Chapter 40: In His own way

Pagkapasok nila sa bakuran ng bahay ay agad na nagsara ang gate. Napaka-hightech ng lugar. Mahihiya ang pedicab na papasok sa lugar.

"Siya nga pala Ash, walang signal dito, pasensiya ka na ha?" ani ni Jem sa kaibigan ng subukang ilabas ang cellphobe nito.

"Ahh yun ba? Okay lang, saglit lang din naman tayong mag-stay dito diba? Ang haba din kasi ng biyahe," ngumiti ito sa kanya saka tumingin sa paligid.

Ang laki ng lugar at halatang hindi biro ang ginastos dito. Makikita niya s amga materyales palang ng bahay ay hindi lang milyon kundi bilyon ang ang nagastos bago ito naitayo. Ang gaganda pa ng kulay ng maga bulaklak. Halos lahat ng paborito niyang tanim any nandoon.

"Ang galing din pumili ng lugar ni Mark ano? Napaka-relaxing ang lugar. Biruin ko, andito tayo sa taas pero may swimming pool. Nag sarap siguro tumira dito," niyakap nito ang sarili habang nakatingin sa kaibigan..

Nakatitig lang ito sa kanya at mukhang walang planong magsalita.

"Ash, okay lang ba kung maiwan muna kita dito? Nasa baba pala si Mark, may mga kailangan lang kaming bilhin. Promise babalik din ako agad. Yun palang mga damit na pinamili natin iwan ko na lang ha?" paalam ng kaibigan saka ito tuluyang tumalikod.

"Hindi ba ako pwedeng sumama, para may kasama kang magbit-bit. Kesa naman maiwan ako ditong mag-isa. Baka mamaya may multo rito ehh." kunwari ay takot na pigil sa kanya ni Ashy.

"Hindi, kaya na anmin yun ni Mark. Babalik din anman kami agad. Magrelax ka muna diyan, babalik din kami agad. Baka may gusto kang ipabili, para mabili na namin." tanong ng kaibigan habang binubuksan ang pibtuan ng kanyang kotse.

"Wala, sige ingat kayo ha? Balikan mo ako dito, sira ulo ka mapapatay kita pag iniwan mo ako rito," banta niya sa kaibigan na nuon ay nakaupo na sa driver's seat.

Ngumiti na lang ito sa kanya saka pinaandar ang makina ng sasakyan.

Kuta niya ang sasakyan ng kaibigan habang pababa ito mula sa kinaroroonan niya.

Bumalik na lang siya sa may garden. Oinagmasdan niya ang mga tanim na ang sarap sa mata.

Kung puwede lang iuwi ang mga iyon ay iuuwi niya talaga. What a co-incidence na lahat ng paborito niyang bulaklak ay doin niya makikita. Pakiramdam niya sa mga oras na iyon ay nasa paraiso siya.

Paraiso na binuo nila ni Storm noong nangangarap pa lamang sila. Mga panahong punong-puno sila ng pangarap para sa kinabukasan nila. Pangarap na kahit isa ay walang natupad,walang nagkatotoo.

Bigla siyang nakramdam ng galit,ng sakit. Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya sa mata. Luha ng kabiguan at pasakit ng nakaraan. Luha ng pagsisisi sa mga desisyong hindi na niya pwedeng talikuran. Pagsisisi na san ay pwede pa niyang isakatuparan, ngunit ams nangingibabawa sa kanya ang awa, awa kay Paul, hindi niya kayang manakit ng ibang tao lalo na at wala itong ibang ginaw akubdi mahalin siya at maging totoo sa kanya.

Ilang oras na ang lumilipas ngunit hindi pa bumanalik si Jem.

Nakaramdam na siya ng pag-aalala.

Maya-maya pa ay may paparating na sasakyan. Kinabahan na siya lalo, hindi ito ang sasakyan ni Jem, hindi rin naman ito sasakyan ni Mark. Pagpasok ng sasakyan ay sumara na ulit ang gate.

Laking gulat na lang ng makita niya kung sino ang bumaba ng kotse.

Si Storm!

Hindi malaman ni Ashy kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon. Dali-daki niyang kinuha ang mga pinamili niya.

Lalabas na sana siya ng gate, hindi siya pinigilan ni Storm.

Noon niya narealize na hindi nga pala mbubuksan ang gate kung hindi sasakyan ang lalabas at papasok.

Tiningnan lang niya ito habang papasok na siya sa loob ng bahay.

Galit na galit na sinundan niya ito hanggang sa loob.

"Ano 'to? Anong ibig sabihin nito? Bakit nandito ka, nasaan sina Jem at Mark?" galit na tanong nito na sinadyang harangan ito sa dadaanan niya.

"Nandito ka lang naman sa bahay ko. Sina Jem at Mark, siguro sa mga oras na ito malapit na sila ng Manila. Hinatid ka lang dito." sagot nito na parang normal lang sa kanya ang sinabi.

Noon lang niya naisip na pakana lang ang lahat,, na hindi totoonv magkikita sinaark at Jem sa lugar na iyon. Na sila talaga ni Storm ang magkakasama s alugar na iyon.

"Bakit? Ano ba? Nababaliw ka na ba? Ginamit mo pa talaga si Jem para lang mapapunta mo ako dito? Bakut, anong iniisip mo? Na ikukulong mo ako dito hanggang sa dumating ang araw ng kasal namin ni Paul? Ganyan ka na ba ka-desperado Storm?" binigyan niya ito ng nakamamatay ng tingin.

Sinalubong naman ni Sto ang mag tingin nito na walang pakialam jung umabot pa sa langit ang galit nito sa kanya.

"Kung yun ang kinakailangan kong gawin para lang magising ka sa katotohanan, pwes hindi ako magdadalawang-isip na gawin ang sinabi mo. Hindi ako papayag na magdesisyon ka ng isang bagay na pagsisisihan mo buong-buhay mo!" mariibg sagot nito sa kanya. Nilampasan niya lang ito saka tinungo ang kusina.

Sa laki ng bahay hihingalin ang kahit sinuman bago amrating ang kusina at iba pang bahagi nito.

Sa hagdan palang papunta sa mga kwarto ay para ka ng nasa loob ng mall.

Pwede na itong tirhan ng sampung pamikya na may tig-tatlong anak. Kahit magsisigaw ka sa loob ay siguradong hindi ito maririnig ng kahit sinuman.

"Anong karapatan mo! Anong karapatan mo na baguhin ang anumang desisyon ko? Anong karapatan mo na panghimasukan ang buhay ko? Anong karapatan mo na pigilan ang plano namin ng kapatid mo?" sinundan niya ito sa kusina, tinanggal nito ang suot niyang sapatos upang mahabol niya ito.

"Nasa akin ang lahat ng karapatan. At kung kinakailangang ako lahat nag magdedesisyon para sayo, gagawin ko. Kinausap kita ng maayos, hiniling ko sayo na umatras ka na, pero anong ginawa mo? Utinuloy mo parin ang gusto mo! Sumunod ka parin sa kagustuhan niyang magpakasal sa iyo, at yun ang hindi ko hahayaang mangyari Ashy. Hangga't nabubuhay ako, hindi ka maikakasal sa kapatid ko." seryoso ang pagkakasabi nito. Makikita sa mga mata nito ang galit at poot.

"Wow! Talaga ba Storm? So ikaw na pala ang tatay ko ngayon? Ikaw na ang magdedesisyon kung ano ang dapat at hindi dapat na mabgyari sa akin? Ikaw na ang masusunod ganun ba? Bakit? Anong karapatan mo?" maluha-luhang tanong ni Ashy kay Storm kulang na lang ay itulak niya ito palabas upang hi di na niga makita pa ang pagmumkha niya.

"Dahil wala kang alam," seryoso ngunit nakangising tugon nito.

Iniwan siya nito na nakatayo. Inayos niya ang mga pianamili niya, base sa mga nakikita niya ay mukhang wala itong planong umuwi. Lahat yata ng kakailanganin nila sa bahay na iyon ay nabili na niya.

Nakaramdam siya ng takot sa kunga nong pumasok sa isip niya.

Itinanan na ba siya nito?

"Gusto ko ng umuwi. May trabaho akong naghihintay sa akin at kailangan ako ng mama ko. Mabuti sa'yo wala kang magulang na iniisip, sarili mo lang," umupo ito sa upuan habang tinitingnan labg siya nito sa ginagawa.

"Hindi tayo uuwi hangga't hindi nagtitino ang isip mo. Mananatili tayo dito hangga't hindi naalog ang utak mo sa katotohanan." seryoso itong umupo s aharapan niya..

"Hindi mo ako pwedeng ikulong dito Storm, hindi mo ako pag-aari hindi ako bagay o hayop na pwede mo kang ikulong dito at pakakwalan kung kelan mo gusto. Mag-aalala sa akin si mama!" sigaw nito sa kanya.

"Alam na ng maam mo na magkasama tayo, kung ang iniisip mo ay ang makaksama niya sa bahay niyo, huwag kang mag-alala, dun uuwi si Jem hangga't hindi ka bumabalik." tumayo na ito at mukhang maglukuto ng kakainin nila.

Hindi alam ni Ashy kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon. Paano nga ba siya aalis, ni hindi nga siya pamilyar sa lugar. Wala din naman siyang pwedeng masakyan. Wala ding signal ang cellphone.

"Pasensiya ka na kung kailangan ko itong gawin. Ito na lang kasi ang tanging paraan na naisip ko. Desperado na rin siguro ako kaya,kahit alam kong makaka-istorbo ako ng ibang tao ay gianwa ko parin, magalit ka na kung magalit ka tatanggapin ko. Pero hindi ko hahayaan na magdesisyon ka ng isang bagay ng dahil sa galit mo sa akin." emosyonal na tugon nito.

"Hondi ko maintindihan kung bakit kailangan mong gawin to. Wala akong nakikitang mali sa kahit anong naging desisyon ko. Wala kong maisil na dahilan para pigilan mo ang pagpalakasal ko sa kapatid mo." tumjngin lang si Ashy sa kawalan dahil ayaw niyang salubungin ang mga nakakatunaw na tingin nito.

"Siguro nga, siguro nga masyado akong naging makasarili, pero alam ko na kung anuman ang dahilan ko ngayon, balang-araw maiintindihan mo rin. Sadyang may mga bagay lang na hindi dapat sa akin manggaling. Mga bagay na maituturing na labas sa karapatan ko. Isa lang naman ang dahilan kung bakit kita dinala dito." tumigil ito sa pagsasalita. Sa halip ay hinarap nitoa ng paghahanda ng makakain nila.

"Kung anuman ang dahilan mo ay hindi ko alam at wala akong paki-alam,"tumayo ito at tinungo ang labas ng bahay. Doon niya napagtanto na madilim na pala. Napaluha siya nang marealize niya kung bakit ang sarap sa pakiramdam niya na manatili sa lugar na iyon. Hindi niya inakala na kay Storm pala ito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.