Chapter 14

Habang nag-iimpake ng mga gamit ay hindi ko maiwasang mapatitig kay Nikasha. Tulala ito sa bintana at halos hindi na makakurap at hindi man lang iniinda ang init ng tasa na kaniyang hawak. Base sa usok nito ay walang tigil ang pagsingaw nito.

Nang maisara ko na ang zipper ay agad akong umayos ng tayo at nilapitan ito. Napansin niya ako kung kaya't mabilis siyang tumingin sa akin at pilit na ngumiti.

"Hmm, ilang beses ka ba nagkakape sa isang araw?" wala sa sariling tanong ko kaya napakunot ito.

Gusto ko sanang bawiin iyon pero narinig ko na ang kaniyang tinig.

"Tatlo? Depende," mahinang sagot nito.

Sobrang tamlay ng kaniyang katawan, hindi naman halata na namayat ito pero hindi malabo iyon dahil marami siyang karamdaman.

"Alam mo bang masama yan? Nililimitahan mo dapat ang pag-inom niyan. Isa siguro yan sa dahilan kung bakit hindi ka nakakatulog nang maayos."

"Pero dito ako kumakalma. Pakiramdam ko, nababaliw na ako sa dami nang naiisip ko," seryosong saad nito saka sumiim ng kape.

"A-Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ko.

Umiling lang ito saka ko narinig ang matunog niyang pagngisi.

"Walang makakaintindi sa akin. Kahit ikaw, hindi mo ako maiintindihan," ngiting sabi nito saka tumayo. "Hindi ako sasama sa inyo. Mag-ingat na lang kayo," pahabol nito saka sinara ang pinto.

Bigong tumingin ako sa pinaglabasa ng kapatid ko saka naisandal ang likuran sa dingding. Paano namin siya maiintindihan kung hindi man lang siya nagkukwento sa amin? Pinipilit niyang sarilihin ang lahat.

Yes, she is the strongest person that I've ever known. Pero hindi ibig sabihin no’n, hindi na niya kami kailangan. May parteng mahina siya, at iyon ang pilit niyang tinatago sa amin.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa ibaba. Ang iba roon ay nakahanda na para sa pupuntahan namin, ang iba ay pwedeng sumama para magbakasyon, pero negosyo ang pakay namin sa pupuntahan namin. Pwede rin akong makapagpahinga roon habang nagtatrabaho.

Nang makita ko na si tito na nakabihis na ay sumenyas na ito sa amin. Si Veron pa ang naunang pumunta sa sasakyan habang ako ay sinusuot pa lang ang sapin sa paa. Nakatitig lamang ako kay Nikasha na malayo ang tingin habang hawak ang isang ballpen. Nilapitan siya ni tito at may binulong na kung ano na nginitian lang ng kapatid ko.

Naging tahimik ang byahe, makulimlim nga lang ang ulap na mukhang uulan na naman ng malakas. Isang beach resort ang pupuntahan namin at alam kong iyon ang pinakagusto ni Veron, na walang ibang ginawa kundi ang magtanong nang magtanong. Habang ako ay pinagaaralan ang huling outline na paguusapan para sa mga kailangan namin ni Mrs. Aiva.

"Crush mo si Sevein, diba, Ren?"

Isang tanong na nagpakabog sa aking puso. Literal na hindi ako makagalaw dahil sa tanong na iyon.

"Huy Zeren, diba?" pag-uulit nito kaya ako napalingon sa akong likuran.

"Ha? Bakit?" sagot ko na patanong sa kaniya.

Ngumuso ito at saka muling tumingin sa selpon niya. "Wala lang, naalala ko lang yong binulong mo sa akin no'ng hayskul tayo,* seryosong saad nito.

Dahan-dahan akong tumalikod sa kaniya at napansing hindi man lang ako nilingon ni tito. Hindi ko na lang binigyan ng ibang ibig-sabihin iyon dahil wala naman akong mapapala at puro pang-aasar lang. Ayoko rin namang sabihin ang totoo dahil alam naman nila. Hindi nga lang ako katulad niya na masyadong bulgar.

Nang matanaw na namin ang pinaka-entrada ay umayos na ako ng upo para sa pagbaba. Natanaw na namin ang kliyente ni tito na kasama ang asawa't anak nito. Nang makababa kami ay sila ang lumapit sa amin at ilan sa mga tauhan nila upang kunin ang aming gamit.

"Mr. Ficarro!" masayang tawag nito at napahinto pa dahil sa pagdatingan ng ibang sasakyan. "Ayan ang gusto ko, marami! Nasaan ang isa?" pagtutukoy niya kay Nikasha.

"She have to rest. You know, a teacher," sagot ni tito na tinanguan niya.

"Well, let's have a lunch."

Nakipag-usap pa ito sa iba lalo na sa mag-asawang Roux, na naging business partner nila. Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa ganda ng lugar. Eco friendly kung titingnan. Combination of brown and green ang mga nakatayong instalment. Nasa magkabilaan ang mga bamboo tree, na sobrang taas pa. Pagkarating namin sa dulo ay roon bumungad ang maganda at halos hindi matanaw ang hangganan ng dagat.

Natapos ang buong pananghalian namin at nagpahinga sa isang kubo. Modern Nipa Hut to be exact. Aakalain mong nasa isang liblib na lugar ka. Ito ang tipo ni Nikasha, kaso wala siya.

Ang ibang pamilya ay nasa kabilang kubo at mukhang may ibang pinagkakaabalahan. Habang kami ni Veron ay hati sa iisang kwarto, at si tito ang sa kabila.

Gano'n na lang ang panlalaki ng aking mata dahil sa paglabas ni Veron mula sa Cr.

"Hey! Look, nasisilipan ka," saway ko rito dahil sa kaniyang suot na brown lace bikini.

Nakangiting umikot ito saka tinitigan ang sarili sa salamin. Litaw na litaw ang hubog ng katawan nito, hindi masyadong kalakihan ang pang-upo nito pero bumawi naman siya sa dibdib. Maliit lang din ang bewang at balakang niya.

"Kumalma ka nga. May bikini bang hanggang talampakan? At saka, nandito na tayo oh, sulitin na natin. Tara na, maghubad ka na," utos nito saka sinuot ang manipis niyang cover up.

"Anong isusuot ko?"

"Kung ayaw mong mag-ganito, suotin mo na lang yong maong na short mo, tapos hubarin mo yang polo mo. Mag-bra ka na lang. O diba? Ang galing," ngiting sabi nito saka kumuha lotion.

"Mamayang hapon na lang ako, magpapahinga na lang siguro muna ako."

"Eh? Hay naku. Bahala ka r'yan, ipagkakalat ko ang aking kagandahan at maglalaway sila sa akin. Tapos mamahalin na ako ni Zaffiro my labs," pagmamalaki nito saka ako iniwan sa kwarto.

Wala akong ibang nagawa kundi ang matulog at ipagpahinga ang aking utak.

Naalimpungatan ako dahil sa pangangalay ng aking hita na nakabaluktot. Dahan-dahan akong tumayo at nahagip ang sumbrero ni Veron sa couch.

"Tito? Veron?" tawag ko nang makalabas ako ng kwarto.

Nandoon naman ang mga gamit namin. Sumilip ako sa bintana at napansin medyo madilim na. Natanaw ko naman si Zaffiro, na nakikipag-usap sa batang mukhang nasa dalawang taong gulang pa lang. Nagpasya akong ayusin ang aking sarili at lumabas ng kubo. Naka-maong lang ako at inalis ang aking pang-itaas. Kinuha ko lamang ang manipis na floral chiffon kimono.

Malamig ang kumpas ng hangin, halos yakapin ko na ang sarili ko habang tinititigan ang paligid. Maraming bumbilya ang nakapalibot sa lugar na mas nagpaganda pa. Rinig na rinig ko ang malalakas na alon. Dahil wala naman akong makasama sa paglalakad ay pumunta ako malapit sa dalampasigan at saka roon naupo.

Sapat ang layo ko sa alon na minsang sumasagi sa pinong buhangin. May mangilan-ngilang lumalangoy, ngunit mas marami ang mga naglalakad. Pinagmamasdan ko lang kung paanong lamunin ng malaking ulap ang mga bituin.

Napapikit na lang ako at hindi iniwasang ngumiti, ang sarap halikan ng isang malamig na hangin. Paniguradong dito ako makakapag-isip ng maayos at makakalimutan pansamantala ang ibang problema. Masyadong maganda ang paligid upang isipin ang mga iyon, masyadong kalmado ang mga alon para magulo ang utak ko.

"Pwede kitang tabihan?" tinig ng isang lalaking mula sa aking gilid.

Ngumiti ako rito saka tinapik ang Jannah bahagi ko.

"Oo naman," sagot ko sa lalaking walang ibang ginawa, kundi ang dumating sa tuwing kailangan ko siya.

Masyadong tikom ang bibig ko, ngunit nagkakagulo na ang mga kabayo sa pagtakbo sa aking puso.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.