Chapter Chapyer 36: A FIGHT

Habang nasa loob ng sasakyan ay tahimik lang sila.

Habang tumatagal nararamdaman ni Ashy na lumalayo ang loob ni Paul, pakiramdam niya kahit magkasama sila ay malayo ito.

Hindi niya alam kung bakit, wala din naman itong sinasabi na problema niya. Nahihiya din naman siyang magtanong dahil ayaw niyang isipin nito na hindi pa man sila ikinakasal ay nagiging possessive na siya.

Nakakaramdam siya ng selos pero ni minsan ay hindi siya naging possessive. Sa relasyon nila ni Paul, never naman siyang nakakita ng dahilan para magselos maliban na lang sa trabaho.

Subsob kasi ito sa trabaho at mukhang dun sila magkakaproblema.

Maya-maya pa ay nagring ang cellphone niya.

"Hello," sagot niya matapos ilagay ang cellphone sa tainga niya.

"Hello ma'am, sa food department po ito ng hotel para po sa reception ng kasal niyo. Remind ko lang po kayo about sa schedule natin bukas for food tasting," boses iyon ng babae sa kabilang linya.

Napalingon si Ashy kay Paul na nuon ay nakatutok parin sa pagmamneho niya. Parang ang layo ng isip nito.

"Ahh sige ma'am pupubta po kami, thank you for reminding us." sagot niya saka ibinaba ang cellphone.

Bumaling ito ng tingin kay Paul.

"Hon, tumawag ang management ng hotel para sa schedule natin bukas sa food tasting. Hindi puwedeng hindi tayo pumunta dahil pagkain yun. Kakainin ng mga bisita yun." tinitigan niya ito. Inaasahan niya na sasamahan siya nito dahil yun naman talaga ang dapat.

Nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito na para bang negative nanaman ang magiging reaksiyon niya. Hinawakan nito ang sentido niya na para bang sumakit ang ulo niya sa sinabi nito.

"Napaka-wrong timing naman talaga ohh. May seminar ako bukas hon, ako ang in-charge dun kaya hindi pwedeng wala ako." pagdadahilan nito na nuon ay nakanunot ang noo.

"Andiyan naman si Storm hon, baka pwedeng pakiusapan mo na lang siya na siya ang  umatend ng seminar. For sure naman kaya niya yun ehh," hinawakan nito ang anlikat niya upang maaaan niya ang paglalambing nito ngunit parang wala itong epekto sa kanya.

"Hon, importamte sa akin ang seminar na iyon. Nakasalalay dun ang lahat ng kakayahan ng mga bagong empleyado. Hindi sila pwedeng magkamali kaya kailangan ko silang tutukan. Konting pagkakamali nila pwedeng malagay sa alanganin ang kompanya. Kaya hindi pwedeng wala ako dun. Si Storm hindi yun magtatagal dito. I doubt it kung pakikialaman niya ang negosyo dito. May maga negosyo sita aboroad na kailangan din niyang asikasuhin online." paliwanag nito, paliwanag nga bang maituturing ito o isa lang sa mga excuses niya.

Hindi na umimik si Ashy, mainit na ang ulo niya at ayaw niyang pagsimulan pa ito ng hindi nila pagkakaintindihan. Hangga't kaya niya ay iintindihin niya ito.

"Masama ba ang loob mo? Bakit dika na umimik diyan?" tanong ulit ni Paul. Napansin niya kasi ang pananahimik ni Ashy na hindi naman niya karaniwang ginagawa.

"Kung magsasalita ba ako makikinig ka ba? Kung sasabihin ko ba yung gusto ko papayag ka ba?" maanghang na tanong nito sa kanya.

"Oo naman,pero kung ipipilit mo na piliin ko ang food tasting kesa sa seminar bukas, sorry hon, hindi kita mapagbibigyan," prangkang sagot nito.

"Naman pala ehh, so bakit pa ako magsasalita. Ikaw din naman ang masusunod diba? Kung saan ka lang komportable dun ka lang pupunta. Kung ano lang yung gusto mong puntahan yun lang ang pupuntahan mo. Bakit pa ba natin itutuloy ang kasal na ito kung ubos naman ang oras mo sa trabaho?" hindi na nga napigilan pa ni Ashy ang sarili. Ayaw man niyang gawin iyon napilitan na din siya dahil pressured na siya sa inaakto ng husband to be niya.

"Nagtatrabaho ako para sa future natin. I can't let my soon to be family to live a hard life." pag-iiba nito ng usapan.

"Paul hindi naman yun ang issue dito. Ang sa akin lang naman kahit sama papaano may panahon ka naman s apaghahanda ng kasal natin. Kahit yun man lang ang free time na pwede mong ibigay. Kaya lang, everytime na may schedule tayo sa pag-aayos ng kasal dun ka naman nagiging busy. Minsan naisip ko na ayaw mo naman talagang magpakasal sa akin. Siguro nga napipilitan ka lang. Pwede naman nating iurong nalang to." seryosong tiran ni Ashy sa kanya.

Napatingin lang si Paul kay Ashy. Tinitimbang nito kubg seryoso nga ba ito sa mga sinasabi niya.

"Hon intindihin mo naman ako. Hindi naman siguro mahirap intindihin na..."

"Kelan ba kita hindi inintindi Paul? Lahat naman ng oras ginagawa ko yun. Mula sa reception nagpunta akong mag-isa, sa fitting si Storm ang kasama ko ngayon s afood tasting nanaman hindi ka nanamna makakasama, so ako nanaman mag-isa ang pupunta na parang tanga." hindi na napigilan pa ni Ashy ang sarili.

Hinaplos ni Paul ang mukha niya. Hindi niya alam kung paano ang paliwanag na gagawin niya kay Ashy. Kasi kahit siya mismo ay hindi alam kung paano pa maging totoo sa kanya.

"Pakikiusapan ko na lang si Storm na samahan ka bukas para sa food tasting. Alam naman niya ang mga klase ng pagkain. Mas okay pa nga ang panlasa nun kesa sa akin ehh. Tsaka buti siya hindi siya busy bukas. Paoayag naman yun ehh, makakahindi ba naman siya." ngumiti ito sa kanya na para bang wala siyang pakialam sa pwede niyang maramdaman.

"Si Storm nanaman ba ang uytusan mo? Hindi ka ba aware na hindi na nga kami dapat nagkakalapit pa. Akala ko ba alm mo na, na may nakaraan kami. Bakit pakiramdam ko mas gusto ko pa na magkasama kami. Ganyan ka na ba ka-insensitive Paul?" tinitigan niya ito ng mabuti saka itinaas ang kanyang mga kilay.

"I can't see anything wrong with that hon. Mas komportable pa nga ako kasi kilala ko si Storm. Alam kong safe ka sa kanya." pagmamatigas nito. Yun talaga ang pagkakakilala niya s akapatid niya. Kung malaman kaya nito na may nangyari na sa kanila. Magiging ganun parin kaya ang tiwala nito sa kanya?

"Siguro sayo walang problema paano naman ako," halata sa boses nito ang pagtatampo.

Hindi niya maintindihan kung bakit napaka-insensitive nito sa mga bagay na nararamdaman niya.

Hindi niya mapagtanto kung malaki ba ang tiwala nito sa kabya o baka naman inoobserbahan lang siya nito. Sinusubok lang kung gaano nga ba ito katapat sa kanya.

Bigla siyang nakaramdam ng takot sa naisip niyang iyon.

"What's wrong with Storm? I can't see any. The truth is that, I'm comfortable knowing that you are with him. Peaceful ako kahit nasaalayong lugar kapag alam kong siya ang kasama mo." tiningnan siya nito tsaka ibinalika ng atensiyon sa pagmamaneho.

"Ako hindi, hindi ako komportableng kasama siya. Kung meron mang isang tao na hindi ko dapat nakakasama, siya iyon."

"Why you seems to be very much affected with his presence?" kunot-noong tumingin ito sa kanya.

Hindi ito umimik. Tumingin lang siya sa labas. Ayw niyang mapansin nito na gisto niyang iwasan ang kapatid. Habang tumatagal na magkasama sila ay unti-unting bumabalik ang anraramaan niya dito. Unti-unting nabubuhay ang damdamin niya para rito na pikit na niyang pinapatay.

"Is there something that I need to know? Alam kong may nakaraan kayo. So what? Ako naman ang mapapangasawa mo at ako na ang mahal mo,tama ba? Ohh baka naman may ibang dahilan pa para mailang ka tuwing magkasama kayo?" tinitigan siya nito na para bang inaakusahan na siya ng hi di maganda.

"You're talking nonsense Paul. Huwag mong ilihis ang usapan natin. Hindi ka ba nahiya sa kapatid mo? Sinalo na niya lahat ng dapat ay ikaw ang gumagawa. Mula sa pinakamaliliit na bagay tungkol sa kasal natin na dapat ikaw ang may alam, napunta na lahat sa kanya." himutok ni Ashy, konti na lang ay talagang maduduro na niya ito.

Hindi niyaintindihan ngunit konting-konti na lang talaga ay hi di na niya itutuloy ang kasal nila.

"You might be forgetting Ashy, kapatid ko siya at kubgay isang tao man akong dapat aasahan walang iba kundi siya. Ngayon kung issue sayo na siya lagi ang kasama mo, sa tingin ko hindi ko na problema yun. Baka ikaw lang ang may problema sa kanya. Bakit, affected ka ba sa nakaraan niyo tuwing magkasama kayo? Kapag magkasama kayo naiisip mo ba na sana siya na lang ang pakasalan mo? Yun ba ang dahilan kung bakit ayaw mo siyang kasama? Ohh may iba pa bang dahilan?" seryosong tanong nito sa kanya.

"Naisip mo talaga yun? Naisip mo yun pero hi di mo naisip na nagiging iresponsable ka na sa obligasyon mo. Paghahamda pa lang sa kasal natin pumapalya ka na, how much more kapag kasal na tayo. Baka kahit s amga simpkeng bagay na obligsayon ng isang asawa hi di ko na rin magawa dahil bisy ka sa pagpapayaman mo. Bakit Paul, ano pa ba ang dapat mong patunayan. Halos nasa iyo na ang lahat ng bagay sa mundo. Ano pa ba ang kulang sa buhay mo?" maluha-luhang tanong nito.

Hindi siya nito sinagot, sa halio ay itinigil nito ang sasakyan. Tsaka lang nito namalayan na nasa tapan na sila ng bahay nila.

Oinunas niya ang mga luha na nahulog mula sa kanyang mga mata.

"Hindi na ako magtataka kung sa mismong kasal natin ay wala ka rin." pagkasabi nito ay binuksan na niya ang sasakyan tsaka ito bumaba.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.