KANINA pa bored na bored si Hunter sa party na pinuntahan nila. Isa lang ang inaabangan niya sa gabing iyon… ang pagdating ng asawa niya na hindi naman niya malaman kung bakit ang tagal.
Nakausap niya kanina si Thunder at kinumpirma nito sakanya na darating si Zyline ngayong gabi, ayon na din kay Cyan. Ang hindi niya ikinatutuwa ay ang pagdalo nito kasama si Roberto. Kung bakit ba panay ang dikit ng lalaking iyon sa asawa niya’y di niya alam. Hanggang ngayon ay nagpapanggap pa din itong bakla kay Zyline. Talaga bang hindi mapansin-pansin ni Zyline na lalaki iyon at hindi binabae? She should stay away from Mikaela Michelle… hawang-hawa na ito sa pagiging slow nito.
Hindi napigilan ni Hunter mapailing. Kanina pa niya hawak ang isang stick ng sigarilyo pero hindi niya sinisindihan. He used to smoke before. Pantulong niya sa pagtanggal ng stress na nararamdaman niya. Pero hindi na niya ginagawa iyon ngayon. Zy’s his stress reliever but she’s also the one who’s giving him stress. How ironic. Muli, napailing nalang si Hunter habang nilalaro-laro ang isang stick na nasa kamay niya.
“What are you doing here?” tanong ni PJ sakanya nang nagpunta din ito sa open space ng pinagdadausan ng party kung saan napili ni Hunter na umupo at mapag-isa. Nagkibit-balikat lang si Hunter. Hindi naman sila close ni PJ, bakit niya kakausapin ito? As far as he’s concerned, ang mga kapatid niya ang kaibigan nito.
“How’s Thunder?” tanong ni PJ sakanya.
“Well he can still fuck hard, I guess…” he replied. Hindi naman siya mukhang nasa information table, hindi niya tuloy maiwasang mainis nang sakanya nagtanong si PJ.
“Tangina. Dela Cruz nga ‘to,” iiling-iling na sabi ni PJ sakanya. Hindi naman nagkomento si Hunter sa sinabi nito. Ano ba ang inaasahan nitong isasagot niya sa tanong nito? Kung gusto nitong kamustahin si Thunder, pwede namang ang kapatid niya mismo ang diretsong tanungin at hindi na siya. Pwede ding si Einah. Bakit siya pa ang ginugulo nito?
“Seriously, Hunter. How’s Thunder?” he asked again. Nilingon na ni Hunter si PJ.
“What do you think?” pagbabalik tanong niya dito.
“Problematic,” sagot ni PJ sakanya. Hinintay niya pa ang ibang sasabihin nito kaya hindi siya nagsalita.
“You know that Thunder will choose you over Blue, right? Because you’re his brother… but can you fix your mess, too, Hunter?” anang PJ sakanya.
Tinignan naman ni Hunter si PJ ng may halong talim.
“Yeah, I’m prying with your problem, Hunter. Dahil naaapektuhan na ang lahat…” sabi ni PJ kahit pa wala pa siyang sinasabi dito.
“Eh, ‘di wag kayong maapektuhan. Kayo lang naman ‘tong nakikialam,” sarkastikong sabi niya kay PJ. Wala naman siyang sinabing idamay ng mga ito ang mga sarili nito sa problema nila pero ngayon, tila kasalanan niya pang nadadamay sila.
“Tangina, sana nga pwedeng ‘di maapektuhan. Kaso si Thunder at Blue ang nagkakasira. Wala ka bang pakialam kay Thunder? Kasi kung wala, tangina, ipapapatay ko nalang ‘yon para tapos na…” seryosong sabi ni PJ kay Hunter. Halatang nagpipigil na din ito ng galit base sa pagkakayukom ng kamay nito. Ito at si Cupid ang nakaisip na kausapin si Hunter tungkol dito.
Naisip nila na mas mainam sigurong magbawas ng problema si Hunter nang sa ganoon ay unti-unting gumaan ang dalahin nito. Si Thunder lang naman ang madalas na nakakasama ni PJ at Cupid dahil umiiwas si Blue kay Thunder.
At gustong simulan ni PJ iyon sa pakikipag-usap ni Hunter kay Blue.
“Seryoso ka diyan?” tanong ni Hunter kay PJ.
“I’m dead serious,” PJ replied. “Hindi lang kayo ang may koneksyon.”
“Tss…” nag-iwas na ng tingin si Hunter habang inaabangan si Zyline.
“Talk to Blue…”
Kumunot ang noo ni Hunter sa sinabi ni PJ.
“Sino ba talagang gusto mong kausapin ko? Si Thunder o si Blue?” tanong niya kay PJ. Walang dudang kaibigan nga ito ng dalawang nabanggit niya. Magugulo kausap.
“Sino bang kapatid ni Zyline?” balik tanong ni PJ. Ipinilig nito ang ulo at kinamot ang kilay. “Kaya pala ganoon si Mika…” iiling-iling na sabi ni PJ.
“Seriously, bakit ba kayo nakikialam sa problema namin? Wala ba kayong sariling mga problema?” tanong ni Hunter dito. Marahas siyang napabuga ng hangin.
“You are Thunder’s brother. Zyline’s Blue’s sister. Mahalaga kayo sa kanila, ibig sabihin mahalaga din kayo sa amin. That’s how our friendship works…” nagkibit-balikat si PJ sakanya. “Talk to Blue. Kapag sinapak ka, sapakin mo ‘din. Mas lakasan mo pa kung gusto mo,” tinapik ni PJ ang balikat ni Hunter. “Learn to adjust to people, Hunter. Hindi lahat, makikiayon sa gusto mo dahil hindi sa’yo umiikot ang mundo,” tumalikod na ito at naglakad para bumalik sa party.
“Blue’s waiting for you. Kausapin mo,” sabi ni PJ bago tuluyang pumasok sa loob. Nakihalubilo na ito sa mga tao na naroon at naiwan si Hunter na nag-iisa at nag-iisip.
Hindi niya mapigilang isipin kung nasa normal bang pag-iisip si PJ.
Bumalik nalang din siya sa loob at nagbakasakali na naroon na si Zyline pero inakbayan naman siya bigla ni Cupid kaya napahinto siya sa paglalakad.
“Problema mo?” tanong niya dito na nakakunot ang noo. Kanina, si PJ. Ngayon naman ay si Cupid.
“Sobrang gwapo ko, ‘di ko na alam kung paano ko pa pipigilan. Bawat araw, lalong lumalala, eh….” sagot naman ni Cupid sakanya. Nagpakawala pa ito ng malalim na buntong-hininga.
Napamura nalang sa isipan niya si Hunter habang iginagalaw ang balikat upang alisin ang kamay ni Cupid. Baka nakakalimutan na ni Cupid na alam niyang ex siya ni Zyline?
“Seriously, what’s your problem?” tanong muli ni Hunter kay Cupid na ayaw tanggalin ang kamay sa balikat niya. Iniisip ni Hunter kung pwede din kayang sapakin si Cupid gaya ng sabi ni PJ na gawin niya kay Blue.
“May sinet akong date para sa’yo,” nakangising tugon ni Cupid.
Nanliit ang mata ni Hunter habang nakatingin sa lalaki. Gago ba ‘to?
“May asawa na ako…” sagot ni Hunter kay Cupid bago naglakad pero pinigilan naman siya ni Cupid.
“Alam ko…” ani Cupid sakanya. “Pero chicks ‘to, pre…” natatawang dagdag nito sa sinabi.
“May gusto ka pa ba kay Zyline kaya binubugaw mo ako?” tanong niya ulit kay Cupid. Subukan lang nitong umoo at walang pakialam si Hunter kahit pa may mga matataas ang tungkulin na tao ang naroon. Hindi siya mangingiming saktan si Cupid.
“Ay, tangina…” biglang bumitiw si Cupid kay Hunter at tumawa nang tumawa.
“What the fuck?” Hunter hissed. “May gusto ka pa sa asawa ko?” tanong niya kay Cupid na namumula na ang mukha sa kakatawa. Hawak na din nito ang tiyan at halos hindi na makahinga.
“Tangina, kahit kaibigan ka ng kapatid ko, babasagin ko ‘yang mukha mo…” may pagbabanta sa tinig ni Hunter habang nakatingin kay Cupid. Si Cupid naman ay hindi pa din tumitigil sa kakatawa.
“Tangina—“
“Gago ka talaga, Hunter…” putol ni Cupid sa sasabihin niya. Sa sobrang kakatawa nito’y may namuong luha na sa mga mata nito. “Iyong-iyo na asawa mo, gago. Mahal na mahal ko si Cristine, eh…” inalis nito ang bara sa lalamunan bago inayos ang suot. “Pero tangina, natatawa pa din ako…” Hindi naman nagsalita si Hunter habang nakatingin lang kay Cupid. Maya-maya'y tumawa na naman ito. Hindi naman siguro mag-aaway si Thunder at Cupid kung sasapakin niya bigla ang huli.
“You’re wasting my time,” iiling-iling na humakbang palayo si Hunter pero tinawag siyang muli ni Cupid.
“Teka, ang chicks mo din, eh…” pigil nito sakanya.
“Hahanapin ko pa si Zyline,” sagot niya dito.
“Darating din ‘yon. Blue’s waiting for you. Kausapin mo muna ‘yon,” sabi nito sakanya. Natigilan sa paghakbang si Hunter bago lumingon kay Cupid. Nagkibit-balikat si Cupid. “What? Si Blue ang pinaka-chicks sa amin, eh…” ngumisi ito. “Kapag pumalag sa’yo, saktan mo na. Ayos lang sa amin, tulungan ka pa namin,” dagdag ni Cupid bago sinabi kung nasaan si Blue at iniwan na din siya.
Ano bang problema ng mga tao at ang hilig nilang mang-iwan?
Kahit na hindi pa alam ni Hunter ang sasabihin ay pinuntahan niya ang lugar kung nasaan si Blue. Maaga pa naman at wala pa din si Zyline.
Naabutan niya si Blue na nakaupo at mukhang hinihintay talaga siya.
Tinapunan siya nito ng tingin ngunit hindi naman ito nagsalita ng kahit na ano.
He cleared his throat.
“PJ and Cupid told me to—“
“I know…” putol nito sa sinasabi niya. Muling lumingon si Blue sakanya. Ipinilig nito ang ulo bago muling nagsalita. “Zy’s filing an annulment.”
Napatiim-bagang si Hunter sa sinabi ni Blue. Alam na niya ang bagay na iyon dahil sinabi na ni Zyline sakanya iyon. Pero wala siyang balak pirmahan ang kahit anong papel na ipapadala ni Zyline tungkol sa paghihiwalay nila. Mapapagod lang itong padalhan siya ng paulit-ulit. Masasayang lang ang mga punong naputol sa paggawa ng papel dahil walang patutunguhan ang mga iyon.
“She’s asking for my help…” dagdag pa ni Blue.
“It should be a mutual decision, right?” sabi ni Hunter kay Blue. Di naman nagsalita si Blue. “Makikipaghiwalay siya, hindi ako makikipaghiwalay. No annulment, then.”
“Pero gusto na ni Zyline makipaghiwalay sa’yo,” sagot naman ulit ni Blue sakanya. Kumuyom ang kamay ni Hunter habang nakatingin dito.
“Huwag mo siyang tulungan. As simple as that, Blue,” he snapped. Kung tutulong si Blue, alam ni Hunter na mas mapapabilis ang proseso. Pero kahit naman anong mangyari, wala siyang pipirmahang annulment papers. Magsasayang lang ang mga ito ng pagod. He can always ask for Thunder’s help, too.
“She’s my sister. Put yourself on my position, Hunter. Kung si Mika ang niloko at—“
“Hindi ko niloko si Zyline,” putol niya sa sinasabi nito. Iyon naman ang iniisip ng lahat, na niloko niya ang asawa kahit hindi naman. Hindi niya magagawa kay Zyline ang bagay na iyon.
Huminga ng malalim si Blue. “Kung ikaw ang nasa posisyon ko at nangyayari kay Mika ang nangyayari kay Zyline, anong gagawin mo?” tanong ni Blue sakanya. Mas nag-igtingan ang ugat sa kamay ni Hunter dahil sa pagkakayukom nito nang wala siyang maisagot sa lalaki.
“Sa palagay ko ay naiintindihan mo na ako…” sambit ni Blue nang hindi siya nakapagsalita agad.
“Hindi ko niloko si Zyline. May mga hindi ako nasabi sakanya pero hindi ko siya niloko.”
“Alam ko,” sagot ni Blue bago inayos ang suot na salamin at tumingin sakanya.
Hindi alam ni Hunter kung ano ba ang isasagot dito kaya nanahimik nalang siya.
“Zy loves you so much,” basag ni Blue sa katahimikan na namamagitan sakanilang dalawa ni Hunter.
I love her, too.
“And the twins, they’re too young to have a broken family…” huminga ng malalim si Blue.
Isa pang dahilan iyon ni Hunter para hindi bitawan si Zyline. Ang mga anak nila. He loves her and the twins. Walang pagkakataon na nawala ang mga ito sa isipan niya.
“I’m not going to help her,” muling sabi ni Blue kay Hunter. Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi nito. Naguguluhan siya sa ikinikilos ni Blue.
“Pero patunayan mo muna na mahal mo ‘yung kapatid ko, Hunter. Try to court her instead of shouting outside my house. Have some decency. Dela Cruz ka pa naman…” iiling-iling na sabi ni Blue.
“Kung nilabas mo agad si Zyline, hindi ako magsisisigaw sa harap ng bahay mo,” sarkastikong sabi naman ni Hunter dito.
“So it’s my fault now?” bahagyang tumaas ang kilay ni Blue sakanya.
Gustong sumagot ni Hunter ng oo pero pinigilan nalang niya ang sarili. Maybe PJ’s right, kailangan niya munang magbawas ng problema.
“Are we cool now?” Hunter asked Blue instead.
Blue smirked. “Not yet, Hunter. Not unless mapapa-oo mo agad ang kapatid ko…”
“You’re underestimating me, Blue,” he quirks his lips.
Blue squared his shoulder and sighed. “Ginagawa ko ‘to hindi dahil ayoko na makialam sa problema ni Zyline. Ginagawa ko ‘to dahil alam kong mahal ka ng kapatid ko. Gago na ‘yung kuya mo, wag mo na sundan yapak ni Thunder…”
“Tss…”
“I’ll distance myself with your problem. Pero nakabantay ako, naiintindihan mo?” sabi ni Blue bago tumayo at inayos ang coat na suot. “Parating na sila Zyline. Simulan mo ngayon ang panliligaw mo…” ani Blue bago siya iniwan at bumalik sa party.
At muli, iniwan na naman si Hunter.
Pinuno ng hangin ni Hunter ang dibdib bago inihilamos ang kamay sa mukha.
How to fucking court?
May niligawan na ba siya? Si Zyline? Panliligaw ba ang ginawa niya noon? Hindi naman. Kay Tanya? Mas lalong hindi. He just told her he likes her… naging sila na agad. Nadeveloped lang ang pagmamahal doon.
Ngayon, kailangan niyang manligaw.
Damn, katulad ba ng cheesy moves na ginagawa ng mga lalaki na napapanuod ni Mika na sinasabi nito noon sakanya ang dapat niyang gawin? Magsibak ng kahoy, mag-igib? Ano namang sisibakin niya? Iyong bahay ni Blue? Iigiban niya ng tubig ang pool?
“Tangina.”
Wala pa siyang nililigawan, paano naman niya malalaman kung paano?
He dialed Daniel’s number. Hindi nakarating si Daniel doon sa party kahit pa imbitado ito dahil may ginagawa ito.
“What’s your problem?” Daniel asked him when he answered his phone.
Nalukot ang mukha ni Hunter. “Tumatawag lang ba ako kapag may kailangan ako?” tanong niya sa pinsan.
“Cut the drama, fucker. What is it? May pinag-aaralan pa akong kaso, sabihin mo na ang kailangan mo…” sabi naman ni Daniel sakanya.
“Tangina mo. Magtatanong lang ako,” huminga ng malalim si Hunter bago sinabi ang problema niya.
“Alright, what is it?” tanong ni Daniel sakanya.
“Paano ba manligaw?”
Silence.
Walang narinig na kahit na ano si Hunter mula sa kabilang linya.
“Daniel....”
Hindi ito nagsalita.
“Putangina, Daniel Luke Dela Cruz!”
Bigla niyang narinig ang halakhak ng pinsan niya.
“Dapat ata si Kerko nalang tinawagan ko, tangina mo,” ani Hunter sa pinsan.
“Tangina mo, Hunter!” sabi ni Daniel pero muling tumawa ng malakas.
“Seryoso ako, gago!” asik niya sa pinsan.
“I know, bro. I know…” may himig pa din ng pagtawa sa boses ni Daniel. “Pero sino bang liligawan mo? May asawa ka na, ah?”
“Para namang hindi mo alam ang nangyari,” sumandal muna si Hunter sa pader habang nakikipag-usap kay Daniel.
“You want to win her back? Sabi ko naman kasi sa’yo, ang kasal hindi ginagawang biro,” sumeryoso na ang boses ni Daniel.
“Ano sa palagay mo?” sarkastikong sagot ni Hunter dito.
“Then do what you did before. Kung paano ka minahal. That’s your way of courting, Hunter…”
“What do you mean? Ayain ko sa condo at gawin iyon?”
“Tangina, ang manyak mo talagang hayop ka…”
“Wag ka magmalinis…”
“Gago,” sagot naman ni Daniel. “As I was saying, tingin mo ba uubra kay Zyline na padalhan mo ng bulaklak at chocolates? Come on, bro. Asawa mo na ‘yan. Wag mong simplehan ang kailangan mong gawin…”
“Sa tingin mo may natulong ‘yung sinabi mo?” tanong ni Hunter kay Daniel. Nakatanggap naman siya muli ng isang mura dito.
“Seriously, bro. Just be yourself. Iyon naman ang minahal ni Zyline sa’yo, diba?” ani Daniel. “I have to go. Di na nga ako nagpunta diyan, guguluhin mo pa din pala ako…”
“Sige, salamat,” ibinaba na niya ang tawag ay ibinulsa ang cellphone.
He sighed. Maybe Daniel’s right.
Pagbalik niya’y namataan na niya si Zyline na kasama ang kaibigan nito. Kumuha siya ng isang basong alak at tumayo sa ‘di kalayuan habang nakatingin sa asawa.
Zy’s really beautiful. Iba ang ganda nito na bumihag kay Hunter. Well, with that perfectly curved hips… her long and creamy legs… even those not so gifted tits.
Nagpalipas pa ng ilang sandali si Hunter bago lumapit sa lamesang naka-assign sa kanila. Hindi naman talaga siya kasama doon pero bahala na. Tinignan siya ni Blue at tinanguan niya ito ng marahan. Buti nalang din at ipinatawag talaga si Roberto ng tatay nito dahil kung hindi pa ito tatayo, magkakaroon na ng eskandalo.
“Wala ka ba talagang balak itigil ‘yang kamay mo?” tanong ni Zyline sakanya.
Sila na lamang ang naiwan sa lamesa dahil nag-alisan ang mga kasama nila at kung saan-saan nagpunta.
“You want me to stop?” he said sexily.
“Are you seducing me, Hunter?” tinaasan siya nito ng kilay.
“What if I am seducing you, my wife. Anong gagawin mo?” tanong niya sa asawa bago pinisil ang hita nito.
“Stop it,” mahinang utas ni Zyline.
“Make me, Zyline…” he grinned and leaned closer to her face.
Iniwas ni Zyline ang mukha sakanya kaya natawa si Hunter. Well, maybe Daniel’s really right. Maging siya lang siya at mababawi niya din si Zyline. Papatunayan niya dito na kahit gago siya, hinding-hindi niya magagawang lokohin ito.
Habang kumakain sila’y hawak-hawak niya ang kamay ni Zyline at pilit naman nitong binabawi ito.
“Bitawan mo na kasi ang kamay ko, makikita ka ng kuya ko!” bulong ni Zyline kay Hunter.
“So? You’re my wife, Zyline…” nagkibit-balikat si Hunter bago pinunasan ang gilid ng labi ni Zyline at dinala sa sariling labi ang daliring ginamit.
“Still my favorite…” he smiled.
Napailing nalang si Zyline. Sila PJ, Cupid at Thunder ay abala sa pag-uusap tungkol sa negosyo habang tahimik lang si Blue. Marahil iyon ang dahilan kung bakit pilit na nanlalaban si Zyline sa mga hawak ni Hunter.
“Alam niyo, ang boring dito. Punta nalang kaya tayo sa bar ni Blue?” suhestiyon ni Cristine sakanilang lahat.
“Wearing this?” tanong ni Stephanie dito.
“Why not? Kay Blue naman iyon,” ngumisi si Cristine.
“Go ako,” sabi ni Cyan. “Go tayo, Zyline…” aya ni Cyan sa katabi ni Hunter.
“Ha?” tanong ni Zyline dito.
Lihim na napangiti si Hunter.
“Punta tayo sa Blue’s Haven. Nakikinig ka ba? Ba’t namumula ka ba diyan?” kunot noong tanong ni Cristine kay Zyline.
“Uhmm…” umiling ito. “Wa-wala. Sige, sasama ako…” hinawakan ni Zyline ang kamay ni Hunter na tila tinutukso ang pagkababae nito.
“Okay, so lahat tayo pupunta!” masiglang sabi ni Cristine.
“I want that blue drink din kasi…” sabi ni Cyan. “Ano ngang tawag ‘dun, Zy?”
Pigil ang hininga ni Zyline na tumingin kay Cyan.
“Kin-Kinky Jack Frost…”
Nilingon ni Hunter si Zyline.
“What a name. Parang Kinky Krinkles ni Kulog ng SD!” humahalakhak na sabi ni Cristine.
Matapos ang pag-aayaan ay nagtayuan na ang lahat upang magpaalam.
“Hunter, stop it, please?” ani Zyline kay Hunter ng tumayo na silang dalawa.
“Why would I? Kinky, huh?” mas lumawak pa ang pagngisi niya dito.
“I’ll go there with Bobbie and you—“
“You’ll go with me…” matigas na sabi ni Hunter. “Or you want me to do something kinky here?” naghahamon na sabi pa niya dito. Alam ni Zyline na kayang totohanin ni Hunter ang banta nito.
Umiling si Zyline. “You wouldn’t dare do that…”
“Try me,” he smiled dangerously.
Tinitigan ni Zyline si Hunter. Sa huli, ang babae din ang sumuko.
“Okay, pero magpapaalam ako kay Bobbie…”
“Just call him, besides, asawa mo naman ako,” hinawakan na ni Hunter ang kamay ni Zyline at lumabas na. Tinawagan na din niya si Bobbie. Pagkabigay ng susi ni Hunter ay inalalayan nito si Zyline na makapasok sa sasakyan.
“Ang gentleman mo namang pervert ka,” komento ni Zyline.
Ngumiti si Hunter sa asawa.
Pagsakay ni Hunter ng sasakyan ay pinaandar na nito iyon. Hindi ito kumikibo man lang at maging si Zyline ay hindi nagsasalita.
“Wait. Hindi ito yung papunta sa bar, Hunter…” nilingon siya ni Zyline. Hindi kumibo si Hunter at patuloy lang na nagmaneho.
“Hunter!” untag ni Zyline sakanya. “Saan tayo pupunta?” tanong nito. Nakita ni Hunter na hinalughog ni Zyline ang phone nito sa dalang purse pero kanina pa naitago iyon ni Hunter nang alalayan niya si Zyline.
“Where’s my phone?! Saan mo ba ako dadalhin?!” malakas ang boses na sabi ni Zyline.
“Kung saan nagsimula ang lahat…” mahinang sabi ni Hunter sa asawa.
“Ano?” kumunot ang noo ni Zyline.
“I’ll make you fall in love with me again. Sa kahit anong paraan pa. Kahit pa magmukha na akong tanga,” sagot ni Hunter sa asawa at pinagpatuloy ang pagmamaneho pabalik kung saan nabuo ang kambal.