Vinea Clee's POV
Dumadagundong ang dibdib ko habang hawak ang kamay ni Vinxon Cleen. Ngayon ang unang araw ng kaniyang ensayo. Alam kong malakas siya, matalino at magaling na bata, pero bilang ina, hindi ko matanggal ang pag-aalala. Mahirap ang ensayo ng mga Baider at ang bawat isa sa kanila ay kailangang dumaan doon para sa kinabukasan ng kanilang pamilya. Para sa matinding pagprotekta sa bawat miyembro.
Lumuhod ako at pinakatitigang mabuti ang cute na cute na mukha ng aking limang taong gulang na anak.
"Pangako mo sa akin hindi ka magiging pasaway? Lahat ng sasabihin ni Tito Kil ay gagawin mo? Promise?" Itinaas ko pa ang kamay, ginaya niya iyon.
"Promise." Ang kaniyang maliliit na kamay ay humawak sa aking pisngi. "Don't worry, Mom. I will be fine. Dad would be proud of me if I knock out Shivelle Flear, right?"
Pilit ang mga ngiting sumungaw sa aking labi. "Oo naman."
Ipinulupot ko ang aking mga braso sa kaniyang maliit na katawan. "Good luck."
"Thank you, Mom." Ipinakita niya sa akin ang kaniyang maliliit na ngipin ng pumorma ang ngiti sa labi niya.
Matapos niyon ay tumakbo na siya papunta sa pinsan niyang si Shiven Tlair, ang anak na lalaki ni Jave at Elle. Pinanood ko ang nakangiting si Vinxon. Niyaya niya ang walang ganang si Shiven Tlair upang kumuha ng arnis.
"I hate the training. I am sleepy." Pupungay-pungay ang matang dinampot ni Shiven Tlair ang arnis.
Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang hampasin si Vinxon. Hahakbang na sana ako para awatin sila, pero nakita ko ang ngisi sa labi ni Vinxon, hindi siya pumayag na hampasin lang ng pinsan. Lumaban siya katulad ng palaging sinasabi ni Taxon sa kaniya 'Bawal ang talunan sa pamilya.'
Sa murang edad ni Vinxon, alam na niya kung paano gamitin ang arnis kaya naging madali sa kaniya ang gumanti kay Shiven Tlair. Patalon niyang hinampas ang pinsan na tinamaan naman sa balikat. Umalingaw-ngaw ang malakas na sigawan ng mga Baider, tuwang-tuwa silang may dalawamg batang malakas. Ayaw magpatalo sa bawat isa. Kapag natamaan ang isa ay gaganti ang isa.
Ang kaibahan lang ni Vinxon kay Taxon ay palaging nakangiti si Vinxon, marahil ay madalas kong sinasabi sa kaniya na ngumiti.
"That's what I like! Hit him harder!" Si Kil ay pumapalakpak pa habang sinisipat ang kanilang mga galaw.
Sa kalagitnaan ng ensayo ay may naramdaman akong tumabi sa akin. Nang lingunin ko ay si Taxon iyon, may hawak na can of coca cola. "Blabby, you don't need to worry about him. He is strong because—"
"He is Baider?" Putol ko sa sinasabi niya. Ngumiti naman siya sa akin, iyong tipong kitang kita ang mapuputing ngipin at guwapo niyang mukha. Pero hindi niyon matatanggal ang kaba sa dibdib ko.
"Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay makakaligtas siya sa mga posibleng mangyari. Lalo na at malapit ang pamilya ninyo sa gulo."
"Pamilya natin, Blabby." Pagtatama niya sa akin. "From the moment you married me, you are part of this family."
"Yes. Pamilya natin." Nagbaba ako ng tingin. "Kailangan ba talaga ni Vinxon Cleen lumaban ng ganyan? Baka maging dahilan 'yan ng—"
"Blabby, you are worrying again." Lumapit siya sa akin at inaakbay ang braso sa balikat ko matapos ay hinalikan ang pisngi ko. "Remember the story of Tito Laurenz? He died because he could not protect his family. Only think of the positives, if Vinxon Cleen is stronger than the enemy, we should not worry about his future."
Kumuha ako ng maraming hangin at ibinuga iyon. "I understand."
Humalik si Taxon sa noo ko, bumaba ang kamay niya sa kamay ko at pinagsalikot 'yon. Sa totoo lang talaga gusto pa namin ng isa pang anak, pero ayaw na namin danasin niya ang nangyayari ngayon kay Vinxon Cleen. Buong araw na masakit ang katawan niya lalo na ang kamay. Sa batang edad niya ay kailangan niyang gumising nang maaga para magpalakas.
Ang gusto ko lang na makita ay ang ngiti ni Vinxon Cleen dahil napapansin kong kahit pa gaano kapagod ang araw niya, masaya siya. Masaya siyang nag-aaral na gumamit ng iba't ibang sandata. Masaya siyang ang laro niya ay paggamit ng pana. Masaya siyang ang larong takbuhan at taguan ay ensayong nagsasanay sa kaniya na maging mabilis. Masaya siyang ang suntukan at sipaan ang mga aral na kailangan niyang matutunan.
Isa nga siyang Baider... Nananalaytay sa dugo niya ang dugo ni Taxon, ang pagiging malakas, matalino, matapamg at mapagmahal. Mga katangian ng isang Baider.
Ngising nagpaplano ang gumuhit sa labi ni Vinxon Cleen nang tumayo sa harap niya si Shivelle Flear. Kung si Vinxon ay palaging nakangiti, kabaliktaran niyon ang pinsan niyang si Shivelle Flear at Shiven Tlair, kahit saang anggulo mo tingnan, blangko ang emosyon nila. Mahirap silang pangitiin o patawanin. Iyon ay hindi ugali ni Elle at Jave, marahil ay nakuha nila 'yon kay Taxon Ken.
"Haya!"
Nanlaki ang mata ko nang bigla na lang tumakbo si Vinxon Cleen, ginamit niya ang paa upang patirin ang kaniyang pinsan. Natumba ito, pero agad ding tumayo. Naglabanan sila ng lakas sa pamamagitan lamang ng paggamit ng kamay, suntukan. Ang kaninang hawak nilang arnis ay nakalapag na sa tabi.
Malakas si Shivelle Flear, isang tingin pa lang ay makikita mo na dahil kahit anong sipa ang gawin ng batang si Vinxon ay hindi niya na itong muling mapatumba.
Lumakas ang tibok ng puso ko at nanginig ang katawan ko nang isang malakas na sipa ang binigay ni Shivelle kay Vixon na naging dahilan nang pagtalsik nito sa may puno.
"Vinxon Cleen!" Napatakbo agad ako. Hinawakan ko ang kamay niya at inalalayan patayo.
"Vinea Clee!" Malakas na suntok ang tumama sa dibdib ko nang makalapit si Lauressa.
"Lauressa! You f-cking sh-t!" Nakahaya na ang kamay ni Taxon sa kaniyang Lola Lauressa nang hawakan ni Kil ang kamao niya. Galit na galit na nakatingin siya sa kaniya, gigil ang mga ngipin at tiim ang bagang. "Why did you hurt, Vinea Clee!"
"Because she deserved it!" Ang matandang si Lauressa ay tiningnan din siya nang masama. Lumapit siya kay Taxon, iyong tipong sobrang lapit sa mukha niya.
"Discipline your wife if you don't want Vinxon Cleen to grow up like a weak person."
"He will never be weak!" Lumapit din si Taxon sa kaniya. Gigil. "Because I am his father and Vinea is her mother."
Mas tumalim ang mga mata ni Taxon. "Did you remember how Vinea gamble his life to be my wife?"