Chapter 71

Excited si Pat. Ngayon na ang uwi ni Alex. Hindi ito nakakuha ng mas maagang flight. Okay na din.Time flies naman. He knows na darating siya sa condo nito. She offered to pick him up from NAIA pero sabi nito, magtataxi na lang daw ito. Ang hindi alam ng nobyo, she is planning to cook dinner. Actually hindi siya marunong magluto talaga. Malamang nga pag ikinasal sila nito, si Alex ang palaging magluluto. She smiled. Wala pa siyang sinabihan sa balak ni Alex na pagpapakasal nila. Sabi ng nobyo, he will propose to her properly.

Pagpasok ng condo, inilapag niya lahat ang mga dala-dala sa kitchen table. Planong niyang magluto ng pasta .Pero siyempre store-bought ang sauce, iinit niya lang. At least ang pasta lulutuin niya. May binili din siyang marinated chicken. According sa instructions, pwede namang lutuin kahit sa pan grill lang. She also bought half a gallon of yogurt for dessert. Sa tantiya niya she has an hour to cook bago dumating si Alex. May enough time din siya to freshen up. She knows that he will make love to her. Biglang nag-init ang pisngi niya when she thought about that. Sabik na sabik na din siya sa nobyo.

Nagpaalam siya sa mama niya na sasalubungin niya si Alex sa airport ang malamang gabihin siya. Tinukso pa nga siya ng ate niya. Since next day wala naman siyang pasok cause it's the weekend, pwedeng-pwede siyang magpuyat. She put the yogurt in the freezer then started to take ingredients from the bag. Natigilan siya ng marinig niyang parang may nagsarado ng front door. She frowned. Alam niya ni-lock niya ang pintuan. Napangiti niya ng maiisip na baka si Alex. Baka napaaga ang arrival nito. She prepared her sexy smile para salubungin ito.

"YOU!!" sigaw ni Zoey.

"WHAT ARE YOU DOING HERE?!" gulat na tanong ni Pat.

OMG! Paano ito nakapasok?Not unless.....may susi din ito? Biglang naningkit ang mata niya. "How did you get in?" she asked, her tone very cold.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Zoey. She is bringing a bottle of wine.S uper sexy ang suot nito .Naka mini dress na itim na hapit sa katawan.

"Oh..I have a spare key too." sabi nito as she showed her key.

PUTEK!! Mura ni Pat sa isip niya .Napakawalanghiya talaga ng nobyo niya! Hindi lang siya ang binigyan nito ng spare key! Parang gusto niyang maiyak sa inis at galit.

"Hmm.. I know ngayon ang balik ni Alex kaya I brought a bottle of wine. Hindi ko naman alam na may balak ka ding pumunta." medyo sumimangot ito.

Tumuloy ito sa kusina para ilapag ang bote ng alak. Nang makita ang mga nasa lamesa, tumaas ang kilay nito. "Trying to impress Alex? May balak kang magluto?' tila nanunudyo nitong tanong.

Pat is trying very hard to control her temper. Konting-konti na lang sasabunutan na niya si Zoey. Kung magsalita ito parang nobya din ito ng hayup na boyfriend niya. Mananagot talaga sa kanya ang lalaking yun. She crossed her arms on her chest ," I don't need to impress my fiance. I am cooking for him cause he just proposed to me a few days ago. I want Alex and I to celebrate." Pat said. She pasted a fake smile on her lovely face. Tignan niya lang kung ano ang reaction ng malanding si Zoey sa sinabi niya.

She saw the other woman turned a little pale sa narinig but nakabawi din ito sa gulat after a few seconds.

She also flashed her a fake smile, " Talaga lang ha?" tila nang-aasar na tanong nito .Then she shrugged her shoulders. " It's okay. Hindi naman ako selosa." nakangiting sabi nito.

"WHAT??! At ano naman ang ibig mong sabihin??" galit na tanong ni Pat.

"Well okay lang naman sa akin kahit may gilfriend na si Alex. Dati nga yung isang boyfriend ko may asawa pa. Ikaw pa kaya na girlfriend lang? And Alex is too yummy to give up. Share na lang tayo." she sneered.

Nagdilim ang paningin ni Pat sa narinig. Ubod lakas niyang sinampal si Zoey. Sa gulat, napaatras ito. When she recovered, akmang sasampalin din nito si Pat. Since sanay sa workout, kahit slim siya, he has more strength. Sinangga niya ang kamay ni Zoey at malakas na sinampal ulit ito ng kabilang kamay niya.

Napasandal si Zoey sa kitchen counter. Pat ran towards the drawer where the knives are. She took one and lumapit siya kay Zoey .Namutla ang huli sa nakitang galit sa mukha ni Pat.

"Ang bagay sa malalanding katulad mo ginigilitan ng leeg!" Itinaas ni Pat ang kutsilyo and akmang sasaksakin si Zoey. Tatakbo sana si Zoey ng hinablot ni Pat ang buhok nito ang inilapit sa mukha nito ang kutsilyo.

"Akin na ang susi!!" galit na utos niya.

Takot na takot na iniabot nito sa kanya ang susi. Pagkakuha ni Pat, bulong lakas niyang itinulak si Zoey.

"This will be the last time that you will set foot in Alex's condo .Sa susunod na makita kita, I will break your nose before slashing your neck! Get out! You scrubber!! OUT!!" sigaw ni Pat.

Mabilis na tumakbo palabas si Zoey. Kinuha ni Pat ang dalang alak ng babae bago mabilis na lumabas din ng kusina.

"ZOEY!!" she screamed angrily.

The woman was about to go out of the door pero napalingon ito ng marinig ang malakas at galit na tawag ni Pat.

"DALHIN MO ANG BASURANG BINILI MO!" sabay hagis ng malakas sa bote to Zoey's direction. The latter shrieked and quickly slammed the door behind her. Tumama ang bote sa nakasaradong pintuan.

(Alex)

Kanina pa siya tumatawag kay Pat. Pagbaba pa lang ng eroplano, dinial na niya ang number ng nobya but unattended ito. He frowned a little pero naisip niya na malamang may surprise ito sa kanya.

Sobrang excited na siya na makita ito. Madami siyang pasalubong for her and fr family. Dala din niya ang singsing na galing sa mama niya. Bigay daw ng lola niya sa mama niya ang singsing bago ito ikinasal sa papa niya. He hopes na kasya ito kay Pat. If hindi, madali naman itong ipa-resize. Wala siyang balak na sabihin through phone ang gusto niyang pagpapa-kasal nila. The strained situation which recently happened made him tell her about his plans .Hindi niya kayang mawala si Pat sa kanya. Ayaw na niyang maulit ang nangyari. He wants to protect her all the time. Kumunot ang noo niya as he got inside his condo. May basag na bote ng alak malapit sa pintuan. He hurriedly got his luggage inside then closed the door.

"Baby?" alalang tawag niya as he walks towards the kitchen.

May paper bag sa lamesa . Sa tabi nito may isang bote ng pasta sauce. Dali-daling siyang pumunta sa kwarto niya.

"PATRICIA?!" tawag niya as he got inside. Binuksan din niya ang banyo pero wala ang nobya.

***

"Pat sige ilabas mo lang." sabi ni Jenna.

Tinawagan niya si Jenna bago umalis sa condo ni Alex. Ayaw niyang pumunta kay Shelly dahil alam niya dun siya unang maiisip puntahan ni Alex .Besides, ayaw niyang makita siya ng bestie niya na umiiyak. Nasa bahay sila nila Jenna. They are in her room. Pulang-pula na ang mata ni Pat sa kakaiyak.

"Napaka-walanghiya ng Alex na yan! Sabi niya wala lang ang Zoey na yun! Yun pala binigyan din niya ng susi!" humihikbing sabi niya.

Jenna sighed. "Ano ngayon ang balak mo? Kung ako kasi sayo Pat, dapat kinausap mo muna si Alex. Hindi ganyan na basta ka na lang umalis."sabi ni Jenna bago inabutan ng tissue ang kaibigan.

Umiling si Pat habang pinupunasan ang luha sa mukha niya. "Ayaw kong makita ang pagmumukha ng manlolokong yun! Magsama na sila ng malanding babae niya!"

Kumunot ang noo ni Jenna. "Anong ibig mong sabihin?" tanong nito.

"Hihiwalayan ko na ang manyak na babaerong yun!" galit na sabi ni Pat.

"Pat, bakit hindi mo muna pakinggan ang sasabihin niya? Sa nakikita ko, mahal na mahal ka ng rapsa papa mo eh. Mag-usap muna kayo. Hear his side." advised Jenna.

"Ayaw ko na. Sobrang siyang magselos at maghigpit, yun pala siya itong may ginagawang milagro." mapait na sabi niya.

"JENNA!" tawag ng kuya nito matapos kumatok ng dalawang beses.

Jenna stood up from her bed kung saan nakaupo din si Pat. Binuksan nito ang pintuan.

"Andiyan si Matt!" sabi ng kuya nito.

Dahil sa sama ng loob, napayakap si Pat kay Matt.Naiyak na naman siya. Hindi na niya inisip na hindi na lang basta friendship ang gusto nito sa kanya. Si Matt ang pinaka-malapit na lalake sa kanya bago bumalik si Alex. He used to be her confidant.

Matt just let her cry habang nakasubsob sa leeg nito ang mukha ni Pat. He has his arms around her.

Iniwan muna sila ni Jenna sa sala. Hahayaan muna niya silang mag-usap. Maghahanda ito ng miryenda para sa kanila. Nagtitimpla siya ng juice ng biglang narinig niya ang ring tone niya.

She frowned. Si Alex ang tumatawag.S he sighed bago sinagot ang telepono. "Alex?"

"Jenna kasama mo ba si Patricia?" alalang tanong nito.

"B-Bakit? Hindi ba kayo magkasama?" she asked as she opened the freezer to get some ice.

"Hindi eh. Wala din kina Shelly and sa bahay nila. Sabi ng ate niya nagpaalam siya na susunduin ako." he said.He sounds strained.

"Nag-away ba kayo?" kunway tanong niya.

"Hindi pa kami nagkita. I think she's been here .May mga pagkain sa kusina. Hindi ko alam kung bakit umalis siya. I can't even contact her."

"JENNA! Alis muna kami ni angel." Matt said .

Isinarado ni Jenna ang freezer habang kagat ang labi. PATAY! naisip niya. Dahan-dahan siyang lumingon kay Matt.

“ Kakalmahin ko lang. Kailangan niya ako ngayon and I used to take care of her better bago ang asungot na lalaking yun. “ said Matt.

She heard Alex's ragged breathing on the other end of the line. Napangiwi si Jenna.

Sinenyasan niya si Matt na huwag maingay. Sasabihin sana nito na si Alex ang kausap niya but naunahan siya ng binata.

“Huwag mong sasabihin na ako ang kausap mo. Don’t let that asshole bring Patricia with him kung ayaw mong mas grabe ang gagawin ko sa kanya.” Alex said sa malamig na boses.

“Matt! Hindi kayo pwedeng umalis...” Hinabol nito si Matt habang hawak pa din ang cp. She is scared na babaan ng telepono si Alex. He already seems to be so pissed, ayaw na niyang dagdagan pa.

“Jenna chance ko na ito! Gusto kong magsolo kami!” Sabi ni Matt.

Nahampas ni Jenna ang noo when Alex cursed.

“Text ne your address. Kapag dumating ako diyan na wala ang gagong kaibigan mo at si Patricia..I am sorry Jenna..” hindi na tinapos nito ang sasabihin but the woman knows what he means.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.