Chapter 50

Mag-aalas-singko na pero gising na gising pa din si Pat. After Matt kissed her, hindi na sila nag-usap. Parang pareho silang lutang na hindi nila maintindihan. Hanggang sa hinatid siya nito ng mga alas dos ng madaling araw, they still didn't speak to each other. Pat can't understand herself .She feels guilty na nakipaghalikan siya kay Matt pero nagustuhan naman niya ng slight. Ano ba ang nangyayari sa kanya?

She decided to jog to clear her head. Tutal ilang gabi na siyang hindi nakakapag-gym. Madami-dami din ang nag-jojogging and brisk walking sa park na nasa loob ng subdivision nila. Meron ding soccer field .Medyo nagliliwanag na. Naka-white sleeveless stretchable shirt siya na hapit sa katawan. She chose to put on black leggings na hanggang taas ng tuhod na tinernuhan din niya ng itim na running shoes. She is not even aware of the attention she's getting from some of the male joggers. Balak niyang magpa-tanghali sa pagpasok sa opisina. Gusto muna niyang medyo ma-refresh. A lot of things have been happening lately. In a span of just a few days, her life has been like a roller coaster ride. She suddenly missed Alex. She will call him paguwi niya.

Kakapasok niya ng gate ng makita niya ang kuya niya na nagpupunas ng sasakyan nito sa garahe.

"Aba taba! Milagro tumakbo ka ngayon? Di ba puyat ka?" tanong nito habang patuloy sa paglilinis ng kotse.

She did some stretching habang kinakausap siya ng kapatid. "Ako puyat?" takang tanong niya.

"Galing ako sa kusina kagabi dahil nagutom ako, mga ala-una yata yun. Nung pabalik na ako sa sala ,nakita ko hindi naka-lock ang front door. Sumilip ako nakita ko kausap mo si Enchong tapos bigla kayong umalis. Lagot ka kay bayaw pag nalaman niya." naiiling na sabi nito.

Natigilan si Pat. OMG! Nakita sila ng kuya niya!

Lumapit siya sa kapatid, "Kuya,please huwag na huwag mong mababanggit yan kay Alex. Wala naman kaming ginawang masama.Nag-usap lang kami." she explained.

Tumigil sa pagpupunas ng sasakyan si Allan. "Taba, hindi ka na dapat sumasama kay Enchong. Sa tingin ko kay bayaw ibang klase pag nagalit. Kagabi pa lang napansin ko na matindi ang selos niya kay Enchong. Para maiwasan ang gulo, huwag mo ng gagawin ulit yun. Sana dito na lang kayo nag-usap." kunot noong sabi ng kuya niya.

Pat bit her lower lip. "Sinabi ko naman na dito na lang pero ayaw niya."

"Sana lang hindi ako madulas kay bayaw. Alam mo naman ako minsan nakakalimot." pangaasar nito.

"KUYA!"

Ngumisi lang si Allan.

Pat sighed. "Pwedeng mong hiramin ang kotse ko! Tapos ibibili kita nung gusto mong sapatos sa pasko basta huwag na huwag mong sasabihin kay Alex yung kagabi."

"Pag-iisipan ko." kumindat pa ang kuya niya.

Padabog na pumasok si Pat sa bahay nila.

"Pat!" tawag ng ate niya na nag-kakape. Kakatapos nitong maligo dahil basa pa ang buhok pero naka-pambahay pa ito.

"Good morning ate." bati niya as she gets a glass from the table para kumuha ng tubig sa dispenser.

"Tumawag si Alex sa landline. Kanina pa daw siya nagka-call sa cp mo eh." nakatingin ang ate niya sa kanya na medyo kunot ang noo.

"Tatawagan ko na lang siya maya-maya.Tagal ko na ding hindi tumatakbo eh." she said bago umupo sa tapat ng ate niya.

"Bakit mukhang wala kang tulog?" takang tanong ng ate niya.

"M-May insomnia yata ako ate." pagsisinungaling niya.

"Sure ka na insomnia? You can always tell me, you know."

Nilaro-laro ni Pat ang coaster na nasa tabi niya. "Asan ba si mama?" She asked. Takot kasi siya na baka marinig sila nito.

"Maagang umalis. Nag zumba kasama ang mga kaibigan niya kaya nga maaga siyang nagluto." sabi ng ate niya. "Hindi ka ba papasok?" tanong pa nito.

"Late na siguro akong papasok. Tawagan ko na lang si Arianne maya-maya. Ikaw?" Pat asked.

Tumingin ang ate niya sa wall clock. 6:30 AM. " May 30 minutes pa ako so if you want to tell me something, go ahead. Sabi ni Allan sinagot mo na si Alex pero nakita ka daw niyang umalis kasama si Matt kaninang madaling araw." sabi nito bago sumandal sa upuan.

Naisip ni Pat na mas maganda nga sigurong mag-open up siya sa ate niya. Tinanaw muna niya ang kuya niya na nasa garahe. Buti na lang mukhang busy pa sa paglilinis ng sasakyan.

"Ate, nag-usap lang kami ni Matt...and hinalikan niya ako." nahihiyang amin niya. Hindi siya makatingin sa kapatid. Narinig niya itong bumuntung-hininga.

"Pumalag ka o hindi?" Lena asked.

"Nung una , I protested.." she admitted .Tumingin siya sa ate niya.

"Pero hinayaan mo na din. " her sister sighed again." Did you like it?"

Nagbaba ulit ng tingin si Pat then nodded.

"May feelings ka ba kay Matt? Akala ko si Alex ang mahal mo."

"Ate, I love Alex. Kaibigan lang ang tingin ko kay Matt."

"But you liked his kiss."

"I feel guilty. Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Alex ate, magagalit yun." mahinang sabi niya.

Umayos ng upo ang ate niya and she leaned forward sa lamesa para mas malapit sila sa isa't-isa. "Magtapat ka nga sa akin Pat," pabulong na sabi nito pagkatapos tumingin sa may bandang garahe. "May nangyari na ba sa inyo ni Alex?"

Tumango si Pat.

Lena let out a sigh."So siya ang una mo? First kiss, first boyfriend first sa lahat."

"Oo." maiksing sagot niya.

"This year mo pa lang na-experience ang pagiging ganap na dalaga mo. You have worked hard to look good. Ang daming nagkakagusto sayo. Nagkataon, in-love ka na kay Alex bago pa sila dumating. Sino bang babae ang hindi ma-fa-flatter sa dami ng mga guwapong lalaking humahanga sa kanya di ba? Pero you were just enjoying the attention. You felt that all your hard work has paid off pero you weren't ready to have relationship with any of them. Tapos bumalik ulit si Alex and all your defenses collapsed. I can't blame you. He is determined to get you. Who can say no to such a man? Very good-looking, sexy, financially stable and very persistent. Tapos we both know that you have always loved him. Now kayo na. From what I have observed, seloso siya.Tama ako?" tanong ni Lena and Pat just nodded.

"So alam mong lalo ka ng walang chance to get to know other men. Nagpahalik ka kay Matt kasi gusto mo lang ma-feel kung ano ang pagkakaiba sa halik ni Alex. You wanted to experience how it is to be kissed by another man. It was an experiment. Yung hinayaan mong halikan ka ni Matt. Tama?" mahinang tanong ni Lena.

Pat played with her empty glass .Hindi siya makatingin sa ate niya. Totoo kasi ang sinabi nito.

She enjoyed the kiss pero yun lang but of course pagtataksil kay Alex kaya siya nagiguilty.

"Pat,nangyari na yun. Hayaan mo na. Make it up to Alex na lang if you feel guilty. Sure naman ako na hindi mo pwedeng sabihin sa kanya di ba?"

Nanlalaki ang matang umiling si Pat. Patay si Matt at lagot naman siya pag nalaman ni Alex.

"Kaya nga kalimutan mo na. Bawi ka na lang sa nobyo mo. Basta huwag mo ng uulitin. Ang masama if hahayaan mong maulit yon." Lena touched her hand and slightly squeezed it.

"Salamat ate." she said then she stood up para yakapin ang nakaupo niyang kapatid.

"Mahirap ang ganyang kung kelan ka gumanda at sumexy ng todo natali ka naman sa selosong nobyo no?" Lena joked. "Di bale mahal na mahal ka naman,so ok na din." dagdag nito bago nag-ring ang landline.

"O baka si Alex yan. Sagutin mo na.Bihis na ako. Don't forget yung napag-usapan natin ha?" paalala ng ate niya bago ito tumayo.

Tumango si Pat then answered the landline. "Hello." bungad niya.

"SAAN KA GALING?" Alex's angry voice greeted her.

She bit her lower lip. "N-Nag-jogging ako." medyo may nginig sa boses na sabi niya.

"With whom??!" medyo bumaba na ang boses nito pero Pat feels that he's gritting his teeth.

"Ako lang."

"Nabanggit ni Shelly before na kasama mo din sa pagja-jogging ang asshole na nagpunta diyan kagabi. Sigurado kang mag-isa ka lang kanina?" his voice sounds menacing.

"Oo. Dati pa yun.Hindi na ngayon." she said.

"You better be telling the truth baby..."

"I miss you." putol ni Pat sasabihin pa ni Alex. Miss naman niya talaga ito. She got used to having him around.

She heard him sighed," I miss you too baby. Unfortunately hindi kita masusundo ngayong umaga.Tumawag yung isang kasosyo ko sa isa pang coffee shop. Titignan namin yung location na pwede naming pagtayuan ng isa pang branch."

Nalungkot si Pat but she can't do anything. Business yun eh. "It's okay baby."she tried to sound cheerful.

"Tatawagan na lang kita mamaya. Madami akong aasikasuhin ngayon baka bukas na kita mapuntahan." he said.

"Sige. Nga pala baby, mag-gigym ako mamaya ha? Baka kasi tumatawag ka hindi ko masagot magalit ka na naman." sabi ni Pat.

"Do you need to?" medyo inis na tanong nito.

"Baby, ilang gabi na nga akong hindi nakaka-pag-gym eh.Baka tumaba na naman ako ,ikaw rin." biro niya.

"Don't wear any tight-fitting clothes .Mag-sweatshirt ka and sweatpants."utos nito.

Nailing na lang si Pat pero hindi sumagot.

"PATRICIA?!" pasigaw na tawag nito.

"Okay." maiksing sabi niya.

"Baka porke alam mong hindi ako makakapag-gym kung sino-sino na naman ang kakausapin mo." he said with a curt tone.

"Hindi naman ako ganun. Si Jenna lang naman ang palagi kong kasama sa gym."

"Eh yung gagong Matt na yun?!" he rasped.

"Madalang ng mag-gym si Matt." she said. Hindi na lang niya sinabi na lalo na ngayon. Mas dadalang ito sa gym.

"Bastedin mo na din ngayon yung isa pang tarantadong nanliligaw sayo." Sabi pa nito sa galit na boses.

"Hindi ko pa siya nakakausap. Hintayin ko na lang tumawag or pumunta dito."

Alex cursed again.

"Baby ang aga-aga naman ang init ng ulo mo. Sige na baka mahuli ka pa sa lakad mo. I love you." malambing na sabi niya.

Bad trip si Alex dahil gustong-gusto nitong makasama si Pat pero kailangan talaga nito at ng kasosyo na puntahan yung site. Hindi nito sinabi kay Pat na pupunta talaga ito sa gym mamaya. Gusto nitong sorpresahin ang dalaga. He will ask her out tonight para naman ma-celebrate nila ng mabutiang pagsagot ni Pat dito kagabi. He will make sure that tonight will be really special for them.

"Sige na. Tawagan na lang kita mamaya. I love you. Be good okay?" Alex said with a slight frown.

"Opo." Pat laughed quietly.

She just got out of her car and is walking towards the gym's entrance ng may tumawag sa kanya.

"Angel!" Matt called her while he walked faster to reach her.

She turned to see him. He looks so good .Naka-sando ito na puti and sweatpants na dark blue. He is carrying his backpack on one shoulder.

He looks at her body appreciatively. Kahit kasi sinabi ni Alex na mag sweater and sweat pants siya hindi niya sinunod. Hindi siya sanay magsuot ng ganun lalo pag nag-eexercise. Para siyang na susuffocate. She's wearing a gray sports bra and black leggings na hanggang tuhod with white socks and gray rubber shoes. -shower na siya sa opisina niya kanina bago umalis.

"You look hot as always angel." Matt's voice sounds a little hoarse. Then luminga-linga ito."Wala ka yatang bantay ngayon?" he asked.

"Busy si Alex." she said.

Lalong lumapad ang ngiti ni Matt. "Buti naman pwede tayong mag-bonding." kindat nito while he smiles.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.