Chapter 55: It heals

Isang umaga ay may kumakatok sa pintuan ng kwarto niya. Napabalikwas siya dahil sa lakas nito.

"Ma ano ba iyon?" nakasimangot na tanong nito sa mama niya.

"Anak,magbihis ka si Storm nasa baba hinihintay ka. Emergency daw,si Paul hindi maganda ang lagay." tuliro na sabi ng mama niya. Halata s amukha nito ang pag-aalala.

"Ha? Bakit ma, ano daw ba ang nangyari?" tanong niya.

"Hindi ko alam. Mabuti pa magbihis ka na para makaalis na kayo." utos ng mama niya saka ito dali-daling bumaba.

Agad namang nagbihis si Ashy. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon.

Nag-aalala siya sa pwedeng mangyari kay Paul.

Pagdating sa sala ay nakita niya agad si Storm.

"Ash, sumama ka sa akin. Gusto kang makausap ni Paul. Kahit saglit lang."pakiusap nito.

"Kaya nga andito na ako diba? Tara na," agad na sabi nito. Nakalimutan na nga niyang magpaalam sa mama niya dahil sa labis na pag-aalala.

Habang nasa sasakyan sila ay hindi matigil si Ashy sa pagtatanong kay Storm.

"Ano ba talaga ang nangyari kay Paul? Okay naman na siya noong huli kaming mag-usap. Tinanggal na nga ang oxygen sa kanya dahil normal na ang paghibga niya diba? So bakit? May kumpkikasyon ba?" nag-aalalang tanong nito

Titig na titig ito kay Storm habang naghihintay ng sagot mula sa kanya.

"Pwede ahimik ka na lang muna. Mamaya ka na magtanong kailangan nating bilisan." sagot naman ni Storm na halatang nagmamadali nga ito.

Maya-maya pa ay may napansin na si Ashy.

"Sandali nga,hibdi ito ang daan papunta sa bahay niyo ahh. Storm ano ba? Saan mo ba ako dadlahin?" galit na tanong ni Ashy sa kanya.

Hindi parin ito sumasagot at patuloy lang sa pagmamaneho ng sasakyan.

"Storm!"

"Tumahimik ka Ash, marami kang dapat ipaliwanag sa akin. Ngayon sisiguraduhin kong hindi ka na makakapagsinungaling." matigas ang mukha niyong tumingin sa knya.

"Ano bang sinasabi mo? Ano nanamang palabas ito? Dadalhin mo nanaman ako sa lungga mo?"

"Lungga natin," sagot nito na tumingin sa kanya na para bang kakainin niya ito ng buhay.

"Ibaba mo ako, hindi ako sasama sa'yo!" bulyaw nito sa kanya.

"Hindi ka bababa, hindi ko hahayaan na ngayon wala akong dapat gawin nasa akin lahat ng karapatan Ash." seryoaong turan nito sa kanya.

Agad nanahimik si Ashy, nagtanong siya sa sarili niya. Ano kaya ang ibig nitong sabihin? Alam na kaya nito na buntis siya? Na siya ang ama ng dinadala nito?

Nakarating sila sa mala-palasyong bahay kung saan may namagitan na rin sa kanila. Sa bahay kung saan binuo ni Storm ang mga pangarap nila.

Dito ay naramdaman ulit ni Ashy ang saya. Makikita niya ang mga halaman na paborito niya. Ang sarap siguro sa pakiramdam na dito siya maninirahan habang nagbubuntis.

Bumaba si Storm ng sasakyan. Binuksan ang pinto para kay Ashy at inalalayan itong bumaba.

"Kaya kong bumaba mag-isa," inirapan niya ito.

Maya-aya pa ay nasa loob na sila.

Nagukat siya sa nakitang portrait kung saan makikuta ang isang buong pamilya. Lalake at babae at sa pagitan nila ay isang sanggol.

"Maganda ba? Ano sa palagay mo? Hindi ba ako ngkamali ng portrait na dapat ilagay diyan?" tanong nito sa kanya, pakiramdam niya ay binuhusan iyo ng malamig na tubig.

"Hindi ko maintindihan Storm," inakis jito ang tingin sa larawan.

"Hindi mo maintindihan? O ayaw mong intindihin dahil ayaw mong malaman ko kung ano ang totoo? Alin sa mga dahilan na iyon Ash?"

"Pwede ba Storm? Hindi ko alam ang mga sinasabi mo. Hindi ko maintindihan kung bakit dinala mo ako rito. Ano bang kalokohan to?" galit na tanong ni Ashy. Galit na may halong kaba at takot sa pwedeng gawin ni Storm.

"Ito, hindi mo din ba ito alam?" ibinagsak nito ang isang pirasong papel sa harapan niya.

Dahil hindi ito ginalaw ni Ashy, pinulot ito ni Storm tsaka ipinakita sa kanya.

Napaluha si Ashy habang tinitingnan ang laman ng papel. Laboratory tests niya iyon na nagsasabing buntis siya.

"Ngayon Ash, magbibilang tayo. Mula noong gabing may nangyari sa atin sa likod ng kotse ko. Bikangin mo kung ilang araw yun Ash. Eksakto yan sa araw kung saan sinasabing buntis ka! Ngayon, sabihin ko sa akin sa harapan ko mismo kung sino ang ama ng dinadala mo. Wag ka ng magtanong kung bakit ko alam at kung bakit nakakuha ako ng kopya niyan. Sinundan kita nung magpunta ka sa clinic noong araw na manggaling ka sa bahay." hinawakan niya ito sa braso.

"Storm ano ba? Tumigil ka nga," sawag niya rito.

"Tumigil? Paano? Sige nga sabihin ko sa akin kung paano ako basta na lang matatahimik. Gabi-gabi ipinagdarasal ko na sana akin yang batang iyan. Siguro siya na rin mismo ang magsasabi sa akin na hindi ako dapat sumuko. Na dapat ipaglaban ko kung ano ang nararamdaman ko. Sagutin mo lang ako ng totoo,kung hindi man ako ang tatay ng dinadala mo ngayon, pangako hindi na kita guguluhin pa.

Madamdamin ang mga salitang binitawan nito sa kanya.

"Storm please,"

"Please what?" hinaplos nito ang mukha niya tsaka umupo sa sofa.

"Gusto ko ng tahimik na buhay, ayoko ng gulo. Gusto kong maiparamdam sa magiging anak ko ang buhay na tahimik,"

"Bakit Ash? Magulo ba akong tao, gusto mong ilihim ito sa akin para ano? Aalisan mo ako ng karapatan sa magiging anak ko? Ganun na ba ako kasama? Ni minsan ba hindi mo naisip kubg gaano ko kagusto na magkaanak sa'yo? Bakit ba puro na lang panghuhusga ang ipinapakita mo sa akin?" nakita niya sa mga mata nito ang sakit na matagal na niyang itinatago.

"Natakot ako,natakot ako na maramdaman ng anak ko ang sakit na naramdaman ko. Na baka masaktan lang siya at baka hindi ko kayaning ipaliwanag sa kanya ang lahat. Kaya nagdesisyon akong palakihin ko siya mag-isa."

"Pakawalan mo ang galit mo, buksan mo ang puso at isip mo. Ipagkatiwala mo ulit sa akin ang puso mo. Mahal na mahal kuta Ashy, kahit kelan hindi iyon nagbago. Hayaan mo akong patunayan sayo kubg gaano kita kamahal,kayo ng magiging anak natin." Hinawakan nito ang mga kamay niya saka inilagay sa dibdib niya.

Walang nagawa si Ashy kundi umiyak na lang. Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman niya.

"Patawarin mo ako Storm,patawarin mo ako kung naging sarado ang isip ko, patawarin mo ako kung nasaktan kita sa mga panahong wala akong inisip kundi sarili ko lang. Patawarin mo ako kung hindi ko nakita ang lahat ng sakripisyo mo para sa relasyon natin. Masyado akong naibaon ng galit at takot ko, hindi ko nakita ang mga magagandang bagay na nag-aabang sa akin." hinawakan nito ang mukha niya.

Sa pagkakataong iyon isinuko na niya ang lahat ng poot na nararamdaman niya. Inilabas niya ang sama ng loob na naipon niya na naging dahilan upang maging madamot siya sa pagbibigay ng kapatawaran.

"Alam kong nasaktan kita, tinanggap ko lahat ang sakit na binigay mo sa akin dahila alam kong nasaktan kita. Pero gusto kong malaman mo na hindi kita kinalimutan. Lahat ng pangarap natin tinupad kong mag-isa dahila alam kong darating ang panahon nag magkikita tayong muli. Kapag okay na ang lahat, kapag wala na ang sakit." Idinikit nito ang noo niya sa noo ni Ashy.

Hinalikan niya ito. Ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya.

"Ang tagal kong naghanap ng sagot,ang tagal na panahon akong nagtatanong kung paano mawawala ang sakit. Kung paano maghihilom ang sugat ng nakaraan. Ngayon ko lang naisip at ngayon ko lang napatunayan, na kailangan lang tanggapin kung ano ang tapos na, at tanggapin kung ano ang nakalaan pa. Matutong magpatawad at humingi ng tawad. Sumubok muli at bumangon kung sakali mang maramdaman ulit ang sakit. At higit sa lahat, mahibg tapat sa sariling nararamdaman. Maging matapang na mahakin ang taong tinitibok ng puso." Mahabang sagot nito.

"Masaya ako, nagsinungaling man kami sa'yo, atleast ngayon sigirado akong hindi ka na mawawala sa akin," pag-amin nito?

"Kayo? Anong kayo?" nagtatakang tanong ni Ashy.

Pakiramdam niya pinagkaisahan nanaman siya.

"SURPRISE!!!!!" Sigaw ng lahat habang isa-isa silang pumapasok mula sa pintuan.

Nandoon ang mama niya,si Jem, Paul at ang boyfriend nito, si Mark. Halos lahat sila ay natatawa habang kitang-kita sa mga mukha nila ang saya.

"Plinano niyo ito?"tanong niya habang isa-isa niya silang tiningnan.

"Ma?"

"Wala akong choice. Sino ba naman ako para maging killjoy," nangingiting sagot nito.

"Plinano namin to. Matagal na naming alam na buntis ka. Kaya sabi ko kay Storm pagkakataon na niya uoang mapaamin ka. Mabuti na lang at hindi nagkatotoo na lumala ako. Nakoh masasabunutan ko talaga yang kapatid ko kapag ako naratay ulit sa kama," pagbibiro ni Paul.

Naiyak si Ashy sa nakita dahil nakakalakad na ulit itong mag-isa.

"Huwag ka ng umiyak my dear sister-in-law, kahit iniputan niyo ako sa ulo okay na okay sa akin iyon," pagbibiro nito na hinaplos pa ang tiyan ni Ashy.

"Ohh tama na,bawal ma-stress ang future wife ko. Kaya maghanda na tayo ng makakain dahil siguradong gutom na sila ni baby. Hindi pa po ito nag-almusal." Tinitigan ito ni Storm. Saka tumingin sa lahat.

Nagpunta na ang lahat sa kusina, naiwan sila ni Storm sa sala.

"Salamat, hindi ko ito inaasahan, ang saya-saya ko," nag-uunahan ang mga luha sa kanyang mga mata. Agad namang pinahid ni Storm ang mga ito.

"Shhhhh...huwag ka ng umiyak. Mamaya magalit ang mama mo sa akin. Huwag ka ng mag-isip ng kahit anong hindi maganda. Bawal yan. Gusto mo ba na paglabas ng anak natin ehh nakasimagot siya?"

"Siyempre hindi," sagot nito, tsaka agad na pinunasan ang mga mata.

Habang hinihintay ang pagkain ay nagpunta sila sa may garden. Magkayakap nilang pinagmasdan ang mga pananim.

"May kulang ba sa mga tanim na iyan?" Maya-maya ay tanong ni Storm.

"Wala na, kumpleto na. Kumpleto na kasi magkasama na tayo. Wala na akong mahihiling pa."malambing na sagot nito.

Maya-maya pa ay nagtanobg ulit si Ashy...

"Kelan pala tayo babalik ng maynila? I mean tayo?" tiningnan niya ito sa mukha.

"Babalik? Hmmmmm, bukas. Bukas babalik na sila kasi may mga trabaho sila. Pero tayo, dito lang tayo. Huwag kang mag-alala dahil kasama natin ang mama mo dito. Gusto ko dito mabuo ang magiging anak natin. Ito ang makikita niyang mundo. Ang paraisong pangarap natin na ngayon ay buo na." masayang sagot nito sa kanya.

"Talaga! Dito tayo?" naiiyak na tanong ni Ashy.

Hindi niya inakala na magtatagal siya sa lugar na iyon. Pangarap niya iyon dati pa at ngayon ay magkakaroon na ng katuparan. Isang pangarap na ngayon ay nasa mga kamay na niya.

"Anything for you Ash, lahat ng makakapagpasaya sa'yo,ibibigay ko. Lahat lahat, huwag lang ang bituin sa langit dahil hindi ko kayang abutin 'yon." Pagbibiro nito habang yakap parin niya ito.

"Ikaw ha? Umiiral nanaman yang pagiging pilosopo mo."

"Na-miss mo?" tanong nito.

"Oo naman, sobrang na-miss ko. Akala ko hindi ko na maririnig ang kapilyuhan mo. Akala ko hanggang bangayan na lang tayo." Nginitian niya ito.

"Hahayaan ko ba namang mangyari iyon? Ngayon pa ba kung kelan abot-kamay na kita? Kung kelan nasa teritoryo mismo kita? Tinigilan ba kita? Hindi. Kasi desisdido akong bumalik ka sa buhay ko. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako babalik ng Pilipinas para lang sa wala. Babalik ako ng Pilipinas dahil nandito ang mh do ko." hinawaman nito ang mukha niya saka hinalikan ang mga labi niya.

Matagal ang halik na iyon,kumawala si Ashy.

"Storm,baka makita nila tayo mamaya kung ano pa ang isipin nila." Nahihiyangumingon si Ashy sa paligid nila.

"Bakit? Normal lang naman na halikan kita ahh, na-miss kita ng sobra." malambing na sagot nito na halos ayaw na niya itong bitawan pa.

"Na-miss din naman kita sobra. Lalao na noong magbuntis ako. Gusto ko lagi kitang nakikita kaso tiniis ko," pag-amin niya.

"Hayaan mo,mula ngayon lagi mo na akong makikita. Sandali, 'yon lang ba ang na-mimis mo? Ako kasi may isa pa akong namimiss." pilyo ang ngiti nito sabay tingin sa kanya.

"Storm tumigil ka,"

"Dapat diligan natin si baby," bulong nito.

"Hoyyy!!! Tama na 'yan. Gutom na yang baby, kain na tayo," natatawang tinawag sila ni Jem.

Napakamot na lang ng ulo si Storm saka inalalayang maglakad si Ashy.

Nagibg masaya sila sa araw na iyon. Saya na hindi na natapos hanggang sa magpakasal sila. Tinanggap nila ang lahat ng nangyari, nagbigay ng kapatawaran at binigyan ang mva sarili ng pagkakataon na magmahal at makaramdam ulit ng pagmamahal.

Ang sugat sa puso ay maghihilom. Nasa iyo lamang bilang taong sugatan kung sa paanong paraan mo ito gustong maghilom.

How to heal a broken heart? Learn to accept things no matter how painful they are, forgive and move on.

END.....

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.