Chapter 67

"Ha? Kelan ka aalis? Biglaan naman yata?" tanong ni Pat.

"The day after tomorrow. Sabay na kami ni Cindy. May problema kasi sa negosyo ng tito ko .He needs my help. Sandali lang naman ako baby. More than a week." he explained.

Sinundo siya nito and they dined out. They are inside Alex's car in front of her house. Hindi maiwasan ni Pat na hindi malungkot. Nasanay na siya na palagi silang magkasama. Tapos aalis ito bigla. Ang layo-layo ng Amerika.

"Ayaw mo nun? You can have your freedom?" biro nito.She sighed.

He kissed her temple. " This time I will just have to trust you. I hope you'll be good." he said.

"Palagi naman. Ikaw ang magtino dun." sabi niya.

He smiled at her. "I will never look at another woman baby." He cupped her face then kissed her passionately.

When he broke the kiss ,sinubsob ni Pat ang mukha niya sa balikat ni Alex. Naiyak talaga siya. Parang mahihirapan siya ng sobra. Kahit naman saksakan ng seloso ang boyfriend niya lab na lab niya ito at mahal na mahal din siya nito.

"Baby?" inilayo ni Alex ang mukha niya from his shoulder to hold her face and look at her eyes. "Bakit ka umiiyak?" alalang tanong nito.

Inabot nito ang tissue na nasa compartment and got one to wipe her tears.

"I will terribly miss you." she said and wrapped her arms around his neck.

"I will miss you more. Pero mabilis lang naman ako baby. Before you know it, andito na ulit ako .I love you. Tuloy pa ba yung pagpunta ng kasosyo ng papa mo with his son?" kunot noong tanong nito.

"Hindi na.Sabi ko ayaw ko." she said.

"Good." nakangiting sabi nito before kissing her lips again.

***

"Bestie,naninigas na yata ang balikat at binti ko. Ang hirap pala ng trabaho mo." reklamo ni Pat tapos ng halos dalawang oras na pictorial.

"Hay naku Pat, totoo yan.Akala ng iba porke glamorosong tignan, ang dali-dali! Hindi nila alam inaabot ng ilang oras bago makakuha ng perfect na photos. Pero sanayan lang naman . O ano? Pag may offer ulit gusto mo pa?" tanong ni Shelly.

"Okay na ang isang beses siguro bestie. Baka pag-awayan pa namin ni Alex. Hindi ko pinagpaalam ito sa kanya eh." she bit her bottom lip.

"Oo nga pala nung isang araw pa umalis si Alex. Buti nga hindi fully exposed ang mukha mo so I guess not unless talagang kilala ka, hindi nila mahahalata na ikaw yun. "nakangiting sabi ni Shelly.

Catalog ng isang bagong lingerie line ang mga photos na shinoot nila. The client wanted the pictures to look a little mysterious. Kahit full body ang mga kuha ni Pat, yung mukha niya palaging either right or left profile lang ang kita. Lalo yung mga nakahiga siya. She felt happy about that. Siguro naman hindi magagalit ng sobra si Alex kung sakali.

"Thank you bestie ha? Buti pinayagan ka ni papa Jake na samahan ako." nakangiting sabi ni Pat.

"Oo naman! Never kitang papabayaan lalo't first time mo lang."

Pat nodded ."Oo ng a.Dati pangarap ko lang ang ganito. Pero hindi para sa akin ang pag-momodelo bestie."

"At least naranasan mo di ba?" Shelly smiled back.

Kahit araw-araw siyang tinatawagan ni Alex ,miss na miss na talaga ito ni Pat. Nung magkasama sila, naiinis siya sa sobrang pagka-possessive nito. Akala niya magiging masaya siya ngayon na walang nagbabawal at naghihigpit sa kanya. She sighed.

Ngayon niya na-realize na okay lang sa kanya na napaka possessive nito basta palagi lang silang magkasama .She sent him a text message bago siya lumabas ng women's locker room. Hindi naman pwede na agad-agad siyang matatawagan nito dahil sa time difference. Ibubuhos na lang niya sa pa-gigym ang pagkamiss niya sa nobyo.

"Matamlay ka yata Pat? "tanong ni Jenna.

She is doing some crunches while Jenna is on the exerbike. Halos kakadating lang nito samantalang may kalahating oras na si Pat sa gym.

"Ilang araw ng wala si Alex .May inaayos na problema sa Amerika." She said while doing her crunches.

"Naks! Miss mo si rapsa papa mo no?" biro nito.

Dun pa lang tumigil si Pat. "Sobra Jenna." she said sadly.

"Pag-uwi niya sorpresahin mo. Ipagluto mo siya or something. Tapos ibang luto naman ang gawin niyo. Sigurado na sabik na sabik sayo yun Pat!" pilyang sabi nito.

Nangiti siya sa sinabi ng kaibigan. Gagawin niya nga yun. Tutal may susi siya ng condo ni Alex.

"Well,s akto .Ayan si Enchong. Para naman ma-divert ang isip mo." biglang sabi ni Jenna.

"Hi Enchong!" bati ni Jenna sa palapit na si Matt.

Pat continued exercising. Wala siya sa mood makipag-usap kay Matt .Desidido siyang iwasan ito.

"Jenna!" ganting bati nito pero kay Pat nakatingin.

Nangiti na lang ang babae.

"Angel.."

Nginitian lang ito ni Pat. Tuloy-tuloy pa din siya sa crunches niya. She has 50 more to go.

She felt glad na hinayaan lang siya nitong magworkout.

"Can we talk angel?" hinabol siya ni Matt bago siya pumasok ng locker room. He took hold of her arm.

"Matt, wala na tayong dapat pag-usapan. Matagal ko ng sinabi sayo." she said sounding a little irritated.

"Angel,please naman." pakiusap nito.

"Matt naman eh! Tama na sabi! Ilang beses na akong ineeskandalo ni Ella! Ayaw ko ng makisali sa gulo niyo. Ayaw kong pati kami ni Alex magkagulo. Pwede naman tayong maging magkaibigan ulit. Papakiusapan ko si Alex. Pero hindi na pwede yung dati. Iba na ngayon lalo mas higit pa sa pagkakaibigan ang gusto mo. Hindi ko kayang ibigay yun Matt. Mahal ko si Alex. Sana matanggap mo na yun. Hindi ka naman mawawala sa puso ko bilang kaibigan." she smiled.

Nilapitan ito ni Pat then gave him a friendly hug.

"You will always be my good friend and trainer." She kissed his cheek.

"How was your day baby?" malambing na tanong ni Alex.

"Okay. Pero sobrang miss na talaga kita." she said sadly.

Past 11 PM sa Pilipinas samantalang past 7 AM pa lang sa location ni Alex.

She heard him sighed. "Mas miss kita baby. Di bale in three days time babalik na ako." pinasigla nito ang boses. Medyo nangiti din si Pat.

"Pagbalik ko may sorpresa ako sayo." Alex said.

" Ako din may surprise sayo baby." she said huskily.

"SHIT! I really miss you so much! " he said in agony.

Nakagat ni Pat ang labi. Naiiyak siya. Ayaw na niyang maghiwalay sila ulit ni Alex kahit kailan .Ang hirap pala talaga.

She needs to prepare for his return. Excited na siya.

"Have you been good baby?" tanong nito.

Pat thought of the photo shoot .Napangiwi siya. She will just tell him about it pagbalik nito. She promised herself that she will not do things that would jeopardize their relationship from now on. She can't imagine her life without Alex.

"O-Oo naman baby. How about you ?Baka naman ikaw ang may ginagawa diyan." may lakip na inis ang boses niya. She doesn't even want to think about other women being with him. Makakalbo talaga niya kung sino man yun.

Malcon: Aba girl! Babaeng version ka lang ni baby Alex? Amazona? Kailan pa? At least you know how he feels..(wink-wink) Kailangan lang palang malayo sayo si yummy jowa mo para maka-realize ka!

Alex chuckled. "Yes baby! I am doing something...work all work! Inayos ko nga agad para makauwi na ako .I can't wait to see you. Can you come to my condo pag-uwi ko baby?" he asked hoarsely.

Napapikit si Pat. She wants his kisses and touch so much.

"Yes. I will be waiting for you." mahinang sagot niya.

"Just three more days, baby..I love you." he said.

***

"Mike! I have news for you. Malamang matuwa ka talaga. " Kate said as she entered the small office she shares with him.

Kunot noong tinignan nito si Kate. Halos kalahating taon pa lang ang bago nilang negosyo. Magkasosyo sila. He went back to the country to check how their business is doing. So far okay naman.

"See if familiar sayo." she said as she handed him an envelope. "Those came this morning."

He opened the envelope and saw that they are photos .His smile widened as he looks at them one by one.

"It's Alex's slut di ba? Kahit naka-sideview ang mga kuha niya, I can still recognize that bitch!"

Tumango si Mike while lustfully looking at Pat's pictures.

"No offense Kate but she is really hot." malapad ang ngiting sabi nito.

Kate snorted. " I don't think Alex knows about this. Sabi ni Anton nasa Amerika daw. May sungay pala talaga ang babaeng yan .I can't wait to see Alex's reaction pag nalaman niya." she winked at Mike.

"Make an appointment with the agency. Tell them that their client is very satisfied with the pictures and he wants to meet the model personally." nakangising sabi ni Mike.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.