Chapter 39 : Frirnd's scheme

Sa kabilang banda..

Habang nasa mall ay inabala ni Ashy ang sarili sa pagtingin ng mga paninda. May mga nagustuhan din siyang mga damit kaya binili na niya ito. Sa sobrang pagiging abala niya sa trabaho at sa paghahamda sa kasal nila ni Paul ay nakalimutan na din niyang mag-enjoy. Nakalimutan na nga niyang may mga kaibigan siya.

Minsan ay naisip niya na hindi na siya gaya ng dati. Nakalimutan na nga din niya na lahat ng tao kailangan din ng day-off. Buti na lang at hindi bumibigay ang katawan niya sa kabila ng pagod at mga pasakit na nararanasan niya.

Maya-maya pa ay napansin niyang wala sa tabi niya ang kaibigan. Nilingon niya ito, napangiti na lang siya ng makita ito na may kausap sa telepono at sinenyasan siyang hintayin niya ito. Maya-maya pa ay lumapit na ito sa kanya.

"Akala ko nawala ka na ahh. Aino kausap mo?" maya-maya ay walang kung anong sa kanya.

"Ahh yun, yung manliligaw ko. Gusto niyaagkita kami

Ehh sabi ko nextime na lang lasi kasama kita. Siyempre I'll choose you over him. I can always have time to be with him. Pero ikaw nabibilang na lang. Mula kasi nung naging kayo ni Paul, lalo na nung magplano kayo ng kasal," pina-ikot nito ang kanyang mga mata saka inilapag sa baba ang mga hawak niya.

"Nagtamoo ka nanaman. Diba ito naman ang gusto mo para sa akin. Na maging masaya ako,magka-pamilya na ako." tinitigan niya ang kaibigan.

"Siyempre, lahat ng kaibigan gustong maging masaya ang mga kaibigan nila. Ang tanong masaya ka nga ba?" makahulugang tanong nito. Dinampot niya ulit ang mga oinamiki nila saka ito naunang maglakad.

Umiling-iling na lang si Ashy saka ito sinundan.

Matapos nilang mamili ay kumain sila sa paborito nilang kainan.

"Namiss mo 'to noh? Hindi ka na kasi kumakain sa ganitong lugar. Sa mga mamahaling restaurant ka na kasi dinadala ni Paul. Nakalimuyan mo na rin siguro ang favorite street foods natin." kunwari ay nagtatampong tugon ni Jem sa kaibigan na nuon ay sumubo na ng pagkain.

"Alam mo iba pala ang epekto ng mall sayo noh? Nagiging emosyonal ka masyado. Kung anu-ano ang sinasabi mo. Sissy wala namang nagbago. Ako parin naman 'to. Isa pa masyado lang talaga akong naging busy. Kilala mo naman si Paul, kung kelan malapit na ang kasal namin saka naman siya naging busy. Ni hindi na nga niya ako masamahan sa mga appointments namin," uminom siya saka huminga ng malalim.

"Buti na lang nandiyan si Storm na willing masaktan para lang masamahan ka. Na willing gawin ang lahat para lang masuportahan ang kapatid niya. Kahit sobrang sakit na." seryoso itong itinuon ang tingin sa pagkain niya.

"Kung anuman ang ginawa ni Storm hindi ko yun hiniling sa kanya. Silang magkapatid ang nag-usap dun at wala akong kinalaman. Bigla na nga lang sumusulpot kahit hindi ko naman inaasahan." depensa niya sa sarili niya.

"Hindi mo ba siya namimiss? Ni minsan ba hindi mo naramaan na siya parin pala ang laman ng puso mo?" walang kagatul-gatol na tanong sa kanya ni Jem.

"Jem, ilang beses ko bang uulit-ulitin sayo? Yung sa amin ni Storm matagal ng tapos. Matagal ng tapos simula pa lang nung araw na pinili niyang pakasalan si Girlie. Yung arw na pinili niyang iwan ako. Kahit masakit kinaya ko. Kahit masakit tinanggap ko, wala akong choice ehh," maluha-luhang turan nito sa kaibigan.

Hindi na lang umimik pa si Jem. Alam din kasi nifmto kung gaanong nasaktan ang kaibigan nuon at hindi niya gugustuhing makita ulit ito sa ganung sitwasyon.

Palabas na sila ng mall nang bigalang magsalita si Jem.

"Sissy, may usapan pala kami ni Mark na magkikita ngayon. Alam mo na friends thing, kaibigan ka rin naman namin diba? Wala ka naman sigurong gagawin kaya sumama ka na sa amin." hinawakan ang kamay nito, malungkot ang kaibigan at kahit papaano ay gusto niya rin itong malibang.

"Idadamay mo pa talaga ako. Magde-date lang yata kayo ehh magdadala ka pa ng chaperon at ako pa talaga ang napili mo?" pinalaki nito ang kanyang mga mata, saka tumawa ng malakas.

"Anong date ka diyan? Ni hindi nga ako pinapansin ng mokong na yun. Kubg kani-kanino nagkakagusto ehh andito lang naman ako. Alangan namang ako ang manligaw sa kanya diba? Manigas siya, though alam ko naman na halos matunaw na ako kapag tinititigan niya ako." pagayayabang ng kaibigan saka nito ihinampas sa kanya ang mahaba niyang buhok.

Natawa na lang si Ashy sa inakto ng kaibigan. Matagal na kasing napapansin nito na nagkakailangan sila ni Mark. Siguro nga ay wala lang gustong umamin sa kanilang dalawa. Ang pag-ibig nga naman, minsan ang mga tao natotorpe. Ano nga ba ang nakakhiya sa pag-amin na mahal mo ang isang tao. Parang si Ashy lang din, pilit nilalabanan ang damdamin na matagal ng gustong kumawala.

"Ohh nananaginip ka nanaman diyan ng gising, di ka nanaman makausap ng matino. Ano, sama ka na sa amin." pinitik nito ang daliri sa harap ni Ashy na nuon ay ang layo na ng narating ang isip.

"Ngayon na ba? Iuuwi ko sana muna tong mga binili ko. Tsaka magpapa-alam pa ako kay mama."dahilan nito na nuon ay nagdadalawang isip pa.

"Nung magpaligaw ka nga hindi ka naman nag-paalam, ngayon pa kaya na malapit ka ng ikasal? Tsaka kami naman ang kasama mo, wag kang mag-alal ako na magpa-paalam para sayo. Dalhin mo na ang mga yan at may kotse naman akong dala." binitbit na nito ang mga dala ni Ashy saka ipinasok sa loob ng sasakyan.

Habang nasa daan sila ay panay ang tawag at text ni Jem. Puru oo naman ang naririnig sa kausap. Paminsan-minsan at tumitingin ito sa kanya.

Hindi malaman ni Ashy kung saan ba nila kikitain si Mark, mahigit isang oras na yata silang nasa nsasakyan at wala pating tigil ito sa pagmamaneho. Halos lumampas na sila sa pinaka-bayan at wala ng halos mga bahay na nadadaanan.

"Bakit parang ang layo naman na natin Jem.? Nakalayo na tayo sa kabihasnan ahh. Bihira na lang ang mga bahay dito ah? Nasaan ba yang si Mark?" maya-maya pa ay nagtanong na si Ashy.

"Huwag ka ngang maingay diyan, naliligaw yata tayo. Ito naman kasing si Mark, dito pa kasi ako napiling papuntahin. May plano yata itong i-repa ako ehh, kubg hindi pa kita kasama nako baka kung ano na talaga ang iisipin ko," himutok ni Jem. Halata sa itsura nitoa ng pagkainis sa kaibigan.

"Kayo ha? May mga ganito pala kayong paandar. Baka naman kasi gusto ka lang niyang masolo kaya dito ka niya pinapunta. Tapos isinama mo pa ako, ehh di sira ang plano niya. Dapat kasi hindi mo na ako isinama." natatawang tugon ni Ashy, alam niya kasi ang pakiramdam kapag disappointed ang isang nagmamahal.

"Mas masisira ang palno kung wala ka. Tsaka malapit na tayo. Huwag ka ng mainip. Konting kobti na lang makakrating na tayo. Sinend na niya s akin yung exact na lugar." ngumiti ito sa kanya na para bang biglang umaliwalas ang mukha nito.

"Hmmm..sige sabi mo ehh. Gisingin mo na lang ako kapag nandun na tayo," pipikit na sana ito nang magsalita ulit si Jem.

"Huwag ka ng matulog masisira lang ang tulog ko, malapit na tayo. Nakikita mo ba yung bahay dun sa dulo? Dun tayo pupunta," itinuro nito ang mala-palasyong bahay na nasa di-kalayuan. Tanaw ito mula sa ibaba. Ibig sabihin ay paakyat sila.

Napa-nganga si Ashy sa nakita niyang tanawin. Nuon lang niya napagtanto na nasa bandang itaas na pala sila at tanaw na nila ang kabihasnan sa ibabang bahagi.

Paakyat pa sila at siguradong mas maganda pa sa mga susunod niyang makikita.

"Wow! Jem, ang ganda naman dito. Iba rin talaga si Mark noh? Ang ganda ng lugar na napili niya. Hindi kaya magpoppropose yun sayo? Kasi bakit sa ganitong lugar ka niya pinapunta?" bakas sa mukha ni Ashy ang tuwa sa mga nakita niya. Hindi niya maikubli ang paghanga sa mga tanawin, bigla siyang naging emosyonal.

"Ohh bakit? Bakit aprang mas emosyonal ka pa diyan kesa sa akin? Hoy! Moment ko to noh? Nakiki-moment ka nanaman. Masyado kang affected ehh ako naman ang inimbitahan dito," natatawa na lang si Jem sa nakikitang reaksiyon mula sa kaibigan. Alam kasi niya kung bakit ganun na lang ka-emosyonal si Ashy.

"Ang ganda kasi ng lugar," matipid na sagot nito. Iyon lang at pinahid niya ang luha mula sa kanyang mga mata.

"Naiuyak ka kasi ganito yung pangarap niyo ni Storm nuon. Yung magsasama kayo sa ganitong lugar. Yung isa sa mga pangako niya na hindi na niya nagawa. Yun ang dahilan kung bakit ka nagiging emosyonal. Ash, sorry ha kung kailangan ko itong gawin. Kung kailangan kitang isama rito kahit alam ko kung ano ang magiging epekto sayo. Atleast ngayon alam ko na hindi ako nagkalami ngayong araw na ito." makahulugang turan ng kaibigan. Saka ito itinuon ang pagmamaneho na nuon ay paakyat na sila sa isang mala-palsyong bahay.

"Ako bga dapat mahiya ehh, kasi nakiki-moment ako sayo," nahihiyang tugon nito sa kaibigan.

Ngumiti lang si Jem sa kanya saka hianwakan ang kamay niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.