kalimutang sabayan ng aksyon. Ang iyong kasipagan ang iyong alas."
"Ate Vinea, paano po ba ang magmahal?" Natawa ako sa tanong ng isang batang babae. Bata pa siya pero nacu-curious na siya sa pagmamahal.
"Magmahal? Hindi ko rin alam kung paano basta ang alam ko kusa mo iyong mararamdaman. Maraming klase ng pagmamahal, pagmamahal sa pamilya, kaibigan, kakilala o pagmamahal sa espesyal na tao. E-emphasize natin ang pagmamahal sa espesyal na tao, 'wag kang magpabulag doon dahil ang ibang tao sa sobrang pagmamahal hindi na nakakapag-isip kung ano ang tama at mali.. sa pagmamahal ang mahalaga ay kung saan siya masaya.. hindi na mahalaga kung hawak mo ba siya o hawak na ng iba," hindi ko alam kung saan nanggaling iyon pero gusto ko lang sabihin. Hindi lang ang mga bata ang nandito maging ang ibang magulang, volunteers, mga binata't dalaga na sumusuporta sa foundation.
Pumasok sa isip ko si Brekley. Nabulag siya ng pagmamahal niya kaya nagawa niya akong saktan. Noong makausap ko siya sa kulungan humingi siya ng tawad sa akin. Nangako siyang paghihirapan niya sa kulungan ang ginawa niya sa akin. Wala na siyang mga kamay pero nakangiti pa rin niyang tiningnan si Taxon. Iniisip niya na baka iyon na ang karma niya sa mga nagawa niya sa akin.
Pinatawad ko na siya.
"Kung may pagkakamali ang ibang tao sa atin.. ibigay natin ang kapatawaran hindi naman natin ikamamatay iyon bagkos ikaluluwag pa iyon ng ating puso," ngumiti ako sa lahat ng taong nandito.
"Nga pala lagi tayong lumingon sa kung saan tayo galing kung wala ang pinaggalingan nating iyon hindi natin alam kung sino tayo ngayon.. laging 'wag panghinaan ng loob. Mag-aral, magsumikap upang sa kinabukasan ay maabot mo ang iyong pangarap.. iniwan man tayo ng mga magulang natin dito maging positibo pa rin tayo.. 'wag magalit o magtanim ng sama ng loob.. maniwala ka na para sa ikabubuti natin ang ginawa nila," nilingon ko si nanay, Arah, Kuya Zen, Aaron at Asha.
"Laging mahalin ang pamilya kadugo man natin sila o hindi.. hindi na iyon mahalaga. Ang importante mayroon tayong pamilya na nagmamahal sa atin. Mayroon tayong pamilya na handa tayong samahan sa anumang bagay. Mayroon tayong pamilya na handang gumabay 'wag na nating isipin kung may nanay, tatay, ate o kuya dahil sa foundation na ito lahat tayo ay magkakapamilya."
"Woah! The best," sigaw ni Jave na nasa isang tabi. Nandito rin kasi sila. Syempre sya ang nag-aasikaso ng foundation katulong niya na rin ako rito.
Humawak si Taxon sa baiwang ko matapos ng speech ko.
"You always surprise me with what you are and who you are," bulong niya sa tainga ko. "I know you well, though, but you have shocking personality that can influence people to be like you."
"Not to be like me.. to be themeselves with a strong desire to success," nginitian ko siya.
Nagkibit balikat si Taxon. "I love you, then."
"I love you more, Mr. Horrible."
Niyakap niya ako nang mahigpit.
"I love you, Best friend," bulong niya.
"I love you too, Best friend."
Nagtawanan kaming dalawa.
Ang kwento namin ni Taxon Ken Baider ay hindi ordinaryo.
Maraming nangyari, maraming gulo, maraming hirap pero ang mahalaga kami pa rin ang magkasama.
May nabaliw sa pagmamahal, nanakit at naging masama pero sa huli ay natutunan niyang tanggapin ang pagkakamali niya.
May nagpaka-martyr bilang best friend, harap-harapang nasaktan pero hindi nagreklamo, hindi nagsalita, hindi nagalit dahil para sa kaniya wala nang mahalaga kung hindi ang pagmamahal na walang hinihinging kapalit.
I learned that if things are for you, it will destined to be yours. No matter how many hardships you encountered, it will give you a lessons that makes you strong.
Be proud, don't be a shame of your life's imperfections, learn to accept and deal with your worse emotions.
LOVE STARTS WITH AGHAST
Ang babaeng mahilig sa petchay at kay Mr. Horrible ay ayaw mawalay.
Spongebob squarepants.
Vinea Clee Baider.
--------------------------------
ADIENNA'S NOTE:
Maraming salamat sa pagbabasa. Para maging updated sa mga libro ng author. like this page: AdiennaMichelle.
Muli, Maraming salamat!
BAIDER'S INVENTIONS
1. Baider
2. Horrible You
3. Z4: The Lost Baider
4. The Triple Striker
5. Pursuing The Player
6. Loving The Fearless
7. Taming The Lion