Chapter 54: Her secret

Lumabas sa veranda si Ashy dahil tulog na si Paul. Kinailangan niyang tawagan ang mama niya dahil kailangan niyang pagbigyan si Paul sa hiling nito.

Habang nasa veranda ay lihim naman siyang oinagmamasdan ni Storm. Kapansin-pansin ang pagbabago ng katawan nito base na rin sa suot niyang bestida.

Lumobo ang katawan niya ng bahagya na bumagay naman sa maganda niyang mukha.

Maya-maya pa ay lumaoit na ito sa kanya.

"Nandito ka pala, mabuti naman at pinagbigyan mo si Paul na dumito ka ngayong gabi." boses iyon ni Storm mula sa likuran.

Panandalian siyang lumingon rito tsaka ibinalik ang tingin sa labas.

"Maliit na bagay lang ang hinihiling niya. Sino ba naman ako para tumanggi. Isa pa, may pinagsamahan din kami at naging mabuti siya sa akin. Maliit na bagay lang ito kumpara sa kasalanang nagawa ko sa kanya." sagot nito na halos hindi maalis ang tingin niya sa kausap.

"Sabagay tama ka. Mabuti naman at naisip mo iyon." walang anu-anong sabi nito.

"Hindi iyon pinag-iisipan. Kusang nararamdaman." pabalang na sagot niya.

Hindi niya maintindihan ang sarili, gustong gusto niya itong nakikita at nakakasama pero oras na nagsalita na ito parang galit na galit naman siya.

"Saan ka pala nagtatrabaho ngayon?" maya-maya ay tanong sa kanya ni Storm.

"Wala,nagbabalak pa lang akong mag-apply naboboring kasi ako sa bahay. Gusto kong magtrabaho."

"Kaya pala,"

"Kapay pala ano?" takang tanong ni Ashy na napatingin pa ito sa kausap dahil sa sinabi nito.

"Kaya pala tumaba ka. Hiyang mo ang taong-bahay lang. " prangka at walang halong kalokohan ang sinabi nito.

"Nang-iinis ka ba? Isang buwan mo lang akong hindi nakita tumaba na agad ako?" naiinis na sagot nito saka niya pinaikot ang mga mata.

"Hindi ako nang-iinis mataba ka talaga. Nakakapanibago ganyan pala itsura mo pag mataba ka,"

"Ang O.A mo so dahil tumaba na ako pangit na ako ganun ba?"

"Ang sabi ko tumaba ka,hindi ko sinabibg pumangit ka. Parang ganda ka pa nga ehh." ngumiti ito habang nakatingin sa kanya.

Akmang tatalikuran na siya ni Ashy ngunit nagsalita ulit ito.

"Ash, may dapat ba akong malaman? Pakiramdam ko kasi may utinatagao ka sa akin. Baka naman pwede mong ishare." tanong niyo.

Namula si Ashy sa tanong ni Storm ngunit nanatili itong kalmado at hindi nagpahalata.

"Anong dapat malaman? Wala akong alam na dapat mong malaman. Lahat ng dapat mong malaman nalaman mo na." sagot niya saka niya ito tinalikuran.

Hindi na siya makakatagal pa na kasama ito.

Kinaumagahan ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Ashy.

"Paul, dalawin na lang ulit kita sa susunod. Kailangan ko na rin kasing magpahinga. May ibterview pa ako bukas sa aaplayan kong trabaho." paalam nito habang hawak ang mga kamay ni Paul.

"Bakit kasi kailangan mo oang mag-appyl sa iba Ash, bukas naman ang kumpanya para sa'yo anytime. Saan mo ba gustong ma-assign? Sa US, sa Europe? Saan sabihin mo lang hindi ka magdadalawang salita sa akin." malambing na sagot ni Paul habang hawak nito ang kamay niya.

"Ano ka ba? Hindi naman importante sa akin kung saan. Sa ngayon kasi gusto kong magsimula ulit. Sa dami ng nangyari, gusto kong magsimula ng walang kinalaman sa inyo ni Storm," ngumiti ito upang mabawasan na rin ang pag-aalala niya.

"Bakit ba kailangan mong umiwas? Umamin ka nga Ash, mahal mo parin ang kapatid ko diba? Nakikita ko lasi kung paano ka niya tingnan, alam ko at ramdam ko na hanggang ngayon ikaw parin ang mahal niya,"

"Kung anu-ano nanaman ang sinasabi mo. Mabuti pa magpahinga ka na. One of this days dadalawin ulit kita." Pangako niya na inasahan naman ng isa.

"Kung sakali lang maging kayo ulit ni Storm, ako na ang pinakamasaya sa mundong ito Ash," sagot nito saka niya hinalikan sa noo.

Hindi na sumagot pa si Ashy, tumayo ito saka nagpaalam.

"Ihahatid na kita, ako ang sumundo sa'yo kaya ako rin ang maghahatidkung saan ka pupunta," alok sa kanya ni Storm habang pababa siya sa hagdan.

"Hindi na Storm, kaya ko na. Isa pa may dadaanan pa ako hindi ako uuwi ng deretso sa bahay. Salamat na lang. Paki-check na lang kung iniinom ba ni Paul ang mga gamot niya." bilin nito saka ito tuluyang lumabas ng bahay.

Hindi na nagsalita pa si Storm.

Ngunit hindi siya mapakali at gusto niyang masigurado na ligtas utong makakauwi kaya lihim niya itong sinundan.

Habang nasa sasakyan, nakaramdam nanaman si Ashy ng pananakit ng ulo at bahagyang pagkahilo.

"Ma'am ayos lang po ba kayo?" tanong ng driver nang mapansing pumikit ito at sumandal sa upuan.

"Okay lang manong medyo nahilo lang. Maning pakidaan naman ako sa pinakamalapit na clinic sasaglit lang ako dun." utos nito sa driver.

Kahit siya mismo ay nagtataka sa naraadan niya kaya sasaglit na siya sa doktor upang magpa-check-up. Kailangan niyang malaman kung okay lang ba siya o kung ano ba ang dahilan ng pagkahilong nararamdaman niya.

Makalipas ang ilang sandali nakarating na siya sa clinic. Nakaupo ito habang naghihintay ng resulta sa laboratory tests niya.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ashy ng mga oras na iyon.

Habang iniaabot sa kanya ng doktor ang papel kung saan nakasulat ang resulta ng tests niya...

"Congratulations ma'am, you are one month pregnant. Normal lang ang mga nararamdaman mo. Bsta inumin mo lang ang mga vitamins na nakalagay diyan at monthly check-up. Huwag masysdong magpa-stress and iwasan ang pagbubuhat ng mabibigat." Nakangiting paalala ng doktor.

Nagpaalm na siya sa doktor at dahan-dahan na lumabas ng clinic.

Hindi alam kung saan pupunta. Bigla niyang naalala na isang buwan na pala ang lumipas mula noong may nangyari sa kanila ni Storm sa loob ng sasakyan nito.

Napaluha na lang siya habang hawak ang papel. Agad niya itong isinilid sa loob ng bag niya.

Agad siyang umuwi ulang magpahinga. Hangga't maari ay ayaw niyang maapektuhan ang dinadala niya ng anumang negatibong pangyayari.

Naabutan niya doon sina Jem at ang mama nito.

Naupo siya sa sofa at tumingin s akanilang dalawa

"Kumusta si Paul?" tanong ng mama nito.

"Okay naman ma, medyo sumigla siya. Mas magaan lang yung pakiramdam ko ngayon dahil alam kong wala na akong sama ng loob sa kanya. Sana gumaling na siya ng tuluyan." sagot nito habang nakapikit.

"Ikaw okay ka lang ba?" Tanong naman ni Jem.

Hindi niya alam kung tama. Pero waka siyang planong ilihim uto sa kanila. Inilabas niya ang papel sa loob ng bag niya saka iniabot kay Jem.

"Ano to?" Takang sagot ni Jem.

Binuksan niya ito. Halos mapatili nang mabasa nag laman ng papel. Agad namang inabot ito ng mama niya.

Napaluha ito ng mabasa ang laman nito.

"Ashy, sa wakas magkaka-baby ka na!"

"Ang ingay mo. Pwede ba? Huwag kang maingay? Nagpunta ako sa clinic, yan ang resulta. Hindi ko alam ang gagawin ko." tulala ito habang nakatingin sa kisame.

"Alam na ba ni Storm?" agad na tanong ni Jem.

"Parang alam na alam mong si Storm ang ama nito ahh?"

"Siyempre, kanino pa ba? Alangan namang kay Paul yan ehh beki nga yung tao." pabiro namang sagot ni Jem.

"Anak, hindi na mahalaga sa akin kung kailan ito nabuo. Ang mahalaga sa akin ngayon ay magkaka-apo na ako. At kung kay Storm nga iyan, karapatan niyang malaman dahil siya ang ama ng dinadala mo. Hidni ko ito maitatago sa kanya." payo ng kanyang ina habang hawak ang tiyan nito.

"Hindi ko nga alam ma kung paano ko ito sasabihin. Siguradong hindi ako titigilan nun kapag nalaman niya ito. Kilala niyo naman siya lahat gagawin maipaglaban lang ang alam niyang sa kanya."

"Kaya nga Ash, sabihin mo na lang sa kanya para wala ng gulo para happy ending na." Sulsol ni Jem.

"Hindi, hindi ko ito sasabihin sa kanya. Kung kinakailangan kong lumayo para hindi niya ako mahanap gagawin ko. Gagawin ko ang lahat para hindi niya kami makita. Ayokong isugal pati ang magiging damdamin ng anak ko," seryoso itong tumingin sa dalwa.

"Pero Ash..."

"Wala ng pero-pero Jem, tayo lang ang nakaka-alam nito sana naman intindihin niyo ang nararamdaman ko at respetuhin niyo ang desisyon ko. Hangga't maari ayokong malaman ni Storm ang tungkol dito. Kapag malaki na ang tiyan ko lalayo ako. Hanggang sa maipanganak ko ang anak ko. Sa ngayon kailangan pa ako ni Paul. Kaya hangga't maari walang magsasalita.

Wala ng nagawa pa ang dalaqa kundi sumang-ayon na lamang sa desisyon niya.

Makalipas ang ilang araw, dinalaw ulit ni Ashy si Paul.

"Akala ko hindi mo na ulit siya dadalawin." seryosong tanong ni Storm habang papasok ito ng bahay.

"Nangako ako sa kanya at tutuparin ko iyon. Bakit? Bawal na ba ang dumalaw ngayon? Hindi naman ikaw ang dadalawin diba?" masungit na sagot nito sa kanya.

"Bakit ba ang init ng ulo mo? Waka namang masama sa sinabi ko diba? Daig mo pa ang naglilihi ahh," Sagot nito habang seryosong nakatitig sakanya.

Biglang napatingin sa kanya si Ashy. May tama kasi ito at nakuha niya ang dahilan.

"Kung anu-anong oumapasok sa utak mo. Maglinis ka nga ng isip mo." pinaikot nito ang mga mata saka akmang aakyat.

Bigla siyang hinawakan ni Storm sa kamay sabay sabing.

"Dahan-dahan sa pag-akyat, madulas ang hagdan," babala nito sabay ngiti.

Nagtaka si Ashy sa sinabi ni Storm. Naninibago ito sa mga salitang binibitawan niya.

Nakaramdam siya ng kaba habang paakyat, dahan-dahan nga ang pag-akyat nito. Pati paglalakad ay daha-dahan na rin.

"Kumusta ka?" Bungad nito kay Paul habang papalapit itonsa kanya. Halatang kakatapos lang nitong maligo dahil basa pa ang bujok nito.

"Okay naman na. Mukhang effective yung pagdalaw mo sa akin. Bumuti ang lagay ko and hoping na tuloy-tuloy na ang paggaling ko." masayang balita nito sa kanya.

"Ikaw Ash, kumusta ka naman? I mean, kumusta ang paghahanap mo ng trabaho?"

"Okay naman katatapos lang ng interview I was hoping na sana makapasa naghihintay na lang ako ng tawag ng HR." ngunitian niya ito.

"Siya nga pala may dala akong prutas, kain ka ha? Para may natural vitamins na makuha ang katawan mo. Makakatulong ito."

"Ikaw din,"

"Ha?" napatingin ito sa kausap.

"I mean ikaw din kailangan mong kumain ng prutas wag purp protein, tumataba ka na ohh?? Sige ka mawala yung sexy figure mo niyan," pagbibiro nito sa kanya.

"Kulang kang siguro sa exercise. Masarap kasi kumain," pagdadahilan nito.

Masaya sila nang araw na iyon. Nagakakwentuhan. Tungkol sa mga naging boyfriend ni Paul at kung paano magalit noon si Storm sa kanya.

"Yun lagi ang madalas naming pagtalunan noon. Paano, mas madalas pa akong magpalit ng boyfriend kesa makahanap siya ng magiging girlfriend. Hindi naman kasi siya talaga naghahanap noon. May nagmamay-ari na kasi talaga ng puso niya." tiningnan niya ito.

"Funny,"

"Of course not. Unang sabi mo pa lang ng pangalan na Storm Robles, remember noong magkakasama tayo nila Jem. Alam kong siya yun. At alam kobg ikaw yung babae, yung dahilan ng matagak niyang pagkakakulong sa lungkot. Kaya gumawa ako ng paraan. Yung kasal, hindi naman talaga para sa atin yun. Para sa inyo. Surprise ko dapat yun sainyo ehh. Kaso itong si Storm masyadong worried sayo. Ayan binuking ako. Ehh di lahat nawala." Sumimangot ito.

"Ano ka ba, hayaan mo na yun. Matagal ng tapos. Ang mahalaga ngayon maging okay ka na. Ikaw rin malulungkot ang boyfriend mo." malambing na sagot ni Ashy sa kanya habang hawak aprin ang mga kamay niya.

"Mabuti na lang nabago na yung will ng mama at papa. Hindi ko na kailangan ng mapapangasawa. Ginawan ni Storm ng paraan paraailipat na sa pangalan ko ang para sa akin. Kaya sobramg thankful ako. Sana maging masaya na rin siya." makahulugan ang tingin na ibinigay nito sa kanya.

Hindi umimik si Ashy.

Hapon na kaya nag-paalam na rin ito.

"Hatid na kita. Mahirap ng kumuha ng sasakyan ngayon. Isa pa hindi ka sigurado aa masasakyan mo baka kaskasero," nagulat siya ng marinig niy si Storm na nagsalita mula sa likuran niya.

"Hindi na kailangan. Sanay akong mag-comute kaya okay na, uuwi akong mag-isa." tanggi nito nnibhindi man lang niya ito nilingon. Hindi niya tuloy nakita kung gaano ito nag-aalala sa kanya.

"Bakit ba lagi mo na lang akong tinatanggihan. Hanggang..."

"Hanggang diyan ka na lang. Susunduin ako ni Jem," pagtutuloy nito sa naoutol niyang saluta at lumabas na ito ng pintuan.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.