Chapter 42: Love is back

Lumipas pa ang mga araw na magkasama sila. Hindi masyadong nag-uusap, hindi maintindihan ni Ashy kung bakit nakaramdam siya ng selos sa nakita. Hindi niya iyon mai-alis sa isip niya kaya mas pinili na lang niyang hiwag itong kausapin.

May mga panahon na kinakausap siya nito ngunit mas madalas na hindi.

Wala din naman siyang ibang choice kundi ang kausapin ang isa't-isa dahil sila lang naman ang magkasama.

Prinsesa kung ituring siya ni Storm, pagkagising niya ay kakain na lang siya. Wala ni kahit isa sa gawaing bahay ang ginagawa niya.

Si Storm din ang nag-aalaga sa mga halaman, kaya kahit umuulan ay nasa garden siya para ayusin at linisin ang mga tani.

Isang gabi habang mahimbing na natutulog si Ashy, napabalikwas siya mula sa kanyang kama.

May narinig siyang ungol na di maintindihan kung saan nanggagaling.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Narinig niya ang ungol na nagmumula sa katabi niyang kuwarto. Napakunot-noo siya habang unti-unti ang hakbang niyang palapit dito.

Binuksan niya ang pintuan ng kwarto at nakita bi si Storm na nakahiga sa kama. Nakatalukbong ng kumot at halatang nanginginig.

Nagdadalawang isip man ay nilapitan niya iyo.

Akmabg gigisingin niya ito nabg maramdaman sa balat niya ang init ng balat nito.

"Storm, ang taas ng lagnat mo. Hala, paano ito hindi ako marunong magdrive para madala kita sa hospital." nag-aalala na siya dahil hindi niya inasahan na magkakaganun ang kasama niya to think na silang dalawa lang ang nasa bahay na iyon.

"Sandali lang ha? Maghahanap ako ng gamot sa ibaba. Antayin mo ako," pagkasabi nito ay agad na siyang bamaba upang maghanap ng gamot.

Habang nasa ibaba ay hindi niya malaman ang gagawin. Napaupo siya sa sahig at niyakap ang sarili. Doon niya naramadaman kung gaano kahalaga sa buhay niya si Storm, dun niya narealize na tama ito at mali siya. Na hanggang sa mga oras na iyon ay siya parin ang mahal niya.

Balik siya sa kanyang huwisyo at tayo upang hanapin ang gamot.

Nang makuha niya ito ay agad siyang kumuha ng tubig tsaka dali-daling umakyat.

Naghanda rin siya ng paamunas kay Storm.

Tinulungan niyang bumangon tsaka pinainom ng gamot. Oinunasan niya ito at dinagdagan ang kumot niya upang mabawasana ng lamig na nararamdaman niya.

Niyakap niya ito ng mahigpit. Hanggang sa pati siya ay nakatulog na sa ganoong posisyon.

Kinaumagahan ay nagising siya na yakap yakap parin si Storm. Hindi na mataas ang lagnat nito.

Bumaba siya upang maghanda ng makakain nila. Pagkaraan ng ilang sandali ay bumalik siya sa kwarto ni Storm.

Nakita niya itong nkadilat na ang mga mata at mukhang hindi pa maayos ang pakiramdam niya.

"Gising ka na pala, mabuti pa kumain ka na para makainom ka na rin ng gamot," inilapag nito ang tray ng pagkain sa mesa inayos nito ang kama.

Umupo siya sa tabi ni Storm upang subuan siya.

"Ako na,kaya ko." tumanggi ang huli na halatang nanibago sa kilos ni Ashy.

"Ako na,hayaan mo na akong gawin 'to. Pambawi ko na rin pabg-ispoiled mo sa akin." nginitian niya ito saka sinubuan ulit.

Pagkatapos nutong kumain ay binigyan na niya ito ng gamot na maiinom.

"Sa susunod kasi wag kang magpapaulan. Feeling superman ka kasi hindi mo naman kaya. Yung mga halaman na 'yun mabubuhay naman sila kahit hindi mo laging inaayos at nililinis," sumbat nito sa kanya.

Ikinatiwa naman ni Storm ang ganubg pananalita nito. Pakiramdam niya kasi any bumalik ang dating Ashy na halos hindi na niya maramdaman.

"Ang halaman parang tao din yan. Kapag hindi mo inalagaan ay mawawala at mamamatay. Kahit alam mong ikapaphamak mo, kahit alam mong masasaktan ka, aalagaan mo parin sila. Kahit halaman lang ang mga iyon, malaking bahagi sila ng buhay ko. Parang ikaw, napabayaan kita," hinawakan nito ang mga kamay niya at nagingilid ang mga luha niya sa mata.

"Storm,"

"I'm sorry! I'm sorry kung inakala mong iniwan kita. Kung naitanim sa isip mo na mas pinili ko ang mga magulang ko at si Girlie kesa sayo. I'm sorry kasi hindi ako nakapag-hintay. I'm sorry kubg hindi kita naipaglaban at sorry kung inakala mo na balewala ka na lang sa akin," umiyak na ito ng tuluyan.

Noon lang niya nakita si Storm na naging emosyonal. Naramdaman niya ang sinseridad nito sa paghingi niya ng tawad. Alam niyang masakit para sa kanilang dalawa ang lahat ng nangyari at hi di niya inasahan na ganun na pala katindi ang nararamdaman niyang sakit.

"Tapos na ang lahat Storm, wala na tayong magagawa pa dahil nangyari na. Tanggapin na lang natin kung ano ang talagang para sa atin. Tanggapin na lang natin kung ano ang kapalaran at kinahinatnan ng lahat ng nasimulan natin. Yun lang ang makakatulong sa atin para maging isang buo." Oinahid ni Ashy ang luha mula sa kanyang mga mata. Saka uto tumayo mula sa kama.

"Hanggang dito na lang ba talaga tayo? Hindi mo na ba kayang buksan ang puso mo para sa akin? Hi di mo na ba ako kayang patawarin sa kung anuman ang nagibg kasalanan ko sayo?"sinikap ni Storm na abutin ang mga kamay niya. Hinawakan niya ito ng mahigpit upang maramdaman niya ang pagmamahal na nagmumula sa puso niya.

"Matagal na kitang napatawad Storm," tipid na sagot nito na bahagyang lumingon sa kausap.

"Kung pinatawad mo na ako. Bakit hindi mo ako kayang mahalin na gaya ng dati? Bakit hindi mo ako kayang piliin? Bakit sa kabila ng lahat ng ginagawa ko siya parin ang gusto mong pakasalan?"

"Oo pinatawad kita. Pero hindi ibig sabihin nun na ikaw ang pipiliin ko. Pinatawad kuta dahil ayokong makaadam ng guikt sa puso ko. Pinatwad kita pero hindi ibig sabihin nun ay iiwan ko ang kapatid mo at sasama ako sayo. Pinatawad kita dahil yun ang dapat gawin. Babalik parin ako kay Paul dahil siya ang pakakasalan ko." Nanindigan si Ashy sa kanyang mga salita. Hindi niya kayanv makapanakit ng ibang tao. Di bale ng siya ang magsakripisyo ang mahalaga ay hindi siya ang magiging dahilan upang makasakit sa iba.

"Mahal ko ba siya?" Maya-maya ay tanong ni Storm.

"Mahalaga siya sa akin. Ipinaramdam niya sa akin kung gaano ako kahalaga sa kanya at alam kong mahal niya ako. Oo mahal ko siya at hindi ko hahayaang masaktan siya ng dahil sa akin o sayo," tinitigan niya ito na para bang iyon na ang huling beses na dapat magtanong siya rito.

Tumingin sa kawalan si Storm. Makikita sa mga mata nito ang pag-aalinlangan. May mga bagay siyang gustong sabihin ngunit pilit niya itong nilalabanan. Hindi niya alam kung hanggang kelan maninindigan si Ashy sa kanyang mga salita.

"Hindi mo na ba ako mahal?" simple ngunit seryosong tanong ang nagmula sa kanyang mga labi. Gusto niyang pagsisihan na tinanong niya ito dahil baka masaktan lang siya sa pwede niyang isagot. Napapikit na lang ang kanyang mga mata habang hinihibtay ang sagot nito.

Nawindang si Ashy sa tanong na iyon ni Storm. Halos hindi siya makahinga habang naktitig ito sa kanya na nuon ay nakapikit. Nagbabanta ang mga luha na mahulig mula sa kanyang mga mata ngunit sinubukan niya itong pigilan.

"Minahal kita, minahal kita at saksi ang buong mundo sa pagmamahal na iyon. Buong buhay ko wala akong minahal kundi ikaw. Inapakan ko ang prinsipyo ko sa buhay para lang mahalin ka kahit mali. Kahit alam ko na sa huli ako rin ang masasaktan. Sumugal ako, itinaya ko ang kahihiyan ko dahil ganun katindi ang pagmamahal ko sayo. Nilunok ko lahat ng kahihiyan meron ako dahil ganun kita minahal. Ganun kalakas ang naging impact mo sa buhay ko," hinarap niya ito upang mas maintindihan niya ang lahat ng sasabihin niya.

Tumingin si Storm sa kabya na para bang naguguluhan sa mga sinasabi niya. Tinitigan niya ito at ramdam niya ang sakit sa puso niya.

"Ang tanga ko lang, kasi umasa ako na ako ang pipiliin m. Naniwala ako sa mga bagay na nabuo sa isip ko na,pwedeng maging tauo kahit may iba ka. Na ako yung pipiliin mo kasi ako yung mahal mo. Nabuhayan ako ng pag-asa nung sabihin mo na ako ang gusto mong makasama habang-buhay at hindi siya. Pero anong nangyari?" Tumigil ito panandalian habang nagsasalita.

Mababakas naman sa mukha ni Storm ang mga tanong na parang wala siyang alam sa mga sinasabi nito.

Nanatili lang itong tahimik at wari'y walang planong magsalita.

"Walang nangyari kasi lahat ng ipinangako mo ay napako. Dumating ka sa point na ako rin ang iniwan mo sa ere. Pinili mo siya kahit alam mong masasaktan ako ng sobra na halos ikamatay ko na. Pero kinaya ko. Kinaya ko kasi wala naman akong choice. Kaya hindi ko maintindihan ngayon kung bakit kailangan mong gawin ang lahat ng ito. Minsan naisip ko na siguro ayaw mo lang talaga na makasal ako sa kapatid mo, ayaw mong madikit sa akin ang pangalan ng pamilya niyo," tinitigan niya ito na para bang ang laki ng krimen na nagawa nito sa kanya.

"Kung anuman ang dahilan ko ay hindi mo maiintindihan. Ang gusto ko lang naman ay bigyan mo ako ng pagkakataon na patunayan ang sarili ko sayo. Pagkakataon na patunayan sayo na kahit kelan hindi ako bumitiw sa kahit alin sa ipinangako ko. Gusto kong makita mo na ikaw lang ang minahal ko...."

"Tama na Storm, wala ng patutunguhan to. Magpagaling ka,gusto ko ng umuwi," yun lang at tuluyan na itong lumabas sa kwarto ng huli.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.