Chapter 37:FORGIVE HIM

Mabigat ang mga paa ni Ashy na pumasok sa loob ng bahay nila. Hindi niya maipaliwanag kung anong damdamin ang dapat na manaig sa puso niya.

Pinangarap niyang maikasal at bumuo ng sariling pamilya ngunit hindi sa ganoong paraan. Mahalaga sa kany ang oras at atensiyon s aisang relasyon. Hangga't maari hindi dapat mawala ang komunikasyon sa isang mag-asawa. Nakakara siya ng takot sa sitwasyong papasukin niya.

Ito nga ba yubg dahilan kung bakit ayaw ni Storm na magpakasal siya kay Paul? Tama ba ang sinabi nito na hindi siya magiging masaya sa piling nito? Pero bakit. Ito ang hindi niya maintindihan.

Dahan-dahan niyang binuksan ang kanilang pintuan.

Pagpasok niya ay nakita niya ang mama niya na nasa sala at halatang hindi inaasahan na darating siya ng ganun kaaga.

"Ohh anak andiyan ka na pala. Akala ko ba hapon ka pa makakabalik. Ala-una pa lang ahh.?" takang tanong ng mama niya.

Hindi niya ito sinagot. Sa halip ay umupo ito sa tabi niya. Saka ipinikit ang mga mata.

Hindi naman siya pinansin ng ina dahil alam nito na may nangyari at hindi na niya kailangang tanungin pa. Hi di nga lang siya sigurado kung anong dahilan.

"Anak, gisto mo bang sabihin sa akin?" maya-maya pa ay tanong nito na hinarap ang nakapikit na anak.

Huminga ito ng malalim saka binuksan ang mga mata.

Nanatili siya sa ganung ayos.

"Ma, sa tingin mo dapat bang ituloy ko ang kasal? S atingin mo worth it pa ba na magkasal kami ni Paul?" tuminhgin ito sa mama niya panandalian bago nito ibinalik ang tingin sa kisame.

"Bakit,sa tingin mo ba may nagbago anak? Sa tingin mo ba hindi ka magiging masaya kapag nakasal kayo ni Paul? May nangyari ba na hindi mo nagustuhan?" sunod-sunod ang tanong niyo sa kanya.

"Hindi ko kasi maintindihan si Paul ma. Kahapon sa fitting session namin wala siya. Si Storm ang inutusan niya para samahan ako. Tama ba yun? Taoos kanina nalaman ko na alam na pala niya na may nakaraan kami ni Storm. May alam siya pero hindi niya kinumpirma sa akin. Pakiramdam ko wala siyang pakialam." himutok niya. Nagsusumbong siya sa mama niya na parang batang inaway sa kanto.

"Baka naman kasi may importanteng lakad anak. Kilala mo naman si Paul. Kapag kailangang magtrabaho, magtatrabaho talaga yan. Ganyan na siya noong makilala mo siya. Hindi ka na dapat pang magtaka." paliwanag ng mama niya.

"Sa lahat na lang ba ng pagkakataon ma? Bukas may food tasting kami. Hindi nanaman siya makakapunta. Si Storm nanaman ang inaasahan niyang sasama sa akin. Pakiramdam ko tuloy ginagawa na niya akong tanga. Hindi ko alam kung kami ba nag ikakasal o kami ni Storm," pina-ikot niya ang kanyang mga mata saka pumikit.

"Sa tingin mo ba masamang tingnan kung ginagawa niyang proxy si Storm? Masama ba sa paningin mo?" makahulugang tanong ng mama niya.

Para sa kanya, ang sagot ay oo. Dahil para s akabya hindi na sila dapat nagkakaaa pa ni Storm. Bukod sa may nakaraan na sila. Natatakot siya na baka bumalik ang dati niyang naramdaman para dito lalo pa at ramdam niya na mahal parin niya ito.

Gusto niya itong iwasan ngunit paano kung si Paul kismo ang dahilan kung bakit nagiging malapit sila sa isa't-isa?

"Bakit ma, hindi ba masamang tingnan ang ganung sitwasyon? Ex-boyfriend mo tapos nakasama mo pa,"

"Hindi ba kayo pwedeng maging magakaibigan na lang? Isipin mo na lang na walang malisya kahit magkasama pa kayo. Maliban na lang anak kung may naraadan ka pa para sa kanya. Maliban na lang kung mahal mo parin siya." prangkang tanong sa kanya ng ina.  Tinitigan siya nito na waring pinag-aaralan ang bawat sulok ng kanyang mga mata.

"Imposibleng mangyari na maging magkaibigan kami ma. Malaking kasinungalingan kung sasabihin kong oo. Mahal ko si Paul ayokong masaktan siya. Isa pa, kung ano man ang namagitan s aamin ni Storm noon, hanggang dun na lang 'yon. Ibinaon ko na sa limot ang anumang tungkol sa amin." pagsisinungaling niya.

Sa dinami-dami ng sinungaling sa mundo, siya na yata ang nangunguna. Kung katotohanan lang naman ang pag-uusapan, alam niya na si Storm ang mahal niya. Pero kailangan niyang manindigan sa kanyang salita na si Paul ang mahal niya dahil siya ang pakakasalan niya at alam niyang hindi niya ito kayang saktan.

"Ang kasal ang pinakamimithi ng halos lahat ng babae sa mundo anak. Ito ang araw na mararamdaman ng isang babae kung gaano kaseryoso at kung gaano siya kamahal ng mapapngasawa niya. Sagrado ito at hindi pwedeng gawing biro. Ang pagpakasal ay hindi parang pag-subo lang ng kanin na kapag napaso ka ay pwede mong iluwa, sa halip kailangan mo itong lunukin kahit gaano pa ito kainit. Kumbaga sa pagpapakasal dapat mo itong panindigan kahit gaano kahirap ang maging sitwasiyon niyong mag-asawa. Sana nakatulong yam sayo. Hindi pa huli ang lahat." tumayo ang mama nito upang maghanda ng meryenda nila.

Naiwan siyang nag-iisip. Nagdadalawang isip siya base na rin saga nakikita niyang pagbabago. Hindi niya alam kung tama bang manindigan na lang siya sa kung ano ang tama, o dapat ba niyang sundin kung ano talaga ang makakapagpasaya sa kanya.

Ipinikit na lang niya ang kanyang maga mata.

Gusto niyang matulog na lang upang makapagpahinga ang isio niya kahit panandalian lang.

Tunayo siya sa kinauupuan niya at nag-paalam siya sa mama niya upang makapagpahinga.

Naintindihan naman ito ng kanyang ina.

Ibinagsak niya ang kanyang katawan sa kanyang kama. Ipinikit niya ito at tanging laman ng isip niya sa mga oras na iyon ay walang iba kundi si Storm. Si Storm na gustong-gusto na niyang kalinutan. Si Storm na pikit niyang iniiwasan, si Storm na tanging dahilan kung bakit siya nakakaramdam ng poot at galit.

Si Storm na minahal niya,at mahal parin niya hanggang ngayon!

Nakatulog siya sa ganung laman ng isip niya. Napabalikwas na lang siya ngapansin na madilim na sa labas ng kwarto niya.

Inayos niya ang kanyang pagkakahiga, saka lang niya napansin na kinakatok na pala siya ng mama niya.

"Pasok,"

"Anak, gabi na ahh. Mukhang napasarap ang tulog mo. May bisita ka. Halika na at ng maharap mo na siya." utos ng ina saka ito lumabas. Wala na din itong pagkakataon na tanungin pa kung sino ang bisita niya dahil umalis na ito agad.

Inayos na lang niya ang sarili saka bumaba.

Pagdating sa sala ay nakita niya si Paul. Halata s amukha nito ang emosyonal na itsura na ni minsan ay hindi pa niya nakita.

"Anong ginagawa mo dito. Gabi na ahh. May lakad ka pa bukas diba?" tanong nito na seryoso parin ang ekspresyon ng mukha.

"Kilala mo naman ako diba? Hindi ko ugaling palipasin ang isang araw na hindi tayo nagkaka-ayos. Alam ko mali ako, sorry!" pakiusap niya. Sabay abot sa bulaklak na hawak niya.

Inabot na lang ito ni Ashy ngunit hindi parin siya nagsalita. Bahagya siyang nakaramdam ng guilt. Hindi dahil sa mga nasabi niya kaninang magkasama sila ngunit dahil sa katotohanan na may kasalanan siya kay Paul. Dahil sa nangyari sa kanila ni Storm.

Ano pa nga ba ang magagawa niya kundi tanggapin na lang ang paghingi nito ng paumanhin. Kung siya man ang nasa posisyon nito siguradong hindi naman siya nito matitiis.

"I'm sorry kung anuman ang nasabi ko sayo kanina. Nabigla lang din ako at diko maiwasang maramdaman na binabalewala mo ang kasal natin. Siguro masyado lang akong naging emosyonal kaya ko yun nagawa. Nagpadala ako sa galit na nararamdaman ko sa kapatid mo." paliwanag niya, napatingin siya sa kanya.

"Naiintindihan ko. I'm at fault, hindi ko namalayan na napapabayaan na kita dahil sa trabaho. Nasanay na lang ako na andiyan ang kapatid ko para sa akin. Eversince, siya na ang gumagawa ng mga bagay na dapat sana ay ako. I owe him a lot kaya kahit ikaw ay ipinagkatiwala ko na sa kanya which is mali dahil nga may nakaraan kayo," pag-amin nito sa kasalanan niya. Hinawakan nito ang kamay niya saka niya ito hinalikan.

"So ibig sabihin ba niyan, sasama ka bukas sa food tasting?" malambibg na tanong nito sa kasintahan.

Hinawakan ni Paul ang baba niya.

"Yes, sasamahan kita sa mga lakad natin. After ng food tasting saka na ako pupunta sa seminar. Pina-reset ko na ang schedule kaya wala ng magiging problema."

Ngumiti ito bago pa man niya mapansin na umaliwalas ang mukha niya sa sinabi niya.

"Happy na ba ang wife to be ko?" tanong nito na tiningnan pa siya ng mapang-asar na tingin.

"Oo naman,kailangan ko pa palang magtampo para lang gawan mo ng paraan na makasama ako. Akala ko yang trabaho na ang pakaksalan mo," inirapan niya ito ngunit bumawi rin sa ngiti.

"Pwede ba naman iyon, masyado lang siguro akong naging abala kaya ganun. Pero don't worry, ikaw parin ang top priority ko." niyakap niya ito ng mahigpit.

Niyakap din niya ito. Kahit paano ay namiss naman talaga ang presensiya niya lalo na sa opisina. Kaya nga nagtatampo na ito sa kanya dahil pakirama niya wala na itong oras para sa kanilang dalawa.

Sumabay na siyang kuamin sa kanilang mag-ina. Pagkatapos ay umuwi na rin ito agad upang makapag-pahinga.

Masaya si Ashy na  naayos nila ang gusot nilang dalawa. Hanggang kelan nga ba?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.