Umuwi si Storm na naasar sa kapatid. Gustuhin man niyang umiwas sa sitwasyong kinalalagyan niya ay hindi niya magawa. Gusto niyang umalis na lang pero paano niya ito gagawin? Hawak ng kapatid niya ang passport at ticket na binili niya. Gagawin talaga nito ang lahat para mapigilan siya. Kung bakit ay hindi niya maintindihan. Isa na lang ang paraan na naiisip niya upang mapigilan ang kapatid.
Gabi na at kanina pa niya ito hinihintay, pasado alas otso na at dapat ay nasa bahay na ito. Histo niya itong tawagan ngunit pinigil niya ang sarili
Kumuha na lang siya ng alak upang uminom habang hinihintay ang kapatid.
Hi di niya maalis sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Ashy, buong akala niya ay sapat na iyon upang mag ago ang isip niya ngunit hindi pala. Mukhang desisido na nga ito upang pakasalan ang kapatid niya. Isang bagay na hangga't maari sana ay ayaw niyang mangyari. Ngunit ano pa nga ba ang magagawa niya, siya na mismo ang magtulak sa kanya palayo. Sino ba naman siya para ipagsiksikan ang sarili niya sa taong ayaw naman sa kanya. Ginawa na niya kung ano ang alam niyang dapat niyang gawin.
Maya-maya pa ay dumating na ang kapatid. Mukha naman iyong masaya.
"So you're here. Akala ko lumabas ka kasama si Mark." Tanong nito at inilapag sa upuan ang mga gamit niya galing sa opisina.
"Busy si Mark, minsan yayain ko siya rito. Matagal na rin mula nung huli kayong magkasama." Seryosong tingin ang ibinigay nito sa kanya.
"As if naman na pupunta yun. Alam mo namang mainit ang dugo sa akin nun. Mabuti nga kung magpunta yun sa kasal ko ehh." Nakangising tugon nito sa kapatid.
"People changed naman diba? Ikaw na lang yata ang hindi." Pabiro ngunit may punto ang sinabi niyang iyon.
Kumuha ito ng baso tsaka nagsalin ng alak dito.. sinabayan na niya ang kapatid na uminom.
"Siya nga pala, may meeting kasi ako bukas hindi pwedeng representative lang ang pupunta kaya kailangan ako. Nataon na bukas ang fitting namin sa tailor namin para sa kasal. Samahan mo naman si Ashy, saka sayo na din ausukatin yung susuotin ko total naman pareho lang tayo ng size,Iean ng laki ng katawan. Huwag ka nanamang tumanggi. Yang tingin mo na ganyan nakakatakot." Tumingin ito sa kapatid. Inunahan na niya ito bago pa makapagprotesta
"Excited ka ba sa kasal mo? Gusto mo ba talagang ikasal o hindi? Ehh parang ako ang ikakasal ahh. Ipinasa mo na sa akin anv lahat. Pati pagsusukat ng susuotin mo ipinasa mo na rin sa akin. Come on Paul, why not just admit it." Inis na tiningnan nito ang kapatod saka inilapag ang bote ng alak.
"Admit what?" Maang na tanong nito.
"Na hindi mo naman talaga gusto ang kasal na ito. Na gagawin mo lang to para mapagbigyan ang gusto nila mama at papa. You can't fool me Paul. Lokohin mo na lahat pero huwag ako. I know who you are. I know your things." Pahayag nito.
"Mahirap bang paniwalaan? Kung sabagay hindi nga talaga kapani-paniwala. Sino ba naman kasi ang maniniwala sa akin. Itinuring nga akong blacksheelng pamilya diba? Kasi hi di ko magawa yung nagawa mo. So what? Ganito ako ehh. Bakit ako magpapanggap na katulad mo? Pero kahit mahirap ginagawa ko parin. Pinapatunayan ko ang sarili ko. Ginagawa ko kung ano ano ang kaya ko. Hindi ko naman sinabi na pilitin mo ring maging masaya. Ang sa akin lang,hayaan mo naman ako na magawa ang dapat at makuha ang dapat para sa akin." Ayun, at lumabas na rin ang totoo.
"You don't understand Paul, do you?" Tanong nito.
"It doesn't matter, what matters to me is that I will marry Ashy and that is final. Ngayon kung sa tingin mo mapipigilan mo ako, better think twice." Banta nito sa kapatid.
"You're crazy Paul. Hindi ko alam kung anong ipinakain sayo ni Ashy at bakit ganun mo na lang siya kagustong pakasalan. Alam naman natin pareho kung anong gusto mo." Nangagalaiti na tugon sa kanya ni Storm. Kulang na lang ay sapakin niya ito upang matauhan.
Panandaliang natahimik ang dalawa. Pinapakiramdaman kung ano ang sasabihin ng bawat isa. Konting-konti na lang at talagang magsasalita na si Storm, bahala na kung ano ang mangyari. Hindi na naiya naisip kunga ano ang magiging resulta ng sasabihin niya. Ang main goal niya ngayon ay upang mapigilan ang kasal ng kapatid. Hindi lang ito para sa kapakanan niya kundi para na rin kay Ashy
Ayaw niyang pagsisihan nito na pakasalan ang kapatid niya.
Hindi sila makakapayag na mabuhay ito sa lungkot. Alam niya na hindi ito magigibg masaya sa piling ni Paul at kaya niyang patunayan ito.
Ganundin si Paul. Hindi ito magiging masaya sa piling ni Ashy at kaya niyang patunayan ito sa harap mismo ni Ashy.
"Mabuti pa, umatras ka na sa kasal niyo. Hi di magandang tingnan Paul. Huwag mong paglaruan ang isang tao." Banta nito na hindi inaalis ang tingin sa kapatid.
"Alam mo tol, hindi ko talaga maintindihan kung saan ka nanggagaling,kung saan galing yang mga salitang binibitawan mo. Minsan nagdududa na ako sa mga ikinikilos mo. Hindi ko maintindihan kung bakit tutol na tutol ka sa pagpakasal ko. Ayaw mo bang maging masaya ako? Ayaw mo bang magkapamikya din ako gaya ng sayo? O may iba pa bang dahilan? Come on spill it out!" Bulyaw nito na nuon ay medyo naparami na rin ng inom..
Ibinaba ni Storm ang hawak na baso. Hinimas nito ang mukha niya na para bang namanhid na sa alak na ininom niya.
"Kung magiging masaya ka wala akong tutol. Kung yun ang magpapasaya sayo susuportahan kita. Pero alam nating dalawa na hindi ang pakasalan si Ashy ang totoong magpapasaya sayo. Alam ko na ginagawa mo lang 'to para makuha ang parte mo sa mga iniwan nila mama at papa. Paul ang babaw ng dahilan mo para mandamay ng ibang tao. Ang babaw ng dahilan mo para ipag-kait sa isang tao ang kalayaan niya para maging masaya din." Mahabang turan nito.
"Masaya siya sa akin. Mahal niya ako. At sigurado ako na maibibigay ko ang lahat ng kailangan niya. Lahat ng gusto niya. Lahat ng luho niya ibibigay ko para makuntento siya sa buhay na kaya kong ibigay." Pinanindigan nito ang dahilan ng pagpapakasal niya kay Ashy.
"Pwes hindi yun ang kailangan niya. Hindi materyal na bagay ang magpapasaya sa kanya. Hindi siya ang klase ng babae na inaakala mo. Paul, pagmamahal at atensiyon ang kailangan niya na alam nating pareho na hindi mo kayang ibigay. Ang kailangan niya magmamahal sa kanya."itinaas nito ang kamay niya upang sa ganun ay mas maintindihan pa ng kapatid niya ang ibig niyang sabihin.
"Wow! Kilalang-kilala mo, hindi naman ako informed na close na pala kayo. Bakit yun ba ang sinabi niya sayo?" Tanong niyo kahit ang totoo ay alam na niya ang sagot.
"Alam nating dalawa na hindi mo siya mahal. Hindi ikaw ang lalakeng makakpagpasaya at magmamahal sa kanya ng totoo. Aminin mo man o hindi, ginagamit mo lang siya para matipad ang will ng mama ta papa. Sa dinami-dami ng tao si Ashy pa talaga." Umiling ito na hi di makapaniwala sa paninindigan ng kapatid.
"Ano bang problema mo. Huwag mong sabihin na nagustuhan mo siya kaya pinipigilan mo ako. Do whatever you want, but you can't stop me. You cam't stop me to marry her." Mariin niyang sagot sa kapatid. Tatalikuran na sana niya si Storm ng muling magsalita ang huli.
"Kahit sabihin kong may nakaraan kami? Na naging girlfriend ko siya bago ko pakasalan si Girlie? Na siya ang dahilan kung abkit muntikan ng masira ang buhay ko? Na siya ang babaeng dahilan kung bakit naging matigas ako sa lahat ng bagay kasama na duna ng pagpapatawad sayo? Ngayon sabihin ko sakin, kaya mo ba? Kaya mo bang makasama ang babaeng naging dahilan ng lahat ng gulo natin?" Madilim ang mukha nitong tumingin sa kapatid.
"Sa tingin mo ba, mababago ng sinabi mo ang desisyon ko? Oo naging kayo, pero hindi ibig sabihin nun na bawal ng maging kami. Ako parin ang pipiliin niya,sa akin parin siya magiging masaya. Kung anuman ang galit mo sakin hindi na yun kasalanan ni Ashy, problema nating dalawa yun,hindi mo kailangang gamitin ang galit mo, para isisi sa kanya ang namamagitan sa atin. Uulitin ko. Matutuloy ang kasal namin sa ayaw at sa gusto mo." Tinalikuran na niya ang kapatid.
"Sa tingin mo ba yun lang ang makakapigil sa kasal niyo? Wala ka na bang ibang dahilan na pwedeng maisip. Siguro nga ikaw, hindi pwedeng magbago ang isip. How if Ashy will find out the truth. The truth that you are only using her to get your inheritance. Sa tingin mo ba hindi magbabago ang tingin niya sayo. Binabalaan kita Paul, mukha lang siyang mabait, don't trigger her to bring out her anger dahil nasisiguro ko na mahihiya ang kasinungalingan mo kapag siya ang nagalit. Hindi kita tinatakot, sinasabi ko lanv kung ano ang kaya niyang gawin." Tiningnan niya ito ng matalim tsaka niya ito nilampasan upang umakyat na sa kanyang kwarto.
Wala na siyang magagawa sa togas ng ulo ng kapatid. Wala na siyang maisip na ibang paraan. Ayaw man niyang gawin pero mukhang kailangan na. Nag-isip siyang mabuti upang makapgdesisyon kung ano nga ba ang gagawin niya.