Isang umaga habang nasa opisina. Hinihintay ni Ashy si Paul. Ngayon kasi ang araw ng kanilang fitting at hindi pwedeng hindi ito pumunta.
Ilang oras na ang nakaklipas ngunit hindi parin ito dumarating. Nakaramdam na ng inis si Ashy. Hindi na siya nakatiis at tinawagan na niya ang kasintahan.
Ilang ulit niya itong ginawa ngunit walang sasagot sa telepono nito. Hindi niya maiwasang kabahan.
Inulit niya ito at sa wakas ay may sumagot na.
"Hon, nasaan ka na ba? Anong oras na. May appointment tayo diba? Ngayon ang fitting natin. Nasaan ka ba? Bakit hanggang ngayon di ka pa dumadating?" Halata sa boses nito ang pagkayamot.
Sino ba naman kasi ang hindi mayayamot sa ganung sitwasyon. Parang wala itong pakialam sa nangyayari sa preparation ng kasal nila. Lagi itong wala. Tama na lang sa kanya na mabigyan ng perang gagamitin ang mga in-charge sa kasal. Fitying na nga lang ng damit nila hindi pa siya makasipot.
"What??? You mean andiyan ka pa sa opisina ngayon? So ibig sabihin hindi pumubta si Storm? May meeting ako hon, inutusan ko siya na siya na muna ang sumama sayo. Total pareho naman kami ng katawan kaya siya muna ang pupunta to represent me." Mahinang sagot ni Paul na halatang tinitipid ang mga salita.
Lalo ng nainis si Ashy. Gusto na niyang maiyak sa inis.
Pati ba naman sa pagsusukat ng susuotin niya s akasal nila ay ipinaubaya na rin niya sa kapatid niya.
"Hon naman, pati ba naman sa fitting wala ka parin? Ano itutuloy pa ba natin ang kasal o hindi na? Mukhang wala ka namang interes para sa atin. Lagi kang wala. Kaya nga andito si Storm para may umasikaso sa opisina diba? Pero bakit mas naging busy ka yata ngayon?" Nagtatampong tanong nito sa kasintahan.
"Hon, kaya nadniyan si Storm upang maging representative ko pansamantala. Nag-usap na kami kagabi na siya muna ang pupunta sa fitting para may makasama ka. Hintayin mo na lang siya para sabay na kayong pumunta sa shop. I'd love to hon but I really can't make it. Huwag ka ng magtampo. Dapat masanay ka na kung gaano man ako ka-busy. Pag kinasal na tayo magiging agnito rin naman ako ka-busy sa trabaho. So please, mag-ayos ka na lang at darating na din yun." Yun lang at ibinaba na nito ang telepono.
Wala ng nagawa pa si Ashy kundi ibaba na lang din ang telepono. Naiyak na lang siya. Hi di dahil sa hindi nito makaksama si Paul kundi dahil sa katotohanang makakasama nanaman niya si Storm.
Pakiramdam niya pinaglalaruan siya ng kapalaran. Sino ba naman ang matutuwa? Ang lalaking minahal mo ng todo,makakasama mo sa pag-aayos ng kasal mo na hindi naman para sa inyong dalawa. Paano nga ba niya pakikisamahan ito?
Napabuntong-hininga na lang siya at pinahid ang luha na unti-unting tumulo sa mga mata niya.
Maya-maya pa ay tumayo na ito sa kanyang kinauupuan.
Papalabas na sana siya sa opisina ng makasalubong nito si Storm na nakangiti.
"Ready?" Tanong nito na mukhang alam na alam na may pupuntahan siya.
Tumingin lang ito sa kanya.
"Kaya kong mag-isa. Alam ko marami ka ring gagawin isa pa hindi mo responsibilidad na akuin ang mha bagay na dapat kapatid mo ang gumagawa." Makahulugan ang salitang binitiwan niya.
"Masama ba kung ako yung kasama mo?"
"Masama dahil ayaw kitang makasam!" Sagot nito sa kanya saka tiningnan ng madilim.
"I'm here to help,"
"I don't need any." Sagot niya.
"Hmmm, Paul asked me a favor na samahan ka sa appointment niyo ngayon. Pasensiya ka na sa kapatid ko kung kelan ikakasal tsaka pa naging busy. Okay lang naman siguro na ako namuna ang sumama sayo." Tumingin ito sa kanya tsaka itinuro ang daan upang makalabas na sila.
Wala ng nagawa pa si Ashy kundi aumunod na lang dito. Mukha namang wala talaga siyang planong magpatalo s akahit na ano pang sabihin niya. Kailangan na lang niyang mag-focus sa dahilan kung bakit sila magkasama.
Binuksan na niya ang pinto ng sasakyan nito. Hindi na niya hinintay pa na buksan ito ni Storm para sa kanya.
Hangga't maari aywa niyang isipin nito na nagugustuhan niya ang mga gestires na ginagawa niya. Hindi siya dapat padaig sa kabutihang ipinapakita nito.
"Medyo malayo pala yung pupuntahan mo noh? Buti na lang nagising ako, nawala kasi sa isip ko yung pupuntahan natin. Psensiya ka na." Nagsalita ito dahil kanina pa sila tahimik, daig pa ang bingi.
Hindi ito pinansin ni Ashy. Alam niya na gumagawa lang ito ng dahilan para magsalita din siya.
"Nagugutom ka ba? Baka gusto mong kumain muna tayo. Masarap nag madadaanan natin kainan, gusto mo ba?" Muli ay tanong nito sa kanya.
"Storm, hindi ka ba talaga matahimik? Lahat ba ng makikita mo itatanong mo sa akin? Hindi ba pwedeng magkaroon ng katahimikan na lang?" Inirapan niya ito upang ipakita nag pagka-inis.
"Maingay ba ako? Pasensiya ka na ha? Hindi kasi ako sanay na nagmamaneho tapos hindi umiimik. Minsan kapag mag-isa ako kumakanta na lang ako. Pero dahil andiyan ka naman kaya nagtatnong ako. Hindi ko naman alam na ayaw mo na pala ngayon ng maingay. Hindi ka anman kasi dating ganyan." Tumingin ito sa kanya na para bang nakikita niya ang dating Ashy. Yung Ashy na kabiruan niya sa lahat ng oras.
Ibinalik na lang nito ang tingin sa daan. Mukha naman itong walang plano na magsalita.
Nanatili sila sa ganoong sitwasyon. Ni minsan ay hindi narinig ang boses ni Ashy sa loob ng sasakyan. Sinadya niya ito para hindi magkaroon ng pagkakataon si Storm na kausapin siya.
Nakarating sila sa venue matapos ang isa't-kalahating oras. Bumaba agad si Ashy at pumasok sa loob na parang walang kasama. Ni hindi nga nito nilingon si Storm.
Pagdating s aloob ay sinimulan na nila ang pagsusukat. Inner lang ang isinukat dahil bawal ngang isuot ang gown. Baka daw hindi matuloy ang kasal. Napalingon siya sa kinaroroonan ni Storm. Napanganga na lang siya nang makita kung gaanong sumakto sa kanya ang damit na susuotin ni Paul.
Iniisip niya na sana ay siya na lang talaga ang makaksama niya, na siya na lang ang pakaksalan niya. Ngunit nalungkot siya nang maisip na hindi pala. Nalungkot siya dahil alam niya na ilang buwna na lang ay si paul na ang pagsisilbihan niya bilang asawa.
Matapos ang fitting ay nagdesisyon na silang umuwi.
Katulad parin ng dati, tahimik parin si Ashy.
"Ihahatid na ba kita s abahay niyo o dadaan ka pa ba ng opisina?" Maya-maya ay tanong sa kanya ni Storm.
"Uuwi na ako. Pagod na rin ako gusto ko ng magpahinga," tipid na sagot nito saka ibinaling ang atensiyon sa labas.
"Gusto mo bang kumain na kumain na muna? Baka nagugutom ka?"
"Hindi na, sa bahay na ako kakain. Stop being nice." Sagot nito upang matigil na siya.
"Is it a crime to be nice. Masama bang maging mabait sayo? Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin?" Tanong nito na nuon ay nakahalata na.
"Hindi mo na dapat itinatanong yan sa akin Storm. Alam mo kung anong dahilan. Hindi ko na kailangang ipaalala sayo." Tumingin siya rito na para bang yelo na gusto niyang tunawin.
"Alin ba sa mga ginawa ko ang ikinagalit mo? Yun bang pagpigil ko na magpakasal ka sa kapatid ko? Yung pagdalaw ko sa bahay niyo? O yun bang..."
"Stop it! Kung anuman ang nangyari sa atin ay isang malaking pagkakamali yon. Pagkakamali na hindi dapat nangyari at hindi na dapat pangaangyari." Mariing sabi nito na halos kalampagin na niya ang sasakyan.
"Bakit, inaasahan mo ba na mauulit pa yun? If ever, hindi ako tatanggi. I always love making love with you." Pang-aasar nito sa kanya.
Pansamantala ay nakaramdam ng hiya si Ashy. Kung pwede lang niya itong sampalin ginawa na sana niya. Pero natakot siya na baka ikapahamak nila iyo lalo pa at nasa loob sila ng sasakyan.
"Maging desente ka namang tao Storm. Don't bring up things na matagal ng tapos. Magapaka-lalaki ka." Tiningnan niya ito ng masama. Hindi niya alam kung may epekto ba ito sa kanya o wala.
Tuamhimik na lang ito upang matigil na ang aguments sa pagitan nilang dalawa.
Maya-maya pa ay nagsalita nanaman ito.
"Pagpasensiyahan mo na pal si Paul. Masyado lang siyang naging busy kaya hindi ka niya masamahan sa mga appointments niyo. Di bale nandito naman ako habang wala siya." Seryoso naman ito sa sinabi niya at ra niya ang sincerity nito sa sinabi niya.
"Pasensiya ka na kung nadadamay ka. Kung tutuusin, andun k sa anak mo ngayon at kasama mo siya. Pero nasaan ka,andito ka para akuhin ang mga bagay na hindi naman dapat ikaw ang gumagawa. Sana ito na ang huling pag-sama mo sa akin. Sana sa susunod si Paul naman ang makasama ko. Ang awkward lang naman kasi na kami ang ikakasal pero ikaw ang lagi kong kasama." Mahabang salita nag namutawi sa mga bibig niya. Hindi niya din alam kung saan nangagling ang mga iyon. Siya mismo ay nabigla.
Maya-maya pa ay natahimik sila pareho.
"Ash, kanina ba habang nagsusukat tayo, hindi mo ba naisip, o kahit sumagi man lang sa isip mo na sana tayo ang ikakasal? Minsan ba hindi mo naisip na sana tayo na lang ulit? Na sanagbago ang kapalaran nating dalawa at maging tayo rin sa huli? Kasi sa totoo lang ako, yun ang nakita ko habang suot ang damit ni Paul. Aminin ko man o hindi, alam ko at na ko na mahal parin kita. Ni minsan hindi ka nawala sa puso't isipan ko." Sinubukan nitong hanapin ang mga kamay ni Ashy ngunit iniiwas niya ang mga ito.
"Hindi na mahalaga kung ano ang naisip ko. Hindi naahalaga kung ano ang naisip mo. Ang mahalaga ngayon matutunan na nating kalimutan ang isa't isa dahil yun ang dapat. Wag na nating hayaan na may iba pang masasaktan." Tumingin ito sa labas upang hindi nito makita ang pagtulo ng luha niya.
Hindi na ito sumagot pa. Itinuon na lang nito ang atemsiyon sa pagmamaneho. Pagkahatid sa kanya ay umuwi na din ito agad. Ipinagpasalamt nan ni Ashy na hindi na nito pinahaba pa ang kanilang usapa. Dumreteso na lang siya s akanyang kwarto ulang umiyak ng umiyak.