Chapter IOL43

“Bakit kailangan pang sa Davao tayo mag-rehearsal? Rushmore, wala na akong oras. Hanggang ngayon wala pa rin akong ipe-present. Three weeks na lang bago ang awards night.”

Di maitago ang panic sa boses ni Toni nang lumapag ang eroplano nila ni Rushmore sa Davao International Airport. Kahapon pa nila argumento iyon ni Rushmore nang igiit nitong sa Davao sila magre-rehearsal. Di niya alam ang konkretong plano nito at iyon ang hindi niya gusto. Nakasalalay ang reputasyon niya dito at gusto niya ay involved siya sa mga plano. This time she had no choice but to follow.

“Dahil nandito si Professor Edwin. Siya ang makakatulong natin sa paghahanda sa production number mo,” anito at tinanggal ang seatbelt.

“Bakit di na lang siya ang pumunta sa Manila? Mas madali iyon. It doesn’t make sense.” Kung alam lang niya na ganito ang mangyayari, sana ay di na lang niya tinanggap ang hamon na iyon na muling mag-perform sa stage. Magtatago na lang siguro siya sa kung saang lupalop.

Ginawa naman niya ang lahat ng gusto ni Rushmore – lahat ng klase ng therapy at health regimen ay ginawa niya. Bakit di siya nito mapagkatiwalaan sa plano nito?

Nagtaka siya nang ihimpil ni Rushmore sa Shining Hope School for the Disabled ang sasakyan nito. “Dito tayo magpa-practice,” sabi nito. “Pumayag silang gamitin ang auditorium nila para sa pagpa-practice mo. Kanina pa tayo hinihintay ni Prof Edwin.”

Pagpasok ng auditorium ay narinig niya ang mahinay na tunog ng piano. Nakaupo sa grand piano si Prof Edwin na nasa ibabaw ng stage at tumutugtog. Parang may sariling buhay ang magandang musika na naririnig niya at naglakad palapit sa stage. Tumigil ito sa pagtugtog at natuwa nang makita siya. “Welcome back! Mabuti dumating na kayo. Katatapos ko lang ayusin ang arrangement ng piyesang gagamitin mo para sa Awit Awards.”

Kinuha niya ang music sheet mula dito at nagsayaw sa utak niya ang mga nota pati na rin ang lyrics. “Rushmore, hindi ba ito ‘yung composition mo habang inooperahan ako at nagbabantay ka sa akin sa ospital?” excited niyang tanong. “Ito ang sorpresa mo sa akin?” Yumakap siya sa leeg nito at inulan ng halik ang mukha nito.

“Ikaw lang kasi wala kang tiwala sa akin,” sabi ni Rushmore at pinisil ang ilong niya.

“I made the arrangement and added a bridge,” singit ni Edwin at sinenyasan siyang lumapit dito. “Come. Subukan mong kantahin.”

Kinanta niya iyon mula sa chorus. “I’ve been waiting, waiting for so long. I’ve been longing, I’ve been hoping for you to come along. I finally found my song and it’s you. I’ve been searching, I’ve been waiting for someone like you.”

She loved the song. She loved it so much. Parang ayaw na niyang tigilan sa pagkanta. Pakiramdam niya ay kumakanta pati ang puso niya.

“Mas maganda kaysa sa dance showdown ninyo ni Amber?” tanong ni Rushmore na may halong panunukso. Parang ipinaalala nito kung paano niya gustong makipagsagupaan kay Amber sa kantahan at sayawan.

“Yes! Wala na akong pakialam sa dance showdown na iyon. It’s not about competition, Rushmore. Hindi na ito tungkol sa kung sino ang mas magaling. Tungkol ito sa akin. Sa ating dalawa. Hindi ako makakarating dito kung wala ang pagmamahal mo. It is the story of my journey, finding you and what loving you means to me.”

Pumalakpak si Professor Edwin. “Pwedeng mamaya na ang teleserye ninyo? Simulan na natin ang mag-practice.”

“May makakasama ka sa production mo,” sabi ni Rushmore.

“Sino? Ikaw? Duet tayo?” tanong niya.

“No. You’ll be with people as beautiful and as special as you are.” Bumukas ang pinto ang auditorium. “Nandito na pala sila.”

Pumasok ang mga bata na may hawak na musical instruments at inaalalayan ng mga teachers. “Mga deaf and mute musicians sila,” sabi ni Professor Edwin. “Nag-enroll sila sa akin nang malaman nilang successful ang pagtuturo ko sa iyo at kay Meliza. Pati ang mga dati kong estudyante bumalik din. Kaya nabuo ang orchestra nila. Unang beses silang tutugtog sa publiko sa awards night.”

“Kasali din sa production mo ang mga member ng Shining Hope Philharmonic Orchestra,” puno ng pagmamalaking sabi ni Rushmore. “And the Shining Hope Choir.” Ang choir na iyon ay matagal nang established na binubuo naman ng mga batang bulag.

Natutop niya ang labi. “Oh, my!” Nangilid ang luha niya nang makita niya ang mga pamilyar na mukha. Bukod kay Meliza ay naroon din si Ruan na proud na proud habang may hawak na flute at ang ilan sa mga kaklase niya.

“Si Rushmore ang may idea ng lahat,” sabi ni Professor Edwin.

Hindi na niya napigilan ang sarili at niyakap ito ng mahigpit. “Thank you, Rushmore. I love you!” Iyon ang pinakamagandang sorpresang natanggap niya. Parang nagtulong ang lahat ng taong may kinalaman sa pagkatao niya para sa production number na iyon.

Kinintalan siya ng halik ni Rushmore sa labi. “I love you more.”

Bigla siyang nakadama ng lungkot. Parang ginawa ni Rushmore ang lahat para sa kanya pero wala pa siyang nagagawang kahit ano para dito. “I wish I can do more for you.”

“Huwag mo nang isipin iyon. Basta masaya ka, masaya na rin ako. Show them your true beauty and be an inspiration to everyone. Patunayan mo na kaya mo pa ring higitan ang sarili mo sa kabila ng pinagdaanan mo.”

“Gagawin ko iyon kasi ikaw ang inspirasyon ko. Ginagawa ko ito para makasama kita.”

“IKAW ang pinakabonggang performer sa Awit Awards. I am sure magsa-shine ka doon. Mabuti naman bumalik ka na. Miss na miss na kitang gawan ng damit,” anang bading na designer na si Betchay nang mag-fit siya ng gown para sa awards night. Bigla siyang kinabahan nang pagmasdan ang sarili sa full-length mirror.

“Thank you! I love it,” wika niya.

Nagulat si Betchay. “G-Gusto mo? Wala kang ipapabago?”

“Oo naman,” sabi niya at umikot. “It is better than I expected.”

“M-Mabuti naman nagustuhan mo, Madam. Grabe! Iyan na po ang pinakamagandang compliment na narinig ko sa inyo,” mangiyak-ngiyak nitong sabi.

Nangingiti na lang niya itong inabutan ng tissue. Hindi naman iyon ang unang beses niyang napaiyak ito pero kadalasan ay sa sama ng loob. Marami kasi siyang gustong ipabago sa disenyo nito minsan.

Hindi lang si Betchay ang nagugulat sa pagbabago ng ugali niya. Ang mga dati niyang katrabaho pati ang mga tao sa bahay nila ay hindi makapaniwala kapag pinupuri niya ang ginagawa ng mga ito para sa kanya o kaya ay hindi siya nagagalit o namumuna. Mas gusto niya ang sarili niya ngayon. Mas naa-appreciate niya ang ginagawa ng ibang mga tao sa kanya. Tama nga si Rushmore. Binigyan siya ng panibagong buhay para magkaroon ng pagkakataong ituwid ang mali niya.

“Mag-stay ka muna para magka-kwentuhan tayo. Nag-bake ng cake ang jowa ko. I am in love once again. And this time, inaalagaan din niya ako.”

“Sige po. Hihintayin ko pa naman si Rushmore.”

“Doon ka muna sa may receiving area. Nandiyan si Madam Meldy. Magkukwentuhan tayo mamaya. Okay?”

Nagbabasa siya ng magazine habang kumakain ng matcha tea cake nang marinig niya ang mataas na boses ni Amber. “What? Mas inuna pa ni Betchay ang laos na matandang iyon kaysa sa akin? Hindi niya ako dapat na pinaghihintay.”

“Miss Amber, si Miss Toni nga po hindi nagrereklamo na naghihintay siya kay Miss Betchay. Mabuti po maupo muna kayo,” magalang na sabi ng receptionist.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.