Chapter 31

Nakaupo lamang ako at nakasandal sa malambot na bagay. Pinagmamasdan ko lang ang mga punong nagsasayawan dahil sa lakas ng hangin at ang mga bangkang unti-unting naiipon sa gilid ng pampang.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal dito. Nakapagtataka lang dahil kilala na ako ng iba pero ngayon ko lang din sila nakilala. At mas lalong hindi ko alam kung paanong nangyaring nasa hospital ako gayong kaaalis ko lang ng mansyon para pumunta sa islang tinutukoy ni tito. Para na rin mahanap ang kasagutang sinasabi ni Jairo.

Ngunit ang hindi ko makalimutan ay ang presensya ni Fre—

"Ma'am? Tara na po Ma'am, binihisan ko na kayo."

Isang boses ang nagmumula sa aking gilid at nakangiting may hawak na maliit na batsa at tuwalya. Napangiti ako at saka dahan-dahang inayos ang pagkakaupo.

"Kailan kaya ako makakalabas dito?" tanong ko sa kaniya habang pinupunasan ang aking katawan.

"Ay! Bawal pa po Ma'am, e. Sinabihan po ako ni Sir Jai, na huwag daw muna kayong palabasin, pati rin po si Sir Zenos, matatanggal daw ako sa trabaho kapag pinalabas ko po kayo." Pagngunguso nito na ikinatigil ko.

"A-Ah, ganoon ba. Okay, sure."

Napabuntonghininga na lang ako dahil puwedeng maalis si Faith sa trabaho kapag sinunod niya ang gusto ko. Konsensya ko pa dahil nagpapaaral siya ng mga kapatid. Nanatili na lang ako sa loob at hinayaan so Faith na asikasuhin at palitan ako ng damit, wala namang problema sa akin ngunit siya itong naiilang kahit na parehas kaming babae.

"Faith? Ano bang nangyari sa akin? Wala talaga akong matandaan maliban sa pag-alis ko sa mansyon, para pumunta sa Agustin," tanong ko sa gitna nang pagpapakain niya sa akin.

"Ma'am, ilang buwan na po ang nakalipas mula no'ng umalis ka sa syudad. Tatlong buwan na po kayong nandito sa Agustin, halos kilala nga po kayo ng mga tao rito e, so bale ang nangyari po, nakita po kayo ni Sir Fred, na natabunan ng bangka, sobrang lakas po ng alon non at may bagyo rin..."

Nangunot ako sa mga sinasabi niya at bahagyang napapangiwi dahil sa sakit ng ulo. May kung anong kumikirot sa akin.

"Nagkita na po pala kayo ni Sir Fred, dito. May nasabi po ba siya kung bakit siya umalis?" tanong nito kaya umiwas ako ng tingin.

Alam ko sa sarili ko na ako ang dahilan kung bakit siya umalis. Dahil sa galit at inuna ko ang aking emosyon kaysa sa mag-isip kung ano ang puwedeng mangyari. Ang kaba ko at takot at muling nagbalik at ang pagnanasa na humingi ng kapatawaran sa kaniya, sa mga magawa ko. Hindi ko lang maintindihan kung bakit nandoon si Fred sa hospital na iyon at mukhang dito rin siya nakatira base sa suot niya.

Nanatili na lang akong tahimik kahit na magulo ang aking isipan. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga bahay na hindi ko naman alam at kinatatakutan kong sagutin.

Madilim na ang paligid ngunit wala pa rin sila Faith at Jairo, gustuhin ko man maglakad ay hindi ko pa rin kaya at kumikirot pa ang aking balakang. Paggapang lang ang kaya kong gawin at tiisin ang sakit ng ulo. Para akong lumpo.

Sa kalagitnaan ng paghihilot ko ng aking paa ay agad na kumalabog ang pinto. Ngunit wala naman akong kaba at takot na naramdaman kaya hindi ko na lang pinansin iyon. Muli na namang naulit ang katok ngunit mas mahina na iyon.

"Zeren?" malalim na boses na sabi nito.

"Come in, it's okay," sagot ko at muling hinilot ang aking hita.

Ngunit sa dahan-dahan na pagbubukas non ay bumungad sa akin ang isang lalaking matagal ko nang hinahanap. Nakasuot ito ng panjamang itim na mukhang maluwag sa kaniya, pulang long sleeve at may bitbit na nakatuping swivel chair.

"F-Fred," tawag ko sa lalaking umiiwas ng tingin sa akin at inilapag ang hawak niya.

"Aalis din ako. Baka mamaya pa maka-uwi sila Jairo dahil hindi pa tapos ang meeting sa kabila," sabi nitong hawak ang door knob at saka mabilis na lumabas.

"T-Teka lang!" pagpipigil ko dahilan para mapahinto ito sa dapat na pagbaba.

Mabilis akong napahawak sa aking balakang dahil sa pagkirot nito. Naikagat ko na lang ang sariling labi at napasandal sa dingding dahil sa hapdi.

"Z-Zeren! A-Ayos ka lang?"

"G-Gamot." Pagtuturo ko sa aparador kung nasaan ang boteng maliit.

Agad niya iyon kinuha at ibinigay sa akin. Binuhos ko ang kaunting likido at sinikap na ilagay iyon sa aking tagiliran, at hinimas iyon nang hinimas habang unti-unting mabawasan ang sakit.

Doon ko lang din napagtanto na nasa harapan ko si Fred at nakaluhod, nakatingin ito sa aking tagiliran at kitang-kita sa mata ang taranta nito. Ang mga kamay niyang nanginginig hanggang sa mapatingin ito sa akin. Pinagpapawisan ito at animo'y hinihingal pa.

"S-Salamat," bulong ko at pinilit na ngumiti sa kaniya.

"S-Sorry, kasalanan ko," bulong nito habang titig na titig sa akin.

Garagal ang boses nitong parang iiyak na. Ang mga mata nitong unti-unting nagkakaroon ng likido at ang bahagyang pagkuyom ng mga kamao.

"Wala ka namang ginawang masama. Ikaw raw ang nagdala sa akin sa hospital, kaya salamat. Hindi ko man maalala kung anong klaseng aksidente ang nangyari sa akin, salamat pa rin. P-Pasensya na sa abala," bulong ko sa huling parte.

Nangunot ang noo nito at halos kagaya ni Jairo ang itsura, naguguluhan at nagtataka sa aking mga sinasabi. Unti-unti siyang napaupo sa harap ko at bumuntonghininga.

"W-Wala ka bang maalala?" tanong nito na inilingan ko.

"Maalalang ano?"

"Na pumunta ka sa isla para kausapin ako. Na tinaboy kita at sinigawan, pwinersa kitang paalisin sa isla kahit na malakas ang alon at may bagyo. Na ako ang may kasalanan bakit ka nagkaganyan," gulong-gulo na sabi nito at titig na titig sa aking mata.

Hindi ko siya maintindihan. Wala akong maalala na gano'n ang nangyari sa akin. Una ko lang ulit siyang nakita sa hospital at wala ng iba. Hindi ko ginawa ang mga bagay na iyon.

"I don't know Fred... W-Wala akong maalalang ginawa ko yan." Umiiling na turan ko.

Nakatitig lang siya sa akin at paulit-ulit na tumango. Muli ko siyang pinagmasdan at mukhang ito na ang pagkakataon ko para maka-usap siya nang maayos. Gusto kong linawin lahat at ipagtapat ang totoong nangyari noon.

"Fred, 'yong tungkol nga pala sa mga nangyari last year sa cruise shi—"

"Magpahinga ka na. Nasa pampang na sila Jairo. Mauuna na ako," malamig at mabilis nitong saad at agad na lumabas sa lugar ng kinalalagyan ko.

Napamaang ako sa ginawa niya. Hindi ko inaasahan na gano'n ang mangyayari lalo na't gusto ko lang naman siyang makausap. Bukod sa pangingirot ng aking ulo at dumagdag ang aking puso. Lubos akong nasaktan.

Mas masakit pa ang hindi niya pagkinig sa akin kaysa sa nalaman kong pagkakaroon ng relasyon nila Kelly at Sevein. Bakit ganito ang epekto ng ginawa niya? Gusto ko siyang tawagin at magmakaawang pakinggan ako ngunit mas pinili niyang umalis. Isinara nito ang pinto gaya ng ginawa ko noon.

Ganito ba siya gumanti? Bakit napakasakit naman ata? Siya lang ang lalaking tinalikuran ako ng ganito. Hindi ako magsasawang humingi ng tawad sa kaniya. Lalo na kung ako ang dahilan kung bakit nasira ang buhay niya.

Babawi ako Fred. Pagbigyan mo lang ako.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.