"S-Sige. Itetext ko na lang sayo." As soon as she ended the call, “Hindi sabi kayo pwedeng umalis eh!" tarantang sabi nito kay Matt at hinablot pa nito ang polo ng akmang tatalikod na naman ito to go to Pat. Kumunot ang noo ng binata.
"I mean hindi kayo pwedeng umalis kasi naghanda ako ng snacks since ayaw naman mag-dinner ni Pat. Hindi pa yata siya kumakain mula kanina." she said sa mas malumanay na boses.
"Mas ma-rerelax si angel if she goes out. I will find a good place with a nice atmosphere." Matt said.
"Sandali Enchong may itetetx lang ako! I am not good in multitasking. Basta hindi kayo aalis! .Baka sa labas pa mag-iiyak si Pat maging center of attention pa kayo." sabi ni Jenna.
Bumuntunghininga si Matt. He let her finish texting bago ito nagsalita ulit.
"Ano ba kasi ang nangyari? Sure ako kagagawan ng nobyo niya kaya nagkakaganyan si angel. Kung ako na lang kasi ang pinili niya, di hindi sana siya iiyak ng ganyan." hinayang na sabi nito.
"Hay naku Enchong! Lahat naman ng magka-relasyon nag-aaway. Importante makapag-usap sila. Halika na nga tulungan mo akong maglabas nito para magka-laman ang sikmura ni Pat."
Lumapit si Matt to get the tray of sandwiches. "Basta pagkatapos kumain ilalabas ko si angel. I will show her na mas okay if ako ang pipiliin niya." determinadong sabi nito.
Nailing na lang si Jenna .Kailangan niyang gumawa ng paraan. Alam niyang galit na galit si Alex. For sure bugbog sarado si Matt. Naguguilty siya na hindi niya pwedeng sabihin na papunta si Alex. Pero alam niya na tototohanin nito ang banta na mas malala ang mangyayari kay Matt pag umalis ang mga ito.
"Pat, kain ka ha? May sasabihin lang ako sa kuya ko. Dito lang kayo! Enchong, behave!" tinignan niya ng masama ito. Baka kasi pilitin nito si Pat na umalis.
Kumatok siya sa kwarto ng kapatid bago pumasok .Nag-gigitara ito.
"KUYA! Please papuntahin mo dito ang tropa mo ngayon na!" tarantang sabi niya.
Nakasimangot na tinignan siya ng kapatid.
"Anong tinira mo ha? Di ba galit na galit ka sa mga tropa ko kasi sabi mo mayayabang?"
"Basta kuya! Padating ang bf ni Pat. Malamang bugbugin si Enchong! Kailangan ng taga-awat! Sige na bilis!"
Biglang nagliwanag ang mukha ng kuya niya. Ibinaba nito ang gitara. "Ayos yan! Libreng action! Bakit pa aawatin? Hindi ba kaya ni Matt yun?"
"Malamang hindi! Mas malaki ang katawan nun kesa kay Enchong tsaka galit na galit kuya! May binugbog na din yun dati, naospital pa!"
"Okay pala yang nobyo ni Pat! Basagulero! Ayos to! Action kung action! Sige exciting to! " kumikislap ang matang sabi ng kuya niya bago kinuha ang cellphone.
Lumabas na si Jenna. Mahirap na! Alam niyang atat si Matt na masolo si Pat baka itakas pa ang kaibigan niya.
"Kain ka pa. Halos hindi mo man kinain ang sandwich mo eh." alalang sabi ni Jenna habang nakatingin sa tira ng kaibigan. Tumayo ito para paalisin si Matt sa tabi nito.
"Dun ka sa kabilang upuan Enchong!" utos nito
Patay lalo ito pag nadatnan ni Alex na katabi ni Pat. Nagkakamot ng ulong tumayo si Matt. Pat looks calmer kumpara kanina. Siguro naubos na ang luha.
" Okay ka na? Ano na ang plano mo? Hindi mo ba talaga kakausapin si rapsa papa mo?" Jenna asked.
Umiling si Pat. "I am going to break up with him." seryosong sabi niya..
Napatingin naman si Jenna kay Matt na nasa kabilang upuan. Ang lapad ng ngiti nito sa narinig. Hinawakan ni Jenna ang kamay niya, "Naku mahihirapan ka yatang makipag-hiwalay sa rapsa papa mo. Siguradong hindi papayag yun."
Pat jutted her chin. " Wala siyang magagawa if ayaw ko na! Ginawa ko namang lahat pero niloko niya pa din ako!" galit na sabi niya.
Parang nabibiyak ang puso niya pag naiisip na maghihiwalay na sila ni Alex. Pero hindi naman niya pwedeng balewalain ang nangyari kanina.Pinagtataksilan siya nito!
Dun naman tumayo si Matt para tumabi ulit sa kanya. Sa kabilang side niya ito pumwesto. Tinignan ito ng masama ni Jenna but he ignored her. He feels na ngayon ito mas kailangan ni Pat. She needs a shoulder to cry on and he is just the right person for that.
Hinagod nito ang likod ng dalaga. Sumandal si Pat sa balikat nito for comfort. "Angel, andito lang ako. Don't forget that." he said.
"Ate! May naghahanap...." hindi natapos ng kasambahay nila Jenna ang sasabihin. Galit na galit na mukha ni Alex ang nakita nila.
"YOU FUCKING ASSHOLE!!" mura nito sabay sugod kay Matt.
Napasigaw si Jenna. Hinablot nito ang kwelyo ni Matt then buong lakas itong hinila palabas ng garden.
"ALEX!!" sigaw ni Pat.
He started to hit Matt on the face.
"KUYA!!!!" tili ni Jenna. Dali-dali itong lumabas ng gate. Lumabas kani-kanina ang kapatid para sunduin sa kabilang kanto ang tropa nito.
Sunod-sunod ang suntok ni Alex kay Matt. Nang nakahiga ito hinablot nito ulit ang damit ni Matt para itayo. Itinulak ito ni Alex palayo sa kanya.
" TAYO!! LUMABAN KANG TARANTADO KA!!" he shouted. Takot na takot si Pat. Alex's face is red. He is breathing heavily.
"ALEX TAMA NA!!" sigaw niya. Nilingon siya nito and tinignan ng masama. That instance, tumayo si Matt para sugurin si Alex. Nasuntok ito ni Matt sa gilid ng mukha.
"NOOOO!! " Pat screamed ng makitang tinamaan ang nobyo.
Pumaling sa kanan ang ulo ni Alex. He just looked back at Matt after a second or two. Napaatras si Matt sa expression ng mukha nito.
"You don't know how glad I am that you did that." sabi ni Alex sa malamig na malamig na boses. Sinugod nito ulit si Matt.
Mabilis namang kinuha ng huli ang nakita nitong shovel sa gilid ng garden. Hinampas nito sa katawan si Alex ng ilang beses.
Napatili si Pat ng makita ang ginawa ni Matt. Nakatayo sa may gate si Jenna na parang natulala. Katabi nito ang kasambahay nila.
Alex lost his balance so sinugod na naman ito ni Matt. Dun naman nasangga ni Alex ang handle ng shovel .He pulled it kaya nasubsob si Matt sa bermuda grass. Sinamantala yun ni Alex. He threw the shovel sa side ng garden. Then hinila niyang patayo si Matt to smack his face several times.
"YOU...FUCKING...SON OF A BITCH!!" galit na sigaw nito as he hits Matt nonstop. Halos lupaypay na si Matt pero hindi pa din ito tinitigilan ni Alex.
"PARE AWAT NA!" sigaw ng kuya ni Jenna.
Tatlo silang umawat kay Alex. May isa namang humila kay Matt palayo. The latter's shirt and face are covered with his own blood.
Kusa ng lumayo si Alex. "Next time na makita kong lumapit ka kay Patricia, I will fucking salvage you!" banta nito.
Halos hindi makakilos si Pat. She is so shocked. Nakita niyang palapit si Alex sa kanya. May dugo ang gilid ng labi nito. Yun ang tinamaan ni Matt kanina. He carelessly wiped the blood with the back of his hand. He has a grim expression. He then yanked her arm.
Hindi na nagpumiglas ang dalaga habang kinakaladkad siya nito.
"Pat! " tawag ni Jenna nang dumaan sila sa tapat nito.
But Alex didn't stop walking. His face is stony and red.
Tumango na lang si Pat kay Jenna. Parang ipinahihiwatig niya na it will be better na nga siguro na mag-usap sila ni Alex.
Bago sila nakarating sa kotse ni Alex , hinabol sila ng kasambahay nila Jenna para iabot ang bag niya. He pushed her inside the car. He didn't even look at her when he started the engine.
Pat chose not to look at him too.Tahimik lang sila sa buong biyahe. Gusto ni Pat na pag nag-usap sila tuloy-tuloy na.
She can wait until they reach his condo. Her anger is starting to resurface again.
Malakas na isinarado ni Alex ang pintuan ng condo.
Naglakad si Pat papunta sa sala.
"Explain to me why you are with that son of a bitch! Hindi ba sinabi ko na dito mo ako hintayin?!!" he asked furiously.
Nakatalikod si Pat dito. Bago siya humarap kinuha niya sa bag ang susi na galing kay Zoey. Hinagis niya ito kay Alex. Tumama ito sa dibdib ng binata bago dumapo sa paanan nito.
"Manloloko ka! Ang lakas ng loob mong mambugbog ng mga lalaking may gusto sa akin! All these timeyou were fucking your tramp! !" galit na sabi niya.
Alex's eyes narrowed as he picked up the key."ANO TO?!! "
"Kunwari ka pa?!! Akala ko ako lang ang may spare key ng condo mo!" sigaw niya.
Lalong dumilim ang mukha ni Alex. "Ikaw lang talaga! Kanino ba ito??!" galit na tanong nito.
"SA BABAE MO!! she angrily said.
Nahilamos ni Alex ang mukha with his hands."WALA AKONG IBANG BABAE!!"
"Stop lying! Magsama kayo ng malanding babae mo!!"
Namula ang mukha ni Alex.
Napaatras si Pat sa takot. Nawala lahat ng tapang niya ng makita niya ang galit na galit na mukha nito.
"Gumagawa ka ba ng dahilan para hindi matuloy ang kasal natin?!" naniningkit ang matang tanong nito.