Chapter 65

"ELLA! Shut up!" galit na sabi ni Matt.

Nakapamewang pa ito," Why should I? Totoo naman! Inagaw ka ng malanding yan!"

Tumayo si Pat. Matt is between her and Ella. He is protecting her from his ex. Mukha kasing kating-kati itong saktan siya physically. Buti na lang nga medyo mangilan-ngilan na lang ang tao sa salon. Ella looks as if she is ready for a big scene.

"Hush Ella! Walang nang-agaw sa ex mo. And hindi ako malandi." Pat said calmly.

"Talaga lang ha? Huwag ka ng magmalinis. Para kang mauubusan ng lalake! Pati ang may girlfriend na papatulan mo pa! Masarap bang maging parausan ng ex ko?"

"Sabing tumigil ka na eh!" hinablot ni Matt ang braso nito para ilabas na.

As expected nagpupumiglas ito. "Bakit ba? Ayaw mong marinig ng lahat kung gaano kalandi ang babaeng yan? " sabay duro kay Pat ."Akala mo kung sinong malinis, saksakan naman ng landi!" nanggagalaiting sabi nito.

"Hindi ko inagaw sayo si Matt .Ilang beses ko ng sinabi sayo. He broke up with you because of your bitchiness. Nung una I tried to convince him na makipag-ayos sayo ,but now I know better. Nakiusap lang si Matt na magpanggap kaming mag-nobyo para tigilan mo na siya. Wala kaming relasyon! He doesn't want you back. Kelan mo ba matatanggap yun? May boyfriend na ako at hindi si Matt yun .Kaya pwede ba Ella? Kung sanay ka sa eskandalo, please spare me ." pakiusap niya.

Nang sinabi niya yun, tinignan siya ni Matt, ang lungkot ng mga mata nito. Mukha namang natigilan si Ella.

"Sorry Matt, I had to tell her the truth para hindi na niya ako ginugulo." she apologized.

Tumango ito. " Hindi pa ako sumusuko angel, remember that. We'll talk again next time." seryosong sabi nito.

Kumunot ang noo ni Pat. OMG! Bakit kailangang sabihin pa ni Matt yun? Sa harap pa ng ex nitong walang breeding.

Hinampas ni Ella ang braso ni Matt, " Walanghiya ka! Talagang kahit may ibang lalake na yang malanding yan gusto mo pa din? Ano ba ang pinakain sayo ng babaeng yan?!" sigaw nito.

Napailing si Pat and napahawak sa sentido niya.

Kinaladkad na itong palabas ni Matt.

It was very quiet after they left. Kunwari balik sa ginagawa ang mga tao sa salon.

"Mam Pat? Okay ka lang?" tanong ni Ali.

Tumango siya then umupo. She is shaking a little dahil sa nangyari.

"Naku, madami talagang babae na pag iniwanan ng dyowa hindi matanggap kaya nag-eeskandalo." sabi ng isang manikurista.

"Korek! Kaya yaan mo na yun mam Pat. Siya nga itong mukhang malandi eh! Super insecure sayo palibhasa mas maganda at sexy ka sa kanya!" sabi ni Ali.

Ngumiti ng tipid si Pat. "Pasensiya na kayo ha?"

Nun naman bumukas ang pintuan and Alex came in. Nagtinginan ang mga tao sa loob. Pat saw him through the mirror.

Ang guwapo-guwapo talaga nito. Naka white v-neck shirt ito at faded maong and vans na sapatos. Kita ang malapad nitong dibdib at nakakatulo laway na biceps. Medyo kumunot ang noo nito ng makita siya.

"Oh my gaddd Is he real? Is this real? !" mahinang tanong ni Ali.

"Good afternoon sir, ano po ang papagawa niyo?" malanding tanong naman ng isa sa mga baklang hairdresser.

Hindi man lang ito tinapunan ng tingin ni Alex. Nakatutok ang mata nito kay Pat ,"I came to pick up my girlfriend." sabi nito.

Pat stood up and faced him. She is a bit nervous. Mukhang hindi nagustuhan ni Alex ang buhok niya.

Nagmura ng mahina si Alex because she looks even sexier and lovelier with her new hairstyle and hair color. Malamang lalong madadagdagan ang mga assholes na nakapaligid dito..

"B-baby?" mahinang tawag ni Pat.

"Ay mam Pat! Siya ba ang boyfriend mo?" kilig na tanong ni Ali.

She just nodded. "He's Alex,my boyfriend."

Tilian ang mga bakla.

"Mas yummy pala kay papa Matt!" sabi ni Ali.

Pagkarinig si pangalan ni Matt lalong dumilim ang mukha ni Alex. Kinabahan si Pat. She needs to do something baka kung ano pa ang sabihin nito.

"Ali thank you ha?" sabay abot ng bayad with the tip.

"Sir Alex, sa susunod dito ka na din magpagupit ha? Ako ang naggugupit kay sir Matt eh!" sabi ni Jon.

Nakagat ni Pat ang labi. She hurriedly got her bag then lumapit siya kay Alex. Bago niya ito malapitan, tumalikod na ito and lumabas ng pintuan. She closed her eyes for a few seconds bago siya sumunod dito. She knows na galit na naman ito.

He just opened the door for her then pagkapasok niya sa kotse he slammed it. Nakatiim-bagang ito.

No one spoke for a few minutes.Pat is fumbling with the zipper of her bag. She occasionally looks at Alex's angry but still very hot profile. "B-Baby, don't you like my hair?" mahinang tanong niya.

Tinapunan siya nito ng tingin.Nakakunot ang noo nito. "You said just a hair treatment! What's with the color?"

"P-Para maiba lang. Don't you like it?" she touched his arm.

He let out a heavy sigh ."It's not that I don't like it .Your black hair was okay." he said. He doesn't like the idea na lalo pang mas makaka-attract ng atensiyon ngayon ang nobya niya.

"Kung gusto mo, after a week papa-itim ko na lang ulit." she said.

He looked at her then said ,"Huwag na. Baka ma-damage pa ang buhok mo." he said curtly. He feels guilty. She is willing to do that para lang hindi na siya magalit.

"SHIT!" mura niya ng may maalala siya. "What was that about that asshole having his haircut in that salon? Sabay kayong nagpupunta dun?!" galit na tanong nito without looking at her.

"D-Dati pa yun. Matagal na .Di ba alam mo naman na magkaibigan kami?" Pat asked nervously.

"You are never going back to that salon again! Sa iba na lang! Baka magkita pa kayo ng gagong yun dun!"

Pat looked away. Tumingin siya sa bintana. Kung alam lang ng nobyo ang nangyari kanina.

"PATRICIA!" galit na tawag nito.

"O-Oo. Lilipat na ako ng salon." she said.

They went to a mall. Alex will buy her clothes. Ayaw sana ni Pat but he was insistent. Pag nga naman ito ang bumili, ang gusto nito ang masusunod.

"Did you eat lunch?" tanong nito as they walk going to the department store. Hawak nito ang kamay niya.

Magsisinungaling sana siya but nakaramdam na siya ng gutom. She shook her head.

He frowned." Do you want to get sick?"

Hindi na lang sumagot si Pat. She heard him sighed ." What do you want to eat?" tanong nito.

He stopped walking and he faced her. They are such a good-looking couple kaya ang daming napapalingon sa kanila.

Kinikilig ang mga babaeng napapatingin kay Alex. May mga grupo nga ng mga kolehiyala na nagbulungan while giggling ng makita ang binata. Ang mga lalake naman napapatigil pag napapatingin kay Pat. Yung iba ngang may kasamang asawa o girlfriend, nahahampas sa balikat or sa ulo.

Kahit nasa gitna sila ng mall, Alex cupped her face while staring at her. "Baby, ayaw kong magkasakit ka .Please eat on time okay?"

She just nodded. "Anong gusto mo?" he asked gently.

"Something light lang . Kakain din tayo kina bestie mamamya." she said.

He nodded then he took her hand again bago sila lumakad ulit.

"Alex! I can't eat all this!" she complained.

Sabi niya sa nobyo, she wants salad. Hindi naman halos pang-tatlong tao na yata na salad.

He crossed his arms on his chest bago ito sumandal sa upuan.

"Eat what you can finish. You're far too skinny. Kakainin ko ang tira mo." he said while titig na titig ito sa kanya.

Tumingin si Pat ng masama sa nobyo. "I am not too skinny!" inis na sabi niya bago sinimulang kumain.

Nangiti si Alex. His woman is not too skinny. She is fucking sexy and hot. Ayaw niya lang na sumosobra ito sa pagdi-diet. The last thing he wants is magkasakit ito.

"You told your father na kaya hindi ka kumakain masyado dahil hindi ka nakakapag-gym .Simula bukas mag-gigym na ulit tayo." he said matter-of-factly.

Tumingin si Pat sa nobyo."Thanks baby." she smiled sexily.

"I will buy you new gym wear .Hindi na pwede ang mga sinusuot mo." sabi nito with furrowed brows.

She sighed then put down her fork. "Baby, huwag lang sweats, okay?" pakiusap niya.

He uncrossed his arms then rested them on the table. "What's wrong with sweats? Mas maganda nga yun. Mas mabilis kang pagpapawisan. And y ou know that I don't want assholes looking at you!"

"I don't feel comfortable wearing them. Please naman Alex!" she sulked.

" Mamaya na natin pag-usapan yan .Eat up!" utos nito .

OMG! Sumasakit na ang ulo ni Pat. Lahat ng damit na gusto ni Alex for her hindi niya gusto. They are one size bigger and halos puro itim.

"I am not going to wear those Alex!" naiinis na siya.

Pinaghirapan niya ang katawan niya tapos gusto ng saksakan ng seloso niyang boyfriend ibalot siya na parang lumpia?

Alex is pissed. Nakaka-tatlong boutique na sila pero wala pa din gusto si Pat sa mga sinukat na damit.

"What the hell is wrong with these?" galit na tanong nito .Nakatingin ito sa mga damit na hawak for her to fit.

"For Pete's sake Alex! Bakit hindi na lang mantel, kortina or kumot ang ipasuot mo sa akin? " she almost stomped her foot in annoyance.

Humarap si Alex sa female sales staff na nasa labas ng fitting room.

"Miss, hindi ba okay naman ang mga ito?" he asked.

The woman said na nakangiti, "Sir, kasi naman po sayang ang kaseksihan ni mam. Hindi po bagay sa kanya ang mga damit na yan.." tila nag-aalangan pang sabi ng babae.

Sa inis ni Pat she walked passed him .Hindi niya ito nilingon kahit tinatawag siya.

Sa pagmamadali niya,s he bumped into someone.

She almost lost her balance when two strong hands steadied her.

"M-Mike?" gulat na tawag niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.