Chapter SPECIAL CHAPTER 5

VINEA CLEE'S POV

Sampung taon ang mabilis na lumipas. Siguro nga ganoon lang talaga ang panahon, mamaya dalaga ka pa lang bukas may asawa na, sa susunod na araw may anak na at marami pang pagbabago na hindi mo inaasahang mangyayari sa buhay mo.

Ilang taon pa man ang lumipas, ang puso ko ay sa iisang lalaki lang tumitibok. Araw araw ay masasabi kong masaya ako, gigising sa umaga na may ngiti sa labi at masiglang inaasikaso ang mag-aama ko.

Lalaki ang pangalawang anak namin ni Taxon kahit na anong pilit na hilingin namin na sana ay babae naman, para na rin hindi mahirapan sa Patunay ang mamahalin niya kaso ganoon talaga, lalaki pa rin ang ibinigay.

"Cookies for my boys!" Itinaas ko ang kamay na may isang platong cookies. Sabi kasi ni Clexon Vin ay subukan ko raw gumawa ng cookies, ako naman itong uto-utong ina, sinunod ang anak.

Nasa study room sila ngayon kasi tinuturuan sila ni Taxon Ken ng Math. Sa sobrang talino nitong asawa ko pati Math ay kabisado ang formula.

Si Vinxon Cleen ay labing limang taong gulang na samantalang ang bunsong si Clexon Vin ay sampung taong gulang na. Parehong big boy na, pero pasaway pa rin sa akin. Noong nakaraang araw ay nagsusuntukan sa kama. Akala ko ay kung ano na, iyon pala ay nagtre-training lang daw sila. Nandoon din si Shiven Tlair na prenteng nakaupo lang at pinapanood sila.

May oras na akala ko ay nag-aaway na, pero hindi, nagpapalakasan lang daw sila. Araw araw palagi pa rin akong kinakabahan na baka kung ano na ang nangyayari sa kanilang dalawa. Mga Baider ngang talaga. Mahirap unawain.

"Mom, can I go to my friend's house tonight?" Kumuha ng cookies si Clexon Vin at kinain iyon. Kuhang-kuha niya ang mukha ng ama, maging ang pagiging tahimik at misteryoso. "I promised I will go back as soon as possible."

"Sure, no pro—"

"No. Gabi na," matigas na sagot ni Taxon. Ma-autoridad ang kaniyang tinig.

"But, Dad, that is the night out of our friends. Ano, ako lang ang wala?" Kunot agad ang noo ng batang si Clexon Vin.

"Night out? You are just ten years old. You suppose to sleep early because you have training for tomorrow." May kung anong isinulat si Taxon Ken sa papel.

Tiningnan naman ako ni Vinxon Cleen na animo'y humihingi ng tulong. Kung meron mang nag-iispoil sa kanila ay ako 'yon. Hindi ko kasi naranasan ang mga bagay na 'yon noong bata pa ako dahil lumaki ako sa ampunan. Ayaw kong iparanas din sa kanila ang nakakulong na buhay.

"Taxon Ken—"

"No, Vinea Clee."

Kumunot ang noo ko. "Papayagan mo ba si Clexon o hindi ako matutulog sa tabi mo?" Sa aming dalawa, ako ang dapat masunod at hindi siya.

Tiningnan niya ako matapos ay bumuntong hininga. "Fine. Susunduin kita tomorrow morning. 6 AM."

Ang natural na masungit na emosyon ni Clexon ay napalitan ng ngiti. "Thanks, Mom," bulong niya.

"Me, too!" Ngayon naman ay si Vixon Cleen ang nagsalita. "Pupunta ako sa bahay ng crush ko, Dad."

"Crush?" Parehas kaming napatanong ni Taxon Ken. Ang batang ito ay hindi man lamang natatakot sa Patunay.

"Do you know the tradition of the family, right?" Bigla ay natanong ni Taxon.

"Yes. That is why I secretly teaching her how to fight." Binagsak ni Vinxon Cleen ang likod sa kama.

"Who is your crush?" Nagtatakang tanong ni Clexon Vin.

"Lane." Nakangiti niyang sambit.

"Lane Glace?" Kaming tatlo naman ngayon ang naguguluhang nagtanong sa kaniya. Si Lane Glace ay ang anak ni Carme at Lance, mga kaibigan ni Elle.

"Well, good luck!" Tatawa-tawang tumalikod si Clexon. "Sabi niya kasi ako ang crush niya."

"What!" Napatayo bigla si Vinxon Cleen. Binato niya ng unan si Clexon at 'ayon na ang simula ng kaguluhan na nagpasakit sa ulo namin ni Taxon. Nagulo na ang buong kuwarto sa suntukan at sipaan nila na kapag inawat mo naman ay sasabihin sa iyo ay nagtre-training lang o hindi kaya ay naglalaro lang.

Gaano man kapasaway ang aking mga angelitos, walang papantay sa pagmamahal ko sa kanila. Sana lang ay hindi seryoso na parehas silang nagkakagusto sa iisang babae dahil siguradong uulan na may kasamang kidlat dahil parehas silang Baider na kung umasta ay akala mo sa kanila ang mundo. Na kung magsalita ay akala mo ay kung sinong makapangyarihan.

Lumipas pa ang mga taon na parehas nang kulubot ang mga balat namin dala ng katandaan. Minsan ay may sakit na iniinda, pero nananatiling suportado ang bawat isa. Iyong pakiramdam na parang kahapon lang ay kinasal kami, pero ngayon ay nakaupo na lang kami, magkahawak ang kamay at pinapanood ang pagtaas ng araw.

Nasa beach kami upang magpahangin at maglakad-lakad na rin, pero hindi na kinakaya ng mga buto namin kaya naupo na lang kami sa dalampasigan. Nakapatong ang kamay ni Taxon Ken sa balikat ko at ako naman ay nakahilig sa kaniyang dibdib.

Bumalik sa alaala ko noong unang magkita kami sa Laurente. Nakakatawa na takot na takot ako sa kaniya, iyong tipong nanginginig pa, hindi ko akalain na siya pala ang para sa akin.

Kung minsan kasi may mga tao tayong dinadaanan lang, hindi nakikita, pero sa totoo lang kung tinitingnan natin sila, makikita natin ang halaga nila. Iyong tipong mapapasabi ka na 'mahal ko pala siya' o hindi kaya 'siya na pala pinakawalan ko pa.' Iba iba tayo ng kwento, pero gusto ko lang sabihin na kung 'yong taong 'yon ang tinitibok ng puso mo, 'wag mo nang bitawan dahil masakit magsisi kumpara sa inilaban mo kahit pa gaano ka nagdududa sa totoong nararamdaman niya.

Ang gulo ng mundo, lahat komplikado. Sana lang piliin mo ang tamang tao, hindi 'yong pansamantala lang na nagpapasaya sa iyo.

Masasabi kong ito ang tunay na kahulugan ng puro at totoong pagmamahal. Iyong tipong may mga taon na nag-aaway kayo, pero nananatiling ang huling hantungan ay ang tabi ng bawat isa. Iyong tipong tumanda kayo ng magkasama dahil anuman ang hamon na ibinigay o ibibigay pa ay hindi nagbibitaw ang inyong mga kamay, nananatiling magkasamang sinusuong ang lahat.

Tandaan mo, maiksi lang ang buhay para piliin ang maling tao. Doon na tayo sa mahal ka at mahal mo. Iyong pangmatagalan, pang habang buhay hanggang sa hukay, o hanggang sa kabilang buhay.

Siya at siya lang.

The end...

-----‐--

ADIENNA'S NOTE:

Maraming-maraming salamat sa inyong suporta at pagmamahal! Dahil hindi ko na kayang mag-book 2 ng Horrible You, Special Chapters na lang! Sana nagustuhan ninyo.

Para maging updated kayo sa bagong kwento, pwede ninyong i-like ang aking page: AdiennaMichelle

Maraming Salamat!

BAIDER'S INVENTIONS

1. Baider

2. Horrible You

3. Z4: The Lost Baider

4. The Triple Striker

5. Pursuing The Player

6. Loving The Fearless

7. Taming The Lion

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.