Chapter IRTB, CM 37

Tumango ang dalaga. “Ipinatikim ng chef namin kagabi. Sorry. Nag-iba ka na pala ng venue."

"It's okay. Wala pa naman kaming nahahanap na new venue. But of course, I want my birthday to be extra special. I'll tell my mom to talk to Tita Bevz about it. Malakas ka sa akin."

“Really?” excited niyang tanong at pinagsalikop ang palad.

"Don't ever think that you are special,” Lauraida seethed. “Charity case ka lang para kay Gordon. Alam na namin na may financial difficulties kayo. Naaawa lang siya sa iyo."

"Salamat sa awa. Now that you've tasted her red velvet cupcake, sana naman may pakinabangan ako sa iyo, friend. I-refer mo naman ang bar nila Paloma. Puro ka lang palibre kasi," pambabara ni Jimarah dito.

"Makapagsabi ka naman na mukha akong libre. As if I am patay-gutom. Dadalhin ko ang ninang ko na galing Italy next week," nakabusangot na sabi ni Lauraida. “Gordon, gusto ka nilang makilala.”

"Thank you, Lauraida. Titiyakin ko na mag-e-enjoy sila."

She had to be nice. Really extra nice. Networking daw ang tawag dito ng tiyahin niya. Nagpapasalamat na lang siya na hindi siya pinahihirapan ni Gordon. Nakuha talaga niya ang kiliti nito.

"Kumain ka na," udyok ni Jimarah sa kanya.

"Busog pa ako." Wala siyang ganang kumain. Nakabalik sya sa grupo pero nag-iba na ang lahat. Pakiramdam niya ay wala na siyang pagkakapareho sa mga ito. Dati ay okay lang sa kanya na makipagsabayan sa mga ito mula sa modernong pananamit at sa lahat ng uso. Nangangapa pa siya sa grupo di gaya kay Jeyrick.

"Hindi ako ang nagpapasabi. Si Jeyrick." At ipinakita sa kanya ang text message mula kay "Tukmol". Si Rjan iyon.

Binasa niya ang text message.Sabi ni Jey kumain na daw si Paloma. D dw cya makkain pg di pa kumain ang prinsesa niya.

Kinuha ni Jimarah ang cellphone sa kanya at nag-type. Ayaw pa daw nyang kumain. Walang gana. Mag-diet na rin iyang friend mo.

Tinampal ni Paloma ang braso ng kaibigan. “Uy, sira ka! Huwag mong sabihin iyon.”

"Ano iyan?" usyoso ni Lauraida.

"Wala. Mag-restroom lang kami,” sabi ni Jimarah at tumayo.

"Sama ako,” ungot ni Lauraida. Alam naman niya na makiki-tsismis lang ito para I-report kay Gordon ang pag-uusapan nila.

"Kumakain ka pa. Ayaw ni Gordon sa babaeng masyadong payat,” sabi ni Jimarah dito at nilagyan pa ng cupcake ang platito nito. Walang pag-aalinlangan naman na nagprente ng upo si Lauraida habang nagpapapungay ng mata kay Gordon na abala sa pakikipag-usap tungkol sa game na Warcraft.

“Anong meron sa kanila ni Gordon?” tanong ni Paloma kay Jimarah habang papunta sila sa restroom.

“Ayun! Nanliligaw kay Gordon. Kaya mainit ang ulo ng babaeng iyon sa iyo dahil ikaw ang laging hinahanap ni Gordon. Pero huwag na natin silang pag-usapan. Alam ko naman di ka ganoon kainteresado.” Pagdating sa restroom ay nag-dial sa cellphone si Jimarah. "Hello, Rjan. Pakausap si Jeyrick. Kasama ko si Paloma." At inabot ang phone sa kanya.

Natulala siya habang nakatitig sa telepono. Talaga bang ipapakausap ng kaibigan si Jeyrick sa kanya. "Hello," aniya sa nanginginig na boses.

"Hello, Paloma. Ayos ka lang ba? Hindi ka ba sinaktan ng tita mo?" nag-aalalang tanong ni Jeyrick.

"Hindi. Nagalit lang sa akin si Tita Bevz pero kahit kailan hindi naman niya ako pinagbuhatan ng kamay. Pasensiya ka na kung di na ako nakasama sa birthday mo. Hindi na rin ako nakatawag o nakapag-text man lang. Hinuha na rin ni Tita ang cellphone ko. Ibang number na ang gamit ko. Mamo-monitor na niya ang kausap ko. I am sorry."

"Kasalanan ko. Hindi ka sana mapapagalitan kung nagpaalam ako nang maayos.”

"Hindi. Kasalanan ko. Ako ang nagsinungaling sa kanya. Alam ko naman na hindi siya papayag na pasamahin ako sa birthday mo kapag nagpaalam ka.”

"Kasi hindi ako mayaman? Di ako bagay sa iyo. Alam ko naman iyon. Ako lang ang mapilit,” malungkot na usal ng binata.

Parang minartilyo ang puso ni Paloma. Alam kasi niya na sinsero si Jeyrick sa pakikipagkaibigan sa kanya. Di naman nito ipinagsiksikan ang sarili sa kanya. Kusa siyang nagdesisyon na gusto niya itong maging kaibigan.

"Alam mo na masaya ako na maging kaibigan ka.” Habang pinapakinggan niya ang boses nito ay natuklasan niya na miss na miss na niya ito. Dahil kahit na ilang metro lang ang layo nila sa isa’t isa, parang nasa magkabilang panig sila ng mundo. “Ako ang dapat na humingi ng sorry sa iyo. May pinagdadaanan lang ang pamilya ko ngayon. Nadamay ka lang."

"Baka may maitutulong ako sa iyo,” maagap na sabi ng binata.

Umiling si Paloma at pinundot ang puno ng ilong. Ayaw niyang umiyak pero hirap na siyang huminga dahil sa pinipigilang luha. "Kaya na namin ito. Pero... pero kung pwede lang huwag kang mawala sa buhay ko."

"Di na tayo magkakasama o magkakausap nang kasingdalas ng dati pero gusto kong malaman mo na nandito lang ako kapag kailangan mo. Laylayden sik a, Paloma.”

Natawa siya. “Ha? Bakit ka naggu-good night sa akin.”

Pero biglang naputol ang tawag. Napatitig na lang siya sa cellphone. “Anong nangyari?” tanong ni Jimarah sa kanya. “Okay ka lang?”

“Sinabihan niya akong laylayden sik a! Matutulog na agad siya?”

Itinulak ng daliri nito ang sentido niya. “Tangek! I love you iyon.”

“Sabi ni Jeyrick good night daw ibig sabihin no’n. I love you pala iyon. Shocks! Ako ‘yung babaeng gusto niya!” impit niyang tili at biglang natutop ang bibig. Baka kasi may ibang makarinig sa kanila. Nakakahiya.

“Bakit? May iba pa ba? Kulang na lang lumakad nang paluhod ang isang iyon para sa iyo. Masaya ka na ba?”

Tumango siya at niyakap niya si Jimarah. "Salamat sa tulong. Ang saya-saya ko talaga." Baka latiguhin siya ng Tita Bevz niya kapag nalaman ito pero parang nabuhay ang katawang lupa matapos makausap si Jeyrick.

"Buti naman. Kasi masyado ka pang bata para magka-wrinkles."

"Bakit mo nga pala kami tinulungang magkausap ni Jeyrick?" tanong niya. Ang alam niya ay kampi ito kay Gordon.

"Dahil alam ko na siya ang magpapasaya sa iyo. Hindi ko maintindihan hanggang makita kitang kasama nila. Buhay na buhay ka. Parang laging nagniningning ang mga mata mo. Hindi ka reserved at tahimik lang. Iyon siguro ang pinakamagandang Paloma na nakita ko. Pero bumalik ka sa amin kanina at nakita ko na patay na naman ang mga mata mo. Hindi iyon ang Paloma na kaibigan ko. I want you to be alive."

"Pero pinalalayo na ako ni Tita sa kanya,” malungkot niyang usal at yumuko. “Mas gusto daw niya na maging kaibigan ko si Gordon. Kayo. Kasi mas marami kayong koneksyon na maibibigay sa akin. Sorry.”

“Don’t be sorry. Kaya naman tayo nagsasama-sama dahil maganda sa image natin at makakatulong din sa image ng pamilya,” paliwanag nito. "If you really want to be with Jeyrick, we can find a way. Di ka naman makokontrol ng tita mo habambuhay. Di rin naman habambuhay na mahirap si Jeyrick. Pasaan ba at magpapang-abot din ang langit at ang lupa."

"Saan mo naman napulot iyan?"

"Kay Rjan. Ewan ko ba bakit ko naaalala iyon. Eeeewww! That is not so me,” a nito at hinaplos ang sariling bras.

"Nagma-mature ka rin pala. Di lang halata." Mas mahalaga na ngayon sa kaibigan niya ang nararamdaman ng ibang tao kaysa sa imahe lang.

"Napanood mo na ba sa TV ang commercial ng You're A Star?" pag-iiba nito sa usapan.

"Hindi pa. Alam mo naman na may sariling drama sa bahay namin."

"May audition daw dito sa Baguio three weeks from now. Sumali ka. One million ang mapapanalunan, bahay at lupa at recording contract. Kahit na TV exposure man lang pwede na iyon.”

Sinapo niya ang dibdib. Malakas ang kaba niyon. May mga kapalpakan siya pagdating sa mga audition. "Kaya ko na ba?"

"Oo naman. Wag kang mawawalan ng pag-asa. Sigurado ako na susuportahan ka ni Jeyrick diyan."

Jeyrick. Marinig lang niya ang pangalan ng binata ay masaya na siya. Malalampasan din niya ito hanggang dumating ang panahon na wala nang pwedeng maglayo sa kanilang dalawa.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.