Chapter 68

"Pat! Guess what?"bungad ni Kim sa telepono.

She just finished taking a shower bago matulog ng tumawag ang bilas ng bestie niya.

"What?" medyo excited na tanong niya.

"Nagustuhan ng kliyente ang mga kuha mo! He wants to meet you tomorrow. Pwede ka ba?" tanong ni Kim.

Medyo napangiwi siya. Parang nag-aalangan siyang kitain ang kliyente. Tsaka para ano pa? Anyway ayaw na niya ulit mag photo shoot. Pero nakakahiya naman kay Kim. Mukhang excited ito for her to meet their client.

"Ahh..um..mga what time ba daw? Sasamahan mo ko ha?" tila nag-aalangang sabi ni Pat.

"Sure! So anong time ka pwede para masabi ko sa client?"

"After work na lang."

"Sige I will call him then tawagan na lang kita ulit ha?" Kim said before ending the call.

Eksakto 6 PM palabas na si Pat ng opisina to meet Kim and the client. Ang usapan sa isang bar na hindi naman kalayuan sa opisina niya. She frowned a little nung sinabi ni Kim na sa bar ang meeting place. She was expecting either sa coffee shop lang or sa restaurant. Pero naisip din niya na baka naman hindi din naman sila magtatagal.

Balak niya kasing mag-gym pagkatapos niya silang i-meet. She wants to look sexier before Alex's arrival. Nangiti na naman siya .Pag na-mimiss niya ang nobyo, she just tries to remember their good moments together. Yung pagiging malambing nito and maasikaso. Kahit nga yata yung pagiging mahigpit nito mukhang miss din niya. Natawa siya ng mahina. Hindi bale ilang tulog na lang naman.

Kaka-start pa lang niya ng kotse ng mag-ring ang phone niya. Tumatawag si Kim.

"Pat! Mauna ka na sa place. Andun na daw ang client.May tatapusin lang ako dito. Susunod ako agad, promise. The client's name is Mr. Miguel de Asis."

Pat sighed. No choice siya. She needs to go alone. She scolded herself. Para naman siyang hindi sanay maka-meet ng kliyente. She decided to text Alex. Kanina kasing nag-usap sila bago ito matulog, hindi niya nabanggit na magkikita sila ng kliyente nila Kim. Natakot siya na baka magalit ito. Pero ngayon naisip niya na i-message na lang niya.Tutal 3 AM na dun malamang tulog na ang nobyo. At least nasabi na niya. Bukas paggising nito dun na lang sila mag-uusap for sure.

To Baby Alex: Baby, I am on my way to meet Miguel de Asis, Kim's client.Pag nagusap tayo, I will explain further kung bakit kailangan ko siyang kitain. I love you.

She bit her bottom lip ng makitang one bar na lang ang battery niya. Hindi bale, importante nakausap na siya ni Kim and na-message na niya si Alex.

"Ano? Alam mo na ang gagawin?" Kate is on the phone talking to Mike. Nasa bar na ang huli . He reserved a VIP room in the bar.

"Oo. Ayos na. Mukhang maswerte yata ako ngayon." nakangising sabi nito while drinking his whiskey.

"Bakit?" Kate asked curiously.

"May tatapusin daw si Kim Herrera kaya susunod na lang daw siya." he said ,sounding very pleased.

"Hmm, mas lalong okay." tuwang sabi nito.

"Yup!" He answered with a grin. He can't take his mind off Pat's sexy body. Mula ng makita nito ang mga still photos ng dalaga lalong tumindi ang pagnanasa nitong maka-iskor kay Pat. Sakto naman na wala si Alex. Kahit na mabugbog pa ito ng dating kaibigan okay lang basta matikman lang nito ang hot nitong nobya. He can have his revenge and he can have a lot of fun with Pat .He doesn't mind if she will be asleep the whole time. He is really planning to drug her. Masyado na itong atat sa dalaga. At least mas madali na nitong makukuha si Pat if. Pag natikman na nito ng ilang beses, he may have more patience in having her again kahit manlaban na ito. He felt excited just thinking about what he will do to Pat’s desirable body.

"Good evening, mam" bati ng waiter kay Pat.

"I am meeting Mr. Miguel de Asis. I am Patricia Sandoval." she said.

"Dito po tayo mam." magalang na sabi nito.

Dumiretso sila sa isa sa mga VIP rooms. Unang sumilip ang waiter matapos kumatok ng tatlong beses. "Sir, si Miss Sandoval po andito na." he said courteously.

Bago sumagot si Mike, pasimple itong may inilagay sa baso in front of him bago itinulak ito ng palayo ng bahagya. .The lights are dimmed so hindi masyadong mahahalata na may maliit na pildoras sa ilalim nito. Tumango ito sa waiter.

"Mam, pasok na po kayo."

Pat nodded then entered. Sinarado ng waiter ang pintuan. She had to adjust her eyes kasi medyo madilim ang loob.

She saw a man seated at the far side of the table. Kinabahan siya ng mamukhaan niya ito.

"M-Mike?"

He stood up ."Kumusta ka Pat?"

"Ikaw si Miguel de Asis?" kunot-noong tanong niya.

"The one and only." nakangiting sabi nito. "Halika maupo ka." he motioned to the seat next to him.

Pat doesn't know what to do. Hindi niya alam if uupo siya o aalis na. Sobrang nagulat talaga siya.

"Tumawag si Mrs. Herrera. She's on her way." he said.

Tumango na lang si Pat then umupo ito sa ng medyo malayo kay Mike.

He just smiled. "Soda or juice?" he asked habang tinuturo ang canned soda and pineapple juice.

"Juice na lang." mahinang sabi niya. She keeps on telling herself na okay lang lahat. Siguro naman walang gagawin si Mike sa kanya. Lalo't kliyente ito nila Kim. And she hopes na nadala na ito sa pambubugbog ni Alex.

He pulled the tab of the can then poured the juice in the glass. Nakahinga ng maluwag si Pat. Jenna said never drink anything from someone unless binuksan nito sa harapan mo ang lata o bote.

"Here." Mike offered the glass to her.

She took it without looking at him. Sobra itong makatitig.

"What do you want to eat? We can order habang wala pa si Mrs.Herrera. Order na lang tayo ulit pagdating niya." he said gently.

"Kahit ano. Hindi naman ako masyadong gutom. Besides,magwo-workout pa ako after ko dito." Sabi niya bago uminom ng juice.

Lalong lumapad ang ngiti nito. "Kaya pala ang ganda ng katawan mo. Alaga sa workout." sabi nito as he looks at her appreciatively

Pat felt uneasy.

"Don't get me wrong. I am just saying the truth. You are very sexy. You are really fit to be a lingerie model. Kaya nga I decided to meet you and Mrs.Herrera tonight because I want to offer another proposal."

She took another sip of her juice. Hindi niya napansin na Mike's eyes narrowed. Hindi niya alam na kung pwede nga lang ipatungga na nito sa kanya ang laman ng baso.

"I don't know about that Mike. First and last ko na tong photo shoot na ito .I know Alex will not like me modeling. Lalo na pag sexy lingerie. Sinubukan ko lang talaga." she admitted.

He crossed his arms on his chest. "Masyado namang selfish ang nobyo mo. He should be proud na may sexy siyang girlfriend. Basta ba hanggang tingin lang, wala namang mawawala." he said while grinning.

Uminom ulit si Pat ng juice. Hindi talaga siya komportable sa mga tingin sa kanya ni Mike. She just hopes na dumating na si Kim.

"Sandali lang."he said as he ordered food via the intercom.

She nodded. Chineck niya ang phone niya. May missed calls si Alex and Kim. Meron ding messages ang nobyo.When she was about to check them, namatay na ang phone niya. She helplessly put her phone inside her bag again.

"Problems?" tanong ni Mike as he sits down again.

"N-No.Wala naman." sagot niya.

Tumunog ang cellphone ni Mike. Pat prayed na si Kim na ang tumatawag. She frowned ng ni-reject nito ang tawag.

Sumandal ito sa upuan, looking relaxed. "Alex is such a lucky bastard."tila kausap nito sa sarili as he runs his gaze at her.

Pat started to feel really uncomfortable. "Mike, kung hindi pa darating si Kim, mauuna na siguro ako. Anyway kung yung about another proposal ang pag-uusapan, nasabi ko na ayaw ko na." she smiled to hide her nervousness.

"Mas malaki ang ibabayad ko. Now na nakita ko kung gaano kabagay sayo ang mga lingerie namin, I am willing to pay more. For sure, tataas lalo ang sales namin once your photos come out."

Umiling si Pat. "Hindi na Mike. Salamat na lang. I'm sure merong mas magandang modelong irerekomenda si Kim."

His message alert tone sounded. He picked up his phone. Hindi mabasa ni Pat ang mukha nito as he reads his text message. "Padating na daw si Mrs.Herrera." sabi lang nito his lips formed a thin line.

She was about to retort ng parang naramdaman niyang nahihilo siya. Hinawakan niya ang sentido niya.

"Is something wrong?" narinig niyang tanong ni Mike.

The room seems to be spinning.Pinilit niyang tumayo but she swayed. She felt Mike's arm went around her.

Mike reached for the intercom.

"Sir ano pong problema?" tanong ng pumasok na waiter.

Mike's arms are around Pat's body habang nakaupo sila sa mahabang upuan.

"Pwede mo akong tulungan sa girlfriend ko? Medyo masakit pa kasi ang katawan ko due to an accident a few days ago.I can't carry her kahit magaan lang siya.She passed out.Buntis kasi." sabi nito sa nag-aalalang boses.

"Sige po sir.Tulungan ko na kayo." lumapit ang waiter para kunin si Pat sa kanya.

Bago pa nito tuluyang ipinabuhat si Pat sa waiter,he kissed her quickly on the lips.

"I'll take you home ,babe." sabi nito sa walang malay na dalaga.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.