"Is she okay?" naiiyak na tanong ni Shelly habang sinalubong ang asawa na karga si Pat. Jake headed towards the guest room. Kasunod nito ang mag-asawang Kim at Thomas.
Dahan-dahan itong inihiga ni Jake sa kama. She stirred a little then moaned.
"Pat!" lumapit si Shelly sa kama to sit beside her bestfriend. Hinaplos nito ang noo ni Pat.
" Maybe we should get her in the shower para mahimasmasan siya." suggested Kim.
"Babe can you carry her again?" pakiusap ni Shelly sa asawa.
"Magpapalit lang ako sandali. I need to take off my shoes too." sabi nito bago lumabas.
"Sandali kukuha ako ng pampalit niya." Shelly stood up and went out of the room.
"Is she going to be fine darling?" asked Thomas.
Kim just nodded. "If I only knew kung sino ang mga kliyente na yun, hindi ko sana inoffer si Pat to do the shoot." malungkot na sabi niya.
Lumapit si Thomas sa asawa." Don't blame yourself darling. Wala namang may kagustuhan sa nangyari. Importante is she's safe now."he said as he kissed her cheek
Bumalik si Jake na naka-boxer shorts lang. Kasunod nito ang asawa.
"I'll regulate the temperature of the water babe. Tapos ipasok mo na siya." Shelly said.
Jake just nodded. Pagalis ni Shelly, tinignan nito si Pat then Kim and Thomas. "I know how Alex must be feeling now. Naramdaman ko din yun dati. I felt useless and very frustrated cause I wasn't there when my wife was almost raped." Mapait na sabi nito as he remembers what happened before. "He saved Shelly that time. I feel good na I was able to return the favor now. Ilang araw ding hindi makakalakad ang gagong de Asis na yun! Kung hindi mo ako inawat baka nalumpo ko na ng tuluyan ang tarantadong yun!" he told Thomas, his tone arctic.
"Jake, okay na yun. His face will be black and blue and I am pretty sure nabalian yun ng buto sa ginawa mo. Sigurado ako bugbog sarado din kay Alex yun." sabi ni Thomas.
"Minsan yang pagkabayolente mo Jake napapakinabangan din." Kim joked.
"Babe, okay na." Sabi ni Shelly na kakalabas ng banyo.
Jake carried Pat into the bathroom. Tumapat ito sa shower .Ibinaba nito si Pat while his arms are around her for support.
When the water hit Pat’s face, she started to cough. Pinatay ni Jake ang shower with his other hand. Jake patted her back.
"Okay na siya babe?" Shelly asked.
Tumingala si Pat. "Papa Jake?" gulat na anas niya.
Nasa banyo sila. Her clothes are soaked and yakap siya ni Jake na walang pang-itaas. Medyo namula ang pisngi niya. Nahiya siyang bigla. Ang ganda ng katawan ni Jake .Mas malaki lang ang kay Alex ng kaunti.
"Pat!" tawag ni Shelly.
Jake opened the sliding glass of the shower.
"Bestie!" tawag niya sa kaibigan. Shelly looks worried. May hawak itong tuwalya.
"Kaya mo ng tumayong mag-isa?" tanong ni Jake.
Pat just nodded."Thank you." she said quietly.
"Good. Sige lalabas na ako." sabi nito bago maingat na isinandal siya sa wall ng shower room. His wife gave him a towel to wipe himself bago ito lumabas ng shower room.
"Pat, heto ang tuwalya. May pamalit ka na din dito .Can you change your clothes by yourself or do you need help?" alalang tanong nito.
"Okay na ako bestie. Sige ako na lang." sabi niya bago kinuha ang tuwalya na hawak ng kaibigan.
"O sige hintayin ka namin sa labas. I need to get your car keys pala para makuha ni Thomas sa bar ang sasakyan mo."
"Nasa bag ko bestie.Thanks." nahihiyang sabi niya.
Paglabas ni Shelly, Pat looked at herself in the mirror .OMG! Anong nangyari? Naalala niya lang nahilo siya. From the looks of it, mukhang pinagtangkaan siya ng masama ni Mike. Buti na lang wala siyang nararamdamang kakaiba sa katawan niya. She closed her eyes. She has a lot of explaining to do to Alex. Wish niya lang hindi masyadong magalit ito.
"She's okay Alex. Nasa banyo lang. Nagbibihis. Tinawagan ko na ang mama niya. Sabi ko na lang andito siya dahil biglaan akong nagpatulong somewhere .Kinuha na ni Thomas and Kim ang kotse niya sa bar." Shelly told Alex.
"I really want to see her Shelly. Pwede kayong mag-online? " he asked.
Napangiwi si Shelly. "I hope you won't be too hard on her. Na-explain na naman sayo ni Kim yung tungkol sa photo shoot. She just wanted to try and kami ang nangulit sa kanya."
“ Don't worry. Kahit galit ako sa pagpayag niya sa photo shoot na yun ,hindi ko siya aawayin. I was so damned worried about her. Mahal na mahal ko si Patricia. I don't think makakaya ko kung may nangyaring masama sa kanya." he said emotionally.
"Nabugbog na ng todo ni Jake yung Mike." Shelly revealed.
"Magpapasalamat ako kay Jake sa ginawa niya. Salamat talaga at nandiyan kayo. Pero hindi ko palalagpasin ang ginawa ng gagong yun!" Alex said.
"Walang kaso yun Alex. Ang laki din ng utang na loob ko sayo and Jake knows that. Besides parang kapatid ko na din si Pat. Sige mag-oonline na kami para makapag video call kayo."
Paglabas ni Pat, nakita niya si Shelly na nasa kama . She is in a cross-legged position habang nakatapat sa laptop.
"Pat! Mag-video chat daw kayo ni Alex." she said.
Nakagat ni Pat ang bottom lip. She is excited to talk to him and see him pero she's a bit nervous too. Malamang alam na nito ang nangyari. "S-Sige."sabi niya habang palapit sa kama.
Tumayo si Shelly then said, "Magluluto ako ng soup para makakain ka. I will also prepare some salad. Balikan kita mamayang konti."
Pat nodded. Umupo siya sa kama and nag log in sa Skype .She is wearing one of Shelly's white top and capri pants. Hindi na niya binlow dry ang buhok niya. Her face is bare of make-up. Kaka-log in pa lang niya ng makita niyang tumatawag na si Alex.
She accepted the call. Ini-on din niya ang camera niya.
Alex's worried but still very good-looking face is now on the monitor. "Baby.." he whispered as he looks at her lovely face.
"Alex.." mahinang tawag niya .Then bigla siyang naiyak. Miss na miss niya ito and gustong-gusto niyang yakapin.
"Please huwag kang umiyak baby." malungkot na sabi nito. "Tumawag ako sa airline. I asked them if pwede mas maaga akong makauwi. They say they'll call me. I want to go home as soon as possible. I want to be with you baby."
Tumango si Pat. "Sobrang miss na rin kita." She keeps on telling herself na two days na lang naman and magkakasama na sila ulit ni Alex.
"Okay ka lang ba? What did that fucking bastard do to you?" madilim ang mukhang tanong nito.
"Wala akong matandaan. Naalala ko lang, nahilo ako."amin niya.
Alex's lips formed a thin line. "I will deal with him when I get back! Kahit nabugbog na siya ni Jake, kulang pa din yun!"
"I'm sorry baby. Hindi ko sinabi sayo yung photo shoot." she looked at him with guilt in her eyes.
His eyes narrowed. "Mag-uusap tayo about that pagbalik ko. Right now my mother wants to talk to you." sabi nito bago finocus sa mama nito ang camera.
Tumambad ang magandang mukha ng mama ni Alex. Kamukha ito ng nobyo niya. She has white skin and chinita ito. She's very beautiful. Ang bata ng hitsura.
"Hello po." nahihiyang bati ni Pat. Ngayon lang niya nakita ang mama nito .Never pa din silang nag-kausap.
"Kumusta ka Patricia?" nakangiting tanong nito.
"Okay na po ako." mahinang sagot niya.
"Napakaganda mo pala talaga." puri nito.
"Salamat po."
"Alalang-alala sayo ang anak ko. Nagwawala nga kanina." she sighed.
Pat heard Alex's groan. Napangiti siya.
"Nakakatakot palang magalit ang anak ko. "naiiling na sabi nito. "But I am glad na okay ka Patricia .Gustong-gusto kitang makilala. Sa isang buwan uuwi ako ng Pilipinas. I will definitely see you then." sabi ng mama ni Alex.
"Ma, can I talk to my woman now?" dinig niyang sabi ni Alex.
His mother rolled her eyes. Nailing si Pat habang nakangiti.
"O Patricia, heto na ang anak ko na hot-headed." biro nito. "Nice to finally have met you kahit online lang .Di bale very soon, magkikita na talaga tayo. Lalo na ngayon alam kong hindi ka na papakawalan ng anak ko .I gotta go iha." paalam nito.
"Sige po. Nice to meet you din po." Pat said.
Alex's handsome face appeared on the screen again. "So what do you think about your future mother-in-law?" he asked as he flashes his panty- wrecking smile.
Pat grinned. " Future mother-in-law talaga agad baby?"
Tumango si Alex. "Uuwi si mama diyan dahil mamanhikan kami. Kinausap ko na siya kanina."
Natulala si Pat. Ano daw? Mamamanhikan?
"Aren't you happy? Don't you want to get married to me?" he asked coldly.
"N-Nagulat lang ako baby."
"Pag-uwi ko mag civil wedding na muna tayo. Then sa simbahan na after a few months." he seriously said.
Pat gasped when she heard what he just said.
OMG! Handa na ba siyang maging Mrs.Alex Llamarez?