Chapter 79

Palabas si Anton ng elevator ng makita niya sa corridor si Alex na mukhang hahabulin ang nobya nito. He is in his boxer shorts and white undershirt. He has a grim expression.

"Champ!" salubong niya.

"Where is Patricia?" galit na tanong nito.

"Umalis na champ! Malabo mo ng mahabol!"

"FUCK IT!" he cursed through gritted teeth.

"Okay ka lang girl?" tanong ni Jenna habang nagmamaneho.

Pat still feels tensed .She knows that Alex is pissed big time.

"Anong sabi ng rapsa papa mo nung kunwari nakikipag-break ka na?" sinulyapan siya ng kaibigan.

She bit her bottom lip, "Actually hindi ko sinabi na break. Cool-off lang pero he blew his top, as expected. Galit na galit siya, Jenna. Malamang nasira na niya ang kama niya. Bago ako tumakbo bumibigay na ang bedposts eh."

Pumalatak si Jenna.

“Tama ba ang ginawa natin?" nag-aalangang tanong ni Pat habang nakatingin sa kaibigan.

"Ah...eh..actually Pat, sa kinwento mo..mukhang dapat tama na yung nag-strip tease ka at binitin mo siya. Hindi ko na yata dapat sinuggest na makipag-break ka kunwari." nakangiwing sabi nito.

Natutop ni Pat ang noo niya. "Jenna..patay talaga ako kay Alex." she said nervously.

"Sorry talaga. Nadala din kasi ako sa nangyari kanina. Actually ganun din ang gagawin ko if I were you. Tsaka okay din talaga na turuan din ng leksiyon ang rapsa papa mo. Kaso nawala sa isip ko na parang si Incredible Hulk nga pala pag nagalit yun." Jenna sounds regretful.

"Parang ayaw ko munang umuwi. Baka kasi puntahan ako ni Alex." she said.

"O sige.Mamaya na kita ihahatid. Ang mabuti pa kumain muna tayo. My treat! Para naman makabawi ako sayo." tipid na ngumiti ito sa kanya.

Pat nodded. Hindi pa nga pala siya kumain ng maayos mula kaninang umaga.

Nag-order sila ng pasta and grilled chicken. Naisip ni Pat na she needs to eat. Kailangan niya ng energy para makapag-isip ng mabuti kung paano malulusutan ang sitwasyon niya. She knows hindi palalampasin ng nobyo ang nangyari.

"Dessert tayo?Mukhang masarap mag gelato. Besides paminsan-minsan lang naman. Anong flavor ang gusto mo?" tanong ni Jenna.

Tumango na lang si Pat."Kahit ano."

Habang nag-oorder si Jenna, narinig naman ni Pat ang message alert tone niya. Nag-text si Alex! Parang kinakabahan siyang basahin.

"Tagal ko na ding hindi nagde-dessert."nakangiting sabi ni Jenna. "Girl napano ka?" tanong nito ng mapansing nakakunot ang noo ni Pat habang nakatingin sa cellphone.

"Hindi ko kasi alam if babasahin ko ang text ni Alex." alanganing sabi niya.

"Sus naman girl! Buksan mo na! Text lang naman yan, hindi ka kakagatin! " biro nito.

"Sabagay.." sabi niya bago inopen ang text message.

Napangiwi siya ng makita na medyo mahaba.

From: Baby Alex

I am not sure if you really feel how much I love you. Kasi kung ramdam mo yun, you will never suggest na mag cool- off tayo. I have been vocal about how I am as a boyfriend. I never sugar-coated what I want in our relationship. Kahit saksakan ako ng seloso, I did my best to make up for it by showing you how much you mean to me. I have never been in a relationship like this. Sayo ko lang ginawa lahat ng dating hindi ko ginagawa. I told you many times na ikaw lang ang gusto ko at mahal ko. I know I said na walang break break .Pero kung yan ang gusto mo, I guess I am fine with it. Ang cool off , break na din yun Maybe it's time for me to let you go. Ramdam ko naman na hindi ka talaga naging masaya sa akin. I wish you well Patricia.

The letters became blurry as tears fill her eyes. Hindi niya mapigilang hindi umiyak.

"Pat!! What's wrong?" alalang tanong ni Jenna.

Hindi siya sumagot. Iniabot lang niya ang phone sa kaibigan para ito na ang magbasa. Pagkakuha ni Jenna sa phone,i sinubsob ni Pat ang mukha sa mga kamay niya para umiyak. Buti na lang walang masyadong tao at nasa sulok sila ng kainan.

"OH NO!" gulat na sabi ni Jenna.

OMG! Pumayag si Alex na mag-break sila! Hindi niya ineexpect ang ganito. Parang hindi siya makahinga sa sakit na nararamdaman niya.

Tumayo si Jenna para yakapin siya habang nakaupo. Kinuha din nito ang baso ng tubig at pilit siyang pinainom. Hinila nito ang upuan para mas lumapit ito sa kanya. Jenna touched her hands.

"Pat sorry. Hindi ko naman alam na hahantong sa ganito .I shouldn't have suggested such a stupid thing." malungkot na sabi nito.

Pat looked up. Kinuha niya ang table napkin niya to wipe her eyes. "No. Ako din ang may kasalanan. Nagsawa na lang si Alex sa mga kapalpakan ko."

"Hindi mo ba siya kakausapin?" tanong nito.

"Para ano? Ako naman ang naghamon ng cool off eh." naiiyak na naman na sabi niya.

"Baka naman pwede pang ayusin. Kita ko naman na mahal na mahal ka ng rapsa papa mo eh." pang-aalo ni Jenna.

"Kasalanan ko. Alam ko naman na ang ugali niya eh. Lalo pag nagseselos siya. Una pa lang sinabi na naman niya lahat eh .Ako lang itong hirap mag-adjust. Pero Jenna,mahal na mahal ko si Alex."

Magdamag na naman siyang umiyak .Hindi niya matanggap na officially break na sila ni Alex. Para siyang nakalutang. She is in denial.

Malcon: 'Te,di ba dati nasasakal ka sa kanya? O hayan! Libre ka na! Dami naman nagkakagusto sayo eh. Nakalimot ka din yata kasi na ang dami din nagnanasa kay baby Alex eh .Naisip siguro niya yung mga yun patay na patay sa kanya so willing gawin kahit ano for him. Eh sa relasyon niyo, parang siya lang ang dead na dead sayo eh.

"Hindi totoo yan! Mahal na mahal ko din siya!" sabi niya sa sarili.

Humagulol na naman siya habang nakasubsob ang mukha sa unan niya. Alam niya na anytime kakatok at papasok ang ate o mama niya to remind her na ma-lalate na siya. Pero hindi pa din siya tumitigil sa pag-iyak. Wala siyang balak pumasok.

Umupo siya sa kama. She took he phone from the bedside table. Bahala na. She will call Alex.

Nakakailang ring na ang telepono nito pero walang sumasagot. Naisip niya na itext na lang ito. Pero dalawang minuto na siyang nakatitig sa cp niya pero wala pa siyang naitetext.

Ano ba kasi ang itetex niya?

...baby..sorry na...

Alex...can we talk?

Ayaw mo na ba talaga?

Sorry..I didn't mean what I said.

Sa huli nagdecide na lang siya na huwag ng magtext. Tatawagan pa niya ng isang beses. Pag hindi pa talaga nito sinagot ,she will give up.

One ring...two..three..

"Hello." sagot ni Alex.

Parang naumid ang dila ni Pat ng marinig ang boses nito. Naiiyak siya pero she needs to control herself.

"Why did you call Patricia?" he asked tonelessly.

She sighed before saying," Sorry."

"Sorry saan?" malamig na tanong ni Alex.

"Dun sa kagabi." mahinang sabi niya.

She heard him sighed.

"Okay na yun."

"About your text..."she began.

"What about my text?"

Nangingilid na ang luha niya dahil sa lamig ng boses ni Alex. Para lang itong napipilitan na kausapin siya.

"T-Talaga bang payag ka ng mag-break tayo?" Hayan! Natanong na niya! She held her breath while waiting for his answer.

"Ano sa palagay mo Patricia?" balik tanong nito.

"Are you really letting me go?" garalgal na ang boses niya.

"Hindi ba yun ang gusto mo?" walang emosyong tanong nito.

"Ipapaubaya mo na ako sa iba?" Naisip niyang itanong yun to provoke him. Hindi niya maatim na ganito ang pakitungo sa kanya nito. Parang wala na talaga itong gana sa kanya.

"Do what you want Patricia. Tutal wala na tayo." wala pa ding emosyong sagot nito.

Napapikit si Pat. OMG! Hindi na talaga siya gusto ni Alex! Kaya ba niyang mag move on? Bago pa siya maiyak ng todo ibababa na niya ang telepono..

"Alex, breakfast is ready..." sabi ng boses ng babae.

"Honey? I'll be right there. I have to go Patricia." he said then ibinaba nito ang telepono.

She almost dropped her phone sa narinig.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.