VINEA CLEE'S POV
Maagang umalis si Taxon dahil may bago siyang case na hinahawakan ngayon. Rape case daw kaya grabe ang tutok niya para manalo sa kaso.
Nang magising ako ay pumunta ako agad sa banyo, naligo at nag-ayos ng sarili. Humarap ako sa salamin na towel lang ang nakabalot sa katawan. Nakangiti kong tinitigan ang mukha ko sa repleksyon ng salamin. Lumapit pa ako para makita ang buong detalye ng mukha ko. Sobrang matured ko na pala, hindi katulad noon na baby face.
Ay, petchay! Kala mo naman talaga dumaan sa pagiging baby face.
Tinanggal ko ang pagkakabuhol ng towel at hinayaan bumagsak iyon sa mga paa ko. Kinuha ko ang polo na pangtrabaho at skirt. Isusuot ko na sana ang polo nang dumapo ang mata ko sa umuumbok na tiyan ko. Nanlaki ang mata ko, nabitawan ang damit at matagal na tumitig sa tiyan ko.
"OMG! Petchay! No, no, no!" Nagmadali akong hagilapin ang phone ko. Nanginginig ang kamay na pinindot ang pangalan ni Taxon. Hindi niya sinasagot nakailang ring lang 'yon kaya pinatay ko na lang.
Nag-aalala akong tumingin sa salamin. Hindi pwedeng mabuntis ulit ako dahil pagdadaanan din ng batang ito ang hirap na dinaranas ni Vinxon, pero ano pa bang magagawa?
Namuo ang luha sa gilid ng mata ko hanggang sa dumausdos iyon sa pisngi ko. "Welcome to the family, Baby."
Marahan kong hinaplos ang tiyan ko. Ilang taon kaming nag-ingat na 'wag na ulit magkaroon ng isa pa, pero nitong mga nakaraang araw, masiyadong naging mainit ang gabi dahil laging sinasabi ni Taxon na magiging busy siya sa mga susunod na araw at baka sa office na matulog.
Lumapit ako sa cabinet at naghanap ng damit. Tinawagan ko rin si Cecelia at Jerick na sila na muna ang bahala sa office, hindi ako papasok.
Nagmadali akong lumabas ng mansyon. Sinama ko si Vinxon Cleen, tuwang tuwa naman siya.
"Baby, what if you have a baby sister or brother? Would you be happy?" Hawak ko ang manibela habang nakatingin sa unahan. Nasa tabi ko si Vinxon, nakalagay ang seatbelt sa kaniyang unahan.
"Yes, Mom! May makakalaro na ako bukod kala Shivelle Flear at Shiven Tlair!" Ang maliliit niyang kamay ay naglalaro ng dinosaur.
Gumuhit ang malapad na ngiti sa labi ko. "Eh, paano kung sabihin kong meron ka ng kapatid?"
"Yehey!" Itinaas niya ang kamay at masayang-masayang sumisipa ang paa sa ere. "Girl or boy?"
"Hindi ko pa alam, Baby."
Dahan-dahan lang ang patakbo ko hanggang sa makarating kami sa hospital. Hindi rin kami nagtagal, sinigurado ko lang ang kalagayan ko bago ko sabihin kay Taxon Ken. Baka mamaya kasi may sakit lang ako o ano, pero kinumpirma ng doctor na four weeks preggy na nga ang ate mo petchay! Masayang-masaya kami nang lumabas ng hospital.
Sumunod na tinahak ko ang papunta sa office ni Taxon Ken. Ang mga trabahador ay tuwang-tuwa kay Vinxon Cleen dahil nakangiti siya habang kumakaway sa kanila, katulad ng ginagawa ko. Balak naming surpresahin ang tatay niya kaya hindi namin pinaalam.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang marinig ko ang boses niya. "We should not lost the case! She is just fifteen years old! She is so innocent to lie!"
"But the court was saying she said a lie—"
"That is impossible! You are saying to me that she could gamble her normal life in exchange with this mess?"
"If that—"
"Dismissed."
Lumayo ako sa pintuan habang hawak hawak ang kamay ni Vinxon Cleen.
"Is Daddy mad?" Mahinang bulong ni Vinxon.
Umiling ako at ipinakita ang aking magandang ngiti. "Hindi. Busy lang siya. Paglaki mo at may work ka na rin, maiintindihan mo."
"I want to be an attorney like that, Mom. Can I be?"
Hinaplos ko ang buhok niya at ang maamong mukha. "Oo naman." Tiningnan ko ang pintong nakasarado. Naghintay muna ako ng ilang minuto bago kumatok dahil alam kong galit siya at masiyadong frustrated sa trabaho.
"Come in." Malamig ang boses niya.
Nang buksan ko ang pinto ay ni hindi man lang siya nagtaas ng tingin. Nakahawak lang ang kamay niya sa noo habang ang siko ay nakapatong sa lamesa. "What do you n—Vinea Clee?" Nag-iba ang expresyon ng kaniyang mukha. Napalitan iyon ng matamis na ngiti.
"Daddy!" Ihinaya ni Vinxon Cleen ang kaniyang kamay, nagpapakarga sa kaniyang ama. Binuhat naman siya agad ni Taxon.
"How's my baby?"
"We are fine. Mom wants to tell you something."
Hinapit ni Taxon Ken ang baiwang ko at humalik sa noo ko. "What's that, my beautiful blabby?"
"Mom, tell him!" Excited na banggit ni Vinxon Cleen.
Kimi akong ngumiti at nagkamot ng noo. Hindi ko talaga alam kung paano ko sisimulan. Ewan ko kung matutuwa siya o kakabahan katulad ko. Wala naman sanang problema kung normal ang pamilya namin kaso hindi gano'n. Hindi ko sinasabing abnormal ang pamilya namin, huh? Kakaiba lang talaga.
"Ano, 'yon, Blabby? Gusto niyo bang mag-off ako ngayong araw para samahan kayo sa lakad ninyo?" Nakangiti niyang ginulo ang buhok ni Vinxon Cleen. "Sure. I will just tell my se—"
"Hindi na. Dumaan lang talaga kami." Lumapit ako para yumakap sa baiwang niya, ipinatong ko ang mukha sa balikat niya. Si Vinxon Cleen ay karga pa rin niya.
"Ang sweet naman ni Petchay. Dinalaw pa ako." Malambing ang pagkakabanggit niya niyon. Humalik pa siya sa ulo ko.
Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam kung ito ba ang tamang panahon para sabihin ko sa kaniya o baka naman makadagdag lang sa problemang kinakaharap niya. Baka sa ibang araw na lang?
"Mom, aren't you going to tell dad?" Naghihintay lang si Vinxon Cleen sa sasabihin ko. Kulang na lang ay mauna pa niyang ipaalam sa kaniyang ama.
"Ang alin? Do you have a secret, huh?"
Humugot ako nang malalim na hininga bago magsalita. "What if Vinxon Cleen have sibling?"
Ang natural niyang masamang tumingin na mata ay nanlaki. Ilang minuto siyang tumitig sa mukha ko na para bang pinag-aaralan kung nagbibiro lang ako o ano.
Ilang segundo bago bumuka ang bibig niya. "Are you pregnant?"
Tango lang ang tanging naging sagot ko. Iniwas kong tingnan ang mata niya. Ikinagulat ko na lang na yumakap siya nang sobrang higpit. Nasa gitna namin si Vinxon Cleen.
"You brightened my day."
Hindi ko inaasahang makikita ang kislap ng kasiyahan sa mata niya nang magtama ang paningin namin.