Chapter Forty Five

“ZY, are you sure you’re okay to leave later?" tanong sakanya ni Bobbie habang nakaupo ito sa may sala ng bahay ni Blue. Hanggang ngayon ay doon pa din sila tumutuloy ng mga anak niya kahit pa nga sinabi na niya kay Blue na sa bahay nalang ng mga magulang nila sila titira ng kambal. Hindi siya kinibo ni Blue nang sabihin niya iyon kaya naman hindi nalang nagpumilit pa si Zyline. Ayaw na din naman niyang madagdagan pa ang samaan nila ng loob ng kapatid niya. Pabebe na nga si Blue, dadagdag pa siya.

Nabanggit sakanya ni Cyan na nasabi daw ni Cupid dito na hindi nag-uusap si Blue at Thunder kahit sa trabaho. Hindi niya maiwasang maguilty tungkol sa bagay na iyon. Gusto ni Zyline na kausapin si Thunder para naman maayos nito at ng kapatid niya ang hindi nila pagkakaintindihan. Bata pa lang ay magkaibigan na ang mga ito. They’re actually brothers from different mothers. Tinginan pa lang ng mga ito’y nagkakaintindihan na ang mga ito.

“Wala namang masama, Bobbie,” nagkibit-balikat si Zyline. Nakaupo siya habang nakatingin lang sa cake na nasa ibabaw ng lamesita. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang nagpakawala ng buntong-hininga mula kanina pa. Pilit niyang iwinawaksi ang asawa sa isipan.

“Wala nga. Your brother will be there. His wife, your brother’s friends…”

Lumipad ang tingin niya sa kaibigan. “Nandoon silang lahat?” tanong niya dito habang nakakunot ang noo. Tumango naman ito sakanya. Inimbitahan siya ni Bobbie na dumalo sa pagtitipon kung saan magsasama-sama ang mga matataas ang katungkulan sa gobyerno, maging ang mga negosyante sa bansa. Pupunta si Bobbie dahil pupunta ang ama nito. Dapat ay inexpect na niya iyon. Imposibleng walang Monteverde, Gonzales, De Guzman at Dela Cruz doon.

“Well, I saw their names on the guest list. Isa pa’y naroon ang pinsan nilang si Daniel,” nagkibit-balikat ito bago uminom ng juice. “Nasaan pala ang mga inaanak ko?” tanong nito sakanya bago luminga-linga para hanapin ang kambal.

“Sleeping…” sagot ni Zyline. Sa sobrang tuwa ni Cyan na magkakasama ang magpipinsan, pinilit nito si Blue na pag-isahin ang kwarto ng magpipinsan kaya naman napakalaki ng kwarto ng mga ito at sama-sama sila doon. Pumayag nalang din siya dahil tenporary lang naman iyon.

“Baka naman lumaking antukin ang mga bata, Zyline. Lagi nalang silang tulog…” natatawang komento ni Bobbie. Hindi naman kumibo si Zyline. Ibang bagay ang nasa isip niya at hindi niya magawang makipagbiruan din sa kaibigan. “Are you sure about the annulment?” tanong ni Bobbie habang nakatingin sakanya. Sumeryoso na din ang mukha nito. Kung mayroong taong hindi nahihiya si Zyline magkwento ng kung ano-ano ay kay Bobbie iyon.

Noong gabi na nagpunta si Hunter doon sa bahay ni Blue, tinawagan niya si Bobbie nang makauwi siya.

He said he loves her.

But his words aren’t enough. Kulang na kulang ang sinasabi ni Hunter dahil iba naman ang nakikita ni Zyline. Kung sana’y ipinakita nito na hindi labis-labis ang pag-aalala nito kay Tanya’y hindi siguro ganoon ang nangyari sakanila.

Hindi nagsalita si Zyline. Sa halip, kinuha nito ang unan at niyakap iyon. Nakausap na niya si Blue tungkol sa annulment. Sinabi niya na gusto na niyang makipaghiwalay dito at kung maaari ay tulungan siya nito.

Iisa lang ang sinabi ni Blue sakanya.

“Think about it.”

“Zyline…”

Nag-angat siya ng tingin kay Bobbie.

“Ex na ‘yon, diba? Bakit ganoon? Bakit mas malaki pa din ‘yung impact niya?” tanong ni Zyline. Napangiti siya ng malungkot. “Bakit parang mas mahalaga pa din siya kaysa sa akin?”

“Zyline…” tumayo si Bobbie at lumapit sakanya. Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil. “Don’t go there, Zy, okay? Huwag.”

“Kapag mahal mo, hindi mo dapat sasaktan, diba? Kapag mahal mo, hindi mo siya bibigyan ng dahilan para mahirapan. Kapag mahal mo, hindi mo hahayaang umiyak siya dahil nasasaktan siya. Pero bakit si Hunter…?”

“Zyline, kung totoo mang mahal pa ni Hunter ‘yung ex niya, then he’s the biggest jerk in town. Seriously, he’s letting the best girl for him. I know he’s not blind to see that you are for him. Maybe he’s just confused? Hindi ko din alam…” ani Bobbie habang nakatingin pa din kay Zyline.

“Confused? He said he loves me…”

“Confused kasi nasaktan siya noon. Confused kasi ‘yung pride na meron siya, naapakan. He loved her, and he loves you. Hindi mo ba nakikita ‘yung pagkakaiba?” tanong nitong muli sakanya.

“Bakit ba kay Hunter ka kumakampi?” tinignan niya ng masama si Bobbie. Napatawa naman ito bago muling tumingin sakanya. Malamlam ang mata ni Bobbie habang nakatingin sakanya. Hindi din nawawala ang ngiti sa mga labi nito.

“That’s not true, Zy…” he let out a throaty laugh. “I’m just being fair…” he shrugged and smiled again.

Zyline rolled her eyes. “Gusto ko lang naman na walang kahati sa taong mahal ko. Masama ba iyon?” she sighed again.

Inakbayan ni Bobbie si Zyline. “No. When you’re in love, you became selfish. You owned him, he owns you… it’s normal. Abnormal lang talaga kayong mga babae…”

Tinitigan niyang muli ng masama si Bobbie. “Kung makapagsalita ka naman diyan kala mo lalaking-lalaki ka…”

Hindi naman kumibo si Bobbie dahil sa sinabi niya. Imbes na ituloy nila ang usapan tungkol doon, nagpatulong nalang siya kay Bobbie na magluto ng lunch nila. Hindi din naman sila sabay ni Cyan magpupunta sa party dahil napagkasunduan na nila ni Bobbie na sabay sila.

“Blue will pick me up later…” ani Cyan habang kumakain sila. “Pero iiwan ang kambal…” sumimangot si Cyan na tila inaasar si Enzo at Lean.

“Sabay kami ni Bobbie…” sabi naman ni Zyline dito. “Okay lang namang maiwan ang kambal dito, diba?” tanong niya dito. Iniisip niya din kasi kung tutuloy pa ba siya kahit pa naka-oo na siya. Hunter might be there.

“Oo naman, no. They will be safe here…” sagot ni Cyan bago bumaling kay Bobbie. “Wag mo muna ligawan si Zy, okay?” kinindatan pa nito si Bobbie.

Halos mabilaukan naman si Zyline dahil sa sinabi ni Cyan. “Cyan, ang kadiri mo!” asik niya dito. Hindi naman nagsalita si Bobbie. Ngumiti lang ito habang kumakain.

“What? Honestly, he’s a good catch. Bakit kasi ‘di mo niligawan si Zyline noong wala pang Hunter Dela Cruz? Eh, di ngayon, hirap na hirap ka diyan?” may halong panghihinayang na sabi ni Cyan. “Oh, Keij… that was a compliment, okay? Meaning magaling ‘yung daddy mo…” she smiled at Zyline’s son. May ugali kasi talaga si Keij na tititig ng masama kahit pa hindi naman nito naiintindihan ang sinasabi ng mga kasama nito. Para bang alam nito kapag ang daddy nito ang pinag-uusapan.

“Seriously, Cyan. Ang kadiri mo…” iiling-iling na sabi ni Zyline. Hindi niya man lang maimagine na liligawan siya ni Bobbie. Yes, manly itong kumilos sa harap ng karamihan pero mas babae pa ito sakanya kaya naman alam niyang hindi sila talo na dalawa.

Cyan looked at Bobbie and raised a brow. Bobbie just smiled at her. “Okay. Sabi mo, eh…” muling bumaling si Cyan kay Zyline. “Anyway, Hunter will be there later…”

Natigilan si Zyline. Alam naman niya na naroon si Hunter. Pero biglang kumalabog ang dibdib ni Zyline. Bakit ba hindi nalang kasi siya mawalan ng pake sa lakaki? Nagagawa naman nito ang bagay na iyon sakanya, bakit ba hindi niya din magawang balewalain ito?

Mas malalim ‘yung feelings niya dito kaysa sa feelings nito para sakanya. It’s the sad truth. Kaya kahit na gusto niyang gawin ang mga bagay na ginagawa ng lalaki para maramdaman nito ang nararamdaman niya, hindi niya magawa. Hindi niya kayang gawin.

Kaya hirap na hirap siyang labanan ang temptation na kausapin ito. Hirap na hirap siyang lumayo dito.

But he’s still fucked up. He’s so fucked up that he doesn’t even care if she’s hurting or what.

Pero isang bagay din ang hindi maitatanggi ni Zyline. Mahal niya ito. Mahal na mahal niya at natatakot siya sa pagmamahal na nararamdaman niya. Mahal na mahal niya ito at natatakot siyang konting suyo nito ay bibigay na siya.

Pero may isang bagay na natutunan si Zyline sa mga nangyayari. Kapag nagawa na ng isang tao, kahit pilitin mong magtiwala sakanya, hindi na maalis sa isipan mo na kaya niya pa ring ulitin iyon.

Nagiging unfair ba siya?

Nagiging fucked up na din ang utak niya.

Gusto niyang lumayo sa lalaki… hindi dahil hindi na niya ito mahal pero dahil mahal niya ito. Gusto niya lang makita kung hanggang saan ang kaya nito para sakanya.

Pumasok na din sa isip niya na baka maghanap na talaga ng iba ito pero kung mahal siya nito, hindi naman nito gagawin iyon agad, hindi ba?

Kung mahal siya nito, hindi ito susuko kaagad.

If he really want her in his life, he must do something to keep her.

“Zy…”

Napapitlag siya nang sipain ni Cyan ang paa niya sa ilalim ng lamesa. “What?” tanong niya sa babae.

“Sabi ko, nandoon si Hunter mamaya…” ulit ni Cyan. “Sigurado ka bang tutuloy ka pa?” dagdag nito.

“You’re funny, Cy. Tinatanong mo pa ako, kung magsasabi naman ako ng hindi, malamang na pipilitin mo din ako…”

“Oo nga…” she grinned.

“Pupunta ako,” sagot niya bago ipinagpatuloy ang pagkain. Si Bobbie naman ay abala sa pag-aasikaso kay Kol.

Matapos silang magtanghalian ay nagpahinga lang muna sila ng saglit at nauna na si Cyan na umalis dahil dadaan pa ito sa spa ng magulang nito habang nagpaiwan naman siya.

“Babalik nalang ako mamaya, Zyline. 6 pm sharp, okay?” bilin ni Bobbie sakanya. Tumango naman siya dito. Nasa may kwarto niya si Zyline at naroon din ang kambal.

“Don’t worry. Everything will be alright,” sabi ni Bobbie bago ginulo ang buhok niya at umalis na.

Napabuga ng hangin si Zyline.

Siguro nga’y nakakahawa na din talagang mabaliw.

Gusto niyang kausapin si Hunter. Pero gusto niya din naman na ito ang mauna. Gusto niyang suyuin siya nito… gusto niya na ipakita nito na mas mahalaga siya kaysa kay Tanya. Yes, he’s trying. Pero masama bang hangarin ni Zyline na gawin iyon ni Hunter araw-araw?

“Ugh. Okay, nasaktan ko din naman si Hunter. Pero hindi ko naman kasi gagawin ‘yon kung hindi niya ginawa iyong ginawa niya…” reklamo niya habang nakatingin kay Keij at Kol. Si Kol ay tahimik lang na nilalaro ang stuffed toy na regalo ni Mika habang inaagaw naman iyon ni Keij dito.

“Should I talk to him?” tanong niya sa mga anak. Hindi naman nagsasalita ang mga ito ngunit si Keij ay ngumingiti sakanya.

Dapat bang pairalin niya din ang pride niya sa bagay na ito? Dapat bang kalimutan niya na ang galit at makinig kay Hunter?

But it’s not easy.

Hindi madali lalo pa’t nakikita niya na may halaga pa din ang nakaraan nito kaysa sakanya. She loves him, yes… pero gusto lang din naman niyang ipakita nito kung ano ba siya sa buhay nito.

Maghapon niyang kasama ang mga anak niya at bandang alas-singko na din noong magsimula siyang gumayak. Hindi naman kailangang magpaganda ng husto si Zyline doon. Isang black dress ang napili niya na may mababang neck line. No, she’s not going to seduce anyone, hindi din siya nagpapaganda para sa kanino man. Gusto niya lang maging presentable.

Inilugay niya lang ang bahagyang kinulot na buhok at naglagay ng make up. Kaya niyang ayusan ang sarili niya kaya hindi na siya nag-abala pang magpunta sa salon para doon. Saktong alas-sais naman nang kumatok ang kasambahay nila Cyan para sabihan siya na naroon na si Bobbie. Naglagay nalang si Zyline ng lipstick at bumaba na din dala ang purse niya.

“On time,” komento niya kay Bobbie na gwapong-gwapo sa suot nito. Ngumiti naman ito bago tumayo at inalalayan siya sa pagbaba.

“Papasa ka ng lalaki niyan, Bobbie…” natatawang sabi ni Zyline. Hindi naman nagsalita si Bobbie. Matapos magbilin sa mga kasambahay doon para sa dalawang kambal ay umalis na din sila Zyline at Bobbie. Hindi naman ganoon kalayo ang venue dahil Makati lang naman ang lugar pero hindi pa din nila naiwasan ang traffic kaya dumating sila doon ng bandang alas-siete na.

“Just stay with me, di kita papabayaan…” sabi ni Bobbie sakanya habang akay-akay siya papasok. Tumango naman siya at ngumiti dito.

Pagpasok pa lang ay marami na agad pamilyar na mukha si Zyline na nakita. Akala niya ay negosyante at mga may katungkulan lamang sa gobyerno ang naroon pero maging mga artista ay kasama doon.

May mga bumabati sakanya at kay Bobbie at tanging ngiti lang ang isinusukli niya sa mga ito.

Hinahanap niya si Cyan nang may bumangga sakanya.

“Zyline!”

Bigla siyang niyakap ni Cristine. “Buti naman at nandito ka! Dali doon tayo…” hinawakan ni Cristine ang kamay niya at hinila siya papunta sa lamesang inookupa ng mga ito. Si Bobbie naman ay sumunod lang sakanila.

Naabutan niya sa lamesa si PJ kasama si Stephanie, si Thunder kasama si Rain, si Cupid na katabi ni Cyan at ang kapatid niyang si Blue na tila nanggaling sa kung saan.

“Look, guys. Zy’s here!” masiglang sabi ni Cristine sa mga kasama. Tumayo naman si Steph at Rain para lapitan siya at yakapin.

“Okay, boys, magtabi-tabi na kayo at magtatabi-tabi kami…” sabi ni Cyan sa mga kasama nito sa lamesa.

“Kung ano-ano na naman pag-uusapan niyo,” reklamo ni Cupid. “Cyan, BI ka kaya sa mga ‘yan. Ikaw pinaka-madumi isip diyan, eh,” dagdag pa nito.

“Kesa naman sa inyo, no. Puro kayo boobs! Lalo ka ng Kupido ka!” asik ni Cyan dito.

“Just give them what they want,” sabi ni Blue bago tumayo at nagpaubaya. Tumayo nalang din si PJ at Thunder habang iiling-iling si Cupid.

“So, anong pag-uusapan?” tanong ni Rain kay Cyan na natatawa.

“Anything? We can talk about our husband’s butt… what do you think?” pilyang sabi ni Cyan. Natawa naman si Cristine.

Tahimik lang si Zyline at nakikisali lamang siya kapag tinatanong siya. Napunta tungkol sa mga anak nila ang usapan kaya naman lahat sila'y may kani-kaniyang opinyon.

“I believed that’s my place.”

Natigilan si Zyline nang marinig ang boses ni Hunter.

“Hunter, may ibang upuan pa naman at—“

“That is my place…” putol ni Hunter sa sinasabi ni PJ.

“Hunter, don’t make a scene,” saway ni Thunder sa kapatid.

Natawa naman si Hunter. Tila nagtayuan ang mga balahibo ni Zyline sa batok dahil doon. “Chill, people. I’m just saying that beside Zyline is my place.”

Napilitan na siyang lumingon sa lalaki. Katabi niya si Bobbie na halatang nagpipigil din na sagutin ang lalaki.

“Hunter, madami namang upuan at—“

“Yeah, I can take yours, too, so you’ll sit on my lap. Would you like that, Zyline?” he smirked.

“Hunter!” pinanlakihan naman niya ito ng mata.

“Pervert…” komento ni Cyan.

“That’s a nice pick up line, Hunter,” sabi naman ni Cupid na nakangiti.

“Oh, God.” Stephanie shook his head.

Hindi naman kumikibo si Blue.

“Sir Rob, pinapatawag po kayo ng Daddy niyo,” may isang babaeng lumapit kay Bobbie kaya naman kahit na alam ni Zyline na labag sa kalooban nito ay tumayo na ito. Nakangisi namang umupo si Hunter sa silyang binakante ni Bobbie.

Napapailing na ibinaling nalang ni Zyline ang atensyon sa mga babaeng kausap kanina nang maramdaman niya ang kamay ni Hunter sa legs niya. Kumunot ang noo niya nang lingunin niya ito. Nakikipag-usap ito kay PJ tungkol sa negosyo at tila wala itong ginagawang kakaiba sa ilalim ng lamesa.

Hinawakan niya ang kamay niyo at tinanggal iyon mula sa legs niya.

Hunter laughed.

Mas nainis naman si Zyline dahil ang atensyon nito ay nasa negosyo pa ding pinag-uusapan nila. Sumali na rin sa usapan si Cupid.

“Damn…” mahinang bulong niya nang muling maramdaman ang kamay ni Hunter. Pinipisil-pisil nito ang hita niya at naiinis siya sa sarili dahil sa epekto nito sakanya.

“Okay ka lang, Zy?” tanong ni Stephanie sakanya. Tumango naman siya. Pilit niyang tinatanggal ang kamay ni Hunter sa legs niya pero hindi matinag ang kamay ng lalaki. Ayaw naman niyang ipahalata sa mga kasama sa lamesa na may kababalaghang ginagawa si Hunter sakanya.

Sa sobrang inis ni Zyline ay ginaya niya ang ginagawa ni Hunter at hinawakan niya ang mismong pagkalalaki nito.

Siya pa ang naeskandalo nang maramdaman niyang buhay na buhay na iyon.

Hinawakan ng isang kamay ni Hunter ang kamay niya nang akmang tatanggalin niya iyon. Hindi maiwasan ni Zyline mapamura sa isipan dahil sa nangyayari.

Hunter started rubbing her hands on his crotch.

“Zy, are you okay?” tanong ni Cristine sakanya. Alanganin siyang ngumiti at tumango. “Y-yeah. I’m fine…” pilit niya ding binabawi ang kamay mula sa pagkakahawak ni Hunter pero mahigpit ang hawak ni Hunter dito.

Nanlalamig ang kamay niya ngunit nararamdaman din niya ang pag-iinit ng katawan niya dahil sa ginagawa ni Hunter.

Paano nitong nagagawang makipag-usap ng sobrang kalmado habang ang kamay niya ay nasa pagkalalaki nito?

“Heaven, come with me. May mga ipapakilala ako sa’yong partners ni Lolo…” inaya ni PJ si Stephanie kaya nabawasan ang kasama nila sa lamesa. Si Cupid naman ay inaya din si Cristine para tignan ang pagkain kahit na may nagseserve naman.

“Blue, samahan mo ako,” ani Cyan sa asawa.

“Where?” Blue asked her.

“Ladies room,” sagot naman ni Cyan. Hindi naman nagdalawang isip si Blue at tumayo na para samahan ang asawa nito.

Hindi naman makakibo si Zyline. Unti-unting nawawala ang tao sa lamesa nila… at nasa harap pa din ni Hunter ang kamay niya.

“Thunder, ‘di kayo aalis ni Einah?” tanong ni Hunter sa kapatid nito.

“Asshole. I know what you are doing…” iiling-iling na sabi ni Thunder. “Sweetheart…” tumayo na si Thunder at inaya si Rain. Nakangiti namang nag-excuse si Rain sakanila.

“Bitawan mo na nga ‘yung kamay ko, Hunter…” sabi ni Zyline nang maiwan silang dalawa sa lamesa.

“But you’re enjoying it, too, right?” itinukod ni Hunter ang siko sa lamesa at tinignan si Zyline. Nakangiti din ito sakanya.

“Pervert…”

“A handsome pervert, you mean?” he smiled again.

Hindi maiwasan ni Zyline ang paglukso ng puso niya sa ngiti ni Hunter. Namiss niya ang ngiting iyan ng lalaki.

“Ano bang gusto mo?” tanong niya dito para mawala sa isip na hawak niya pa din ang pagkalalaki nito at ang init na nararamdaman niya.

“You…” diretsong sagot ni Hunter. “You looked beautiful in that dress, my Zyline… but I am sure you’re more beautiful when you're naked…” ngumisi sakanya ng malawak si Hunter.

“Hunter!”

May mga ilang taong lumingon sa kinauupuan nila kaya naman napangiti si Hunter habang nakatingin sakanya. May ibang ngumiti pa sakanilang dalawa at tinanguan naman iyon ni Hunter.

“Just please let me go…”

“Iyong kamay mo o ikaw mismo?” tanong ni Hunter. “Alinman sa dalawa, wala akong planong bitawan…” sumeryoso ang tinig ni Hunter habang nakatingin sa mukha niya.

“Hunter…”

“About the annulment, Zyline…”

Napatuwid ang likod ni Zyline. Pumapayag na ito?

Itinaas ni Hunter ang kamay niya at isinuot ang wedding ring nila. “Walang maghihiwalay…” ngumisi si Hunter sakanya.

“Hunter, sinabi ko na sa’yo ang gusto ko at—“

“Sinabi ko na din sa'yo na ikaw ang gusto ko,” nagkibit-balikat si Hunter at kinindatan si Zyline.

“Malala ka na, Hunter…” iiling-iling na iniwas ni Zyline ang tingin kay Hunter at pinagmasdan ang mga tao na naroon sa party.

“May tanong ako, Zyline…” narinig niyang sabi ni Hunter. Nilingon niya ito. Nakatingin naman si Hunter sakanya at may ngiti sa labi niyo.

“What is it?” tanong niya dito.

“Pwede bang manligaw? Hanggang sa bumalik ka na sa akin? Hanggang sa umuwi ka na sa bahay natin? Pwede bang manligaw ako sa’yo para patunayan kong ikaw ang mahal ko?” tanong ni Hunter sakanya.

Natigilan siya habang nakatingin sa mukha ni Hunter. Walang halong pagbibiro ang mukha nito.

He smiled and moved closer to her face.

“Wag mo ‘kong pahirapan, ah? Namimiss ko na kayo ng kambal… asawa ko.” Bulong nito bago dumampi ang labi ni Hunter sa labi ni Zyline.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.