Makalipas ang ilang araw ay sumigla na ang pakiramdam ni Storm. Mababakas parin sa mukha nito ang sakit na dulit ng mga nakalipas na araw na wala silang ginawa ni Ashy kundi magsagutan at magpalitan ng sama ng loob.
Naisip niya na siguro nga ay wala ng pag-asa pa na maging okay silang dalawa. Gayunpaman gusto niyang malaman ni Ashy kung ano ang totoong nangyari kung bakit siya nawala. Kubg bakit kinailangan niyang umalis at lumayo kasama si Girlie. Hi di niya hahayaan na matapos sila sa ganung dahilan lang. Nakahanda na rin siyang pakawalan ito kung ito ang makapagpapasaya sa kanya.
"Ihand mo na ang mga gamit mo. Bukaw uuwi na tayo," tipid na turan nito sa kaharap.
Kumakain sila isang umaga. Hindi alam ni Ashy kung matutuwa ba siya o malulungkot sa sinabi nito. Gusto na niyang bumalik sa dati niyang buhay ngunit may kurot siyang naramdan sa puso niya.
"Salamat," tipid na sagot niya ngunit sa loob-loob niya ay gusto niyang sabihin na sana ay magtagal pa sila. Pero naisip niya na hindi nga naman pwede. Para saan pa at kailangan nilang magtagal doon. Para sa kanya, sarado na ang libro para sa kanilang dalawa ni Storm.
Huling araw na nila sa lugar na iyon. Kagaya nga ng sinabi ni Storm ay iuuwi na siya nito. Sinamantala ni Ashy ang pagkakataon na manatili sa garden. Pinagmasdan ang mga bulaklak na sa huling pagkakataon ay makikita niya.
Hindi kasi ito mabubuhay sa Maynila. Hindi nila kakayaning manatili sa mainit na lugar. Kaya nga nila pinangarap ni Storm nuon na manirahan sa mataas na lugar dahil dun niya mabubuhay ang mga tanim na gusto niya. Pero alam niya na hindi na mangyayari pa iyon.
Maya-maya pa ay may pumasok na sasakyan. May bumaba na isang bakla at isang lalake. Hindi niya kilala ang mga ito at noon lang niya nakita.
"Goodmorning ma'am, nandiyan po ba si sir Storm?" magalang na tanong nito sa maarteng pananalita.
"Umalis saglit pero babalik din iyon. Bakit?" tanong niya na para bang gustong malaman ang pakay ng dalawa.
"Ahh, ngayon po kasi ang appointment namin with him regarding this house, itatanong po namin kung may gusto po siyang baguhin dito." sagot nito na nakangiti sa kanya.
"Bakit?"
"2 years ago po kasi naitayo itong bahay na ito. Sabi niya nuon surprise gift daw niya sa babaeng pinakamamahal niya. At mukhang kayo nga po yun. May gusto po kasi siyang ipalagay sa may sala noon na painting po ng mukha niyo. Ehh confirm lang po namin kung matutuloy ba. Mujhang magal na mahal po kayo ni sir. Sobrang ingat na ingat po kasi siya sa mga dapat gamitin dito. Sinigurado niyang safe ang titira dito." ngumiti ito sa kanya.
Pumasok siya sa loob kasama ang dalawa. Naghahanda siya noon ng maiinom ng mga bisita niya nang dumating si Storm.
Hindi niya sinasadya ngunit narinig niya ang usapan ng mga ito.
"So wala na pong mababago dito sir? Kahit po yung painting hindi na po ilalagay?" dismayadong tanong ng bakla sa kanya.
"I will pay for it. But I don't think its still needed. Tulungan niyo na lang akong maibenta utong bahay and I will give you a reward." sagot nito sa dalawa.
Nakaramdam ng panghihinayang si Ashy sa narinig. Hindi niya alam na ganun pala pinahalagahan ni Storm ang pangako niya. Ni hindi man lang niya ito naapreciate. Ni hindi man lang niya ito nakita at naramdaman. Alam niyang nasaktan niya ito at hindi niya alam kung paano pa mababago ang isip niya.
Habang nasa labas si Storm ay nilapitan niya ito. Ngunit bago niya iyon ginawa ay nag-ipon muna siya ng lakas ng loob.
Dahan-dahan siyang lumapit dito.
"Umalis na pala ang mga bisita mo? Nagtimola ako ng juice, magpalamig ka muna," alok nito sabay abot sa isang baso ng orange juice.
Tinaggap naman niya ito saka nagpasalamat.
"Ang ganda nitong lugar noh? Nakapa-relaxing, buti naisipan mong magtayo ng ganito dito." kunwari ay hindi niya alam na para sa kanya ang bahay na iyon.
"Salamat, hindi ko na rin naman to magagamit. Kaya nagdesisyon ako na ibenta na lang. Masyado kasing malayo sa kabihasnan. Hindi ko maasikaso," kunwari ay sagot nito.
"Bakit, wala na bang halaga sayo ito? Ito yung pangarap natin noon hindi ba? Yung gusto nating mangyari," hindi na ito nakapag-pigil pa.
Hindi ito umimik. Huminga siya ng malalim saka tumingin sa ibabang bahagi.
"Wala na rin naman itong kwenta Ash. Hindi na natin mabubuo ang mga pangarap na iyon gaya nga ng sabi mo. Kaya wala rin akong nakikitang dahilan para manatili pa to sa akin," madamdaming pahayag nito.
"Kaya ibebenta mo na lang? Kasi gaya ng pag-iwan mo sa akin, lahat ganun din kadaling kalimutan." nangikid ang mga luha nito habang nakatibgin sa kanya.
"Ash hindi kita iniwan. Ikaw ang hindi sumipot. Ikaw ang nagpaasa sa akin." tiningnan niya ito ng makahulugang tingin.
"Storm, mahirap bang intindihin? Sinabihan kita, sinabi ko na hindi ako makakpunta kasi may sakut si Papa at kailangan namin siyang dalhin sa ibang bansa para magamot. Pero hindi mo ako sinagot. Wala akong vhoice kundi umalis nang hindi ka man lang nakakausap. Tinatawagan kita pero pinapatayan mo ako." Mahirap mang i ti dihin ay ipinaliwanag nito sa kabya ang side niya.
"Nawala ang cellphone ko nung araw na iyon. Hindi ko makita," sagot nito na totoo naman.
"Pagkauwi namin, pinuntahan kita. Kahit alam kong hindi ako papapasukin ng mama mo naglakas-loob akong puntahan ka. Pero sinabi niya sa akin na narealize mong si Girlie talaga ang mahal mo at magpapakasal na kayo. Nakiusap ako na kahit makausap lang kita pero nanindigan siyang ayaw mo na akong makita,nasaktan ako ng sobra.. hanggang s abalitaan kong ikinasal na nga kayo at umalis na kayo ng bansa," pi ahid nito ang kanyang mga luha na noon ay sunod-sunod na ang pagtulo.
"Ginawa ko yun dahil ang akala ko pinaasa mo lang ako. Ginawa ko iyo dahil kailangan ako ni Girlie. May sakit siya noon at sa kain niya ipinagkatiwala ang anak niya. Pero hindi rin siya nagtagal at namatay. Hindi ako tumigil sa pagtupad sa mga pangarap natin Ash. Mula sa bahay na ito, ito ang patunay kung gaano ako nanindigan sa relasyon natin."
Hindi na ito unimik pa. Maya-maya ay nagsalita itong muli.
"Nagulat ako noong nalaman ko na ikaw ang mapapangasawa ni Paul. Alam ko naman na hindi ka niya mahal. Ginagawa lang niya ito para makabawi sa mga magulang namin." tumingin ito sa malayo.
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka man ay nilakasan ni Ashy na tanungin si Storm. Noon pa man ay naguguluhan na siya kung bakit tutol ito na magpakasal sila.
"Namatay ang mga magulang namin dahil sa kanya.,hinahanap siya noon dahil ayaw niyang magtino. Nadisgrasya sila nabg hindi siya nakikita, hanggang sa dumating ang araw na babasahin na ang last will ng mga magulang namin. Lalo siyang nagalit dahil halos lahat ng sa akin ay nakuha ko ng walang kahirap-hirap. Samantalang siya, kailangan niyang sundin ang lahat ng kondisyon bago niya makuha ang sa kanya. Kapag hindi niya iyon ginawa ay maoupunta lahat sa charity ang pag-aari niya." paliwanag nito habang nakatitig parin sa kanya.
Hindi makapaniwala sa narinig...
"Anong kondisyon ba ang dapat niyang gawin?" tanong nito.
"Dapat makapag-asawa siya at makabuo ng sarili niyang pamilya, magkaroon ng asawa na matino at magkaroon ng anak na alam kong malabong mangyari." seryosong sagot ni Storm.
"At ako ang napili niya ganun ba? Ginawa niya akong kasangkapan para sa pansarili niyang interes." Tinakpan ni Ashy ang mukha at napaupo na lang ito sa bench.
"I'm sorry Ash kung nangyari to. Mataggal ko ng dapat sabihin ito pero ayaw kong manghimasok at lumabas na kontrabida sa harapan ng kapatid ko. Though may sama ako ng loob sa kanya, hindi ko parin kakayanin na makita siyang nasasaktan. Kaya nga ibebenta ko na to at ako na ang lalayo." hinawakan niya nag kamay nito.
"Storm,"
"Alam ng Diyos kung gaano kita kamahal. Alam niya kung paano ko iningatan ang mga oanagako ko sayo. Higit sa lahat,alam niya kung paano kita ipinaglalaban." Yumuko ito sa harapan niya na parang humihingi ng tawad.
Walang nagawa si Ashy kundi umiyak. Tumingin siya sa langit upang magpasalamat. Hindi niya alam kung tungkol saan pero ramdam niya ang ligaya sa puso niya.
"Kailangan na nating makauwi Storm, kailangan kong makausap si Paul. Kailangan niyang malaman na hindi dapat mangyari ang pagpapakasal namin. Alam kong masasakyan siya pero hindi tama na ikulong niya ako sa isang bagay na hindi naman dapat. I'm sorry Storm pero wala ng ibang makakatulong sa kapatid mo kundi ikaw." niyakap ito ni Ashy.
Niyakap din niya ito ng mahigpit.
"Hayaan ko sana muna akong kausapin siya. May mga bagay akong dapat linawin sa kanya at alam kong kahit paano ay makikinig siya sa akin. Kailangan kong ipaliwanag sa kanya ang mga bagay na dati ay hindi niya maintindihan. Ayokong isipin niya na pinangunahan ko siya." hinawakan nito ang mukha niya.
"Pero hindi ibig sabihin nun na mamahalin ulit kita, maaring hindi matuloy ang kasal namin pero hindi ibig sabihin nun na magiging tayo. Ayoking mangako at ayokong makasakit ng ibang tao para lang maging masaya." yun lang at tumayo na ito sa kinauupuan niya.