Chapter 13

Halos isang linggo rin nang maging babad ako sa trabaho, mukhang mas nakatulong sa akin ang pagkakaroon ng maraming oras sa opisina lalo na sa pakikipag-usap sa iba't-ibang mga kliyente at negosyante. Hindi ko masasabing maayos na ang kalagayan ko pero unti-unti nang gumagaan ang nararamdaman ko, parang limot ko na ang mga nangyari noon.

And thanks to Sevein. Good thing that he always there. He always cheere up, everytime I felt downcast.

Nakangiting sinilip ko si tito na abala sa pakikipag-usap kay Engr. Gabriel. Nawala lamang ang ngiti ko nang makaramdam na naman ako ng kakaiba sa lalaking iyon.

I hate my mind.

Alam kong masamang pinag-isipan ng masama ang mga taong hindi ko naman kilala. Nag-iingat lang ako, lalo na't hinuhuli ako ng mga tingin ni tito. Madalas siyang magtanong tungkol kay Fred, at halos hindi ako makaimik kung sumagot. Iniiba ko ang usapan at hangga't maaari ay magiging interesado siya roon.

That's my routine.

"Nakauwi na raw ang kapatid mo galing seminar. Pwede mo siyang yayain." Sinara ni tito ang folder saka tumingin sa akin.

Ramdam ko ang pagtingin ng engineer sa akin ngunit hindi ko iyon pinansin, nang isara nito ang pinto ay saka ako naupo. Ngumiti lang ako at saka tinitigan ang picture frame kung nasaan kaming apat. Kung saan isang taong gulang pa lang kami na katabi ni tito, at ang isang litrato noong labing walong gulang na kami.

"I try? Baka magpahinga lang po yon dahil kauuwi nga lang niya. Baka po magalit na naman," bulong ko na kinunotan niya ng noo.

"Kung sabagay. Si Veron, baka gusto niya, better to ask her," utos nito na nginitian ko agad.

Hindi na ako nagdalawang-isip na tanungin si Veron, at agad din siyang sumagot. Mas lalo pa akong natuwa dahil pupunta na siya sa mansyon. Nang maka-alis na kami sa opisina ay sinadya naming dumaan sa grocery store upang pagbilhan si Nikasha ng kape at mga prutas. Ayaw man ni tito na uminom si Nikasha ng kape ay wala itong magawa dahil nasa sistema na iyon ni Nikasha. Binibilhan na lang siya ni tito ng mga pagkain na maraming bitamina.

Pupunta sana kami sa bahay nito nang mabalitaan namin na nasa mansyon si Nikasha. Matamis kaming napangiti ni tito at agad na binilisan ang pagmamaneho. Bihira lang siyang pumunta roon, at kung minsan pa ay mainit ang ulo. Kahit si tito ay hindi niya kinakausap ng matagal si Nikasha kapag wala ito sa mood.

"Kapag sumama siya, ibibili ko ang gustong bag ng isa," mahinang saad nito na tinutukoy si Veron at sa bag na gustong-gusto niya.

Napakunot naman ako dahil hindi ko alam kung pustahan ba iyon.

"Paano po kung hindi?"

"There's no bag." Natawa pa ito saka iniliko ang kotse at magbukas ang malaking entrada.

Maya-maya pa ay bumaba na kami, iniwan na lang namin ni tito ang pinamili at saka pumasok sa loob. Bumungad sa amin si Veron na may kausap sa telepono, kumaway ito at saka humalik sa amin.

"Nandito yong isa. Nasa kwarto niyo siguro," sabat agad ni Tita Ezra.

Tinanguan na ako nito senyales na gawin ang pinapagawa niya. Hindi nga ako nagkamali sa kutob ko. Nakatagilid ito, yakap ang isang unan at balot na balot ng kumot ang katawan. Magulo ang buhok nito ngunit kitang-kita pa rin ang maamo niyang mukha. Nagiging maamo lang siya kapag tulog.

Nag-dadalawang isip pa ako kung gigisingin ko ba ito o hindi na lang. Alam kong pagod siya, kaya malalim ang tulog niya. Nagpalit na lang ako ng damit at saka lumabas ng kwarto. Imbes na bumaba ay naglakad-lakad lamang ako sa itaas, papunta sa terrace roon.

Dinama ko lang ang malamig na hangin na nagmumula sa bukas na malaking bintana kung saan kitang-kita ang hasyenda. Niyakap ko ang aking sarili at saka muling huminga nang malalim. Sana lagi na lang ganito. Ayokong maging negatibo kahit sa ganitong paraan ay mas lalo akong maging maayos.

Natigil ako sa paglalakad dahil sa isang pamilyar na maliit na kuting. Pinaglalaruan iyon ni Jairo, at halatang sinusundan siya nito. Nakakapangselos dahil hindi ko na masyadong naaalagaan si Sero. Si Jairo lang kasi ang madalas na umuwi rito dahil siya ang nagbabantay sa iba kong mga tita.

"You look like a princess in the castle, while waiting your prince charming to save you to that the wild dragon," mahinang boses na nanggagaling sa aking gilid na nakatingin sa tinitingnan ko.

"Sero is a dragon? That's cute. But Jairo is my prince, nah!" Natatawang saad ko na ikinatawa rin ni Kelly.

Lumapit ito sa akin at kitang-kita ko ang manipis niyang damit dahilan para hanginin ito nang kaunti, medyo halata rin ang suot niyang panloob sa itaas, mabuti na lang at naka-maong ito. Mas lalo pa akong naging interesado sa mga tinginan niya dahil sa suot niyang bracelet. Hindi niya pa rin inaalis.

"Bakit parang ang saya mo ngayon?" ngiting tanong ko.

Imbes na sumagot ay yumakap ito mula sa aking tagiliran, sinasalo lang namin ang malakas na hangin dito sa terrace, pati ang nakahilerang puno ay sumasayaw rin.

"Your bracelet, is an amazing thing that I have," bulong nito saka ipinakita ang suot niya.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. It is. An amazing gift that I had.

"How do you say so?" panghahamon ko saka niya ako nilagyan nang kaunti.

Tumitig ito sa sa ibaba at saka napangiti na lang. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang kasiyahan, kailan ko nga ba siya ulit nakitang ganyan? Alam ko naman na pilit lang ang ngiti niya noon, at ayoko nang maulit iyon.

"Magmula nang ibigay mo sa akin ito, pakiramdam ko, buo lagi ang araw ko. Ang daming magagandang bagay na nangyari sa akin, at isa pa, may isang lalaki na hindi ko inasahan na magsasabi nang gano'n sa akin," mahinhing sabi nito saka tumingin sa akin.

Nawala ang ngiti ko. May kung ano sa akin na nakakaramdam ng inggit, pero diba, ito ang gusto ko para sa kaniya? Ang makita siyang nakangiti.

Umayos ako ng tayo, ipinatong ko ang aking mga braso sa haligi ng terrace at saka siya tinitigan nang maiigi.

"Lalaki? Kelly, madala ka na sa mga nangyari sa inyo no'ng pilotong iyon. Hindi naman masamang mag-ingat, lalo na't kakahiwalay ninyo lang," bulong ko.

Panay pa ang tingin ko sa hagdanan kung may daraan doon at sa magkabilang pasilyo. Matatalas pa naman ang tenga ng mga tao rito.

Napansin ko ang pagtamlay ng mata ni Kelly ngunit nananatili pa rin ang kanyang ngiti.

"I-I know, but trust me, Ren. Hindi na ako magkakamali sa pagpili ng lalaki ngayon," ngiting sabi nito na hinawakan ang aking kamay at idinikit iyon sa kaniyang pisngi.

Sensiridad, at paghahanap ng suporta ang nakikita ko sa kaniya. Wala namang problema sa akin iyon pero ayokong maulit ang mga nangyari noon. Nakakahalata na ang mga magulang niya sa amin lalo na si Keus na panay ang tanong ko mayroon bang nobyo ang kapatid niya.

"I'll support you, no matter what happen," bulong ko dahilan para yakapin niya ako.

Nakakabigla man dahil sa mga ikinikilos niya ay wala akong ibang ginawa kundi ang suportahan ang gusto niya. At kung saan siya masaya. Kumalas ako sa pagkakayakap saka huminga nang malalim.

"May relasyon na ba kayo ng dalawa?" tanong ko na dahan-dahan niyang inilingan.

"We're dating? Hmm, almost one month? Matagal ko na rin naman siyang gusto, and I guess, magugustuhan mo siya para sa akin, gano'n na rin sila Mom a nd Dad. Hindi ko nga lang siya kayang ipakilala dahil siya ang nagsabi na kakausapin niya ang parents ko," masayang sabi nito na halos namumula na ang buong mukha.

I don't want to say that she's lucky, because it's too early. Umaasa ako na sana, kung sino man ang lalaking banging dahilan kung bakit siya naging masaya ng ganito, sana siya na nga.

"We'll, I don't want to break your emotion. Mangako ka sa akin na hindi na mauulit yon, at ipapakilala mo siya rito sa mansyon," panlalaki ko ng mata na tinawanan niya.

Tumango ito saka ako muling niyakap.

"Ipapakilala ko siya sa 'yo, soon. Thank you, Ren. You are the best."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.