She quickly stepped away from him. Alex will be furious pag nakita nitong hawak ni Mike ang kamay niya.
He flashed her a wide grin .Guwapo pa din ito kahit may konting pasa pa ito sa tabi ng labi. He is wearing sunglasses maybe to hide his black eye or bruises.
"PATRICIA!" she heard Alex's angry voice.
Alex stopped on his tracks ng makita nito si Mike in front of Pat. He clenched his fist then walked menacingly towards them.
"CHAMP!" tawag ni Anton bago ito dali-daling pumagitna.
Lumapit din si Pat kay Alex. Kinakabahan siya. He looks angry as expected. Naalala niya ang sinabi nito na he's not done with Mike yet.
Umatras si Mike away from them. Napansin ni Pat na dahan-dahan ang pagkilos nito. Baka masakit pa din ang katawan from Alex's attack last time.
"Buhay ka pa pala!" Alex's tone is very sarcastic.
"B-Baby.." anas ni Pat as she touched his arm. Hinapit siya nito closer to him.
Mike shrugged habang nakangisi, "Wala eh...masamang damo?" biro nito. His smile doesn't reach his eyes.
"Champ! Kalimutan na natin yun. Tutal hindi naman magsasampa ng reklamo si Mike laban sayo .May pinagsamahan naman tayo eh." sabi ni Anton na mukhang takot din sa pwedeng mangyari. Nakita na nito kung paano magalit si Alex.
Alex sneered. "Kahit naman magsampa siya ng kaso hindi ako natatakot. Pwede din siyang sampahan ng sexual harassment sa ginawa niya."
Tinaas ni Mike ang dalawa kamay sa ere. " Champ, kalimutan na natin ang nangyari. Nasobrahan lang ako ng alak. Pasensiya na." tumingin ito kay Pat.
She wants to look away but pinilit niyang makipagtitigan dito. She still has goosebumps when he looks at her.
"Sorry Pat." Mike apologized to her.
Humigpit ang hawak ni Alex sa bewang ni Pat. "I never want to see you near my woman again. Next time, you won't be so lucky." banta nito.
Nakaalis na ang mag-nobyo pero nakasunod pa din ng tingin si Mike sa dalawa.
"Anak ng dota pare! Tigilan mo na yan! Hindi ka pa ba nadadala?" sabi ni Anton.
Nakangising tinignan ito ni Mike.
"It was all worth it pare. Sa susunod hindi lang labi ni Pat ang matitikman ko." seryosong sabi nito.
***
"Pat! Alex!" masayang bati ni Shelly.
"Bestie!" lumapit si Pat to kiss her on the cheek.
"Wow! Ang ganda mo lalo sa buhok mo!" nakangiting sabi ni Shelly.
"Pare!" sigaw ni Jake bago lumapit kay Alex. Tinapik ito ni Jake sa balikat. Inabot ni Alex ang dala nitong bote ng alak.
Kumaway ito kay Pat. " New hair color Pat! Looks good on you!" sabi nito. Inaya nito si Alex malapit sa mahabang lamesa kung nasaan ang mga pagkain at beer.
"Wala pa yata ang mga bisita mo?"tanong ni Pat.
Hinila siya ni Shelly sa garden set. "Padating na din sila. Halika! Habang wala pa sila mag-kwento ka muna. " excited na sabi nito.
Umupo sila. Natatawa si Pat.
"Ano? Kayo na? " nangingislap ang matang tanong ni Shelly.
Tumango si Pat. Tinakpan ni Shelly ang bibig with her hand. Nanlaki ang mga mata nito. "Wow Pat! I'm happy for you!" sabay yakap sa kanya. When she released her, "Bagay na bagay kayo!!"
"Thank you bestie. " nakangiting sabi niya.
Napatingin si Shelly kay Jake at Alex na nasa kabilang side ng pool. "He is besotted with you Pat! Look at how he stares at you." tuwang sabi ni Shelly.
"Parang si papa Jake lang sa yo?" natawang tanong niya without looking at Alex.
Natawa na din si Shelly. "Nasaan ang swimsuit mo?"
Pat bit her bottom lip. " Bestie, hindi ako nagdala eh .Bibili na lang sana ako kanina pero gusto ni Alex siya ang magbabayad at pipili ng mga damit ko. Kaso wala akong gusto. So we ended up arguing and we didn't buy anything. Tsaka may love bites na naman ako." nahihiyang sabi niya.
Shelly sighed. "Hay naku! We are really in the same boat! At least nabawasan na yung kay Jake ng mga 10%." natawang sabi nito.
"Kasi naman Pat ang sexy mo talaga. Tapos ang ganda mo pa lalo sa buhok mo. Malamang mas magiging mahigpit si Alex niyan."naiiling na sabi nito. "May two-piece ako diyan, hindi ko pa naisusuot. Sayo na! Hindi pa ako komportableng mag two piece. Feeling ko I need to shed more weight." nakasimangot na sabi nito.
"Ano ka ba bestie! Hindi ka naman tumaba eh!"
"Basta! Sayo na yun! Mas bagay sayo promise!" kindat nito.
"Paano ang hickeys ko? Tsaka baka ayaw ni Alex na mag two piece ako. Kaya ng siguro ako nilagyan nito eh." she frowned.
"Akong bahala! Gabi naman eh! Tsaka may waterproof concealer ako diyan." sabi nito bago tumayo.
"Babe! Alex! Pasok lang kami ha? Papahiramin ko lang ng swimsuit si Pat!" sabi ni Shelly.
Pat saw Jake nodded and Alex frowned.
"I told you bagay sayo eh!" tuwang sabi ni Shelly.
Pat feels uneasy. Kahit maganda ang katawan niya, parang nahihiya siyang lumabas. She's in a white two piece bikini. Shelly chose to wear a red one-piece swimsuit.
"Halika na!" hila ni Shelly sa kanya. "Andun na yata sila Kim!" excited na sabi nito.
"Bestie! Baka magalit si Alex. Hindi ba masyadong sexy to?" alangang tanong niya.
"Ano ka ba? Okay lang naman yan. Bagay sayo pramis! Kakainggit ka nga!" she sighed." O di ba hindi na halata ang mga love bites mo? Ang galing ng concealer ko no?" dagdag pa nito then hinila na siya palabas ng kwarto.
"Mauna ka na sa labas Pat ,I'll get us some towels pala."
Alex is talking with Thomas and Kim ng biglang naningkit lalo ang mata nito.. Pat just came out of the kitchen's sliding door. Napansin din ito ni Kim.
"Oh my! Hottie!" sabi nito as she excused herself para salubungin si Pat.
Napalingon din si Thomas. "Wow!" sabi nito.
Napamura si Alex ng mahina. " Thomas,sandali lang ha?" he said.
"Pat you're sizzling hot!!" bati ni Kim as she hugs her.
"Hello Kim! Thanks." nahihiyang sabi niya.
Inilayo siya ng bahagya to look at her appreciatively. "Oh dear! Mag-usap tayo mamaya Pat.Y ou can be a swimsuit or lingerie model!" puri nito.
Natawa siya." Ako? Naku ewan ko Kim." nawala ang ngiti niya ng makitang palapit si Alex and he looks angry.
"Basta! May bago kaming client.."
"Kim, can you excuse us for a moment?" singit ni Alex.
"S-Sure.." nagtatakang sabi ni Kim as Alex grabbed Pat's arm.
"Aray.." reklamo ni Pat ng medyo malayo na sila kay Kim.
Dinala siya sa garden ni Alex. His face looks stormy.
"SHIT! BAKIT GANYAN ANG SUOT MO?!" galit na tanong nito.
Naiinis na din siya. Kanina pa siya na-babadtrip sa nobyo niyang to eh. Masyadong kina-karir ang pagiging possessive porke hinahayaan niya. She tried to wriggle her arm from his hold.
"Alex ano ba?! Ano na naman ang mali sa suot ko? You want me to wear sweats?" inis na tanong niya.
His mouth has a white ring on it." Are you mocking me?"
"Kasi naman sila bestie and Kim ang kasama natin and mga asawa nila. Naiintindihan ko na pag ibang lalake magagalit ka! Pero naman baby! Para namang pati si papa Jake at kapatid niya pagnanasaan ako!" halos maiyak na siya sa inis.
Sinabunutan ni Alex ang sarili habang nagpipigil ng galit. Hinablot na naman nito si Pat sa mas malayo sa pool. Nang wala ng makakakita sa kanila, he grabbed her nape then kiss her hard on the mouth. His kiss is a mixture of anger and lust which made it really hot and wild. Hindi makapalag si Pat cause he wrapped his other arm around her, pinning her arms on her back.
Ibang klase talaga ang lalaking ito, Pat thought. Alam na alam ang kahinaan niya. She needs to find ways to resist his charms and his hot kisses. She started making sounds from the back of her throat. She will enjoy her yummy boyfriend's kisses pero hindi na niya hahayaang masyado siya nitong kontrolin. They need to have a serious talk. They were both gasping for breath ng tapusin nila ang halik. Alex's hand is still holding her nape and their faces are very close.
"I don't want any man to see you body! Mahirap bang intindihin yun?"
"Please naman Alex! I am gonna swim! Ano ba ang gusto mong isuot ko? Lahat naman naka swimsuit eh!" she reasoned with him. She tried to free herself from him," If you are going to be this unreasonable..mabuti pa iuwi mo na ako!"
Nang ayaw siyang pakawalan nito, buong lakas niya itong itinulak from her but of course, she wasn't able to bulge him. In frustration, naiyak na siya.
Dahil siguro hindi pa nga siya nakaka-recover sa pang-eeskandalo ni Ella (which is something na hindi naman niya pwedeng sabihin kay Alex) kaya emotional siya .Idagdag pa na ilang oras silang halos nagtatalo ng nobyo dahil sa mga damit na gusto nito for her. Tapos ngayon,eto naman.
When he heard Pat sobbed,napamura si Alex. He hugged her tighter and sinubsob ng dalaga ang mukha sa leeg niya.
"Sorry baby.." he said gently as he kissed the top of her head.
She just continued crying quietly. Wala siyang pakialam if her tears will soak Alex's shirt.
"Sinusubukan ko namang bawasan baby. Tama na..stop crying.I'm sorry." pang-aalo nito.
She looked up to his eyes. Yumuko ito to stare at her tear-strained but still lovely face. "I am also trying to adjust. Pero please naman huwag namang sobra. Hindi naman ibang tao ang mga kasama natin eh."
Alex wiped her tears with his fingers. "Hindi ko lang napigilan ang sarili ko ng tignan ka ni Thomas." he said.
"But baby, asawa siya ni Kim. I'm sure wala namang ibang kahulugan yung tingin niya. Same with papa Jake if ever .Ang gaganda ng mga asawa nila. Nakakahiya na pati sila pagseselosan mo."
He sighed.
"Ano uuwi na lang tayo?" tanong ni Pat.
He took out his phone from his pocket then dialed bago siya hinapit nito sa bewang to pull her closer to him.
"Who are you calling?" tanong niya.
He didn't answer. He just kissed her forehead.
"Pare? Pwedeng pakausap kay Shelly?"
Kumunot ang noo ni Pat.
"Shelly? Pwedeng pahiramin mo si Patricia ng shorts? I don't want her to wear this skimpy swimwear." he said curtly.
Napapikit si Pat then sighed.
"I will get the shorts. Dito ka lang!" he ordered.
Naiiling pa din si Pat. Okay talaga si Alex, may dala pala itong board shorts in case mag-suswimming ito. And kanina ng isuot niya ang shorts from Shelly, inamin ng magaling niyang nobyo na wala itong balak payagan siyang maligo dahil ayaw siya nitong mag bathing suit.
While the men are busy checking the meat on the grill ,nasa pool ang tatlong babae.
"Pat seriously, itry mo lang. Pag hindi mo gusto at least nasubukan mo." pilit ni Kim.
"Pero hindi naman ako model Kim. Malay ko sa ganyan." natawang sabi niya.
"Pat! Hindi ka naman rarampa. Still photos lang. Tska sa ganda ng katawan mo ngayon, pwede ka sa mga swimsuits at lingerie." kumbinse ni Shelly.
"Ewan ko bestie." alangang sabi niya.
"You have a week to decide. May bago kaming client .Hindi naman mahirap. If gusto mo you can get a crash course sa modeling. I can ask Stella to train you. Sabi nga ni Shelly, still photos lang. Hindi ka naman rarampa. Isang araw lang ang shoot." Kim said.
"Baka naman kaya ayaw mo dahil malamang hindi papayag si Alex." kantyaw ni Shelly.
Pat frowned .Di ba sabi niya sa sarili na she will not let Alex fully control her? Siguro okay din if tatanggapin niya. Tama sila Kim and Shelly...for the experience. Alam naman niya hindi siya model material unlike her bff. At least nga naman maranasan niya kahit minsan lang.
"The pay is good." sabi pa ni Kim.
Pat chewed the inside of her cheek. Tumingin siya where her boyfriend is. Kausap nito si Jake.
"Sige!" Pat finally agreed.
Kim and Shelly cheered causing the men to look at them.
Nagtama ang mata ni Alex and Pat.
She smirked sexily at him which made Alex frown.