OMG! May kasamang babae si Alex! Kaya ba madali dito na makipag-break ng tuluyan dahil meron na agad siyang kapalit? O baka naman dati pa itong may ibang babae?
She is angry and jealous! Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. umayo siya from the bed. She wiped her tears na walang tigil sa pagpatak kanina. Hindi niya ibuburo ang sarili just because Alex broke up with her. Magsama sila ng babae niya! Halos mahimatay na siya sa kakaiyak yun pala ang lalaking iniiyakan niya may iba na?
"Manigas kang lalake ka! Kung break ang gusto mo talaga, eh di break!!" galit na sabi niya sa hangin.
Dumiretso siya sa banyo para maligo. Hindi niya sasayangin ang araw niya sa pag-iyak. Madaming lalake diyan. Hindi lang si Alex.
Malcon: Pero girl, si baby Alex ang first mo sa lahat. And aminin mo na lab na lab mo siya. Tska mahal ka din naman dati ni baby Alex...
"Kaya nga may first kasi may second! So siya nga ang first kaso ayaw na niya sa akin! Natural nagsawa na eh! Dapat siguro magkaroon na din ako ng second!" kausap na naman niya sa sarili niya sa shower room.
"Taba! Okay ka lang? Ayos ang porma mo! Parang hindi ka papasok ng opisina." puna ng kuya niya habang nakakunot ang noo.
Paalis na ito habang nag-kakape pa ang ate niya. Lumingon din si Lena sa kapatid. Muntik na nitong maibuga ang kape ng makita ang suot ni Pat.
Naka sleeveless siya na dark brown and skinny jeans. Hindi na siya nag-abalang mag-dala ng cardigan. Labas ng konti ang cleavage which made her look sexier. Nag-aaply siya ng makeup and she has dark brown wedges on. Ang pabangong ginamit niya is L Lamb by Gwen Stefani. She wants to look and feel beautiful. Hiniwalayan na nga ng boyfriend alangan namang magmukha pa siyang losyang di ba? Balak niyang mag-half day then gumala .Sabi nga ni Malcon ,nasasakal siya dati kay Alex so ngayon samantalahin na niya. She has a lot of freedom.
"Bakit ganyan ang suot mo? Hindi ba magagalit si Alex niyan?" tanong ng ate niya.
Just the mention of his name makes her want to cry.
"Cool it! Don't lose it or you'll regret it!" sabi niya sa utak niya.
Her mantra will be useful these coming days and weeks. She needs to cover up her true feelings. She shrugged her shoulders. "Wala na kami.So wala na siyang pakialam. Sige , mauuna na ako sa inyo."
Nagkatinginan si Lena at Allan.
"Ano daw??" hindi makapaniwalang tanong ni Lena kay Allan.
Nailing ang huli, "Tsk..tsk..Sabi na kasing mag-helmet si bayaw eh!"
She spent her time checking some paperworks. Tutal half-day lang siya, mas maganda ng tapusin ang lahat ng pwede niyang gawin. She doesn't want her tasks to pile up. Bago mag-alas dose lumabas na siya ng opisina niya.
"Arianne, tawagan mo na lang ako pag may problema." sabi niya sa sekretarya.
Nakanganga lang na napatango ang huli. Naisip nito na ang lakas talaga ng dating ng amo niya. Ang ganda at sexy! Kaya ang daming nagkakagustong mga guwapo. Lalo na ang boyfriend nito! Saksakan ng macho at pogi! Napabuntunghininga na lang ang sekretarya.
Pat was about to get in her car ng marinig niyang may tumawag sa kanya. "Jude?" gulat na tanong niya.
"Hi. Sakto pala ang dating ko. Muntik na kitang hindi maabutan." nakangiting sabi nito as he looks at her ,his eyes are full of admiration.
Ang guwapo nito. Naka light green na polo shirt and dark pants.Mukhang bagong gupit. She flashed a sexy smile.
He was taken aback. He realized na parang mas gumanda pa lalo si Pat ngayon. There's something different about her. He likes it. Kahit ano pa man yun.
"Tungkol ba sa work?" asked Pat.
"Actually hindi." pilyong ngiti nito. "Sorry, alam kong baka magalit ang boyfriend mo pag nalaman niya. Pero napadaan ako kasi galing lang ako sa kabilang building."
Medyo nabawasan ang ngiti niya ng maalala na naman niya si Alex, pero saglit lang nakabawi na ulit siya.
Lumapad ulit ang ngiti niya. "Don't worry, wala na kami."
Nagulat si Jude."Ha? Kelan pa?"
"Kagabi lang.H e broke up with me." she tried to sound as if she's okay.
***
Masayang kasama si Jude. Kumain sila sa labas for lunch then nag-ikot-ikot sa mall. Nabanggit nito ang tungkol sa kagustuhan niyang isama siya sa farm nila .She said pag-iisipan niya.
She hates to admit it. Iba pa din pag si Alex ang kasama niya.
Naghiwalay sila ng bandang 6:00 PM na .Iniimbita pa siya nito na mag-dinner but she refused. Ayaw niyang masyadong umasa muna si Jude .Kaka-break lang nila ni Alex .Kahit kanina naiisip niya na magka-second bf na, now she realized na hindi magandang maghanap ng panakip-butas. Tama na muna na i-try niyang kalimutan si Alex.
Pag-uwi niya sa bahay umaasa pa din siya na tatawagan, itetex or papasyalan siya ni Alex. Pero hanggang bago siya matulog wala pa din. Dun na siya nagdecide na ayain bukas ng gabi si Jenna at Matt na lumabas. Ayaw niyang magmukmok sa bahay.
Tuwang-tuwa si Matt pero sinabihan niya na huwag nitong bigyan ng kulay ang pag-aaya niya. She just wants to be with people she has been used to.
So kinabukasan nagdala siya ng pampalit niya. After office hours nag-shower siya sa opisina niya. She wants to feel refreshed.
Naka-mini dress siya na black .She put on more make-up dahil gabi naman. She applied dark red lipstick. Nag-strappy high-heeled shoes din siya .Ang pabangong ginamit naman niya ngayon is Boss Femme by Hugo Boss. When Jenna texted her na nasa labas na ang mga ito, she took one last look at her bathroom's mirror. She smiled to herself. She is planning to paint the town red with her friends tonight .First time niyang gagawin ito so she wants to have a blast.
Kotse ni Matt ang gagamitin. Nagpahatid lang siya kaninang umaga sa kuya niya. Sinusundan siya ng tingin ng mga empleyado niya habang palabas siya. She looks fierce and alluring.
Kakalipat lang ni Jenna sa likod ng kotse while Matt closed her door ng lumabas si Pat. When Matt saw her, he did a double-take. "Angel..." anas nito as he stares at her.
"Hey!" biro ni Pat as she snapped her fingers in front of him. "Tara na!" aya niya.
"Angel,nakakarami ka na." alalang sabi ni Matt habang tinitignan ang pag-inom ni Pat. Mukhang may problema ito pero wala naman nabanggit si Jenna kanina. Malamang nag-away sila ng bayolente nitong nobyo .Well,i t's his lost. He thought.
Hindi ito pinansin ni Pat. Pinapanuod niyang sumayaw si Jenna with a man she just met. Cute naman ito .Nangiti na lang siya.Sana kagaya na lang siya ng kaibigan na hindi nagseseryoso sa pag-nonobyo. Tumungga ulit siya ng vodka.
"Huwag kang killjoy Matt. I am fine." she smiled sexily at him. Tumayo siya bigla then hinila sa kamay ang binata.
"Lika sayaw tayo." aya niya.
Medyo nangiti naman si Matt then sumama na ito sa dance floor.He wants to be close to Pat.
"My lucky night." bulong nito kay Pat nang naging mellow ang tugtog. Hinapit nito si Pat sa bewang. She wrapped her arms around his nape.
Tumutugtog ang Photographs by Ed Sheeran.
"Walang malisya ha?" biro niya kay Matt.
Matt chuckled. "Angel.."magkalapit ang mukha nila.
"Matt! "iniwas ni Pat ang labi niya nung akmang hahalikan siya. His kiss landed on her cheek.
"Di ba sabi ko sayo huwag kang ganyan?" medyo inis na sabi ni Pat.
"Sorry angel." sincere na sabi nito.
"Mabuti pa upo na tayo."she suggested.
May mga gustong makipag-sayaw sa kanya pero binabakuran siya ni Matt. Nag-uumpisa ng mainis si Pat. She wanted to have fun tonight and he is being a spoilsport. Nung mapansin niyang may isang mestisuhin ang lalapit sa kanya, siya na mismo ang tumayo para salubungin ito. Sumimangot si Matt .
Nakadalawang tugtog sila ni Drei bago siya nagpahatid sa lamesa nila. Kunot na kunot ang noo ni Matt habang busy naman si Jenna sa pakikipag-usap sa kasama nito.
"Mamaya ulit ha?" sabi ni Drei bago umalis. Pat smiled.
Walang tigil ang pagtungga ni Matt sa beer. Pat raised her left brow.
Nagsalin siya ng vodka. "Akala ko ba ako ang nakakarami na?"she joked.
He didn't look at her .Inubos nito ang beer then kumuha ulit ng bago na nasa lamesa.
"Enchong! Kaya pa ba? Last time super nalasing ka na. Tama na yan." saway ni Jenna kay Matt bago inilayo ang bote.
"Designated driver ka so tama na." Pat said then giggled.
She touched his hand on the table. "Sige na! Hindi na ako makikipag-sayaw sa iba! SELOSO!"biro niya.
So ganun na nga ang nangyari. Hindi na nakipag-sayaw si Pat sa iba. Alak na lang ang inatupag niya. Hindi na din uminom si Matt. Sinasaway niya si Pat pero matigas ang ulo .Ayaw naman nitong masyadong piliting tumigil na sa pag-inom baka magalit pa sa kanya ang dalaga.
"Girl! You look wasted. Awat na!" tumayo si Jenna and inilayo ang alak kay Pat.
"I'm okay! " Pat said bago sumubsob ang mukha sa lamesa.
"Angel!" naiiling na tumayo at nilapitan siya ni Matt.
"Jenna, ihahatid ko na siya. Balikan na lang kita." He said told Jenna.
"Kaya mong mag-drive?" tanong nito.
"Oo naman! Naka dalawang beer lang naman ako." nakatawang sabi ni Matt.
"O sige. Huwag mo na akong balikan. Ako ng bahala." pilyang ngiti nito as she looks at the man she met.
"Sigurado ka?"
"YEP!" hinarap nito si Pat na mukhang nakatulog na sa lamesa nailing ito.
"Sige na buhatin mo na siya, eescort namin kayo ni babe ko palabas." nakangiting sabi ni Jenna.
Ang sakit ng ulo niya. Ito yata ang tinatawag na hangover. She moaned. She opened her eyes then saw an unfamiliar room. Medyo madilim.
She tried to sit up habang sapo ang noo. Ngayon lang siya nakaranas ng ganito. Ni wala siyang maalala masyado. Ang alam lang niya binuhat siya ni Matt.
She suddenly felt cold. She shivered. She looked down on her body.
OMG! She realized that she is only in her undies. She covered herself with the sheet. Anong nangyari? Then one thing struck her!
"Matt!!" galit na sigaw niya.