Chapter 51

"Nagbakasakali ako na I'll see you here tonight. Buti pala nagpunta ako. Ang swerte ko naman lalo wala ka pang bantay. Madalang mangyari to eh."sabi pa nito.

"Matt.." she began as she started to walk again," hindi na pwede yung kagaya ng dati. And tungkol sa nangyari kagabi...."

"Angel," Hinawakan nito ang braso niya to stop her from walking, "about last night,thank you." he said. Ang ganda ng ngiti nito. "At least nahalikan na kita."

"Shh!!" saway ni Pat sabay lumingon from left to right. "Please naman Matt! Baka may makarinig sayo." bulong niya. "Let's forget about that okay? Huwag mo ng babanggitin yun please." pakiusap niya.

He just lightly touched her chin then got her backpack from her para ito na ang magbitbit. He motioned to her na mauna na siya while he walks behind her. She just sighed.

"Matt, pag andito si Alex, huwag na huwag mo akong lalapitan, okay?" she asked without looking at him.

"We'll see ." tila nakakalokong sabi nito.

She suddenly turned around and nagulat siya ng makitang Matt is just a a few inches away from her. Muntik na niyang mahalikan ang leeg nito. For a few seconds hindi siya nakakilos. He didn't move either.

"Ahem!" said a voice behind Matt.

"Jenna!" gulat na tawag ni Pat. Papasok din ito ng gym.

"Dito pa talaga kayo naglalambingan ha?" Jenna joked.

Matt just smiled at her," Alam mo namang sobrang sweet talaga namin ni angel dati pa. Right, angel?" biro nito and winked at Pat.

"Tigilan mo na yan Matt! Jenna let's go! Akin na ang bag ko!" supladang sabi niya kay Matt bago hinablot ang backpack niya. "Stop making comments like that next time!" inis na sabi niya bago padabog na umalis.

Nagkatinginan sila Matt at Jenna. The former just shrugged his shoulders. Natatawang sumunod na lang si Jenna kay Pat.

Buti na lang wala pang ibang tao sa locker room. So Pat decided to tell Jenna about her and Alex.

"Jenna," she said while the other woman is changing her clothes. "Yung nakita mo kanina, wala yun. Friends lang talaga kami ni Matt."

Lumingon ito sa kanya, "Mukhang lampas na sa friend zone ang nakita ko kanina ,girl!" her friend said while smiling.

Umiling si Pat. "Wala talaga yun. Sinagot ko na si Alex kagabi." she said shyly.

Napa O ang bibig ni Jenna then she flashed a naughty smile. "Sabi ko na nga ba na hindi magtatagal magiging kayo. Iba ang tingin sayo ni rapsa papa mo eh!" she said then slowly looked at Pat from head to toe. Nakakunot ang noo nito.

"Bakit?" takang tanong ni Pat as she puts her backpack in her locker.

"Parang may nag-iba na sayo..."sabi nito. Lumapit pa ito sa kanya then inikot siya nito by gently pushing her shoulder.

"Ano ba yun?" asked Pat.

Pagkatapos siya nitong maikot, pinisil-pisil pa ang braso niya, "Girl,alam ko kakasagot mo pa lang sa katakam-takam mong dyowa pero umamin ka nga! Nag-sex na kayo no?" direktang tanong nito kaya namula ang pisngi ni Pat.

Jenna pouted then tapped her lips with her forefinger, "Hindi ako pwedeng magkamali Pat. Iba ang dating mo ngayon .Expert pa naman ako sa ganyan. Alam na alam ko kung sino yung wala pang karanasan at meron na. Hindi ganyan ang arrive mo sa akin dati so umamin ka na." she said bago kumindat.

"Paano mo ba nalalaman?" takang tanong ni Pat.

Sinarado ni Jenna ang locker nito before replying, "Basta!" ngumiti lang ito ng matamis.

"So tama ako no? You did it already." sabay taas baba ng kilay habang may nakakalokong ngiti.

Sumandal si Pat sa locker then nodded.

Jenna's smile became a grin. Sumandal din ito sa tabi niya. "How was it? Nice?" pabirong tanong nito ."Mukhang ang galing-galing at ang sarap-sarap ng papa mo Pat!" kilig pa na sabi nito.

"Ikaw talaga! Halika na nga!" natatawang sabi niya sa kaibigan sabay hinila ito para lumabas na sila.

"Paano si Enchong?" tanong ni Jenna bago sila lumabas ng pintuan.

"We're friends. Ganun na lang yun." Pat said nonchalantly.

May sasabihin pa sana si Jenna but pagbukas nila ng pintuan, nakasandal si Matt sa sa wall ng corridor, obviously waiting for Pat.

Jenna cleared her throat then playfully pushed Pat gently para tuksuhin. "Friends ha?" bulong nito.

When Matt saw them, he straightened and ngumiti ito.

"Bakit extra sweet ka yata ngayon kay Pat, Enchong?" biro ni Jenna.

"Namiss ko lang siya ng ilang araw." Matt said while his eyes are never leaving Pat's face. "Tara na?" aya niya sa dalawa pero kay Pat nakatingin. He let them walk ahead of him.

"Wow! Ang guwapo naman ng bodyguard natin." natatawang sabi ni Jenna.

Nailing na lang si Pat. Talagang sinasamantala ni Matt habang wala si Alex. He knows na hindi ito makakalapit sa kanya pag magkasama sila ng nobyo.

When they entered the gym, pumwesto na agad si Pat sa treadmill while Matt who is beside her did some stretching bago magbuhat. Si Jenna naman sumakay sa exerbike.

"Konti yata ang tao ngayon?" malungkot na puna ni Jenna.

Natawa si Pat, "Wala masyadong papables?" she joked.

Nawala ang ngiti niya ng makita niya kung paano siya titigan ni Matt sa salamin. Nag-wawarm up exercises ito but his eyes are fixated on her. She sighed then stopped the treadmill para lingunin ito.

"Matt pwede ba? Dun ka nga mag-warm up. Bakit ba palagi kang nakadikit?" inis na tanong niya.

Tumigil ito sa ginagawa, "Bakit angel? Nacoconscious ka ba?" sabi nito habang may nakakalokong ngiti sa guwapo nitong mukha.

"You wished!" iritang sagot niya.

"Ano to? May LQ ba kayo?" pang-aalaska ni Jenna.

While frowning,tinignan ni Pat si Jenna as if saying na huwag na silang tuksuhin ni Matt. Kumindat lang ito sa kanya. Ibinalik niya ang tingin kay Matt na titig na titig pa din sa kanya.

"I can't really forgive myself for not telling you what I feel when I had the chance. I am such an idiot!" biglang sabi nito na para bang sila lang dalawa ang nasa gym.

Pat's eyes narrowed while Jenna gaped.

"Matt!" mahina pero matigas na tawag ni Pat."Stop saying that!"

"I know this is not the right place to talk about this angel but I feel that I am gonna explode inside .Hindi ko pa din matanggap na may boyfriend ka na at hindi ako yun."he said bitterly.

Bumaba si Jenna sa exerbike."Excuse me, nakalimutan ko ang towel ko."she said.

Pat knows na gusto silang bigyan ng time ni Jenna na magsolo ni Matt. Nasa kabilang dulo ng gym ang tatlo pang male members who are busy with exercise equipments so they can talk na walang makakarinig sa kanila.

"Matt kailangan mo ng tanggapin na hindi na tayo pwede, please. Ibang klaseng magalit si Alex." she said. Nagmamakaawa ang mga mata niya. Ayaw niyang magaya si Matt kay Mike na naospital pa.

"Ano bubugbugin niya ako? Okay lang angel. Mas masakit yung nawala ka sa akin." malungkot na sabi nito.

"Hindi naman ako totally nawala sayo. Pwede pa naman tayong mag-usap paminsan-minsan. And malay natin, eventually hahayaan na tayo ni Alex na ipapatuloy ang friendship natin." sabi niya.She tried to sound hopeful.

***

(Alex)

He feels excited. Kanina niya pa gustong makita, mayakap at mahalikan si Pat. Sobrang miss na niya ito. He tried to call her half an hour ago pero hindi ito sumasagot. Alam niya nasa gym na ito. Halos lumipad na nga ang sasakyan niya para makarating agad siya.

He parked his car beside Pat's. Nangiti siya as he got his sports bag before going out of the car .Sa men's locker room na lang siya magbibihis. Naka dark green na polo shirt, maong pants and levi's lace up sneakers siya.

Bago nagpunta sa gym inayos muna niya ang kakailanganin mamaya sa celebration na gusto niya for him and Pat. Alam niya na matutuwa ang nobya sa inihanda niya. He called Pat's mom already para ipagpaalam ito. He has his killer smile as he opened the door at the entrance of the gym.

Palabas si Jenna sa ladies' locker room. She thought na siguro naman pwede na siyang bumalik sa loob ng gym. Naiiling siya pag naiisip niya ang sitwasyon ni Pat, Alex and Matt. Sa ganda at sobrang sexy naman kasi ni Pat hindi na ito magtataka na madami ang nagkakagusto. Naalala tuloy nito yung binugbog ng nobyo ni Pat dati. Hindi na nga bumalik ulit si tatoo boy. Napabuntunghininga si Jenna. Ang cute pa naman. Sabagay ang guwapo naman din ni Matt. May mga hitsura lahat ang nagkakagusto kay Pat. Ayos sana kaso napakaseloso ng katakam-takam na bf ng kaibigan. Wawa naman si Matt if pati ito mabugbog.

She's now walking on the corridor para magpunta sa gym ng mamukhaan niya ang dumarating.

Oh dear! Ang rapsa papa ni Pat! Jenna tought. She looked on the left side where the gym is. Nakita nito na nag-uusap pa si Matt at Pat.

Alex saw Pat's friend na nasa kabilang side ng corridor. Kumunot ang noo nito. He knows na mas marami ang male members ng gym ang pumapasok pag gabi. So if hindi magkasama si Jenna at Pat, ibig sabihin malamang na nag-iisang babae ang nobya sa loob .

"SHIT!" he cursed as he walked faster.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.